Thursday, January 24, 2013

Tale of Ethanica : Chapter 1

Chapter 1


- RINOA'S POV-



 PLACE: Moreidman University


"Hi Rin! Kamusta?" Tanong nung lalaking nakaupo sa may bench.

"I'm good. Thanks!" 

"Bye Rin! See you tomorrow!" Sabi naman nung isa pang lalaki.

"Bye!"


Oha? sikat na sikat ako sa school Wahaha! Ganda ko kasi! Sige, ako na ang nagdadala ng sariling bangko.  XD


"Oy Rin Sanchez maghintay ka nga!"


"Oo nga.. san lakad mo at bakit ka nagmamadali?"

 Eto na ang dalawa kong best friends na naglalakad papalapit sa akin. Si Tania at Danica.. mababait ang mga yan pero may mga pagka-loka loka.


"May lakad pa ako para hanapin si Prince Charming~~" I whistled. 

"Your love life is so sad best friend." Tania commented. 

"Anong sad? Eh ang dami kaya nyang manliligaw! Pihikan lang kasi.. masyadong maarte!"

"Hay nako, tigilan nyo nga akong dalawa ok? Eh sa ayoko sa mga manliligaw ko.. gusto ko si Prince Charming. yung may spark!"

"May pa-spark spark pang nalalaman.. Masabi nga sa mga boys na maglagay ng lightning effect wahaha!"

"Not funny Danica." I rolled my eyes at kinuha na ang mga gamit ko sa locker. 

My best friends and I all have the same age. We're all 17 years old pero funny enough, mas matanda ako sa kanila dahil malapit na din naman ang birthday ko. We all have the course kaya pare-pareho ang mga subjects namin. Sa homeroom lang kami nagkahiwa-hiwalay. Tania and Danica are like sisters to me. :)

"Rin, pupuntahan mo ba ang parents mo?" Tanong ni Tania.

I chuckled as I close my locker. "Actually dun nga ako pupunta ngayon haha! Kuya Jayson is gonna pick me up."

Last month, nung susunduin sana ako ng parents ko para mag-celebrate dahil may new project na naman si Dad, hindi inaasahan silang ma-involve sa isang accident. The accident killed several people and leaving my parents lock in a coma. Simula nun, hindi pa sila nagigising. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. She can't lose them.. not them who loved and showed her the true meaning of family. She would keep hoping; for her and her brother.


"Anyway Tania, got another date?" I asked her.

Tania giggled as she put her stuff in her back. "Yeah. 6pm tonight." She closed her locker and turned to us. "So, see you both tomorrow?"

"Sabay na ako sayo Tan." Sabi ni Danica. "Bye Rin! Mwah!" They both waved and went.


Nakakainggit si Tania.. Laging may date. Haha ako na bitter~ di bale, mahahanap ko din naman ang para sakin eh *u* Pero swerte ni Tan kasi ang ka-date nya ay isa sa varsity players ng school. Si Lucas Perez of senior devision. They have been dating for a year now. Lucas is the son of Dad's partner in business. Lucas and I had been friends since we were kids. Tanda ko pa nung inimbitahan kami sa party nung parents nya, sinama ko sila Tania and Danica. So yun ang first time na nagkakilala sila ni Tania and eventually fell in love with each other. They said it was love at first sight. But in a way, pasalamatan dapat nila ako dahil ako ang dahilan kung bakit sila magkakilala ngayon. Dba? haha! 

Dismissing the thought about them, naglakad na ako palabas ng building at nakita ko si Kuya Jay na nakasandal sa kotse nya.


 "Hey." He smiled nung makita ako.

"Heeey!" I smiled back.

"Kamusta yung audition?" Tanong nya.

Lokohin ko nga muna sya. Hahaha XD 

I acted as she I didn't know what he was talking about. I gave him a blank look and then he sighed. "Yung audition mo kamusta?" Tanong nya ulit.

"Oh." Nawala kunwari ang ngiti ko at nag-sad face, sabay iwas ng tingin. 

My look fortunately gave him an answer. "Bingi ba sila oh ano?" Sabi nya at halatang inis na. "Hindi nila alam pumili ng isang talented student! Halata naman na napaka-ganda ng boses mo!"

