Episode 19
(Cassy’s POV)
Anong nagaganap dito? Bakit nandito si Andrew? Bakit…. Teka lang…. Anong…
“Who is he, babe?”
“Zev?”
May panandaliang katahimikan…
“Andrew! Ba-bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?” nauutal kong tanong, nanginig, natulala.
“Kasi eh…” Di rin makapagsalita si Andrew ng maayos.
“Who is she, Zev? Your girlfriend?” tanong naman ng babae na bigla ring sumulpot
sa harap namin.
“Huh? Boyfriend mo sya, Cassy?” tanong naman ni Andrew.
“Ah…eh…” sabi ko, slightly speechless.
“Why are you here Mischa? I thought you’re in
LA?” nagtataka namang tanong ni Zev
dun sa babae na kilala pala nya.
WAAAAAHHHH! Bakit ang gulo? Anong nangyayari?
“Wait…Will somebody explain this?” nairitang sabi ng babae.
“Ehm. Mischa, this is Cassy, my girlfriend.
We’re here because we have a dinner date recently and then suddenly there’s a
guy calling Cassy’s name and there you came too which was all in a sudden. I
hope that’s clear to you. Com’on babe.” Hinila ni Zev ang kamay ko papalayo sa kanilang dalawa na naging
question marks ang mga mukha.
“Wait…I knew that guy babe. He’s my
classmate,” usal ko kaya napatigil
kami sa paglalakad.
“He’s Andrew. Actually, I really don’t know
why he’s here so I guess, I gotta go and talk to him. Is that all right, babe?” pakiusap ko kay Zev.
“Hmm. Sure.” tumango naman sya.
“By the way…”
“I need to talk to you Zev!” seryosong wika ng babae. Hindi ko tuloy
natanong kay Zev ang tungkol sa kanya. Palagay ko magkakilala talaga sila. Pero
kakausapin ko muna si Andrew kasi naguguluhan talaga ako sa nangyayari ngayon.
“Just go on talk to her,” sabi ko saka nginitian yung babae pero
umirap sya.
Lumapit
ako kay Andrew na mukhang nabagsakan ang mukha ng kay dami-daming problema.
Naawa tuloy ako bigla. Siguro sobrang importante ng pakay nya sakin kaya
pinuntahan nya talaga ako dito sa Paris. In fairness over ha!
“Hi Drew.”
“Cassy…” Ngumiti sya sakin, fake.
“Ah, bakit ka pala nandito?” malumanay kong tanong. Hindi na kami umupo
sa may malapit na bench kasi panay ang lingon ni Zev sa amin.
“Pasensya ka na kung nakadistorbo ako ha?
Natunton ko kasi ang location mo dahil dun sa status mo na nakalagay ang
location kaya ni-research ko talaga ang hotel at pinrint ang map.”
“Tapos? Mukhang importante yang pakay mo ah.”
“Importante para sa akin. Ewan ko kung
importante din sayo. Hindi ko rin alam kung tama ba itong ginagawa ko. But I
guess it’s too late. Anyway, hindi naman ako magtatagal eh. Babalik din ako sa
Pilipinas bukas.”
“Ha? Bakit ang bilis? Teka, ano ba yung pakay
mo talaga at nag-aksaya ka pa talaga ng pera para puntahan lang ako dito?”
“Ibibigay ko sana sayo ‘to…” Tapos may nilabas syang isang maliit na box
galing sa bulsa nya. “Gift ko sana sayo yan nung Christmas Party natin.
Naalala mo ba yung bigla ka na lang lumabas at di na bumalik sa loob? Naghintay
ako nun kaso parang umuwi ka na talaga. Sana magustuhan mo.”
Nung
binuksan ko yung box, I was shocked upon seeing a silver necklace with a cute
Eiffel Tower pendant! Wow!
“Ang ganda!” sabi ko. “Thank you Andrew. Saka sorry pala dahil iniwan kita nun.
Kasi tinulungan ko nun si Zev. Yun ang una naming pagkikita sa Pilipinas. At di
ko alam na magkapitbahay lang pala kami dito sa Paris.”
“Magkapitbahay? Ibig sabihin sya ang ex ni
Mischa?” namilog ang mga eyeballs
ni Andrew.
“Sinong Mischa?” gulat kong tanong.
“Yung kasama ko. Yung kausap ngayon ng
boyfriend mo.”
“Kasama mo? Ang gulo naman! Kailan ba kayo
nagkakilala?”
“Kanina lang sa airport, pagdating ko.
Kararating lang din nya galing LA.”
Huminga
ako ng malalim. Bakit walang sinasabi si
Zev sakin tungkol dito?
“Kumusta na pala kayo ng girlfriend mo, Drew?” Iniba ko yung topic kasi parang may kumirot
sa bandang dibdib ko. Parang ayoko munang tingnan sina Zev at Mischa at
pag-usapan ang tungkol sa kanila.
