Friday, December 7, 2012

Darker than Black: Chapter 4

Darker than Black
Chapter 4
** Megumi Sayson’s POV **











“Hello Megumi!” 




“Uy Megs! Kamusta?” 




“Megumi naman! Pansinin mo ako! >3<” 




“Meeeeegs!” 





Inirapan ko lang siya at saka umalis sa room. Ang kulet kulet ni Cassandra. Hindi niya ba alam ‘yung dahilan kung bakit hindi ko siya pinapansin? Si Madeline naman, parang wala lang sa kanya. Tinitignan lang niya ako then iiwas din agad ng tingin. 




=___= hindi ko alam problema nila at talaga namang naiinis ako kaya umakyat nalang ako sa may rooftop. Mabuti pa don, walang tao at tahimik lang dahil oras na ng klase. 




Sumalampak ako sa may gilid nung makarating ako sa may rooftop at nilagay ko sa tabi ‘yung bag na hawak-hawak ko. Ayoko muna talagang pumasok dahil naiinis ako sa dalawa kong kaibigan. Mga walang pakiramdam. 




“Lukot na ‘yang mukha mo oh. Ganda mo pa naman.” 




Napalingon ako dun sa nagsalita. Nakaupo siya sa kabilang gilid habang nakatingin sa langit. 




Ako ba kinakausap niya o ‘yung langit? -__- 




Tumingin ako sa kalangitan. Wala naman mukha ‘yung langit ah. 




At higit sa lahat, hindi naman lukot ‘yung langit. 




Baka naman ako talaga ‘yung tinutukoy niya? 




Pero ako? Lukot ‘yung mukha? 




Hinawakan ko ‘yung mukha ko. Hindi naman ah. Ako ba’y niloloko nitong taong ‘to? Hindi porket gwapo siya lolokohin na niya ako! 




“Hahahaha!” Napatingin ulit ako sa kanya ng bigla siyang tumawa. “Ang kulit mo miss.” Lumingon siya sa akin habang nakangiti. 




Oh my gulay na panis! 




Napaka-gwapo niyang nilalang! 




T-totoo ba talaga siya o… baka naman nananaginip lang ako? O.o? 




Hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na siya. Nakaupo siya na hindi sumasayad ‘yung pwet niya habang nakatingin sa akin habang naniningkit ‘yung mga mata niya dahil sa pagngiti sa akin. 




“B-ba—kit?” Nauutal kong tanong. 




Sino ba naman ang hindi mauutal sa kagwapuhan nitong nilalang na ‘to? 
Parang hindi siya tao eh. Baka naman siya si Machete? O__O 




“Wala lang. Napansin ko kasing badtrip ka nung pumasok ka dito kaya siguro hindi mo ako napansin.” Nakangiti pa rin siya. 




“A-ah?” 




Tumawa ulit siya. “By the way I’m Gabriel. Ikaw? Anong pangalan mo?” 




“H-ha? M-megumi.” Sabi ko sabay iwas ng tingin dahil naiilang ako sa kagwapuhan niya. >__> 




“Blessing.” Napatingin naman ulit ako sa kanya dahil sa sinabi niya. “Megumi means Blessing, ne?” 




O___O “J-japanese ka?” 




“Hahahaha. Hindi, pero ‘yung best friend ko oo. Ewan ko ba dun kung naaalala niya pa ako.” Bumuntong hininga siya saka siya nag-indian seat. Sa harapan ko pa rin. 




Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kaya naman ang tanging alam ko lang para makaiwas sa kanya ay ang bumalik na sa klase. 




“U-uh sige, una na ako ha? May klase pa ako eh. Bye!” Tumakbo na ako palabas ng rooftop. 




Grabe. Ngayon lang ako nailing ng ganito sa isang tao. Hindi ko alam kung bakit… para bang may napakalaki akong kasalanan sa kanya kaya hindi ako makatingin ng diretso sa kanya? Ang weird nitong nararamdaman ko sa kanya. Nakakabaliw. 




Mabuti nalang at wala ‘yung Teacher namin nung bumalik ako sa may upuan 
ko. Nakatingin lang sa akin si Cassie at si Eline naman inirapan lang ako. 




-___-+++ nakakainis naman! Siya pa! Siya pa ang may ganang mang-irap ah! 




Ano bang trip niya sa buhay?! Ha?! Grr!!! 




Yumuko nalang ako sa desk ko. Matutulog nalang ako! 



Siguro mga sampung minuto pa lang ako nakakatulog ng biglang may kumalabit sa akin. Hindi ko nalang pinapansin baka masapak ko lang kung sino iyon. Kilala ako ng lahat dito sa room. Ayaw na ayaw akong ginigising kapag natutulog ako dahil dati, noong may gumising sa akin ay nasapak ko. Hindi ko naman sinasadya kaso badtrip din ako nun kaya ko nagawa ‘yun. Suspended nga ako ng dalawang araw nun eh. >___< 




Hindi pa rin ako tinigilan nung nangangalabit kaya naman naiins kong inangat ‘yung ulo ko at tumayo. “ANO BA?! HINDI MO BA NAKIKITA NA NATUTULOG AKO HA?!” 




Naramdaman kong tumingin ‘yung mga classmate ko sa akin. At narinig ko naman na tumawa itong karaharap ko. 




