Saturday, December 15, 2012

Kissing Bandit : Chapter 28

CHAPTER 28
(ATASHA ORELLANA POV)



“Ano nang gagawin natin Laris? Wala naman tayong proof na nagsasabi siya ng totoo. Malay mo jino-joke niya lang tayo.”



“I don’t think so. Hindi magsasalita ng ganun si Admin kung wala siyang pinanghahawakang ebidensya. Syempre, pangalan niya ang nakataya kapag nagsinungaling siya.” At idinagdag pa niya, “Siya ang nag-post ng tungkol sa kinaroroonan ni Cecily kaya natin siya nahanap nila Asher. Posibleng nung nagkipagkita tayo sa kanila, nasa paligid lang si Admin at nakita niya tayo.”


“What if i-PM mo kaya siya. Makipag-deal ka sakanya.”



“Ipi-PM ko siya? Sinuswerte siya!” Putek!!! Umiral ang pride!!! “Admin can be annoying at times. Pero the only way na makaiwas sa gulo ay hindi siya pansinin.”



“So anong gagawin mo? Pababayaan mo siyang i-reveal niya kung sino ako.”



“May hinihintay pa akong dapat mangyari bago ma-reveal sa lahat ang tungkol saatin. Basta maghintay ka na lang at magtiwala ka sa plano ko.” Palagi siyang confident pero halata sa mukha niya na pinoproblema niya talaga ngayon si Admin. “Ako na ang bahala sa Admin na yun. Ako pa binangga niya, tsss!”


“Hindi  ka ba natatakot sa kanya? Eh diba mas sikat siya sayo.”



“Only because dala niya ang pangalang TMU_Admin! Pero kung tunay sa kasikatan ang pag-uusapan, nobody knows kung sino siya so kahit maglakad siya sa kalsada, hindi siya pagkakaguluhan…” Teka, mukhang naamoy ko na ang susunod sa dialogue niya. “Unlike me, patayuin mo lang ako sa isang pader, pagkakaguluhan ako agad. GANUN ANG TUNAY NA SIKAT” Sabi na eh, bubuhatin niya lang rin ang sarili niyang bangko!



Anyway, tahimik na kaming umuwi hanggang sa makarating sa dorm. Sabi niya, wag ko daw problemahin si Admin so HINDI na talaga! At para hindi ako matangay sa dalang hangin ni Laris kapag nagmayabang na naman siya tungkol sa sarili niya.



Malapit na kami sa entrance at nakasabay pa namin si Aling Mangkay. “Ohohoy~ kayong dalawa… bakit magkasama kayo?” May something na pang-asar sa ngiti at tingin niya saamin. “Nag-date kayo noh? Aleleleh~!!!”



Tignan mo ‘tong matandang-dalaga na ‘to! “Maissue ka Aling M ha!” Nakuha pa talagang mang-asar! “Kayo po, bakit parang ngayon lang din kayo dumating?”



“Namili ako ng gamit at tsaka kumausap ako ng mga karpintero para ayusing yung isang kwarto. Darating kasi yung pamangkin ko! Sa TMU na rin kasi magta-transfer next sem. Diba taga dun kayo?”



“PO!!!” Sabay kaming napasigaw ni Laris. “Kelan po ang dating niya?”



“OA masyado sa reaction niyo ha? Next month pa naman! Oh siya sige, mauna na ako sa inyong dalawa.”



Nagkatinginan kami ni Laris… at mukhang pareho kami ng naiisip. Kung may isa pang magiging taga-TMU na titira sa dorm na ito, makikilala niya si Laris… at pwedeng malaman niya yung tungkol saamin!!!



Okay, kasisimula pa nga lang ng problem namin kay TMU_Admin, meron pa ulit darating next month!!! Hay buhay~















Kinabukasan, wala tuloy akong energy sa pagpasok. Kahit sabihin kasi ni Ate Ganda na wag kong problemahin yung tungkol sa nangyari kagabi eh gumulo pa rin siya sa utak ko! Yan tuloy, hindi ako nakatulog ng maayos!



Pagdating ko sa classroom, usap-usapan yung tungkol sa pinost ni TMU_Admin. Excited sila na ma-reveal na talaga yung bagong prospect ni Laris. At ang mas lalong nagpapa-excite sa kanila, kung si Kissing Bandit ba mismo ang magpapakilala o makikialam na talaga si TMU_Admin.



Bakit ba ang complicated masyado ng buhay ko! Nagtaka ka pa? Naging complicated lang naman ang lahat nung narealize kong in love ako kay Zack at para makuha siya kinailangan kong humingi ng tulong kay Laris. Sigh~


“Atasha, sama ka saamin? Lakwatsa tayo after the class.”



