Monday, January 28, 2013

Delusions Chapter 1: Walking Corpse

-->


Chapter 1: Walking Corpse
These past few days, nabobother na’ko masyado kaka-peek sa window  sa lalaking yun sa katapat naming 5-storey apartment. He’s acting bizarre unlike what I used to see him na. He’s Ardeem Cooper, 21, the pinned-up boy-next-door , a motor enthusiast with a nice fashion-sense. We’re not obviously that close, he’s well-known here sa place namin kasi nga sa eye-catchy na personality. Seriously, I won’t deny a thing. I have no crush on him like really, it’s just that I used to peek by his window which only takes 3-meter boundary between his and mine. Ganun kalapit. I heard lang na na-involve siya sa motor accident kaya siya nacomatose for about  2 months  and just a week of now nagrerest alone siya sa apartment niya.
“Drifting your mind off that white guy huh?” Sabi ni Zara na naka-facedown sa kama ko. Kasama ko siya sa apartment and kaa-arrive lang niya this morning after a 4-day long vacation nya sa El Nido habang ako stay lang sa apartment the whole sembreak. Holy Crap! This is not a mushy romance story about that Fil-Am guy! It’s about Ardeem himself acting bizarre after coma!
“Tigilan mo ‘ko Zara. Wala ka ba talagang napapansin sa Ardeem na yan? He’s acting strange after niyang mahospitalize last Monday pa!” Umupo ako sa kama katabi siya.
“Ashcot my dear. Aside from not seeing his 8-packs abs, thinly-haired broad chest, sexy butt nothing’s changed!” She stressed. Obviously, she got a monster crush on Ardeem right before she met her boyfriend.
“Perverted bitchy! Hindi yun! Listen, Zara, i-sa-summarize ko lang ang lahat ng nadiscover ko sa loob ng 4 days na sinisilip siya.” Bukod kasi sa tinted ang glass ng window namin. Zara owned a giant telescope na may stand pa as in! And since they had a gadget stall sa Green Hills, you wouldn’t believe na may pina-install siyang 3 bugs sa apartment ng Ardeem na yun. The bitchy freak agent-trying hard she is! Seriously, FBI kasi ang dad niya and siguro because curiosity is killing her, in-apply nya dito ang kalokohan niya. Kaya lahat naririnig at nakikita namin sa guy na yun.
“Ano yun?! Anong nadiscover mo!” She widened up her hazel brown eyes and flipped up her hair.
“Nung kaka-discharge pa lang niya nung Monday, nakita ko siya nakatayo sa harap ng salamin then itinaas nya ang mga kamay niya na nanginginig, ang sabi pa niya, ‘Damn! I’m missing both of my hands! Nasan ang mga kamay ko? Ano ba’tong nangyayari sa mga kamay ko? ‘ That killed me laughter you know! He was like nag-rerehearse ng dialogue sa isang roleplay.” I explained.
 “Is this for real Ashcot? Baka naman effect lang yun ng pagka-coma niya.” She rolled her eyes. The bitchy doesn’t believe on me.
“No, it’s not about coma perhaps! Why would doctors discharge patients if they aren’t relieved? Sounds weird lang talaga then naulit pa yun, sabi pa nga nya nung afternoon na nakaupo siya sa black leather bed niya, ‘I am sick because they haunted me, my heart stopped working, and I feel that my liver and my stomach are getting sick, they stopped working; I do not feel my body from the inside. I have no heart.’”I said.
“Ano? Baka naman he’s suffering other illness pa? Naparanoid na ba siya? Sure kang wala siyang kausap nun?” She raised her left eyebrow.
“No. Wala talaga. He’s talking to himself! And paulit-ulit yung mga sinasabi niya na hindi na raw siya nag-eexist. Lagi niyang kino-complain na wala na raw yung brain niya, nerves, kidneys, chest,  stomach, intestines and even his penis he said pa na nagshortened daw ito at nag-disappear! So weird!  He said pa na he has no soul daw, God does not exist, neither does the devil daw. Isa na daw siyang decomposing body and has no need to eat for living.” I said. Hindi talaga ako makapaniwala sa nadiscover ko sa Ardeem na yun. He creeped the shit out of me! Para talaga siyang sinasapian ng evil spirits! Napabangon si Zara sa mga sinabi ko.
“Ewww. Is he getting insane? That’s creepy na huh! Wala bang nakakapansin sa kanya sa room niya?” She’s obviously stunned sa mga sinabi ko.
“Look. He’s alone and still sembreak pa. Most of the people are out! Well, I wanna let you witness Zara.” Si-net ko yung laptop and the telescope. Ardeem is lying in his bed and eyeing into space. His arms are wide apart so are his legs too.  Pinasilip ko si Zara sa telescope.
