Tuesday, December 25, 2012

You Are My Life : Chapter Seven

(Martin's POV)
I know I'm bad 'cause I'm dragging her like hell. But fck it! Girlfriend ko siya at kapag may nangyaring masama sa kanya pwede kong mapatay sarili ko!

"Hey. Hey, Martin. Stop Dragging me! It hurts!" Angal niya.


"Yeah. Now you're saying It hurts. Oh C'mon, Danielle! Sinusuway mo na naman ako! Sabi ko diba ako makikipag-usap? Ang kulit-kulit mo talaga!" I hissed habang hila-hila ko pa rin siya papunta sa Parking Area.

"Yeah Whatever you say. Ugh. I hate talking to you.Bored na sabi niya.

Pagkarating namin sa Parking Area binitawan ko yung kamay niya. Tumingin ako sa kanya habang nakatingin din siya sakin. Blanko ang expression ng mukha niya. Haaay. As Always.

Tumango ako. 

"What?" Masungit na tanong niya.

Inextend ko yung braso ko. Sign na pinapalapit ko siya sakin.

"Ugh. Whatever." Saka siya lumapit sakin. Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

"I Love You, Danielle." I Whispered.

"Yeah. Love you too, eventhough it sucks." Sagot niya.

I chuckled. "Silly Gangster. That's why I love you. C'mon. We need to go." I said breaking the hug.

"Yung Phone ko pala muna?" Tanong ni Danielle.

Inabot ko sa kanya tapos ngumisi ako.

Nagseparate kami ng daan kasi papunta siya sa kotse niya at ako naman sa kotse ko.

*RIING!!*
"Yeah?"

[I love you, You sexy Gangster. Eventhough It sucks like hell.]

"Yah, Whatever. C'mon, follow me."

Then I Drove away.

Narinig ko rin yung engine ng sasakyan niya na tumunog at sinundan ako.

[Martin, When did you start loving me?]

"Since childhood. And please don't tell me to stop loving you. I can't just stop loving you from the very beginning."

[But why me? Did you love any other girl before me?]

"I love you since childhood, Baby."

[Then You loved her too.]

"Her? Who's Her?"

[Althea Rivera.]

"Look, I'm sorry because I think It's you."

[Yeah, sure. But why her?]

"What do you mean?"

[She's Red Tiger, She can do such thing as--]

"Danielle, past is past. We're happy, and They're happy. Don't make it Complicated, My Silly Gangster."

[Yeah, yeah. I'm just. Ugh. Nevermind.]

"I know you. With that tone, I know you're Jealous. Spill it."

[Spill what? Come on. I'm just thinking if I'm really your First and Last love.]

"HAHA. First and Last? Why Last? You're my Forever Love, Babe. Till Death Do Us Part."

[Fck that Death. I hope We're Immortal. Like hell, I love you as much as I love myself.]

"You're Crazy."

[Yeah, Crazy for you, My Sexy Gangster.]

"And I'm more Crazy."

[Yeah. More Crazy, Like He-- OHFUCKINGSHIT! Martin at Your Back!]  She screamed.

I looked up to see a car going to bump mine.

Shit.

"Danielle, Call the Feather Gang! Quick!" I said as I ended up the call.

Tinawagan ko agad si Prince para sabihing may mangyayaring Gang Fight. Tsk.

Tinawagan ko ulit si Danielle.

"Hurry up, Danielle!"

[Yeah! But where?!]

"Aargh! Just Follow Me!"

[Okay. I'll end this call.]

"No! Don't end the fcking call! Just Drive!"

[Okay. Tss.]

Bigla akong napaisip. Sinabi ko nga pala kay Prince na papunta kami sa Underground.

"Danielle, Mauna ka nang pumunta sa Underground. Call them up again. Tell them to go to the Underground." Utos ko sa kanya.

[Them give me a fcking way! Ugh! Bullshit! *KACHING* Fcking shit!]

Umusod ako pagilid para makadaan siya at nung makadaan na nga siya gumitna ulit ako. Takte. May basag yung likod ng salamin ng kotse niya.

"Go on. Call them up. I'll end this now."

Saka ko na pinatay yung tawag.

*PYUNG! PYUNG! WOOOSH!* (Tunog ng bala na tumatama sa bulletproof na sasakyan ni Martin)

Lintek. Ang hirap nito eh. Baka puro gasgas na yung kotse ko! 

*RIIINGG!*

Sinagot ko agad yung tawag nung makita kong tumatawag si Prince.

"Tol."

[Malapit na kami sa Underground. Magingat kayo ni Danielle.]

"Tsk. Sige-sige."

[Tol, mag-iingat kayo. Si Dark Eye ang may pakana nito.]

"Oo. Tngina niya. May pagnanasa yon kay Danielle. At sa tingin ko set up nila 'to kung sakaling sumama ko."

[Sa tingin ko nga. --Prince, tinawagan ko si Jairus, malapit na rin daw sila. Marami silang dalang gamit-- Ge, tol. Tatawag kami kapag nandun na kami at naayos na namin.]

"Sige."

Pagka-end nung tawag, kinuha ko agad sa taguan ko yung isa kong pistol. May isa pa dito para kay Danielle. Pero alam ko parating may dala yun.

~Gangster's UNDERGROUND Battlefield~

(Third Person's POV)

*Ratatat-tatat! KABOOM!*

"Danielle, Salo!" Sigaw ni Martin ng magtapat ang kotse nila. Hinagis ni Martin ang isang pistol sa dalaga. Sinalo ito ng dalaga saka kinasa.

