Monday, January 21, 2013

Friends Zone : Chapter 28

[28 : Friend Zone]



"Friend zone" refers to a platonic relationship where one person wishes to enter into a romantic relationship, while the other does not.


***


[ Laxus POV]


This is it!!!


This time I will definitely tell her that I like her…


That I love her..


I want to take care of her…


I want her to be mine…


And no one can stop me.


“Ano bang sasabihin mo sa akin ‘tol?” tanong sakin ni Jeirick.


Hinila ko kasi siya palayo sa karamihan. Gusto ko kasing mag-usap kami ng masinsinan eh.



Seryosong usapan ito ah. Baka kung anong isipin niyo.


“Aaminin ko na kay Richelle na mahal ko siya”


“Ha?? Sigurado ka? Seryoso ka?”


“I’ve never been this serious ‘tol…alam ko nangako ako sayo..pero ‘tol…ang hirap na eh…”


Napabuntong-hininga si Jeirick.


“Okay..sino ba naman kasi ako para pigilan ka diba? Sige..goodluck sa pagtatapat mo… you have my back” anito at tinapik ako sa balikat.


“Thank you ‘tol”


***


[Richelle’s POV]


“Ano bang sasabihin mo at mukhang sobrang seryoso ka yata? Hindi ako sanay” pagbibiro ko kay Laxus.


Para naman kasing sira-ulo tong lalaking ito eh… bigla ba naming nagtext sakin na magkita daw kami sa may garden. Ano kayang problema niya?


“May problema ba?” tanong ko at naupo sa swing na naroon.


“May sasabihin kasi ako sayo Iche…wag ka mabibigla ah”


“okay…ano ba yun?”


“ahhmm..ano kasi..”


“Ano? Nakabuntis ka?”


“hindi noh!.. ano ka ba?!”


“May girl friend ka na?”


“Wala..as if naman..”


“Bading ka?”


“Adik ka ba Richelle?”


“eh ano ba kasi yun? Nambibitin ka naman eh”


“Okay.. eto na..wag kang excited!”


“Tagal” reklamo ko at idinuyan ang sarili ko sa swing.


Nakakamiss din ito eh..hehe..


“Richelle…mahal kita”


Nagulat ako sa sinabi ni Laxus..kaya tuloy bigla akong nahulog.


As in literal na nahulog ako sa swing.


“aray ko po”


Agad naman akong inalalayan ni Laxus.


“Okay ka lang ba?”


“Adik ka ba? Balak mo ba akong pilayan?” sigaw ko kay Laxus.


“Ako??? Eh ikaw itong nagduduyan sa sarili mo eh”


“Eh kasi naman ginulat mo ako sa sinabi mo eh. Ano na namang kalokohan iyon Laxus?”


“kalokohan? Alin? Nung sinabi kong mahal kita?”


“Stop!!! I don’t want to hear it”


“Pero bakit?”


“Laxus.. you’re my friend… pwede na ngang bestfriend eh… so don’t say it dahil lang sa naaawa ka sakin”


“Whhhaaattt?? Sino namang nagsabing naaawa ako sayo?”


“About sa nangyare samin ni Trace”


“The hell!!! I don’t care about that stupid bastard…at hindi ako naaawa sayo”


“Laxus please…”


“When I tell you I love you its true… that’s what I really feel for you at hindi dahil naaawa lang ako sayo… Mahal kita Richelle!!!”


“Laxus…. I’m….sorry”


Napansin kong natigilan si Laxus dahil sa sinabi ko.


“You’re sorry?”


“I’m sorry…I’m sorry kasi kahit sabihin mo pa saking mahal mo ako.. kahit sabihin mo pang seryoso ka…I’m sorry kasi hindi kita mahal…and I don’t want to ruin what ever kind of relationship we have.. You are one of my great and best friend Laxus…and I don’t’ want to lose you for that” napayuko nalang ako… I don’t want to look at him.. ayokong makitang nasaktan ko siya.


“….saka….si Trace pa rin ang mahal ko”


Pagkasabi nun ay tinalikuran ko na si Laxus at pumasok na ako sa loob ng bahay.


Hindi ko tuloy nakitang umiyak si Laxus.


***


[ Jhonah’s POV]


Nakakainis!!!!


Nakakairita talaga yung lalaking iyon kahit kelan… wala na siyang ginawa kundi sirain ang araw ko.


Pero teka nasaan na nga ba yung sira ulong iyon?


Ganun nalang ang asar ko…at s ahindi ko malamang dahilan eh bakit naaasar ako na Makita si Earl na nakikipag-usap dun sa kakambal ni Laxus.


Kelan pa naging accommodating sa babae iyong supladong lalaking iyon? Hindi naman siya ganun dati ah? Pero bakit nakikipag-usap sya dun sa mestisang bangus na iyon? At aba??? Nakikipagtawanan pa talaga siya ah?