“Hindi na, may tinatapos pa ako para sa prelims natin. Kayo ba natapos niyo na yun? Yung para sa mga minor subects natin na ang peg ay maging major problem.”



“Hindi pa.” Ke-tamad talaga ng mga ‘to! “Para lang mag-unwind! Naloloka na kami sa mga pangyayari eh! Lalo na yung tungkol kay…”



“Kissing Bandit… oo rinig na rinig ko nga yung usapan niyo. Kayo na lang, pass na muna ako jan sa lakad niyo.” Maghahanap ako ng ibang way para makalimot sa problema.



“Sa itchura mo Atasha, kailangan mo talagang mag-unwind! Kitam mong prelims pa lang at stressed ka na masyado! Ano pa kaya kapag midterms at finals na!” No comment na lang ako sa sinabi ni Raiza.



Tama nga naman kasi siya! Sa itchura ko ngayon, daig ko pa ang estudyanteng nanganganib na bumagsak this whole sem dahil sa problematic face ko ngayon!















Nagdaan pa ang mga araw at papalapit na kami sa palugit na binigay ni TMU_Admin. Ayoko na sanang isipin dahil sabi nga ni Laris, siya na ang bahala dun! Kaso kapag tinatanong ko naman siya tungkol sa ginagawa niya, wala man lang sinasabi!



Alam niyo kung ano pang mas nakaka-frustrate? Kahit yung makita ko man lang si Zack ngayong panahong nape-pressure ako sa mga pangyayari. Although alam kong hindi kami pwedeng mag-bonding tulad ng pagbabawal ni Laris, yung makita ko lang siya eh ayos na saakin.



Nagpasya akong tumambay sa hallway. Pinili kong mapag-isa kasi kung sina Raiza at B-company ang kasama ko, matuturete lang ako sa usapan nila tungkol sa prospect. Minsan nga para matigil na sila, gusto ko nang umamin na ako yun!



“Hay… nakaka-boring…” Buti na lang kahit ganito ako, mas nagiging productive naman ako kaya ang dami ko nang natapos na pasahan for prelims. At least dun medyo makakahinga na ako ng maluwag. “Ano pa kayang pwede kong gawin para makalimot?”


Nasandal ako sa pader… tapos pinaglaruan ko yung hood ko. Suot ko yung damit na isa sa mga binili ni Laris para saakin. Tingin ko sa suot ko mukha akong timang… o dahil kasi nadadala ng itchura ko kaya parang ang sagwa.



“Atasha!”



“Ay petrang kalabaw ka!!!” Paglingon ko kung sino yung tumawag saakin… “Carly… anong ginagawa mo dito?” - (¬¬)



“Wala lang… napadaan lang kami ni Zack…”



“Si Zack?” Kasama niya si Zack? Nandito si Zack? Hinanap ko kung nasaan siya, ayun nakasunod nga siya kay Carly. “Zack…hello~” Ang saya-saya, anjan na nga si Zack!!! I miss him!!!



Kaso si Zack, hindi man lang ako pinansin. Tumingin siya saakin sandali pero umiwas din agad ng tingin.


“Hey, kanina ang daldal mo ha. Bakit bigla kang nanahimik?”



“What? Nothing… let’s get going…”



Teka nga? Bakit ako ini-snob nitong si Zack? ANONG PROBLEMA? “Hoy Zack, bakit hindi ka namamansin?”



“…”



“Teka, magkaaway ba kayo?”



“Hindi… uy Zack? Galit ka ba?”



“Hindi ako galit…” Hindi nga ba siya galit? Eh bakit wala siya sa mood? “Tara na Carly.” Hinila niya bigla si Carly at iniwan nila ako kaagad.



Natulala lang ako sa kinatatayuan ko habang iniisip yung ginawa ngayon-ngayon lang ni Zack.



GALIT SIYA.



INIIWASAN NIYA AKO.



ANO BANG GINAWA KO?



BAKIT AKO GINANUN NG ZACK KO?



DAGDAG SA PROBLEMA NA NAMAN ITO!



Spell LUTANG?



A-T-A-S-H-A



Lutang po si Atasha na umuwi sa dorm nung araw ding iyon. Wala na pong laman ang utak niya kundi puro na lang problema. “Problem week ba ngayon? Bakit wala man lang akong makitang solution?”



*sabunot sa sariling buhok*



*batok sa sariling noo*



*inom ka na ng lason*



“Ugh~” What is happening to me ba?



