Monday, January 21, 2013

Friends Zone : [Season 3] Chapter 27

[27 : Who you???]


It takes a thousand sweet efforts to build a great relationship,
Yet one stupid error can destroy everything you have started.

***

[Jhonah’s POV]


Graduation Day nung isang araw nung mga 4th year college… sa wakas matatahimik na din ang mundo ko…graduate na sina kuya Jeirick, Laxus, Earl at pati si Richelle…wait??? Si Richelle??? Grumaduate?? Hehe…Unbelievable!!!


Si Marky naman ayun 5th year na sa course niyang Medicine.. goodluck!


Si Paul naman itinuloy sa pagla-Law ang course niyang Political Science…. Mukhang tumitino na yung pinsan ko… Thanks to ahheeemm…. ME … haha… just kidding.. syempre thanks to Regine.


Konti nalang kaming natitirang students sa grupo…iniwan na kami ni Richelle eh… kailangan na niyang harapin ang real world….It’s been three months since nagbreak sila ni Trace…Sana makamove on na siya…sana makalimutan na niya yung Pesteng Yawang Lalaking si Trace… ang balita ko official na ang relasyon ni Trace at nung hipon… katawan lang kasi ang mapapakinabangan eh..walang utak..hehe… ang bad ko noh? Kelan ba ako naging mabait???


Mabuti na nga lang at may hiya din si Trace.. never niyang sinama yung hipon na iyon sa barkada… or else…bali ang buto nun..hehe.


Kapansin-pansin din na hindi nagpapansinan sina Trace at Richelle…duh??? Malamang ackward yun…buti nga at walang bombang bumabagsak sa kanilang dalawa eh… saka yung mga barkada parang nakikiramdam din sa dalawa…pero syempre yung mga girls na kay Richelle ang suporta…yung mga boys..medyo hati…ako??? Hmm…


None of the above..hehe..para fair.


Bwahahaha!!!


“Shocks ano ba yun?!” biglang tili ni Demi.


Bigla nalang kasing nagkaroon ng “Law of Inertia” dahil biglang nagpreno ang driver namin.


“Hoy! Ayoko pang mamatay ah!” sigaw ko kay Laxus na siyang driver namin ng mga oras na iyon.


“Ano bang nangyare?” tanong ni Paul


“May biglang nag-over take kasing sasakyan eh… badtrip!”


“Oh..wag mo ng patulan..just continue driving” paalala ni Jeirick.


Sinunod naman siya ni Laxus…ipinagpatuloy nito ang pagmamaneho… maging ang mga sakay niya ay ganun din ang ginawa.


Muli kong ipinagpatuloy ang pagsusulat ko habang umaandar ang sasakyan. Sabi sa inyo multi tasker ako eh.


Teka…saan nga ba kami pupunta?


Dahil grumaduate na ang karamihan sa amin ay napagdesisyunan nila na magbakasyon…at ngayon nga ay papunta kami sa Baguio... may bahay daw kasi sina Laxus dun kaya dun kami pupunta.


Napatingin ako sa mga kasama ko sa sasakyan na may kanya-kanyang ginagawa.


Kapansin-pansin na magkalayo sina Trace at Richelle ng pwesto…. Nasa bandang likod si Trace, sa unahan naman si Richelle na may nginangatang chicha.. katabi ng driver naming si Laxus… may panyong nakatakip naman sa mukha ni Trace hindi ko alam kung tulog ba siya o nagtutulug-tulugan lang.


Parehong tulog naman sina Yesha at Jiyeon… hindi alintana kung muntik na kaming mabangga..ni hindi man lang nga nagising eh…ilang sleeping pills kaya ang ininom nung dalawang iyon?


Si Gray naman na katabi ni Trace ay naglalaro ng Ipad.


Yung mga couples..ayun sweet-sweet-an ang drama…bwiset! Hehe…


At si Earl…


Eto katabi ko…tulog din….yata?


Hindi ko nga alam kung bakit ko naging katabi ito eh.


Infairness ah…ang kinis pala ng mukha ni Earl… mukhang mas flawless pa yata siya kesa sakin…takot yata yung mga tigyawat na dumapo sa mukha niya…tapos mamula-mula yung lips niya…yung tinatawag nilang kissable lips…bading nga yata talaga..tsk!


“Staring is rude” biglang sabi nito na ikinagulat ko.


“I’m not staring at you..mukha mo!” kaila ko.


“I can sense you… naiinlove ka na naman sakin”


“Ang kapal mo ah! I will never fall inlove to someone as insensitive and arrogant as you”


Mukhang bago pa yata kami makarating ng Baguio matutuyuan na ako ng dugo sa lalaking ito.


“Wag kang magsalita ng tapos…baka kainin mo yang mga sinasabi mo”


“Eh kung ikaw kaya ang kainin ko para mawala ka na sa mundong ito?”


“Try me…masarap ako” nang-aasar na sabi ni Earl at tinitigan ako.


Balak ko na sanang saksakin siya ng hawak kong ballpen (ooppppsss…wag niyo akong gayahin..bad yun) ng bigla akong matigilan when I see his eyes staring at me.