“Hoy! Sinong tinitignan mo dyan at para kang papatay ng tao sa sama ng tingin mo?”


“ay pesteng kabayo ka!”


“ang OA mo ah!”


“Sira ulo ka ba Regina Estolatan ha? Bakit ka ba nanggugulat?”


“Eh bakit ka ba kasi natutulala dyan? Saka para kang timang sa ginagawa mo eh.. tama bang magtago ka dyan sa likod ng kurtina? As if naman kakasya ka dyan eh ang taba mo kaya” pang-aasar pa nito.


Adik itong babaeng ito ah.. kung makatawa pa akala mo wala ng bukas.. wagas na wagas.


“Tumahimik ka nga dyan” sita ko sa kanya. Mamaya may makarinig pa sa amin eh.


“Eh bakit ka ba kasi nandyan..saka sino bang tinitignan mo? Tignan mo nga yang hawak mong papel lukot-lukot na” sinilip din nito kung sino ang tinitignan ko. “…sino ba dun ang tinitignan mo? Si Earl o yung kapatid ni Laxus?”


“hindi ko sila tinitignan… iniisip ko kung paanong torture ang magandang gawin sa kanila”


“Ewan ko sayo Jonalyn… sinungaling ka…aha!!!! Don’t tell me nagseselos ka?”


“ako?? Nagseselos? Alien ka ba Regina?? Nahawa ka na sa utak nung boyfriend mo!”


“Ayyiiiieeee.. nagseselos ka…nakanang tuts!!! Babae ka na bespren!!!”


“hindi nga ako nagseselos…ang kulit mo.. bakit naman ako magseselos?”


“kasi may gusto ka… ang tanong kanino ka ba may gusto? Kay Earl o dun kay Quincy?” pang-aasar pa nito.


“Alam mo ikaw itong uunahin kong itorture eh kapag di mo ako tinigilan sa pang-aasar mo”


“I’m sure kay Earl ka may gusto….ayyiiieee… babae na siya… babae na siya…” pero mukhang wala yata itong balak na tigilan ako.


“Regine ano ba?!”


“bakit ka nagba-blush??? Ayyiiieee…. Kinikilig naman ako” at sinimulan akong pagkikilitiin nito.


Patuloy naman ako sa pag-iwas sa kanya.. ang resulta para kaming batang naghaharutan…kaya tuloy sabay kaming bumagsak…and worst sa harapan pa nila Earl at Quincy.


“what the hell” gulat na sabi nung Quincy.


“hehe…” nakangising sabi ni Regine… “uy Earl..kumusta?”


“Okay lang.. anong ginagawa niyo?” tanong ni Earl


“Nagkukulitan lang” sagot naman ni Regine.


“Are they your friends?” tanong ni Quincy


“Ahh.. yeah.. this are Regine…and Jhonah” pakilala niya sa aming dalawa ni espren.


“So.. sino sa kanila ang girl friend mo?”


“Girlfriend?? Wala noh”


“really? Oo nga pala.. single and unattached ka pa nga pala…eh sino sa kanila ang type mo?” tanong pa ulit nung mahaderang babae.


Napatingin naman sa amin si Earl.. ewan ko ba pero parang naghihintay ako sa sagot niya.


“Type??” sarkastikong ngumiti si Earl “wala noh… besides.. si Regine… girlfriend yan ni Paul…nung isa kong barkada.. saka si Jhonah kapatid yan ng bestfriend ko…kaya parang little sister ko nalang din yan… saka hindi naman iyan babae eh.. kaya imposibleng matype-an ko yan”


Aba???!!! Pakiramdam ko nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya. How dare him???!!! Ang kapal ng mukha ng lalaking ito.


“Really??? That’s good to hear” anito at ngumiti kay Earl.


What the heck is going on?!


Kung kutsilyo lang siguro ang mga mata ko kanina pa dumudugo yung dalawa iyon.


“bespren kalma lang” bulong sakin ni Regine.


Kalma??? Ayokong kumalma!!!


Gusto kong pumatay ng tao!!!


Pero syempre joke lang yun.


Little sister???


Hindi niya ako type???


Aba?! Pakialam ko ba dun?!


Anong tingin niya sa sarili niya?


So talagang ipinapahiya niya ako dun sa mestisang bangus na kapatid ni Laxus?


“You know what Earl? Ang kapal ng mukha mo!” at tinalikuran ko siya.


Hindi ko ugaling mag walk-out o mag back-out. Pero sa mga oras na ito iyon ang ginawa ko dahil kung hindi baka makapatay ako ng isang arogante at mayabang na lalaki at isang mestisang bangus na kalahi yata ni Squidward!


“espren wait” talagang sinundan ako ni Regine.


“Ang kapal ng mukha niya.. ang kapal ng mukha niya.. ang kapal ng mukha niya” paulit-ulit kong sabi.