Kita ko talaga sa expression nya na sobrang inis na sya. Hwahah pwede din pala ako mag-audition sa drama club! XD But anyhow, this is why I love my brother. Super caring nya! :)

Naglakad ako papunta sa passenger's seat ng sasakyan at pumasok sa loob. "Tara na." I told him. 

Nakakunot pa din ang noo nya at pumasok na din sa driver's seat. 

"Calm down Kuya. Don't make a fuss out of it." I said.

"At bakit hindi?" He frowned even more. "Hindi.... Hindi ka nila pinili!!"

Hahaha! he couldn't even finish the sentence properly! Grabe, dami kong tawa! XD

Umiwas ako ng tingin at nagpipigil ng tawa. Pero hindi ko nakayanan at humagalpak na ako kakatawa hanggang sa sumakit na ung tiyan ko.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong nya.

Tumatawa pa din ako nung sinagot ko sya. "Oh Brother~ I love you too!"

"Shut up Rin." He said, starting the engine of the car. "Paano ka pa nakakatawa kung natalo ka naman sa audition?"

"It's not really a big deal IF I really lost, you know.." Napapa-english na ako wahaha! "Pero wala naman akong sinabi na natalo ako eh~"

Nung una, hindi sya gumalaw.. then at last, tumingin sya sa akin. "Ibig mong sabihin napili ka?!" 

Tumango ako. Nag-glare sa akin si kuya at halatang nainis hindi dahil natalo ako or what pero dahil niloko ko sya..

"wahaha sorry Kuya, priceless naman kasi yung reaction mo eh!"

Without a warning, hinawakan nya ang mga kamay ko at nakangiti ng napakalaki. "Mabuti kung ganun! Inexpect ko talaga na ikaw ang magiging new lead singer ng Moreidman University dahil ang ganda ng boses mo." Pinisil nya ang mga kamay ko. "Congrats! But just remember that I'm getting you for this, little sister."


I chuckled. "Uy english yun Kuya ah! Hahaha! I'll wait."


Kahit na hindi kami magkadugo ni Kuya, tinuturing pa din namin ang isa't isa like real siblings. Isa syang tunay na Sanchez, ako hindi. Ampon lang ako sa pamilya. Since I was a kid sinabi na nila sa akin yun and I appreciated their honesty. Pero kahit na hindi ko sila kadugo, mahal na mahal ko sila dahil hindi nila ako tinuring na iba. Tinuring nila ako bilang isang tunay na parte ng pamilya. Kahit na minsan nacu-curious ako sa past ko.. kasi wala akong maalala eh. Kahit isang memory man lang ng tunay kong pamilya, wala akong matandaan. Kinupkop kasi nila ako nung mga 8 years old daw ako.. yun lang ang alam ko tungkol sa akin-- kung ilang taon ako, and the rest? nakalimutan ko na lahat. I think na forgetting about it and live the rest of the future with her new family, who loved her, might be a good thing to do. 


///

PLACE: St. Joseph Medical Centre


Binuksan ko ang bintana sa loob ng kwarto ni Mommy. Umupo ako sa upuan across her bed. Nandun lang sya, nakahiga at walang malay. More than a month na syang nakahilata dito at ang sakit panuorin. Ganun din ang feeling kapag napapalit kami ng pwesto ni Kuya Jay at si Daddy naman ang binabantayan ko. I hated seeing them like this.

Kinuha ko yung isang kamay ni Mommy at pinisil yun. "Mom," Binulong ko. "May balita ako sayo. Lead singer na ako ng school namin!" I smiled. "At malapit na din ang birthday ko.. s-sana gumising na kayo ni Daddy nun."


Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na pumasok galing sa bintana. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong kumanta. May isang malaking parte ang music sa buhay ko mula pagkabata. Whenever I sing, I feel calm. I started humming a familiar tune but didn't know where it came from. Napaka-emotional ng melody nya. Saan ko nga ba narinig ito?

Bigla akong napatigil nung parang feeling ko merong nanunuod sa akin. Lumingon ako sa may pinto pero nakasara naman yun. May narinig akong kaluskos mula sa puno sa tapat ng bintana. Lumingon ako at may nakitang itim na pusa na nakatayo sa isang branch ng puno. Its yellow eyes were glaring at her as it slightly wiggle its tail. Tumayo ako at lumapit sa bintana.

