Saturday, December 22, 2012

Interview With A Killer: Chapter 2

“Conceiving”


Ibang klase, sa lahat ng nakausap kong baliw, ito na pinakamalala. Madalas kasi yung iba, mga tulala, isip-bata, wild, emo, portraying pero walang record na harmful. May kinapa siya sa ilalim ng mesa. Kinuha niya ang wallet-sized na larawan at nilapag sa ibabaw ng mesa.
“Dok, siya yan.” Kinuha ko yung picture, magkasama sila dito. Maganda yung babae kahit may pilat ito sa kaliwang pisngi. Pano nakatisod ang baliw nato ng isang magandang babae? Kawawa naman sinapit nya.

“Matigas ang bungo ng gago(Toto)! Sinigawan pa nga ko eh! Nasabihan pa’kong tanga! Kahit papaano, syota ko pa rin si Sydney, nabuntis man siya ng iba hindi ko naman magagawang pumatay! Ano ‘ko ulol?” Defensive pa siya sa lagay na yun. Si Toto talaga ang pinagdidiinan niya.
“Sinabi nyang ako lang, nangako siya. Mag-iisang taon na relasyon namin. Nangako ako sa sarili kong bubuo ako ng pamilya ng may isang ama at isang ina lamang. Hindi katulad ng ina kong puta na siyam na beses inanakan ng kung sinong hayop lamang.  Mga hayok sa laman na sa tanda nyang 38, wala pa rin siyang katigil-tigil hanggang ngayon.” Ramdam na ramdam ko ang galit sa tono nya. May family problem pala ang isang ‘to. May prosting ina at siyam silang anak ng iba’t ibang lalake. Ito marahil siguro ang dahilan kung bakit lumala Dissociative Identity Disorder nya.
“Nahiya nga ang jellyace sa pagka-assorted namin. Mga sinumpang anak ng puta!” Isang pekeng ngiti ang gumuhit sa labi nya.
“Akala ko talaga si Sydney lang ang makakaintindi saken, siya na lang ang meron ako at ang sanggol namin sa sinapupunan nya. Magiging ama na ang gagong katulad ko. Alam kong corny mang pakinggan pero sobra kong saya.” Nagbunong-hininga siya.
“Nangako akong hinding-hindi ko itutulad ang mag-ina ko sa wasak na pamilyang kinagisnan ko. Pero, may nalaman ako kay Toto.” Nanlisik ang mga mata niya at naikuyom niya ang mga kamao. Isinalaysay pa nya ang buhay nya.