Those eyes…


I don’t know why but he has the most beautiful eyes I ever seen.. hindi ko alam na ganito pala kaganda ang mata ni Earl..


Wait???


Did I just praise this arrogant and insensitive jerk??


“Hoy! Nagpapatayan na naman kayong dalawa dyan? Bigyan niyo nga ng kutsilyo itong dalawang ito” biglang sabi ni Paul na nagpagising sa diwa kong nahihibang na yata.


Iniwas ko nalang ang paningin ko at ibinalik sa sinusulat ko..kaso hindi naman ako makaconcentrate.


“Himala? Hindi yata ako sinigawan ni Jhonah” nagtatakang sabi ni Paul.


“sshhh… wag ka ngang magulo” saway dito ni Regine.


Tama yan bespren..sawayin mo yang boyfriend mo…baka siya ang saksakin ko nitong ballpen ko.


“Baligtad yung ballpen mo” puna sakin ni Earl.


Dun ko lang napansin na baligtad na pala ang pagkakahawak ko ng ballpen ko.


What the heck is happening to me ba?!


***


[Yesha’s POV]


Nakatulog pala ako sa byahe… nung nagising ako nandito na kami sa Baguio… sayang di ko tuloy nakita yung mga view na dinaanan namin.


“Oh ibaba niyo na mga gamit niyo… para makapagpahinga na tayo” sabi ni Paul at nagpauna na sa pagbaba sa sasakyan.


“Wow tol ah…ikaw ba ang nagdrive?” natatawang sabi ni Laxus.


“Bahay mo ba ito?” sita din ni Richelle


“Bakit pinagtutulungan niyo akong dalawa??? Hon oh inaaway ako nila Richelle at Laxus” sumbong nito kay Regine.


“sige lang awayin niyo lang” bale-walang sabi ni Regine at sumunod na kina Jhonah…at iniwan na si Paul para pumasok sa loob ng bahay.


“Kahit kelan ang sweet talaga ng girlfriend ko” kumakamot sa ulong sabi nalang ni Paul at sumunod na din kay Regine.


“Ang sweet nila noh?” sabi sakin ni Jiyeon.


Napatingin din ako sa papasok na magkasintahan.


“Oo nga.. nakakainggit” nakangiting sabi ko…pero walang halong bad yung pagkainggit ko sa kanila.


I’m happy for them.


“Tara pasok na tayo..excited na ako” yaya ni Jiyeon at hinila na ako papasok sa loob ng bahay.


Pagpasok namin ay ganun nalang ang gulat namin. Maging yung mga nauna sa amin ay halatang nagulat din.


Because inside the house na sa pagkakaalam namin ay walang nakatira dahil sa kabilang bahay nakatira yung caretaker ay may isang babae….at hindi lang basta babae…isang napakaganda at napakatangkad at napakasexy at napakaputing babae na ang tanging suot lang ay underwear.


Tinakpan ni Regine ng kamay niya ang mga mata ni Paul na siyang ikinatawa namin. Yung ibang boys naman iniwas ang tingin… nice naman…mga good
boy..hehe


“Hey guys…anong nangyare at natrapik na kayo dyan?” tanong samin ni Laxus.


“There’s a woman in your house” sabi ni Demi.


“Woman??” takang tanong ni Laxus at hinawi kami sa pinto upang makapasok siya.


“Who are you?”mataray na tanong samin nung babae.


“Sino us??? Sino you din??” ganting sabi naman ni Jhonah


“Quincy???” gulat na sabi ni Laxus.


Napatingin din dito ang tinawag na Quincy.


“Oh…there you are…”


“Anong ginagawa mo dito at bakit ganyan ang suot mo? Magbihis ka nga” utos ni Laxus


“I’m on vacation” bale-walang sabi nito at di alintana kung halos hubad na siya at puro lalaki ang halos nasa harapan niya.


Hinubad naman ni Laxus ang suot nitong jacket at ipinasuot dun sa babae.


“Sinong kasama mo?”


“Ako lang”


“Hoy! Anong meron? Bakit lahat kayo nasa pintuan?” tanong ni Richelle at pumasok din sa loob ng bahay.


Napatingin ito sa babaeng nasa harapan namin. Nagpalipat lipat ang tingin nito kay Laxus at sa babae.


“Girlfriend mo?” tanong ni Richelle


“Of course not!” mariing tanggi naman ni Laxus.


“Yes… do you have a problem with that?” mataray na sabi nung babae.


Naku… mukhang hindi lang si Demi ang mataray dito ah.


“Wala… nagtatanong lang naman ako ah..masama ba yun?” depensa naman ni Richelle.


“She’s not my girlfriend okay?” tanggi ni Laxus pero mukhang walang naniniwala sa kanya.


Eh ikaw ba naman may Makita kang babae na halos hubad na sa loob ng bahay ng isang lalaki anong iispipin mo diba?


“You know what??? I don’t care if she’s your girlfriend or not.. pero pwede na ba kaming magpahinga?” mataray na sabi ni Demi…ito talagang pinsan ko kahit kelan prinsesita masyado.


