Episode 16
(Cassy’s POV)
“Merry Christmas!!!” sigawan naming lahat sa
loob ng Musique Zone D’Zev at exactly 12:00 o’clock. It’s Noche Buena time! Hindi naman kami masyadong marami sa loob.
Nandun syempre sina mama at Zev saka yung Kevin raw na matalik nyang kaibigan
at ang girlfriend nitong si Arianne. Bale apat lang kami. Ang nakapagtataka
lang, bakit wala ni isang kapamilya si Zev na dumalo sa Noche Buena? Wala ba
syang pamilya?
Tsk. Anyway, in terms of foods, tingin pa lang eh
mabubusog ka na. Ang daming hinanda sina Zev at ang mga kaibigan nya na puro
french foods. Hindi ko na nga matandaan kung ano ang mga tawag sa kanila eh. Syempre
nag-donate din kami ni mama ng Filipino foods gaya ng adobong manok at special
maja blanca with pineapple and cheese toppings para matikman naman nila. After
we ate, nag-exchange gifts pa kami. Dalawa ang natanggap kong regalo, mula kay
mama at mula din kay Zev. Binigyan ko rin sina mama at Zev ng gifts. Sina Kevin
at Arianne naman ay nagpalitan din ng kanilang mga regalo. Kahit simpleng
selebrasyon lang, pero masayang-masaya kami lahat. Along with the Christmas
celebration was the slow drizzle of the snow outside the streets. Ang lamig
talaga. Buti medyo nasanay na ako. Maingay din sa labas. And daming tao.
Maririnig mo ang mga Christmas carols na umalingawngaw sa buong paligid. Kaso
iba talaga kapag nasa Pilipinas. Mas masaya ang pasko doon. Ang pinagkaiba
lang, may snow sila sa Paris.
Isang mamahaling checkered scarf ang natanggap ko
mula kay mama. Kulay pink ito na may touch ng scarlet at amber. Ang binigay ko
naman sa kanya ay isang pair ng auburn gloves na alam kong magagamit nya
ngayong winter.
I was so delighted naman nung binuksan ko ang gift
ni Zev para sakin. Halos kasing laki ko na kasi ang box na binalot ng silver
wrapper. Nung una, akala ko coat o damit, yun pala isang acoustic guitar. May
bago na akong gitara!
“Oh my goodness, Zev! This is too much!” I almost cried in front
of them after saying it.
“No Cassy, it’s nothing. You really
deserve it.” Tapos ngumiti sya sakin saka binuksan yung gift na bigay ko.
Oh no…ang cheap pa naman
ng regalo ko. Di matutumbasan ang gitarang ‘to.
“Wow! This is awesome!” he exclaimed showing us
an overjoyed expression.
“Sorry for that.” Saka yumuko ako.
Nakakahiya kasi. Si mama tahimik lang na tumatawa dun sa sulok.
“Oh dear. This is the sweetest and most
beautiful drawing I’ve ever seen in my entire life!” Nakita ko ang labis na tuwa sa kanyang mukha. I never expected him to
feel so overwhelmed like that.
Tumabi
sakin si Zev saka sinabing, “Thank you so much, Cassy. I really love it.”
I forced
a smile. Nagkantyawan naman sina mama, Kevin at Arianne habang nakatingin sa
aming dalawa.
[AN: Isa pong doodle art na karamihan ay
musical instruments ang mga objects ang binigay ni Cassy kay Zev. Ginawa nya iyon
a day before Christmas. Sya mismo ang nag-color ng drawing na iyon gamit ang
isang set ng colored pens. Sa gitna ay nakalagay ang “MUSIC IS LIFE” tapos
mayroong “ZEV<3CASSY” sa ibaba. Nasa loob iyon sa isang mabigat na photo
frame na may desenyong black and red electric guitar sa gilid. Imaginin nyo na
lang. Wala akong picture eh. Hehe. Peace!]
Hindi
kami natulog. Nagkwentuhan lang kami pagkatapos ay nagkantahan sa music room ni
Zev which was kami ni Zev mismo ang tumugtog. Nung nakaramdam na kami ng
pagkapaos saka na kami tumigil.
Naunang
umuwi sina Kevin at Arianne at pagkatapos sumunod naman si mama. Inaantok na
raw kasi sya. So that means, kami na lang dalawa ni Zev sa loob ng store nya. Oh my!!! Di naman siguro sya rapist ano?
“So…” Ayan nagsimula na syang magsalita.
Walang magyayari, walang mangyayari, wala~
Parang
akong loka-lokang nagcha-chant ng walang kwentang spell. LOL! Bakit pa kasi hindi pa ako umuwi? Eh kasi,
gusto ko pa syang makasama eh. Bwahahah! *evil grin* Yuck ang landi ko!
“Cassy~”
“Zev~”
Shets
sabay pa kami.
Nakaupo
kami sa bed nya, nakaharap sa kanyang drumset at nakikinig ng music ng Fall Out
Boy. Medyo naiingayan ako kasi rock, pero okay na rin, kasama ko naman si Zev. Ayieeehhh!
“You first,” sabi nya.
“No, you first.” Nakalimutan ko kasi ano yung sasabihin ko. Haha. Kinakabahan ako.
“You sure?”
“Yeah, sure,” I dronned.