“Vaughn, tingnan mo yung syota mo. Kanina lang sabi nya mahal ka nya pero anong ginagawa niya? Inaahas na naman ng ibang lalake.” Bulong ng isa pa nyang katauhang si ‘Toto’.  Nasa rooftop si Vaughn ng college bulding nila habang kitang-kita nya ang girlfriend sa ibaba.
“Wag mong lasunin utak ko, Toto. Hindi ganung klaseng babae si Sydney. Hindi siya katulad ng kaladkarin kong ina! Buntis siya! Magkakaanak na kame! Hindi niya magagawang ipagpalit ako sa ibang lalake! Isaksak mo yan sa kokote mo, Toto!” Hindi binigyang malisya ni Vaughn ang pakikipag-usap ni Sydney sa lalake. May tiwala siya sa ka-live in partner nya, isang buwan pa lamang silang nagsasama sa apartment ni Vaughn.
“Wala rin siyang pinagkaiba sa ina mo. Salawahan. Makinig ka saken Vaughn, ako lang naging totoo sayo noon pa man. Ako lang ang kakampi mo! Ang mga babaeng tulad nya, winawakasan ng buhay nang hindi na dumami pa!“ Humalakhak ang katauhan ni Toto.
“Tigilan mo ‘ko! Lumayo ka! Hindi ako makikinig sa’yo!” Sarado ang isip ni Vaughn. Nakokontrol pa niya ang sarili sa tuwing ginagambala siya ng isa pa niyang katauhang si Toto.
Madalas gambalain si Vaughn ng isa pa nyang katauhan sa tuwing siya’y nag-iisa na tila may isang demonyong bumubulong sa kanya. Wala siyang pinagsabihan tungkol kay Toto dahil hindi siya naniniwala sa sinasabi tungkol kay Sydney at ayaw niyang masaktan ito.
Hanggang sa isang gabi, isang kanto malapit sa apartment niya, dalawang anino ang nakita niyang naghahalikan sa likod ng waiting shed. Nagkubli sya sa may kanto at nagsalita na naman ang katauhan ni Toto.
“Yung kinakasama mo kinakalantari na naman ng iba. Sa mismo pang lugar mo. Ibang klase, nasan ngayon ang babaeng pinagkakatiwalaan mo, Vaughn?” Lalong napuno ng galit si Vaughn sa madalas na paglason ni Toto sa isip niya.
“Tama na! Tigilan mo na ‘ko! Umalis ka na!” Bulyaw ni Vaughn. Sinasabunutan niya ang sarili at tila nawawala na sa katinuan. Nag-ring ang cellphone nya pero hindi nya sinagot ang tawag.
 “Ngayon sabihin mo saken kung nakasisiguro kang anak mo nga ang pinagbubuntis niya! Mauulit na naman sa batang yun ang buhay na sinapit mo! Mararanasan nyang makutya, mapahiya, masaktan, pandirihan. Hindi ba sawang-sawa ka na? ” Dagdag pa ni Toto.
“Tumigil ka na! Hindi ko matatanggap ang batang yun! Magbabayad sila!” Nanginginig na sinabi ni Vaughn. Napaupo sya at mahigpit na yakap-yakap ang mga tuhod nya. Nag-vibrate ang phone nya dahil sa isang mensahe pero hindi na naman nya ito pinansin.
“Nandito ako Vaughn, ipagtatanggol kita. Ako lang naman ang karamay mo noon pa mang bata ka pa. Ipararamdam natin sa kanila ang sakit na dinanas mo! Wala tong kapatawaran! Ako ang papatay sa hayop nyang anak! Hindi siya dapat mabuhay! Mararamdaman lang niya ang sakit na dinanas mo!” Tila paulit-ulit na nag-eecho ang sinabi ni Toto kay Vaughn. Gulong-gulo na ang isip nya. Napapasabunot na siya sa sarili at tinatakpan ang mga tainga.
Tuluyan ng nagblangko ang utak ni Vaughn at nagpadala sa katauhan ni Toto na puno ng galit. Hindi matao sa lugar ng apartment nya, kung tutuusin medyo liblib ito. Ang apartment nya ay bahay talaga ng may-ari na nagtungo sa probinsya kaya naiwan ang iba pang kasangkapan ng bahay dito. Nadatnan niya ang isang babae sa labas ng apartment na may bitbit na malapad na box. Bago pa man ito makalingon, ipinukol nya ang bato sa ulo ng babae. Nawalan ito ng malay at nagkalat ang laman ng box sa semento. Kinaladkad niya agad ang babae papasok.
“Matutuwa ka Vaughn sa gagawin ko. Hihiramin ko muna sa’yo si Sydney. Sisiguraduhin kong hindi mabubuhay ang hindi mo naman talaga anak sa sinapupunan nya!” Bulong ni Toto at tumulo na rin ang laway nito. Binuksan nya ang kandado ng pinto at kinaladkad ang babae papasok. Isinara niya lahat ng bintana at pinto. Nagtungo siya sa kusina. Hinawi nya lahat ng nakapatong sa 6-seater oblong dining table at ibinalibag ang walang malay na babae sa mesa.
“Ipalalasap ko sayo Sydney ang sakit na nararamdaman niya! Hayop kang babae ka! Parehong-pareho kayo ng ina nya!” Itinali nya ang mga kamay at paa nito sa paanan ng mesa. Pinagbubuksan niya ang mga cabinet sa kusina. May ilang carpenter tools ang nakita nya dun (mga gamit ng dating umupa). Gumuhit ang mala-demonyong ngiti sa labi nya nang makita nya ang maso. Binitbit na rin nya ang isang timba na puno ng tools.