“Hoy Hot Pink~”



“Waaaah! Kelan ka pa nanjan sa likod ko?”



“Kanina pa tayo nagkasabay sa bus. Hindi mo napansin?”



“Obvious ba? Magtatanong ba ako kung napansin kong kasabay na pala kita. Psh!”



Tinaasan niya lang ako ng kilay. At alam kong gaganti siya sa pambabara ko sa kanya. “Bakit ang panget mo lalo ngayon?”


“Gusto mong maging kamukha ko? Papapangitin din kita.”



“Iniisip mo pa rin yung kay TMU_Admin? Diba sabi ko naman sayo…”



“Hindi tungkol sa kanya!!!” At napabuntong-hininga ako ng malalim. “Tungkol kay Zack… nagkita kami kanina pero hindi niya ako pinansin! And what’s worse? PARANG GALIT SIYA SAAKIN!!! Hindi ko alam yung ginawa ko!!!”



“Ano…?”



“Uulitin ko? GALIT. SAAKIN. SI. ZACK!!!” Ayan, naiiyak na tuloy ako.



Pero yung reaction ni Laris nung sinabi ko, “Really?” Sabi niya with an excited tone! Tapos bumulong siya, “Then it’s working…”



“Anong sabi mo?”



“Are you sure galit siya sayo?” Mas excited na ngayon yung mukha ng kumag.



“Oo… hindi tipo ni Zack na gawin yun lalo na saakin… pero bakit parang ang saya mo pa?”



“Call him. Now. Sabihin mo kailangan niyong mag-usap ngayon din.”



“Ha? Hindi niya nga ako pinansin kanina, tapos mag-uusap pa kami? At tsaka ano ba yang pinaplano mo na naman?”



“Just do it!” Hinila niya yung bag ko at hinanap niya yung cellphone ko. “Call him. Sabihin mo it’s an emergency kaya kailangan niyong magkita para makapag-usap.”



“Pero…”



“Ito na yung best chance para sa plano ko Hot Pink. Just do what I say, this will work for us. Trust me.”



Alam niyo, kung hindi lang ako naku-curious sa takbo ng utak nitong si Laris, hindi ko naman gagawin ito eh! But he’s always sure sa mga ginagawa niya! Lahat ng plano niya, maganda rin naman ang kinalalabasan.



So whatever he’s thinking right now, I’ll trust him.



Tinawagan ko na si Zack. Sinabi kong it’s an emergency kaya kailangan naming magkita at mag-usap. And here goes nothing…















“Atasha…” Nagkita kami ni Zack. Dumating nga siya tulad ng sinabi ni Laris na magpapakita siya saakin kahit pa totoong galit siya. “Anong problema? What’s the emergency?”



“Um… ano kasi… Zack…”



“Ask  him… ask him why he’s mad at you.” Boses yan ni Laris. Nage-echo sa utak ko yung usapan namin na mga dapat kong sabihin kay Zack ngayon.



“Zack… bakit galit ka saakin?”



“What?”



“Yung kanina? Bakit ka ganun? Galit ka saakin…”



“Pinapunta mo ako dahil jan?”



“Bakit ka nga galit saakin?”



“Because you’re lying to me!” Akala ko nagkamali ako ng pandinig sa sinabi niya. Pero nung inulit niya, “You’re lying to me Atasha. Why?”


“Hin… hindi ko alam yung sinasabi mo Zack. I swear! Ano yung nagsinungaling ako sayo? Kelan?”



Napahawak siya sa bewang niya, nakakunot ang noo habang nakatingin saakin, at straight lang yung lips niya. Obvious na inis na inis nga siya. “Diba sabi ko sayo, sasabihin mo dapat saakin kung may nagugustuhan ka na…”



“Oo… ano naman ang tungkol dun…”



“Wag ka ngang magmaang-maangan! May nagugustuhan ka na pero hindi mo sinasabi saakin?” Napanganga ako sa sinabi niya. Naalala ko tuloy yung sinabi saakin ni Zack na may kinalaman doon… “Atasha, if ever you like someone na, you should tell me. Ayokong ako pa yung huling makakaalam nun ha! Magtatampo talaga ako.”



“Kaya ba nagagalit ka saakin?”



“Sino siya Atasha?”



“Bakit kailangan mong malaman?”



“Dahil gusto kong malaman!!! Sino? Sino Atasha? Sino siya?”



IKAW! IKAW ANG MAHAL KO ZACK!



Gusto kong isagot yun sa kanya. Pero pumasok ulit yung boses ni Laris. “If you ever go to that point, never tell him the truth.”