“Kalma lang Jhonah.. yung puso mo nakastapler lang yan”


“how can I calm down Regine?? Narinig mo ba yung sinabi niya? Hindi daw niya ako type….little sister lang daw ang tingin niya sakin… ipinahiya niya ako dun sa mestisang bangus na yun” himutok ko at sumalampak ng upo sa kama.


“eh ano naman kung di ka niya type? Eh ano naman kung little sister lang ang tingin niya sayo?”


“Nakakainis kasi!!!”


“dati naman ganyan ang sinasabi niya ah… dati naman wala kang pakialam ah… so bakit ka nagkakaganyan ngayon?”


“Regine!!!”


“Pwede ba wag mo nga akong ma-Regine- Regine yan…may gusto ka kay Earl noh? Kaya ka nagkakaganyan”


“Wala akong gusto dun… naiinis lang talaga ako! Kasi napahiya ako”


“well kung iniisip mo lang talaga na napahiya ka eh di dapat gumanti ka… kasi iyon ang Jonalyn na kilala ko eh…di nagpapatalo…pero bakit ngayon tumiklop ka?”


Hindi ako nakapagsalita. Niyakap ko lang yung unan at nagmumukmok na sumadal sa headboard.


“Alam mo kung bakit ka nagkakaganyan? Kasi may gusto ka kay Earl… ayaw mo lang aminin”


“Wala akong gusto dun” mariing tanggi ko.


“Okay fine.. mahirap paaminin ang taong ayaw umamin” pagsuko ni Regine.


“Wala talaga akong aaminin.. kasi wala akong gusto sa mayabang na iyon…. Wala…wala…wala…” at sinuntok suntok ko pa yung unang yakap ko.


“Okay fine.. sige na..sabi mo eh”


“Makikita niya…little sister pala ah… hindi pala niya type ah…pwes…humanda siya… magtwo-two-piece ako.. tapos pupunta ako sa Boracay..tapos magpapapicture ako…tapos ibabandera ko sa mukha niya…pagsisisihan niya kung bakit little sister lang ang tingin niya sakin!” puno ng conviction na sabi ko.


Bigla namang tumawa si Regine….tawang nakakaloka.


Mangiyak-ngiyak pa ang luka-luka.


“espren… sure kang hindi mo type si Earl?” tumatawang sabi nito.


“Tse!... hindi talaga!”


Makikita niya!!!


Lintik lang ang walang ganti.


***

Dear Diary,


Magugunaw na ba ang mundo? Bakit parang ang gugulo na ng mga tao dito?
Nagkakapalit na din ba sila ng mga katauhan? Naku po naman nahihirapan na ako ah…si Laxus… si Richelle… si Trace….si Jhonah…si Earl….at si Quincy??? Anong meron sa kanila? Ang sarap nilang hampasin ng pana.


-Alyas Kupido





8 comments:

  1. HALa, nkKaaWa c LaXus,,, pEro sNa mAn LNg mBigyAn xAh ng chAnce ni ricHeLLe,,, mALay mu nMaN dbA,,, ricHeLLe deserVEs 2 be hAppY,,, at tSaKa pARa mGantihAn n riN c trAce,,, ndE q cNsbi n mAkipag reLation xAh pRa pAgseLosin c trAce,, uN ay pRa mareALize niA uNg ksALaNan,,,

    ReplyDelete
  2. aT naiiNis aq kEi eArL,,, bKit b kSi duMting p yAng qUincy n yAn eE,,, at jHoNah, tAma nMaN c reGina, uMamin k n kSi,,, pEro wAg pptALo,,, guManti k riN kEi eArL,,, aBa, s beAuty moNg yAn tEh, xAh aNg phAbuLin mU,,, kiTa mu, mAgsiSisi riN yAn,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha...tama ka jan sis!!!

      humanda sila pag nagpakababae si "jhonah" haha...

      Delete
  3. Dear Kupido,

    Eh kung pinapana mo na mga puso nila para hindi complicated. Ang bagal eh. Una, wish ko sana mabigyan ng chance si Laxus ni Richelle. Pangalawa, sana pagbayaran ni Earl yang kabanbanan niya kay Jhonah ..

    - Reader

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... natawa ako dito ah... sakit sa tyan kakatawa..haha...

      oo nga naman kasi... pasaway din kasi itong si kupido eh..haha

      Delete
  4. ai naku.. wrong timing ka parekoy!! hndi pa ata nkaka move on yang si ate rich!! hndi pa nghihilom ang sugat nyang malalim.. kasing lalim ng mariana trench!! timing is everything diba..

    grrr.. she's so mabilis!! nilalandi na si earl!! sige lang ate jho.. kalma ka lang.. wag kang papigil.. hukayin mo na sa sing tanda ng lola mo ang iyong baul na nkabaon sa lupa ang super winner na 2 piece!! ibalandra mo na!! dali!! i wanna know earl's reaction!! hahha.. gantihan mo na rin..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^