“Dudurugin kitang parang pulbura!”  Napangisi pa siya kasabay ng pagtaas ng maso ngunit biglang nagkamalay ang babae. Kahit natatakapan man ng mahabang buhok ang muka nya, hindi sya makapaniwala nang makita nyang tila sinapian si Vaughn.
“W-wag.. V-vaughn.. A-anong gi---” Hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil pumukol agad sa bibig nito ang ulo ng maso. Ramdam na ramdam ni ‘Toto’ ang pagkadurog ng mga ngipin nito, lalo pa syang natuwa sa muling pagpukpok.  Sa sobrang lakas ng pwersa, napapaangat ang ulo ng babae sa bawat pukol ng maso sa bibig nito. Halos bumilog na sa bibig nito ang sariling dugo, putok na ang mga labi at basag na ang mga ngipin. Kaunti na lang mahihiwalay na ang mga labi nito sa bibig. Inuunan na niya ang sariling dugo na humalo na rin sa nakasambulat nyang buhok sa muka at leeg.
“Nakita mo ba yun Vaughn? Patikim pa lang yun, kaibigan. Hindi pa talaga ko nagsisimula. Dahil ito talaga ang gusto kong iuna!” Pinukpok nya ng pinukpok ang puson ng babae. Napapaangat pa ang balakang ng babae sa lakas ng pwersa. Nagmantsa na ng dugo sa puting maternity dress ng babae.
“Tama na! Tama na Toto! Hindi ganito ang gusto kong mangyare!” Tuluyan ng hindi makontrol ni Vaughn ang sistema nya. Mas nangibabaw sa katauhan nya ang naghihimagsik na si Toto. Ang tangi nyang kaibigan na nangakong hindi sya iiwan at ipagtatanggol siya nito.
“Manahimik ka!” Maraming ulit pa at hindi pa siya nakuntento sa pagmaso, itinaas nya hanggang bewang ang bestida at ibinaba sa tuhod ang underwear ng babae saka muling minaso ang puson. Aktwal niyang nakikita ang pagkulay ube ng balat nito hanggang sa tuluyan ng nangitim at sumirit ang dugo mula sa balat. Natalsikan pa siya sa mukha na labis pa nyang ikinatuwa. Kasabay naman ng pag-agos ng naghalong ihi at dugo galing sa ari ng babae. Pumutok na marahil ang panubigan.  Naglalawa na ang mesa at sahig sa dami  ng dugo.
“Di ba kaibigang Vaughn, mahina ka sa Human Anatomy? Pwes, itututuro ko sayo kung pano mag-dissect ng totoong tao at ng hindi isang walang kwentang kuneho lamang!” Itinusok ng katauhang si ‘Toto’ ang  8-pulgadang gunting pangyero mula sa duguang puson paitaas sa pusod. Napuno na rin ng dugo ang damit ni Vaughn/Toto pati ang buong braso’t kamay.
“Wala akong pakelam kung saang bunbunan ka pa nakaulo. At kung sakaling hindi ka pa tuluyang nadudurog sa loob, bubutasin ko pa rin bunbunan mo!”  Paghalakhak niya. Tinutukoy niya ang walang kamalay-malay na fetus. Hinalungkat nya ang timba ng tools at nakita nya ang 12-pulgadang screw driver.
“Hindi ka na makapagsalita, Vaughn. Nagugustuhan mo na ba nakikita mo?” Isinalok nya ang kaliwang kamay sa mainit-init pang dugong umaagos galing sa pagkababae nito saka ipinahid sa balakang ng babae.
“Mamamatay kang hayop ka! Mamatay ka! Dudurugin kita!” Ipinasok nya ang screw driver sa butas ng  pagkababae nito at paulit-ulit na nilabas-pasok.  Halos sumagad na rin ang handle ng screw driver sa diin ng pagkakapasok niya. Labis siyang natuwa sa mas dumami pang pag-agos ng dugo. Tila nauulol siyang aso sa pagtulo ng laway nya.
Ngunit hindi pa rin siya nakukuntento hangga’t hindi nya nakikita mismo ang kawawang sanggol. Gamit ang cutter hiniwa nya ang maternity dress ng babae hanggang sa tuluyan ng naialis ito gayundin ang underwear at bra.
“Pero bago ko gawin yun, sisiguraduhin ko ring hindi siya makakatikim ng kahit isang patak ng gatas mo.” Masyadong matalim ang cutter kaya madaling naputol ang dalawang ut*ng nito. Gumulong pa ang mga ito sa mesa at nahulog sahig. Gumuhit na rin ang dugo sa malulusog nitong dibdib.







3 comments:

  1. S tOtoo LNg nkktAkot xAh bSahiN,,, pEo hindi q riN mtiGiL aNg pagBbsa,,,

    ReplyDelete
  2. kakaiba & creepy nga basahin! pero cool!

    -+88_
    _+880_
    _++88_
    _++88_
    __+880_________________________++_
    __+888________________________+88_
    __++880______________________+88_
    __++888_____+++88__________+++8_
    __++8888__+++8880++88____+++88_
    __+++8888+++8880++8888__++888_
    ___++888++8888+++888888++888_
    ___++88++8888++8888888++888_
    ___++++++888888888888888888_
    ____++++++88888888888888888_
    ____++++++++000888888888888_
    _____+++++++000088888888888_
    ______+++++++00088888888888_
    _______+++++++088888888888_
    _______+++++++088888888888_
    ________+++++++8888888888_
    ________+++++++0088888888_
    ________++++++0088888888_
    ________+++++0008888888_
    ________#############_

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^