“Okay… yung dalawang kwarto sa kaliwa nung hagdan ang sa mga girls… ung sa kanan naman yung sa mga boys… bahala na kayo kung sino gusto niyong kasama… and guys… Quincy is not my girlfriend…”


“Kung hindi mo siya girlfriend ano mo siya?” tanong ni Jhonah


“She’s….ahhhmmm….Quincy….is my…. Twin…Sister”


“Your what????”


***


[Richelle’s POV]


Who would have thought na may kakambal pala si Laxus? Sa tagal kong kakilala yung lalaking iyon eh never kong nabalitaang may kapatid siya..or kakambal.. sabagay hindi ko na din naman nakita yung mommy niya…nung nakilala ko si Laxus silang dalawa nalang ng daddy niya ang magkasama… matagal na daw kasing hiwalay ang parents niya.


Mukhang may pagkamaldita yung kapatid ni Laxus eh. Si Demi yata ang kapatid nun eh..hehe..


“Chelle”


Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko.


It was Trace.


Ang sakit pa din pala… three months na ang nakalipas mula ng maghiwalay kami pero masakit pa din.


“Yes?” ayoko namang masabihang bitter diba?


“Kumusta?”


“Okay lang”


Dumaan ang katahimikan sa amin. Pareho lang kaming nakatingin sa paligid.


“Chelle…gusto ko lang sanang magsorry”


“Para saan pa?”


“Kasi nasaktan kita”


“So pag nagsorry ka mawawala na yung sakit?”


Ayokong maging bitter pero parang iyon ang lumalabas sa bibig ko.


Okay fine…hindi ako bitter… nasaktan ako.. magkaiba yun.


“I know hindi ko maaalis yung sakit na naramdaman mo sa pamamagitan ng sorry ko…but still I want you to know that I’m deeply sorry”


Bago pa ako makasagot ay dumating si Regine at hinila ako palayo kay Trace.


“Don’t you dare try to talk to my friend again you bastard!... Magpasalamat ka at hindi kita isinumpa sa ginawa mo sa kaibigan ko” galit na sabi ni Regine at hinila na ako palayo kay Trace.


Nasa may pintuan naman si Jhonah at nakatingin lang samin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nung babaeng yun. Basta nakatingin lang siya samin.


***


[Trace POV]


Sinundan ko nalang ang tingin si Richelle habang hinihila siya palayo sakin ni Regine… hindi ko naman siya masisisi eh… may kasalanan naman talaga ako.


“Anong gusto mong mangyare Trace?” tanong sakin ni Jhonah


“Senpai…”


“Alam mo ba kung anong gusto kong gawin sayo sa mga oras na ito ha Trace? Gusto kitang sapakin…bugbugin…sipain…pero narealized ko…you’re not worth it…kaya pinigilan ko ang sarili ko”


“I’m sorry” iyon lang ang tanging nasabi ko sa kanya.


“Stay away from her Trace..sa susunod na makita ko pang ginugulo mo si Richelle I swear..bubugbugin na talaga kita”


Pagkasabi nun ay iniwan na niya ako. Napasapo nalang ako sa noo ko.


Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kung pwede nga lang na wag na ako sumama sa outing na ito..kaso pinilit ako nila Jeirick na pumunta. Alam ko namang galit sakin yung mga girls eh..even Laxus.. I know…ramdam ko..


Sana mapatawad nila ako.


***

 


11 comments:

  1. Akalain mo nga naman oh..may twin sister si Laxus..pero ang sama lang ng dating nya sa akin.. At oo nga naman, the hell I care kung girlfriend sya ni Laxus..

    And you Trace, tandaan mo luluha ka dahil sa ginawa mo sa akin...

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa pangarap mo nalang ata iche luluha si Trace hahaha...

      Delete
    2. kailangan talaga lumua ng todo si Trace!!! gawa kaya tayo ng movement guys? PALUHAIN SI TRACE MOVEMENT!!! hindi kami nakagetover ni espren nung nakipaglampungan yang kumag na yan sa iba eh. lels~

      Delete
    3. haha... ang hirap kaya magpaiyak ng lalaki haha

      Delete
    4. mabuti kung sa personal ako magpapaiyak mas madali haha...

      Delete
    5. count me in ate aegyo!! join talaga ako sa movement na yan!! volunteer kagad ako!!haha

      Delete
  2. seRves u ryT trAce,,, s LAki ng kSaLanAn mu kEi ricHeLLe!!! hMp!!! at uNg bGong chAractEr n nMaN,, c qUincy!!!

    ReplyDelete
  3. wOrth it pO aNg pgHintAy q dtO,,, sLamAt atEy,,,

    ReplyDelete
  4. naku,super late na ng comment ko.. sobrang busy kasi eh..

    haha.. nawawala sa self nya si ate jho.. na mesmerize kasi kay earl!!

    me too! bad vibes din sakin yang new gurl.. yung totoo,twin ba to ni laxus o twin ko??hahaha..

    ipa salvage na yang si trace!! or i-benta na lng sa mga matrona para maperahan natin.. hahah!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. okay lang yun bhebhe....

      hindi naman obvious na galit talaga kayo kay Trace diba?hehe

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^