Ayon sa pamahiin, malas daw ang bigay ng mga itim na pusa... pero psh! Mga old fashioned na ang mga naniniwala dun~ I love animals and it seems like they are also drawn to me ^_^

"Hello there," Sinubukan kong kausapin. LOL.

The cat never moved except for the wiggling tail. Nakatingin lang ito sa akin as if it wanted to tell me someething. After a few seconds, humikab ito at lumundag pababa ng puno at naglakad palayo.


///

Pagkatapos ng visiting hour sa hospital, deretso uwi na kami ni Kuya Jay. Noodles lang ang kinain namin for dinner pero parang feel ko mag-dessert  *u*

"Kuya bibili ako ng ice cream." Sabi ko habang sinusuot ang runners ko.

"Great!" He called out from the lounge.

Pumunta ako ng lounge at tumayo sa harapan nya, sabay lahad ng palad ko. Inalis nya ang tingin nya sa magazine na binbasa nya at tumingin sa akin.

"Ano?" 

Tumango lang ako sa palad ko at ngumiti. Hihi ^__^

"Pera? Bakit hindi mo gamitin ang sayo?"

"Damot mo! Hindi ko pa nakukuha ang sahod ko. Yung pera na nasakin baon ko na yun para bukas." :3

Nagbuntong hininga nalang sya at kumuha ng pera sa bulsa ng pants nya at binigay sakin. Bumalik sya agad sa pagbabasa ng magazine. 

"Anong flavor gusto mo?" Tanong ko sa kanya habang palakad na papuntang pintuan.

"Kahit ano. Ikaw na bahala." 


///

Sobrang dilim na sa labas habang naglalakad ako. But somehow, gustong-gusto kong naglalakad ng mga ganitong oras dahil napapanuod ko ang buwan at stars. Ang gaganda nila eh~ *u*

Nakarating na ako sa Milk Bar Shop at pumasok.

"Hi Rin." Bati nung lalaking nasa counter.

"Hello Dylan." I smiled. "Akala ko wala kang pasok ngayon?"

"Oo nga sana pero umalis si Aling Mercy para sunduin yung anak nya sa airport." Sagot nya.

"Oh? Ngayon na ba ang dating ni Zandra galing France??" 

"Oo. Ano nga pala gusto mo?" 

"Ice cream nga pala." Pumunta ako sa mga may fridge at binuksan ito. Kinuha ko ang Cookies n' Cream flavored ice cream. "And some chips na din." Pumunta naman ako sa may chips section.

Narinig kong nagbukas ang pintuan ng shop pero hindi na ako nag-bother na tignan kung sino ang pumasok. Busy kasi ako sa kakapili kung anong bibilhin ko :/

"Good evening." Narinig kong sabi ni Dylan.

"Greetings!" said a lively male voice.

'Greetings' daw? LOL! Napaka-old fashion naman nun.

Hmm.. Onion Rings or Potato Chips? Ano mas masaraaap? 

"Tayo na Tidus, wala dito si Maru." 

May narinig akong pangalawang boses at nagbukas ulit yung pintuan. 

"I am coming!" Yung Tidus ata yung nagsalita. "Farewell!" Then narinig ko ang pagsara ng pintuan.

Oh stuff it! Bibilhin ko nalang silang dalawa. Naglakad na ako papuntang counter para magbayad.

"Wow, ang weird ng mga yun ah." Sabi ni Dylan at humarap na sakin. "Bibilhin mo yung dalawang chips?"

"Yup. Hirap mamili eh! haha! Two chips and one ice cream~" Binigay ko na ang bayad as Dylan scanned the prices.

Pagkabigay nya sakin ng sukli, nakita kong napatingin sya sa bandang kamay ko. "Rin, nasan yung bracelet mo? Alam mo yung bracelet na laging suot suot at may naka-carve na pangalan mo?"

"Oh." I said and reached something from my pocket. "Ito ba?" Pinakita ko ang isang bracelet with pearls and a shard of red stone na may nakaukit na 'Rinoa' .

Natawa si Dylan. "Sabi na nga ba eh. Hindi ko pa nakikitang wala sayo yan."

Tama sya. Walang araw na hindi ko dala ito.. napaka-importante kasi nito sakin eh. Mula nung nagising ako sa ilalim ng bubong ng mga Sanchez at nung mga panahon na wala akong maalala, nakasuot na sa akin ang bracelet na ito. Sabi ni Mommy hindi ko daw matandaan ang pangalan ko nung makita nila akong walang malay sa may kalsada malapit sa bahay nila. Nag-report sila sa police pero walang may kakilala sa akin. Nakita nila ang bracelet na suot ko at nakita ang nakaukit na 'Rinoa'. So since then, they started calling me in that name and fully adopted me by giving me their surname.