“Ahm. What I really wanna say is…Can you…can
you…ahm…”
Ano? Can you close your eyes? Can you kiss
me? Can you remove your clothes? Can you lay down here? Oh my God!!! Anong sasabihin
mo???
“Can you…stay here tonight? With me?” Tapos tumitig sya sakin ng
pagkalagkit-lagkit. Nakakahilo. Nakakakilig. Di ko ma-describe. Ewan. Basta ang
sarap sa pakiramdam.
“What? Anong
binabalak mo?” usal ko.
“Just stay here with me tonight. I’m not gonna
do something ‘bad’” he answered
with a slight sexy grin.
Ehhh. Tinutukso nya ako. Anong gagawin ko?!
“Sure.”
Shets! I
couldn’t believe myself na umuo sa pakiusap nya. Gosh! Ang hot eh. Grr Cassy, please mag-behave ka naman oh!
“Good.” Ngumiti sya sakin saka humiga na sa kama.
Ano? Magkatabi na kami nito? Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Puro mga
di kanais-nais. Porket magkatabi may mangyayari na agad? Kasi di maalis sa
kokote ko na isa syang foreigner. At kapag foreigner, malamang liberated. Baka may
gagawin sya sakin. Juscooh di pa ako handa sa mga ganyang bagay noh! Eh hindi
ko pa nga sya sinasagot eh kahit alam kong mahal ko na sya.
“If you’re sleepy you can lay down here,” sabi nya.
Ayan na nga bang sinasabi ko eh!
“Here…” Ang sexy ng boses nya. Langya ka
Zev itigil mo na yang pangse-seduced mo sakin.
“Okay.” Okay lang ako ng okay. Sure lang ako ng sure. Napaparanoid na yata ako.
Humiga
ako sa tabi nya. Hinayaan nya namang gawin kong unan ang braso nya with firm
muscles. Parang nakaramdam ako ng init bigla kahit nagye-yelo na sa labas. Ano ba ‘tong pinasok ko! Hindi ako
makakilos. Parang naninigas ang buo kong kalamnan. Ngayon lang ako humiga ng
may katabing lalaki ever! In fairness, masarap naman pala sa pakiramdam lalo na
kapag alam nyo pareho ang totoo nyong nararamdaman.
“Je t’aime, Cassy,” bulong nya.
Anong isasagot ko?
“You know what, you are different among the
girls I’ve known. You are the most fragile yet very lovely. You’re sweet and
you seemed to be so gentle…” sabi
nya sabay himas sa buhok ko.
Gumalaw
sya at tumingin sakin.
Afterwards~
“Mahal na mahal kita.”
Namilog
bigla ang mga singkit kong mata sa sinabi nyang pa-slang.
“Whe..where did you learn saying that?” tanong ko.
“Your mom told me about that.” Tapos humiga sya ulit saka ngumisi.
Si mama na naman…Hayyzt pati lovelife ko sinusuportahan na
rin. Tsk.
“Mahal din naman kita eh,” I said painting a smile in my flushed red
face.
“Is that mean…you love me too?” Tumingin ulit sya sakin.
“Uhm. Yes.” I slightly shrugged.
“Really? Oh.” Sa sobrang tuwa, napayakap sya sakin ng sobrang higpit. Pagkatapos ay
hinalikan nya ako sa noo saka bumulong, “Thank you, babe.”
Nagising
ako around 6:00 a.m at ganun parin ang position kaya medyo nakadama ako ng
sakit sa may batok. Si Zev naman, ganun parin. Sumakit din kaya ang braso nya?Thank God walang nagyari! Haha.
Dahan-dahan
akong bumangon. Tumayo ako saka sinuot yung sandals ko. Ang gwapo ni Zev.Wheeew! Ang
gwapo ng boyfriend ko.Ano kaya magiging reaction ni mama mamaya kapag nalaman
nyang kami na ni Zev?
“Hey…Good morning babe.” Oops gising na pala sya.
“Good morning,” I responded.
Bumangon
sya saka umupo sa kama.
“Did you sleep well?” tanong nya habang inaayos ang buhok.
“Uhm. I guess so.” 3:00 am na kaya ako nakatulog. Nauna pa nga sya eh. Kaya hindi masyadong
okay ang pagkakatulog ko. Sinabayan pa ng sobrang kilig na may halong pangamba.
Sino bang makakatulog ng maayos nyan?
“But don’t worry babe, I still feel good,” sabi ko. Di ko muna sya tinawag na babe. Nakakailang pa kasi eh. Sa isip
ko lang muna yun. Practice kumbaga. xD
“Good. So, let’s go to the kitchen. I’m gonna
cook something for you,” wika nya
sabay tayo.
Medyo
na-enlighten ako dun sa sinabi nya. Di ba
ako dapat gagawa nun?
“Oh no, I’m the one who must do it for you,
right babe?” Nginitian ko sya saka hinila. “Where’s the
kitchen?”
“Right there,” sagot nya at nagtungo na kami sa kanyang cute na cute na kusina. Maliit
lang sya pero kompleto sa gamit saka malinis.
“Just sit down and watch me, okay?” sabi ko.
“Okay.” He smiled.
I oppened
the refrigerator and grabbed some eggs, cheese and veggies. Syempre ipapatikim
ko sa kanya ang ultimate favorite ko. Di man kasing sarap ng luto ni yaya ang
luto ko, pero gagalingan ko ‘to kasi para ‘to kay Zev.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^