A/N: Share ko lang kahibangan ko tungkol kay Narcissus sa Mark of Athena by Rick Riordan. Pero di siya fanfiction. Salamat sa mag iignore nito. Mahal ko kayo. Sabay tayong mag CUPCAKING!
I Love Me, I Love You
Nakuha ang atensiyon ko sa taong wala
namang silbi sa mundo dahil puro sarili ang iniisip. Boung araw na yata’y
kasa-kasama ang salamin at minuto-minuto’y tinititigan ang sarili doon. Tuwing
mamakita ko siya na ganoon ang ginagawa,biglang iinit ang ulo ko at aakyat ang
dugo ko. Nakakairitang tignan eh. Lalaking tao,di bakla ha. Iniisip kasi ang
pagiging gwapo at natatakot mahigitan ng iba. Iyon na nga tinanghal siyang
campus heartthrob. Napaka-feeling din niya masyado,marami siyang fans pero itsapwera
lang. Mas mahal niya ang sarili niya kaysa sa mga babaing nanliligaw sa kanya.
Reminder,isang lalaki kinikwento ko.
Nahahalintulad siya kay Narcissus.
Walang magawa sa buhay kundi titigan ang sarili at sabihing mahal kita sarili
ko dahil napakagwapo mo. Napatiim bagang ako roon. Aalab ang mata ko at
babasagin ko ang mukha niya. Hindi ako insecure. Babae ako. Isang babaing
naiinis sa paging mapagmahalaga niya sa sarili. Kaya ito,kilala ako bilang
anti-narcissus. Ano ba ang dahilan kaya ganito ka tindi ang galit ko sa kanya?
Kababata ko ang lalaking iyan. Magkapit
bahay kami at magbestfriend ang parents namin. Elementary ako nang makagusto sa
kanya. Sinabi ko kay Mama kaya Boom. Pinagkasunduan kaming ipapakasal kapag
dumating ang 18th birthday ko. Masayang-masaya ako roon kaso siya
tutol dahil di niya ko gusto. Mas mabuti raw na mahalin niya ang sarili niya
kaysa sa akin.Iyon nga minahal niya ang sarili niya. Nasaktan ako,kinimkim ito
hanggang magdalaga’t binata kami. Kaso pinalitan ng galit dahil lumala ang
katarantaduhan niya. Mas malala ang sinapit niya kaysa sa adik diyan sa kanto.
Mabuti pa nga ang adik kasi pwede pa ipa-rehab pero siya wala na atang pag-asang
matauhan eh. Sabi ng pamilya
niya,sintumas daw yan ng sakit na Narcissist. Pero di ako naniniwala, nagdududa ako na
paraan niya iyon para iwasan ako at wag matuloy ang arrange marriage. Balak
kung bugbugin siya para matauhan,black belter to. Kapag mahuhuli ko siya,
dugmukin ko mukha niya.
Kumakain ako ng muffin sa aisle.May
upuan kasi rito sa gilid kaya pwede tumambay. Naghihintay lang naman akong
lumabas si Lalaking narcissus sa chemistry laboratory. Third year high school
kami ngayon. Estudyante ng Koronadal National Comphrensive High School. Special
class siya. Regular class naman ako.
Maya-maya,nag ingay na. Senyales sa
paglabas nila. Tumayo ako at kumibit balikat.
“Si anti-austin ayan na naman..”bulong
ng isang babae na masama akong tinitigan. Tinaasan ako ng kilay. “naghu-hunt.
Tulungan mo ko,ilayo natin si Austin.”
“Subukan niyong ilayo,baka kayo ang
ilayo ko sa kanya. Umalis na lang kayo kung ayaw niyong..”hinarang ko sila.
“Tigilan mo nga si Austin! Wala naman
siyang ginawang masama sayo ha! Bakit ba gustong-gusto mo siyang saktan?”ayon
sa pananalita ng fans ni Austin,alam ng mga ito ang mga death threat na
binibigay ko kay Austin sa facebook at twitter.
“E sino ba kayo para ipagtanggol
siya?”banat ko.
Lumunok ang isa na may head band. “Mga
fans niya.”
“E kung mangasta kayo parang kilalang
kilala niyo siya. Di niyo alam na ipapakasal na kami.”tumigil lahat ng fans ni
Austin. Tulala at napa-ows. “Kaya ko lang ginagawa ito para matauhan siya. Kung
talagang fans niya kayo e sana tinulungan niyo siyang mapagaling sa sakit niya.
