Episode 17
(Andrew’s POV)
Tuluyan
na nga akong kinalimutan ni Cassy. Sana di na lang ako nagkunwaring may
girlfriend. At si Irish pa ang pinalabas ko na girlfriend ko kahit hindi naman
totoo. Wala ba talaga syang nararamdaman
para sakin?
*sighed*
Kahit
alam kong this wasn’t a good idea pero siguro kailangan ko ng ituloy. Kahit ano
pang pwedeng kahinatnan ng stupid plan ko, bahala na siguro. Natapos na ang
Christmas pero hanggang ngayon, hawak-hawak ko parin ang silver necklace na
regalo ko sana para sa kanya nung Christmas party namin almost three weeks ago.
Nababaliw na siguro ako. Bakit ba kasi
hindi ko sya kayang kalimutan?
“Ladies and gentlemen, we have just
arrived at Charles De Gaulle Airport and we are now taxiing to Terminal 2F.
Welcome to Paris!”
Okay. I welcome myself to
Paris. Hindi naman siguro stalker ang tawag sa taong nag-aabang palagi ng status
notification ni Cassy sa FB it ipina-print pa yung mapa ng location nya noh?
Haha. I think I got it wrong.
“Hotel Marsollier Opera, andito na ako.”
Mabilis akong naglakad palabas ng airport para mag-abang
ng taxi. Makulimlim na ang paligid. Pero
lumiliwanag ito dahil sa snow na bumabalot sa labas. Suddenly, there’s woman,
no, a gorgeous woman na nabunggo ko.
“I’m so sorry miss. I was just in a
hurry,” sabi ko saka pinulot yung mga nalaglag nyang gamit.
“Stupide! Watch your way mister.”
Ang taray. Sayang, maganda
ka pa naman sana. Nung tumayo na ako at binigay sa kanya ang mga
gamit nya particularly books saka paperbags, tumitig sya saglit sakin.
Maya-maya napangiti sya.
“You’re not French, are you?” tanong nya.
“Yes, I’m a Filipino.” Sumagot naman ako ng
diretso.
“Cool. By the way I’m Mischa.”
“Andrew.”
We shook hands tapos nagpaalam na agad ako sa kanya
at mabilis na naglakad palabas.
“Hey wait. Are you heading to where?” Sumunod sya sakin. Tamang-tama, tatanungin
ko sya tungkol sa Hotel Marsollier Opera.
“Ahm. Do you know Hotel Marsollier Opera? I’ll
be going there,” sagot ko.
“Off course I do! Do you want me to show you?
This must be my lucky day perhaps. I’m going there too. But not in the hotel,
at the store in front of it. I just came back from L.A. and I’m gonna see my
ex-boyfriend there. You know to do this compromise thing. I’ve been haunted
with guilt. I dumped him, and now my idiot, crazy boyfriend left me without
even telling me what’s going on. Why does other guys act that way huh? I don’t
understand!” she murmured
continuously.
Ano bang paki ko? Gusto
ko lang naman makita si Cassy at ibigay ‘tong regalo ko. Saka kung pwede
lang yakapin sya at sabihing miss na miss ko na sya. Ang daldal ng babaeng ito. Dinaig pa ang pagka-annoying ko.
“So, do you want to ride a cab with me? Let’s
go to that hotel you’re talking about,” dagdag pa nya.
“Okay.”
“Excellent!” She clapped her hands together twice as if na-excite sa pagpunta namin
doon.
(Cassy’s POV)
Ang sarap
pala ng feeling ng may boyfriend ano? Parang ang haba-haba ng hair ko.
Binubusog ako ni Zev ng ka-cornyhan araw-araw. Pero sa totoo lang, ang sweet ng
kakesohan nya. Di ko akalaing ganoon pala sya kung mag-alaga, wagas!
Nung
nalaman ni mama ang status naming dalawa, halos magpa-party sya dahil sa
sobrang tuwa. Over kung makapag-react si mama. Eksding-eksdi!
Samantala,
medyo busy raw ang babe ko ngayong araw kaya nasa loob lang ako ng room namin
at nagti-twitter. Naka-tambay lang ang facebook ko sa kabilang tab. Si mama
naman, eto sa kama, tulog.
Nung
nakaramdam na ako ng pagod at pangangalay, humiga ako at tumabi kay mama. Then
I started to take a nap.
“Hey babe. Please pick up the phone. Hey babe.
Please pick up the phone. Please pick up the phone.” Tumatawag si Zev. (ringtone yan ng
celphone ko,boses ni Zev na ni-record nya saka ginawang caller ringtone. LOL!
Parang John Lloyd/Sarah lang ang peg.)
“Hello babe?” – C.
“How’s my lovely girl?” – Z.
“Doin’ good. Still busy?” – C.