“Hindi Zack… kahit pa malaman mo, wala ka ring magagawa.”



“Why? Sino ba siya? Bakit hindi mo magawang sabihin saakin?”



“Dahil hindi mo na kailangan malaman! Ako ang may gusto sa kanya… pabayaan mo na lang ako…”



Lalong naging blanko yung mukha ni Zack. Babawiin ko pa sana yung last sentence na sinabi ko pero…



“Kaya ba pinili mong lumapit kay Laris para maging prospect niya?”



.



.



.



.



.



“Paanong…”



“Never tell him that you’re my prospect.”



“You are his prospect. Wag kang magsinungaling saakin Atasha.”



“Never tell him that you’re my prospect.”



“Zack…”



“The pictures… in just one look, alam kong ikaw yung kasama ni Laris. I know you very well kaya alam kong ikaw yun. Tell me the truth.”



“Never tell him that you’re my prospect.”



“Hindi ako ang prospect ni Laris.”



“You’re lying to me…”



“Never tell him the truth.”



“Hindi ako ang prospect ni Laris!!!”



Then comes an awkward silence.



“You won’t tell me the person you like. You won’t tell me you’re the Prospect.” And there’s coldness in his eyes. “Atasha you’re lying to me.”



“Zack! Wag ka namang magalit...” Hahawakan ko sana siya pero umiwas siya.



“Don’t touch me…” At tinitignan ko ang mga mata niya, parang naluluha siya. Sobrang nawasak yung puso ko nun kasi hindi ko gustong gawin ‘to sa kanya. “Hindi ako nagagalit sayo Atasha… pero nasasaktan ako.”



“But if Zack tells you that he’s jealous…”



“Bakit Zack?”



“Then you can tell him what you really feel for him.”



“Nagseselos ka ba? Nagseselos ka ba kaya ka nasasaktan?”



Please tell it Zack. Gusto ko nang malaman mo rin ang nararamdaman ko para sayo.



“Coz if not…”



.



.



.



.



.



“Hindi ako nagseselos… what makes you think I’m jealous?” Saka ako tinalikuran ni Zack. “Saka na lang tayo ulit mag-usap Atasha… it's impossible and I’m really off today…”



At iniwan niya akong mag-isa ulit. Mas nawasak yata ang puso ko sa sinabi niya.



Pero naririnig ko pa rin ang boses ni Laris… yung bulong niyang…


“Coz if not… itutuloy pa natin ito. We’ll make him realize na maling desisyon ang ginawa niya sayo ngayon.”



(Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 28


21 comments:

  1. ~angel is luv~

    nakakainis si zack dito! swear, nawala sa isip ko na crush ko siya. kasi naman jelly-jelly siya pero ayaw pang aminin! at ang galing ni laris magplano, ano kayang next na gagawin niya? sana makilala na ng lahat si atasha as prospect para makita ko yung face ni zack. makita niya, magsisisi talaga siya!

    thanks po sa maagang christmas gift miss aegyo!

    ReplyDelete
  2. I hate ZACK!! Bat niya ginawa yun?? Sobrang in denial naman niya kahit obvious na -.- Masakit yun para kay Atasha.. Zack, believe me nasa huli na ang pagsisisi kung kailan wala na sayo yung mahal mo hayystt pero okay lang :D Atasha and Laris Love team ako!! XD

    ReplyDelete
  3. “Coz if not… itutuloy pa natin ito. We’ll make him realize na maling desisyon ang ginawa niya sayo ngayon.”

    Ohmy Laris~ ang sarap maging prospect mo. Haylabyu <3

    ReplyDelete
  4. Ay naku Zack! Hindi ka pa umamin kay Atasha!
    Wrong move ka dude. tsk tsk
    Ngayon mas naeexcite ako sa plano ni Laris.
    Ang galing-galing niya at sobrang pogi pa!
    Yummy, hahaha!!