“It’s been 4 days na at yan pa rin ang suot niyang damit and maybe he’s not going out of his apartment since Monday nang dumating siya dyan.” I said. Yeah right. Paghiga sa kama at pagharap sa mirror ang lagi kong nadadatnan sa ginagawa niya. Never ko siyang nakitang lumabas ng room niya and yun pa ring denim pants at navy blue polo na naka-unbutton ang suot niya for almost 4 days straight! 
“Gosh, pumayat siya! He looks pale white and dry! Humaba na ang moustache nya. He’s sick! Bakit parang hindi nagalaw yung dalawang maleta sa may pintuan niya? Bago ako mag-El Nido, I remember na yun nga ang suot nya last Monday. Thursday na ngayon!” Said Zara. Kita ko rin naman sa window na nakahiga si Ardeem then tumayo siya at humarap ulit sa mirror. Ayan na naman siya. I heard his husky voice kaya nilakasan ko yung speaker.
 “I have no eyes. Tinanggal ng mga doktor na yun ang mga mata ko habang coma ako!” Ardeem sarcastically said while staring on his reflection. He narrowed his beautiful grey orbs.
“What the hell?! Anong pinagsasabi niya?” Sabi ni Zara na tutok na tutok sa telescope. Nilalamutak ni Ardeem ang muka nya at pati ang mga mata niya. Para na siyang nasisiraan!
“I can’t hear any heartbeats! Sa E.R. pa lang kinuha na ng doktor na yun! Wala na ang mga kamay ko! I’m dead! I’m fucking dead!” He cursed out to the wind. It was like a mantra na paulit-ulit niyang sinasabi mula ng bumalik siya sa apartment niya. Well, I don’t believe to ‘sapi’ or ‘kulam’ pero natatakot na talaga ko sa pinaggagagawa niya! Wala naman akong mapagsabihan o mapagsumbungan dito kasi halos lahat nasa bakasyon, wala ang landlady dito at wala rin yung sa kabila for sure dahil sembreak at kadalasan nag-a-out-of-town.
“Hey you!” Yelled Zara habang binuksan niya yung window ng room namin at sumampa dun. Nagulat ako sa ginawa niya.
“Are you insane Ardeem?! Patawa ka ba? There’s nothing missing in your damn body! Okay ka lang ba?! You sound like drunk!” Magkakilala sila but not as close. Bumukas yung window ni Ardeem at sumampa din siya dun. Geez, he really is pale white and messy brown-haired.
“How do you know what I was saying?” Nakakatakot yung boses niya! He was like an evil out of the cage! Tumayo siya sa window well kasya siya since 6-feet length and 3-feet wide yun pero medyo nakayuko pa siya sa sobrang tangkad. He outspread his muscular arms that controlled his balance. The wind blew off his messy hair and unbuttoned polo. Damn! I can see his fine 8-packed abs and thinly haired chest. He has a crossed-like tattoo sa upper chest nya. He is as white as vampire! Para siyang Greek god warrior na lumabas sa window habang nililipad yung unbuttoned navy blue polo niya! Holy Crap! I should be a worried one about his situation but now that I saw him I kinda sounded like ‘Oooh.. How could weird people be so hot like him?’.
“Geez, bakit mo sinabi? Baka magtaka siya paano natin narinig yun!” I whispered to Zara habang ako ay nagtatago sa wall.
“Hindi na kasi ako mapakali sa ginagawa niya!” She whispered too.
“Do you see me? I do not have hands! Nothing exists! I feel guilty!” Sa itsura niya, muka siyang desperate at tatalon mula sa fifth floor na’to! Kinakabahan ako sa galaw ng bare feet niya!
“Umalis ka dyan! Baka mahulog ka! What’s going on with you! You’re sick!” Sigaw ko. Napalabas ako sa pinagtataguan ko sa sobrang kaba. Nanlisik ang mga mata niya sa’kin.
“I’m a terminal patient! And I’m done! There’s no point in treating me! I’m terminal! I am no longer myself, I fell like an automaton, like if the world did not exist; I am completely eliminated!" Galit na galit nyang sabi! His jaw clenched and nanlalim ang mga mata niya! There’s something wrong about his consciousness! He’s crazy!
“Buksan mo yung pinto mo dyan! We’ll help you! Please, bumaba ka dyan!” Sigaw ko sa may window.
“No! ‘Cause I’m already dead! I no longer exist! The food I eat sticks to my bowel, that’s why I don’t eat anymore! I don’t even drink water ‘cause I’m dead! I’m fucking dead!” Sigaw niya! Kaya pala namayat ang katawan niya dahil hindi siya kumakain mula pa nun? Noong Monday na feeling ko na may kakaiba sa kanya? Oh my God. Hindi ko na talaga maintindihan ang mga pinagsasabi niya?!
“Mahuhulog siya! Kasalanan ko ‘to! Baka tumalon siya! Hihingi ako ng tulong!” Nagpapanic na sabi ni Zara. Nagtatakbo siya sa palabas pero bumalik ulit at kinalkal ang laman ng closet niya.