Nagmaneho si Martin palapit sa sasakyan ng mga ka-Gang niya. Pinatay niya agad ang engine nito saka lumabas at nagpaputok ng baril sa kalaban. Sumunod naman si Dainelle na ipinarada ang kotse nitong may basag na salamin sa likod. Lumabas rin ito sa sasakyan nito. Lumapit siya rito at inalalayan ito. Ayaw niyang may mangyaring masama rito kaya hangga't maaari nasa tabi niya lang ito.

"Danielle! Martin!" Tawag ni Fei. Kasama nito si Jairus.

May dalang AK47 at AK48 ang dalawa at sa mga balikat naman nito ang tig-isang higit pa sa dalawang daang bala para sa dalawang pangratrat na baril.

"Danielle, AK47 sayo. Heto ang mga bala." Sabi ni Fei saka inabot ang mga ito kay Danielle.

"Tol, AK48 mo. Alam ko na-miss mo yan. Heto mga bala oh. Ingat." Sabi ni Jairus na ibinigay kay Martin ang mga ito saka tinapik si Martin sa balikat.

Mabilis na inayos ng dalawa ang sariil nila. Pagkatapos ay inayos na rin nila ang baril nila saka sumugod sa laban. 

Palaging magka-sangga ang likod nila at sila naman ay bumabaril sa mga kalabang papalapit. Hindi nila alam. Matatapos pa ba 'to? Anong oras? Bakit parang hindi nauubos ang kalaban?

Nahagip ng mata ni Danielle si Charles kaya tumakbo agad siya papalapit dito. Muntik namang matumba si Martin ng maramdamang wala sa likod niya si Danielle. Lumingon siya sa likod niya at nakita niyang hinahabol nito si Charles.

"DANIELLE!" Sigaw niya. Humabol rin siya rito. Binitawan niya ang AK48 niya na naka-sling sa katawan niya. Hindi niya inintindi ang bigat nito. Hinabol niya lang ng hinabol ang dalawa. Muntik pa nga siyang mabaril kung di lang siya nakaiwas.

Hinugot niya ang pistol niya sa tagiilran at binilisan pa ang takbo.

"CHARLES! Wala ka nang lulusutan pa! Tigilan mo na 'to! Ano bang kahibangan ang namumuo dyan sa bungo mo?! Kamyembro kita sa Gang pero ginaganito mo ako. Assistant lang kita, Charles! Ano ba 'tong ginagawa mo?!" Sigaw ni Danielle.

Nakasunod na ng tuluyan si Martin ngunit hindi siya lumalapit sa dalawa.

"Danielle! Mahal kita! At kapag hindi ka sumama sakin sa ayaw at sa gusto mo. May mawawala sayong importante sa buhay mo. Pagsisisihan mo ang lahat kapag hindi ka sumama sakin." Sagot ni Charles.

Nakita ni Martin na itinaas ni Danielle ang dalawa niyang braso. Hawak ang pistol na ibinigay niya at itinutok nito ang baril kay Charles.

"Hindi mo ko kayang kontrolin, Charles. Gagalaw ako sa kung saan naaayon ang gusto ko. Pasasabugin ko yang bungo mo, o--" Hindi naituloy ni Danielle ang sasabihin niya dahil sumabat si Charles. "O pasasabugin ng tauhan ko ang bungo ng mahal mo." 

Napansin ni Martin na nag-stiff ang likod ni Danielle. Unti-unti itong nanginig. Pero mukhang hindi nagpatinag si Danielle sa sinabi ni Charles dahil itinutok nito muli ang baril sa ulo ni Charles. Didiinan na talaga ni Danielle ang gatilyo pero nanginginig pa rin siya. Iniisip niya kung totoo ang sinasabi ng binata. Masakit man para sa kanya eh pinaputok pa rin niya ang baril. Tinamaan si Charles sa balikat. Pero bukod sa pagputok ng baril na hawak niya. Narinig niya ring may isa pang pumutok. Agad na napalingon siya. At nakita niyang napaluhod si Martin at hawak nito ang kaliwa nitong braso. 

"MARTIN!" Sigaw ni Danielle. Pinaputukan niya agad ang tauhan ni Charles na bumaril sa nobyo niya. 

Galit na galit siya. Paanong humantong sila sa ganito? Masaya naman sila nung mga nakaraang araw ah?

Tinamaan sa ulo ang lalaking pinaputukan niya kaya tumirik ang mata nito at bumagsak. Tumakbo agad siya sa nobyo niyang namimilipit sa sakit.

"Martin! Martin, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Danielle.

"Aaaaaaargh!! Oo kaya ko pa! Tara na." Ungol ni Martin. Tumayo na sila ni Danielle at tumakbo pabalik. 

Hindi na ganun katindi ang ingay ng putukan hindi tulad kanina na mabibingi ka.

Lumapit agad sa kanila si Fei at Jairus.

"Ohmygod, Danielle! Martin!" Nag-aalalang tawag ni Fei.

Inalalayan ni Jairus si Martin.

"Tol, kaya pa ba hanggang ospital?" Tanong ni Jairus.

Tumango si Martin. Nanghihina na siya. Pakiramdam niya mahihimatay siya.

"Jai, sumakay ka na sa kotse ni Martin. Ako nang bahala sa kotse mo. Danielle, kaya mo pa bang pumunta sa ospital?" Sabi ni Fei. Nag-aalala ito.

"Oo. Tara na!" Sabi ni Danielle na agad namang dumiretso sa sasakyan niya.





1 comment:

  1. Hala si Martin! Sana maging okay lang siya.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^