    ReplyDelete
  5. ndE aq msyadO naiiNis kei zAck dHiL obVious LnG n naGseseLos xAh,,, aNg mLi niA, dPat ndE niA ginaNun c atAshA,,, aNg sKit eE,,,, pRo oKaY n diN dHiL LaRisHa pO aq,,, gO LaRis, saVe aTashA's hEart,,, ayiiiiEeehhh,,,

    ReplyDelete
  6. at aNg gwaPo ni LaRis s LasT picTure,,, saVe imaGe, hwAhEHe,,,,

    ReplyDelete
  7. Aluuuh~ Kasalanan 'yan ni Admin kung bakit galit ngayon si Zack kay Atasha! >_< Yung pictures kasi eh! Ahuhuhu~ Bakit ganun ka Zack! Nakaka-imbey ang pagiging ice prince mo. :(
    Off-topic muna kay Zack. Keke~ Grabe ang windstorm! Ang hangin ni Laris! Kunsabagay, may ipagmamayabang din naman kasi siya. Haha! Sino kaya 'yung pamangkin ni Aling Mangkay na lilipat?
    Yeah! Tama si Laris! Ipamukha niyo kay Zack na mali ang desisyon niyang gawin sayo yan, Atasha. Wooh. XD Muntikan nang mabuko si Atasha! Everybody should know na hindi prospect ni Laris si Atasha kundi girlfriend niya talaga, para mas maniwala si Zack.. Pero mas maganda kung tototohanin nila 'yung relationship nila. *__*/

    Tsk. I really feel bad for Atasha. Bakit ka ganiyan, Zack. :(

    ReplyDelete
  8. Update :3 Pleasssseee XD Excited na ako :D Haha Ang mean mo Zack may chance ka na ee.. Well, too bad for you haha *evil smile* LariSHA ako ee yieeeee... Kailangang ipamukha sa kanya yung pagkakamali niya and I'm waiting for the next move by the way :)

    ReplyDelete
  9. what the???? zack said that!! kainis siya ah!! excited na ung tao mgtapat eh.. tapos ginanun nyan lang?? haiii.. buhay love life nga nman..

    whoosh!!! super hurricane ba yang dala mo laris?? pati bahay ko lumipad na eh.. hehe.. ang gwapo niya!!!!

    soo.. who's the incoming gurl o guy??.. hmmn.. gettong more excited!! ;)

    ReplyDelete
  10. ahy ! ang sama-sama naman ni papa zack ! hmp ! >.< pero kyaaa ~~~ sana naman sana naman malaman na nila ang TRUE feelings nila. sAna :))))
    keep up the good works Ms. Author :*

    ReplyDelete
  11. Okay! I read it from the beginning to here!!! in one day! oh my gahd! nakaka-excite talaga ate! lakas ng impact ng story!!! lakas ng impact ni Laris!!!

    Type na type ko na talaga itong story na ito!!!

    ReplyDelete
  12. Waah nakakainis naman si Zack. Grabe siya mag selos at in-denial pa siya ha pero okay lang yun mas gusto ko kasi ang loveteam ni hot pink at ate ganda

    ReplyDelete
  13. its been a long tym na mabsa to
    exciting update po

    ReplyDelete
  14. ikaw n tlga laris! ur d best! atasha, wag k n kei zack! ang mean nia... if he really likes u, hinde dpat ganyan ang pkikitungo nia. shets! nainis aq s knya! ang sakit ehh.

    ReplyDelete
  15. _____8888888888____________________
    ____888888888888888_________________
    __888888822222228888________________
    _88888822222222288888_______________
    888888222222222228888822228888______
    888882222222222222288222222222888___
    8888822222222222222222222222222288__
    _8888822222222222222222222222222_88_
    __88888222222222222222222222222__888
    ___888822222222222222222222222___888
    ____8888222222222222222222222____888
    _____8888222222222222222222_____888_
    ______8882222222222222222_____8888__
    _______888822222222222______888888__
    ________8888882222______88888888____
    _________888888_____888888888_______
    __________88888888888888____________
    ___________8888888888_______________
    ____________8888888_________________
    _____________88888__________________
    ______________888___________________
    _______________8____________________

    ReplyDelete
  16. . . .woooh!, excited lang nman po ako sa update.. (:

    ReplyDelete
  17. Kyaaa! Ang cool talaga ni Laris! >c < Soooo excited for the next update ^-^ I love your story! <3;

    ReplyDelete
  18. Wiiieeeee... Haha Currently waiting for your update :) Gusto ko na po malaman ang susunod na mangyayare XD Zack... Anubey?? Too bad for you Papa Zack di ka umamin >.< pero pag umamin naman siya mawawalan ng chance ang LariSha.. Kaya Zack haha okay na di ka umamin ^^ pero dapat di mo sinabihan ng ganun masakit yun ee :3 Ang hot ni Laris sa last pic *drools* LOL!

    ReplyDelete
  19. waa... T.T Miss ko na to T.T huhuhu
    ano na kaya mangyayari hmm WAA!! XCITED NA Q *o*

    ReplyDelete
  20. Hayayayayayayayay~ bakit kasi hindi pa maging honest ehh =3=

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^