 “Anong ginagawa mo! Humingi ka na ng tulong!” Sigaw ko kay Zara. Nagtatakbo siya sa may window at itinutok yung customized gun kay Ardeem. She shot him! Nawalan ng malay si Ardeem. Luckily, yung position ng body nya ay inward sa room nya so he fell off  his room. Damn! I catch my breath! Muntik na yun! He’s almost close to death! Pati si Zara ay nakahinga ng maluwag after mawalan ng malay ni Ardeem. Ginamit nya yung tranquilizer gun na yun. Geez, nagkaroon ng silbi ang childhood dream niyang maging kagaya ng dad nya. Thank Heavens!
“Muntik na.” Hingal nyang sabi habang nakasandal sa wall. “Pero minimum miligram lang ang tranquilizer na yun, effective within 5 minutes lang.”
“Ano? At pag nagising siya uulitin lang din nya ang gagawin nyang pag-suicide.” The fuck! I never thought my life would turn into an action-adventure story. Zara and I take the narrow pace that connects our apartments and at any wrong steps our gorgeous body will fall off the ground dead on the spot! Tumawag na kami sa police pero hanggang ngayon wala pa rin! Thankful, ligtas kaming nakapasok sa room ni Ardeem. It’s two times wider than our room with a king-sized black leather bed, a round couch, dining area and very Mediteranean ang style.
“Ugghh.. He’a as hard as a concrete!” Zara complained as we pulled his arms and lay him in his bed. Ang bigat nya sobra! Ang laki nga talaga ng katawan niya at sobrang haba ng binte. He’s messy pero sobrang bango nya. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit. Every structure of his face is all I can say the word ‘perfect’, thick eyebrows, long lashes, towering nose, luscious lips, strong jaw-line, white skin, oozing sex appeal, ugh, ang lakas ng epekto nya sa’kin lalo pa’t nakikita ko ang sexy body niya ng ganito kalapit.  Para siyang living young Fil-Am version ni Chistian Grey ng 50 Shades. No wonder why Zara had a crush on him. Poor Ardeem, what on the earth is he thinking to commit suicide?
“Hahanapin ko yung phone nya para maipaalam ‘to sa relative nya!” Tumayo na’ko mula sa kama after kong ibutones ang polo ni Ardeem. Nakakaawang pagmasdan ang situation niya.
“Lalabas muna ko at hihingi ng tulong sa ka-roommate nya bago pa siya magising!” Lumabas ng pinto si Zara. Wala pa rin ang kapulisan. Saktong nakarinig ako ng ring. Hinanap ko kung saan yun nanggaling. Nasa loob ng malaking bathroom na yun. Binuksan ko yung ilaw at kinuha yung iphone 5 sa may tiles. Ang luwang sa loob kasi dalawa ang division ng bathroom. May jacuzzi pa at separate bathtub.
“Ugh.. Na-missed pa!” In-open ko yung call history. Geez, 71 missed calls. Kailangan kong tawagan ang caller kanina! Pero habang pinapakealaman ko yung phone ay narinig kong may mga yabag ng paang papasok ng bathroom and slammed the door shut! Nagulat talaga ako as in at muntik ko ng mabitawan yung phone! Nagkamalay agad si Ardeem at mas nakakatakot na ngayon ang paglisik ng mga mata niya! He appeared perplexed and frightened, looking at his hands and touching his face repeatedly!
“Oh shit!” Anong gagawin ko? Bakit ba ako napasok sa gulong ‘to?
“Isa ka rin sa kanila?! The one who took my hands! My eyes! My brain!”Sigaw niya. Inuulit na naman niya ang bagay na yun. Papalapit na siya ng papalapit sakin! Wala na kong mapupuntahan! Sa tangkad niyang 6”2’ at laki ng katawan niyang yun malabo nang makatakas ako sa kanya!
“Ardeem, listen, tinutulungan ka lang namin! Kami yung kausap mo kanina! You’re sick! Wag kang magalit sa’kin! Tutulungan ka namin!” Napapaatras na lang ako sa kinatatayuan ko hanggang sa napasandal na ako sa bathtub na may lamang tubig!
“My liver and stomach are being destroyed! My heart doesn’t beat! I don’t have muscles! I am dead! This is hell! You can’t cheat me, sweetie! I was just a spirit!” Sa isang iglap ay sinakal nya ako at sa sobrang lakas niya ay napaangat ang paa ko sa space. He’s a beast!
“Aaaaackkk!” Nabitawan ko ang phone nya at bumagsak sa tiles at pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko! Sobrang higpit!
“Namatay na ako sa motor race! Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pa dito!” Galit na galit pa rin ang  tono ng boses niya! Bumabaon ang mga kuko nya sa leeg ko! Nahihirapan na akong huminga! Hindi ako makasigaw! He’s damn evil! He’s psycho son of a bitch! Wala na akong pwedeng gawin kundi ang sipain ang kahinaan niya!
“Aaccck! Fuck! Oh shit! Accckkk! Fuck! You bitch!” He whined and let me out of the grip and then he accidentally  slid off the tiles and we fall exactly on the cold water of the bathtub. Water splashed out! We bumped our foreheads! Fuck! My head! Ang bigat niyang hayop siya!