Ang manhid niyo eh,wala kayong napapala sa pagiging papansin. Alam niyo namang
narcissist iyon. Kahit kayo pa ang pinakamagandang babae sa earth di ka non
papansinin.”
“E kung umasta ka sa tingin mo pansinin
ka rin niya. Hello! Wala ka ring
pagasang pansinin niya.”uminit ang ulo ko. Akala kung sinong magaling
magsalita. Naghunos dili ako. Ayokong malagyan ng record sa guidance office.
“Hey!”lumabas si Austin sa lab. Inaayos
ang kwelyo ng damit. Sa muling pagkakataon,nasilaw ako sa kagwapuhan niya. Ang
mapupungay at singkit niyang mga mata. Ang mapupulang labi niya. Ang makinis
niyang mukha na kay sarap KALMUTIN!!!!
Bumaling sa kanya ang lahat. “Hi!”tugon
ng lahat.
Kumunot noo ako.
“I’m reffering to Faye.”sabi niya habang
nakatingin ng deretso sa akin. Ang payapa ng mukha niya. Wala kang makikitang
panganib.
Bumagsak ang balikat ng lahat at iniwan
kaming dalawa.
“Isang malaking himala pinansin mo ko?
Anong nangyari? Asan ang salamin mo?”asik ko kaagad.
Ngumiti siya pero slight. “Di na kailangan
dahil alam kong gwapo ako sa araw na ito. Diba astig,may pagkakataon ka ng
tuparin ang nasa death threat mo.”
“Kahit kalian di ka gwapo! Gasgasan ko
yang mukha mo!”banta ko.
Umatras siya. “Tigilan mo na yang
binabalak mo. Maawa ka sa mukha ko. Alam mo namang mahal ko ang sarili ko at
mahal mo rin ang sarili mo.”
“Dyan ka magaling eh,sarili mo iniisip
mo. Di mo iniisip ang damdamin ng iba. Narcissist ka nga.”
“Hindi ako gaya ng sinasabi mo. Talagang
mahal ko lang ang sarili ko.”
“Mas malala ka sa baliw o sa kahit anong
adik dyan. Austin, ano bang nangyayari sayo? Alam ko tutul ka sa arrange
marriage natin. Ok fine tigilan ko na ang kahibangan iyon. Sabihin mo sa akin
kung bakit ginagawa mo yan. Ako na naaawa sayo eh.”halos luluhod kung sambit.
“Talagang kagustuhan kong maging ganito.
Oo,tutol ako sa kasalang iyon dahil gusto ko na ako mismo ng magaalok ng kasal
sayo.”natulala ako. “Ginagawa ko ito para patunayan sa sarili ko na kaya rin kitang mahalin.”
“What the~”
Tinakpan niya ang labi ko. “Sssh..let me
finish.”bumilog ang mga mata ko.
“Sa pagpapanggap kong ito,marami akong
natutunan tungkol sayo. Nalaman ko ang ugali mo,kung paano ka magalit sa taong
gusto mo. Yon nga ang dahilan kaya nagustuhan kita. Sorry kung sinaktan ko ang
damdamin mo. May purpose eh. At saka talagang mahal mo ko dahil grabe ka magselos
sa fans ko at talagang gagawin mo pa lahat para matauhan ako sa kabaliwan kung
to.”linapit niya ang mukha sa akin.
I’m speechless. I’m breathless.
Suddenly.he touch his lips against mine.
“I love me but I love you.”
ang ganda-ganda po ng story. kahit short dahil one-shot hehehe, nakakakilig pa rin po ..
ReplyDeletewaaah! ang cute!!!
ReplyDeleteguS2ng-gusTo q riN pO uNg kwEnto ni nArcissUs!!!! naaLaLa q riN 2Loy uNg isA pNg kweNto ni aTey aeGyo na iNLuv wid naRcissUs kxO onHoLd p riN,,, aLa LNg nkktuWa Ksi uNg bidAng gaNun,,, uNg aKaLa moNg saRiLi LNg tLga uNg mHaL niLa buT evEntuaLLy, dEy LeaRned hoW to LUv moRe,,, ayUn, ang hAba ng coMment q dHiL s reAlizatiOns q s kwenToNg itO,,, i LOve it!!!!
ReplyDelete