Wednesday, January 23, 2013

I Love You, I Love Me [One Shot]


A/N: Share ko lang kahibangan ko tungkol kay Narcissus sa Mark of Athena by Rick Riordan. Pero di siya fanfiction. Salamat sa mag iignore nito. Mahal ko kayo. Sabay tayong mag CUPCAKING!


I Love Me, I Love You


Nakuha ang atensiyon ko sa taong wala namang silbi sa mundo dahil puro sarili ang iniisip. Boung araw na yata’y kasa-kasama ang salamin at minuto-minuto’y tinititigan ang sarili doon. Tuwing mamakita ko siya na ganoon ang ginagawa,biglang iinit ang ulo ko at aakyat ang dugo ko. Nakakairitang tignan eh. Lalaking tao,di bakla ha. Iniisip kasi ang pagiging gwapo at natatakot mahigitan ng iba. Iyon na nga tinanghal siyang campus heartthrob. Napaka-feeling din niya masyado,marami siyang fans pero itsapwera lang. Mas mahal niya ang sarili niya kaysa sa mga babaing nanliligaw sa kanya. Reminder,isang lalaki kinikwento ko.

Nahahalintulad siya kay Narcissus. Walang magawa sa buhay kundi titigan ang sarili at sabihing mahal kita sarili ko dahil napakagwapo mo. Napatiim bagang ako roon. Aalab ang mata ko at babasagin ko ang mukha niya. Hindi ako insecure. Babae ako. Isang babaing naiinis sa paging mapagmahalaga niya sa sarili. Kaya ito,kilala ako bilang anti-narcissus. Ano ba ang dahilan kaya ganito ka tindi ang galit ko sa kanya?

Kababata ko ang lalaking iyan. Magkapit bahay kami at magbestfriend ang parents namin. Elementary ako nang makagusto sa kanya. Sinabi ko kay Mama kaya Boom. Pinagkasunduan kaming ipapakasal kapag dumating ang 18th birthday ko. Masayang-masaya ako roon kaso siya tutol dahil di niya ko gusto. Mas mabuti raw na mahalin niya ang sarili niya kaysa sa akin.Iyon nga minahal niya ang sarili niya. Nasaktan ako,kinimkim ito hanggang magdalaga’t binata kami. Kaso pinalitan ng galit dahil lumala ang katarantaduhan niya. Mas malala ang sinapit niya kaysa sa adik diyan sa kanto. Mabuti pa nga ang adik kasi pwede pa ipa-rehab pero siya wala na atang pag-asang matauhan eh.  Sabi ng pamilya niya,sintumas daw yan ng sakit na Narcissist.  Pero di ako naniniwala, nagdududa ako na paraan niya iyon para iwasan ako at wag matuloy ang arrange marriage. Balak kung bugbugin siya para matauhan,black belter to. Kapag mahuhuli ko siya, dugmukin ko mukha niya.

Kumakain ako ng muffin sa aisle.May upuan kasi rito sa gilid kaya pwede tumambay. Naghihintay lang naman akong lumabas si Lalaking narcissus sa chemistry laboratory. Third year high school kami ngayon. Estudyante ng Koronadal National Comphrensive High School. Special class siya. Regular class naman ako.

Maya-maya,nag ingay na. Senyales sa paglabas nila. Tumayo ako at kumibit balikat.
“Si anti-austin ayan na naman..”bulong ng isang babae na masama akong tinitigan. Tinaasan ako ng kilay. “naghu-hunt. Tulungan mo ko,ilayo natin si Austin.” 

“Subukan niyong ilayo,baka kayo ang ilayo ko sa kanya. Umalis na lang kayo kung ayaw niyong..”hinarang ko sila.

“Tigilan mo nga si Austin! Wala naman siyang ginawang masama sayo ha! Bakit ba gustong-gusto mo siyang saktan?”ayon sa pananalita ng fans ni Austin,alam ng mga ito ang mga death threat na binibigay ko kay Austin sa facebook at twitter.

“E sino ba kayo para ipagtanggol siya?”banat ko.

Lumunok ang isa na may head band. “Mga fans niya.”