“Sorry Cassy…” Yumuko si Andrew.
“Bakit?”
“I lied to you. Wala akong naging girlfriend
at ginawa ko lang yun para malaman ang reaksyon mo. Kaso naging masaya ka pa
para sakin. Hindi ko naramdaman na affected ka. Cassy… isang babae lang ang
minahal ko simula pa noon. At…”
“Babe let’s go!” napasigaw si Zev bigla kaya napalingon kami pareho ni Andrew.
“Please let’s get out of here.” Nung nakalapit na samin si Zev ay hinawakan
nya bigla yung kamay ko at mabilis kaming naglakad.
“But –
How about…”
Nung
nilingon ko si Andrew, sobra akong naawa sa kanya. Nagi-guilty ako na ewan.
Kung maka-effort kasi sya todo-todo. Nung nilingon ko naman si Mischa, umiiyak
sya dun sa may bench. Bakit kaya? Gusto kong itanong kay Zev kung bakit kaso
parang naghihina ako ngayon.
Nakarating
na kamin sa tapat ng hotel pero hindi pa ako pumasok. Di rin kumikibo si Zev.
Di na talaga ako mapakali kaya naisipan kong magtanong sa kanya.
“Would you like someone to talk to?”
Di sya
sumagot pero tumango sya. Napahawak sya sa noo nya sabay sabing “Crap!”
“I’m so sorry, babe…” dagdag nya.
Kniss nya
ako sa forehead tapos hinawakan ang kamay ko.
“Let’s talk inside,” sabi nya.
Naglakad
kami papasok sa music room nya which was considered to be as a private place.
Pinaupo nya ako sa kama nya ngunit panay naman ang paglakad nya ng urong-sulong
sa harapan ko sabay hawak sa ulo nya. He really looked so confused making me
wonder so much na baka may sasabihin syang hindi ko magustuhan.
“Babe, please relax. Would you mind to sit
down?” kalmado kong sabi. Kahit
kinakabahan, sinusubukan ko paring ikalma ang sarili ko.
Umupo
naman sya sa tabi ko saka huminga ng malalim.
“Please tell me everything,” pakiusap ko sa kanya.
He then
started to narrate the whole events simula nung sila pa ni Mischa hanggang dun
sa break-up nila hanggang dun sa pagpunta nya sa Pilipinas kung saan nalaman
kong si Mischa pala ang dahilan. Hindi ako nakapagsalita at namalayan ko na
lang na dahan-dahan na pa lang tumutulo ang mga luha ko. Bago pa nya mapansin, I
immediately wiped those stupid tears away.
“I used to hate Eiffel Tower. That whole place
of Champ de Mars. But when I saw you with your mom so happy in that place, it
made me forgot all the pain Mischa had caused me. I learned to forget her
because of you and trust me, babe, I never told you what I felt towards you
unless I was sure that what I felt was love, not just a simple attraction or
whatsoever,” dagdag pa nya.
“Why did you not told me about that? About
everything? Don’t you know I feel so stupid?” Shets lang noh? Dumadrama na ang peg ko ngayon. Nakakainis ka Zev!!!
“I-I’m so sorry… I – uh…”
“Do you really love me? Or that Mischa has
still have a huge room there?” Tinuro
ko at diniin ang hintuturo ko sa dibdib nya, yung sentro talaga sa heart.
“I love you! Please don’t make this a big deal.”
“I’m not making this a big deal, Zev. I want
you to tell the truth!”
“I’m telling the truth!”
Nagsigawan
kami. Yeah right, hindi ko nga gets ang totoong ugali ng mga Parisian! Dapat
kasi inisip ko muna ang pwedeng mangyari bago ako nag-desisyon na sagutin sya.
Ang tanga-tanga ko dahil nagpadala ako sa emosyon ko.
“Babe…I’m sorry if I kept a secret. I just don’t
wanna hurt you,” malambing nyang
sabi habang nakatitig sakin.
“But you’re hurting me now.”
Tumayo
ako at lumabas ng music room. Mabilis akong naglakad para masigurong hindi nya
ako susundan.
“Babe!”
I-babe mo yang mukha mo at mag-solo ka dyan! Langya sya, lolokohin na naman nya ako sa mga
kakesohan nyang nalalaman.
Nung
nakalabas na ako sa botique, tumakbo ako sa hindi ko malamang direksyon. OA na
kung OA pero sumisikip na itong didbib ko sa kakaisip na baka si Mischa parin
ang laman ng puso nya. Hindi lang pala puso pati isip, kalamnan, buto, dugo,
tissues at cells! Grr!
“Aray ko naman!” Nung tiningnan ko ang taong nabundol ko ng ke-lakas-lakas at buti di ako
na-out of balance, it was Andrew.
Nice update! Sana next chapter agad..
ReplyDelete