Baka bigay sakin toh ng isa sa mga totoo kong pamilya. So it was very important for me to keep it.

.
.
.
Naglalakad na ako at malapit ko nang maabot ang main street nang may marinig akong bulung-bulungan na nasa park. Ano kaya yun? Gabi na tapos naka-tambay pa din. 

Nakatayo pa din ako sa the same spot kung saan ako tumigil. "Galaw galaw!" Pati mga paa ko kinakausap ko na >_< Eh kasi naman ayaw gumalaw at umalis na para makakain na ako ng ice cream eh~  Nacu-curious kasi ako kung ano yung mga nagbubulungan na mga yun. 

Instead of moving straight down the street towards my home, yung mga paa ko gumagalaw papunta malapit sa may malaking puno kung saan ko naririnig yung mga boses.

Saglit lang toh promise! Tapos aalis na din ako ><

"Kinabukasan na tayo magsisimula?" Tanong ng female voice.

I peeked behind the tree and saw five figures in the middle of the high grasses. Nakita ko ang babaeng may maikli ang buhok.. sya ang unang nagsalita kanina. She was the only girl in the group.

"Yes." sabi naman nung lalaki na I think may pagkaputi ang buhok. "We have to find her as fast as we can for they are also looking for her."

"True spoken." sabi naman nung lalaking may kulay pula ang buhok.

"Pero paano kung hindi sya sumama sa atin kapag nahanap na natin sya?" Tanong ulit nung babae.

There was a short pause, and then the guy who was leaning against a tree across where I was hiding, stood up straight and said, "Kung ganon, we do not have any choice but use force. Gagawin natin ang nararapat upang sumama sya sa atin."

Astigin nila magsalita ah~ Iba ang accent.. pati sa pagtatagalog, kakaiba talaga pakinggan.

Meron akong narinig na kaluskos na nanggagaling sa puno, at dahil sa gulat, napaatras ako. Pero wrong move, dahil sa pag-atras ko, nakatapak ako ng dry leaves and brances kaya naglabas yun ng ingay. 

"Ano iyon?" Narinig kong tanong ng isa sa kanila.

Waaah boplaks ka Rin!! Engot! Lagot ako neto >__<

Nanigas ako sa kinakatayuan ko at parang hindi na nga ako humihinga sa kaba eh!

After a short silence..

"We better go." Sabi nung isa at naglakad na palayo. Sumunod naman sa kanya ang iba until the were gone into they darkness of the street.

Nakahinga na ako ng maluwag nung umalis na sila. PHEW~ muntikan na yun ah!

Pero sino ba ang mga un? Some kind of gangsters?  

.
.
Nung palabas na ako ng park, may nakita akong isang small rabbit na malapit sa fence. It was staring at me. Eh? Anong ginagawa ng isang rabbit dito? Lumingon lingon ako sa paligid. Baka kasi merong may-ari sa kanya pero wala naman akong taong nakikita sa daan.

Lumapit ako sa kanya at binuhat ito. "Nawawala ka ba? Nasan ang owner mo?" I asked as if it was going to answer.

Nakatingin lang ito straight to my eyes.. katulad nung ginawa nung black cat kanina sa hospital. Napansin ko na ginagalaw nito ang tenga nya na para bang sinasabi nito na ibaba na sya. I put it down and it hopped. The rabbit glanced once again and left.

Ewan ko kung bakit pero I felt strange when I was looking at its eyes.. and at the cat's as well. Err.




4 comments:

  1. I saw the poster dun sa page nito.. Si Cloud ang partner ni Rinoa.. You made my day !! Tinupad mo pangarap ko. ^_______^ Pareko ko silang favorite ..

    ReplyDelete
  2. WiiiiiiEeee atEy aNg gAnda pO ng chApter 1,,, pEo nabiTin aq, hWahuHu,,, snA maSundan po agAd pLs,,, pRo ndE nMaN aq nAgdedemAnd, hWahehE,,,

    ReplyDelete
  3. ((LiKe. ShAre. REtweEt. RebLog))

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^