“E kung mangasta kayo parang kilalang kilala niyo siya. Di niyo alam na ipapakasal na kami.”tumigil lahat ng fans ni Austin. Tulala at napa-ows. “Kaya ko lang ginagawa ito para matauhan siya. Kung talagang fans niya kayo e sana tinulungan niyo siyang mapagaling sa sakit niya. Ang manhid niyo eh,wala kayong napapala sa pagiging papansin. Alam niyo namang narcissist iyon. Kahit kayo pa ang pinakamagandang babae sa earth di ka non papansinin.”

“E kung umasta ka sa tingin mo pansinin ka rin niya. Hello! Wala ka ring  pagasang pansinin niya.”uminit ang ulo ko. Akala kung sinong magaling magsalita. Naghunos dili ako. Ayokong malagyan ng record sa guidance office.

“Hey!”lumabas si Austin sa lab. Inaayos ang kwelyo ng damit. Sa muling pagkakataon,nasilaw ako sa kagwapuhan niya. Ang mapupungay at singkit niyang mga mata. Ang mapupulang labi niya. Ang makinis niyang mukha na kay sarap KALMUTIN!!!!

Bumaling sa kanya ang lahat. “Hi!”tugon ng lahat.

Kumunot noo ako.

“I’m reffering to Faye.”sabi niya habang nakatingin ng deretso sa akin. Ang payapa ng mukha niya. Wala kang makikitang panganib.

Bumagsak ang balikat ng lahat at iniwan kaming dalawa.
“Isang malaking himala pinansin mo ko? Anong nangyari? Asan ang salamin mo?”asik ko kaagad.

Ngumiti siya pero slight. “Di na kailangan dahil alam kong gwapo ako sa araw na ito. Diba astig,may pagkakataon ka ng tuparin ang nasa death threat mo.”

“Kahit kalian di ka gwapo! Gasgasan ko yang mukha mo!”banta ko.

Umatras siya. “Tigilan mo na yang binabalak mo. Maawa ka sa mukha ko. Alam mo namang mahal ko ang sarili ko at mahal mo rin ang sarili mo.”

“Dyan ka magaling eh,sarili mo iniisip mo. Di mo iniisip ang damdamin ng iba. Narcissist ka nga.”

“Hindi ako gaya ng sinasabi mo. Talagang mahal ko lang ang sarili ko.”

“Mas malala ka sa baliw o sa kahit anong adik dyan. Austin, ano bang nangyayari sayo? Alam ko tutul ka sa arrange marriage natin. Ok fine tigilan ko na ang kahibangan iyon. Sabihin mo sa akin kung bakit ginagawa mo yan. Ako na naaawa sayo eh.”halos luluhod kung sambit.

“Talagang kagustuhan kong maging ganito. Oo,tutol ako sa kasalang iyon dahil gusto ko na ako mismo ng magaalok ng kasal sayo.”natulala ako. “Ginagawa ko ito para patunayan sa sarili ko na  kaya rin kitang mahalin.”

“What the~”

Tinakpan niya ang labi ko. “Sssh..let me finish.”bumilog ang mga mata ko.

“Sa pagpapanggap kong ito,marami akong natutunan tungkol sayo. Nalaman ko ang ugali mo,kung paano ka magalit sa taong gusto mo. Yon nga ang dahilan kaya nagustuhan kita. Sorry kung sinaktan ko ang damdamin mo. May purpose eh. At saka talagang mahal mo ko dahil grabe ka magselos sa fans ko at talagang gagawin mo pa lahat para matauhan ako sa kabaliwan kung to.”linapit niya ang mukha sa akin.

I’m speechless. I’m breathless. Suddenly.he touch his lips against mine.

“I love me but I love you.”

3 comments:

  1. ang ganda-ganda po ng story. kahit short dahil one-shot hehehe, nakakakilig pa rin po ..

    ReplyDelete
  2. guS2ng-gusTo q riN pO uNg kwEnto ni nArcissUs!!!! naaLaLa q riN 2Loy uNg isA pNg kweNto ni aTey aeGyo na iNLuv wid naRcissUs kxO onHoLd p riN,,, aLa LNg nkktuWa Ksi uNg bidAng gaNun,,, uNg aKaLa moNg saRiLi LNg tLga uNg mHaL niLa buT evEntuaLLy, dEy LeaRned hoW to LUv moRe,,, ayUn, ang hAba ng coMment q dHiL s reAlizatiOns q s kwenToNg itO,,, i LOve it!!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^