“Nah…Just finish my appointment. Ahm, wanna go
somewhere and eat?” – Z.
“Lunch or dinner?” – C.
“Dinner would be romantic. Eiffel Tower, 7:00 pm
sharp. I’ll pick you up there tonight.” – Z.
“Copy.” – C.
Ngumiti
ako at alam kong nararamdaman nya yun.
“That’s settle then. I love you babe…” – Z.
“Je t’aime…” – C.
Call
ended. Ang keso noh? Haha. Okay,
kakain na naman kami. Pero hindi parin ako tumataba kahit araw-araw namin yung
ginagawa. So, we’ll be going to Eiffel Tower again. Excited na naman ako.
Syempre yun kaya ang pinakamagandang spot dito sa Paris! And I’ll be wearing
something simple but not plain. Gustong-gusto kasi yun ni Zev, yung simple lang
ang aura ko. Saka ayoko namang masyadong mag-make-up noh! Ayokong maging
artificial ang maganda kong mukha. :D
(Andrew’s POV)
Nalaman
kong sa Hotel Marsollier Opera nga nag-check in sina Cassy at nung nagtanong
ako sa hotel in-charge, nag-out daw sila pareho ng mama nya. Sa’n naman kaya sila nagpunta? Psh!
“Hey Andrew! Hey…”
Grr!!! Ano na naman ba ang problema ng
babaeng ‘to? Kahit ba dito sa loob ng hotel sinusundan ako?
“I cannnot find Zev,” sabi ni Mischa na nakasimangot.
“So? What can I do for that?” Tinaasan ko sya ng kilay. Nakakainis na eh.
May hinahabol din kaya ako.
“Help me find him.”
“WHAT??? Are you crazy? You don’t even know me
and I don’t even know you. Besides, it’ll just waste my time. I’m looking for
someone here too! I’ll be going back to the Philippines as soon as possible,” I retorted.
“Then we already know each other now and I’ll
help you find that person too. Let’s just help each other,” sabi nya habang nakangiti.
Hindi na
ako nakasagot dahil agad nya akong kinaladkad palabas ng hotel. May sayad yata
ang babaeng ‘to. Buti isang packbag lang ang dala ko kaya hindi ako masyadong
nahirapang bitbitin ang mga gamit nya. Letsugas talaga! Ginawa nya pa akong
alalay! Bwesiiit!!!
Nilakad
namin ang bawat kalyeng malapit sa hotel. Ang ganda talaga ng Paris saka ang
lamiiiiig! Grabeh! Good thing makapal ang suot kong coat.
“Where are we going?” tanong ko kay Mischa.
“Somewhere romantic.”
“Huh?” Nagtaka ako sa sagot nya.
“Zev usually go to romantic places to relax.”
Speaking
of romantic places…
“Maybe it’s a nice idea to go to Eiffel Tower,
isn’t it?” Baka nandun sina Cassy. Susubukan ko lang naman eh. Paboritong lugar
nya kasi yun.
“Nope. I don’t think Zev’s there. He hated
that place.” Nag-exhale sya. “We
ended everything there.”
Bigla
syang nalungkot.
“What if we’ll separate our ways? I’ll go to
Eiffel Tower and you’ll go somewhere else to find that Zev?” Nag-grin ako. Sana nga pumayag sya. Ayokong
magkasama kami. Awkward.
“What? No. We’ll find both of them together!” she exclaimed.
“What’s really your problem?” tanong ko. Medyo kumulo na talaga ang dugo
ko.
“Look Andrew, I have no place to go tonight.
My place is very far from here. And I don’t want to be alone, okay? I need you…
I guess,” she shrugged and rolled
her eyes.
“So, if you don’t want me to leave you, then
let me find Cassy first before Zev.”
Huminga
sya ng malalim at sumimangot na naman. “Fine. Let’s find your girlfriend
first.”
“Cassy is not my girlfriend. She’s my
classmate! And how I wish she’s mine…” sigaw ko.
“Whatever.”
Nakahinga
ako ng maluwang. At least mas priority namin pareho ngayon ang pagpunta ng Eiffel
Tower para hanapin si Cassy. Whatever
happens, hinding-hindi ako susuko. Sana nga nandun sya.
However,
suot ang black denim jeans, beige boots na may 2-3 inches heels, black coat
with brown scarf at light brown na bonnet, lumulutang ang caucasian complexion
ni Mischa. Hmm. Not bad. She was indeed pretty lalo na sa naka-hang nyang
blonde, wavy hair. Pero syempre mas maganda si Cassy kaysa sa kanya. Yun nga
lang, mas elegant tingnan si Mischa. Halatang galing sa well-to-do family. Teka lang, ano bang pakialam ko?
aNg kEso ngA ni zEv,,, sHemms xAh,,, kaKiLig,,,
ReplyDelete