6 comments:

  1. alex pettyfer my loves!!! hanggang ilang chapters 'to? i'm gonna read kapag natapos na para hindi ako mabitin!!! basta siya bida, sinusundan ko eh!!! >////<

    ReplyDelete
  2. 3 lang.hehe..crush ko din si fafa alex pettyfer!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayun~ nakita ko na, napost mo na lahat!!! ayiieh~ \^_____^/

      Delete
  3. .
    .
    .
    .
    .
    .
    so here's my comment after reading this...

    imbes na matawa (kasi naman ang baliw-baliw ng pinagsasabi ni ardeem)naawa ako sa kanya. everytime kasi na makakapanood/makakabasa/makakarinig ng mga ganitong story, yung mga baliw patients na nagpapakamatay or pumapatay, nagwa-wonder ako kung saan napupunta ang mga kaluluwa nila. kasi diba hindi na sila nakakapag-isip ng tama... so ayun~ mga wala sila sa sarili at hindi nila alam kung ano na talaga ginagawa nila...



    anyway, kahit ganyan si ardeem, ang yummy niya pa rin!!! euhahaha!!! syempre naman si alex pettyfer nga yan!!! >_____<


    ReplyDelete
  4. Just shifted my browser to UC browser.. Now q lang nbasa comment mo ms.aegyo, ou nga san kya napupunta kaluluwa nila? Bka exempted.. Lols.. Sa dami ng baliw c fafa alex pa..lols

    ReplyDelete
  5. Gosh! I love this! This is a hundred percent amazing. The way you described things, I love it. Salute to you sis. Anyway, I wanted to laugh at Ardeem's crazy and never-ending whining, I tried to think on what the hell was happening. Though, she could have called the hospital as well. :D

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^