“Hahahaha! Ang cute-cute mo talaga, Blessing!” Sabi niya habang nakalangalumbaba at nakangiti sa akin. 




Nagulat ako nung makilala ko kung sino ‘yung nasa tabi ko habang tumatawa. “G-gab? A-anong ginagawa mo dito? S-s-sorry.” Napayuko ako at umupo sa upuan ko dahil sa kahihiyan. 




Ano ba naman ‘yan! Nakakahiya! Malay ko bang si Gabriel itong nasa harapan ko? Kasi naman eh! Anong ginagawa niya dito? 




Nakita ko naman na nakatingin sa akin sila Cassie and Eline. Iniwas ko rin agad ‘yung tingin ko sa kanila. Tinignan ko ‘yung wrist watch ko. 




Uuwi nalang ako tutal wala naman Teacher eh -__- 




Tumayo ako ng walang imik at kinuha ‘yung mga gamit ko kaso bigla naman akong hinarangan ni Athena. 




“Well well well, lumalabas ang tunay na attitude natin ah.” Nakangising sabi niya. 




-__- “Tumabi ka jan, aalis na ako.” Tinabig ko siya pero hinila nila niya ‘yung braso ko. 




“Baka nakakalimutan mo, Sayson na hindi ka dapat ganyan sa mga classmate mo.” Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. “Lalong lalo na sa new student natin.” Tumingin siya kay Gab kaya naman tumingin din ako sa kanya. 




Kinawayan niya ako nung makita niyang nakatingin ako sa kanya. Iniwas ko nalang ‘yung tingin ko dahil naiilang talaga ako sa kanya. 




“Tapos ka na?” Walang gana kong tanong sa kanya. 




“Hindi pa. Ano bang problema mo ha?! Bakit ka ganyan?!” Nagulat naman ako nung bigla siyang sumigaw. 




=____= bakit ba ang we-weirdo ng mga tao ngayon? 




“Hoy Athena the goddess of panget! Hwag mo ngang sigawan si Megumi!” Napatakip nalang ako ng mukha dahil kay Cassandra. 




“Anong sinabi mo?! Sinong pangit?! Ha?!” 




“Ikaw! Sino pa ba?!” 




“Hindi ako pangit! Mas pangit ka! Bobo pa!” 




“Tumigil na nga kayo.” Singit ko. 




“Hindi ako bobo! Bakit ba trip na trip mo ang kaibigan namin ha?!” Sabi ni Cassie habang lumalapit sa may pwesto namin. 




“For your info, hindi ko trip ‘yang walang kwenta niyong kaibigan! Binabalaan ko lang siya na kapag hindi siya umayos ng paguugali niya ay baka bumaba na siya sa kanyang trono!” 




Pakialam ko sa trono na ‘yan? =___= 




“Excuse me! Hinding hindi bababa ang isang Megumi Sayson sa kanyang trono! Mamatay ka sa inggit!” Cassie. 




“Hahaha! Ako? Maiinggit sa tulad niya? No way! Duh! Kadiri lang!” 




“Mas nakakadiri ka!” 




“Lalo ka na! Bobo.” 




“Hindi sabi ako bobo eh!” 




“Bobo ka!” 




“PWEDE BA MANAHIMIK KAYONG DALAWA?!” Sigaw ko at natahimik naman silang dalawa. “Ang ingay ingay niyo eh! Pwede ba! >___< uuwi na ako ang dami dami niyo pang sinasabi! Nakakabwisit ‘tong araw na ‘to! Sa totoo lang KAGABI pa ako badtrip tapos dadagdagan niyo pa! Leche!” Lumabas ako ng room at binalibag ko ‘yung pintuan. 




Pumara ako ng taxi para makauwi na sa condo ko. 




Sana lang hindi mabalitaan ni Ate o Papa ‘yung nangyari sa school kundi, lagot nanaman talaga ako. Haist. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko ngayon naiirita ako na ewan. Siguro puyat lang ako dahil sa nangyari kagabi. Itutulog ko nalang ‘to. 




*** 




“Wake her up.” 




“Eh ayoko. Ikaw nalang >__<” 




“Dalian mo.” 




“Ayoko talaga Madeline, ikaw nalang.” 




Minulat ko ‘yung mga mata ko dahil sa ingay nitong dalawang tao sa loob ng kwarto ko. Papaano ba sila nakapasok dito? 




Bumangon ako saka tumingin sa kanila. “Ang ingay. Natutulog eh. Ano bang ginagawa niyo dito?” Inis kong tanong. 




“Ah eh…” 




“Nothing, aayain ka lang namin mag-mall.” Sabi ni Eline saka hinatak ‘yung kamay ko. 




“O-oy Eline! Sandali lang!” 




“No. Hoy Cassandra, hawakan mo ‘yung isa niyang kamay.” Utos ni Eline kay Cassie at sinunod naman siya nito. 




“T-teka lang! Sasama naman ako eh! Magbibihis lang ako! >___<” Papaano ba naman naka-palda pa ako ng school namin habang naka-sando lang! 




“Hindi na kailangan.” At hinatak nila ako palabas ng unit ko. 




WAAAAAAAH!!! >___< hindi ko pa nga sila napapatawad sa kasalanan nila sa akin tapos, dadagdagan pa nila!!! 



2 comments:

  1. ~angel is luv~

    oooo ang gwapo nga ni gabriel!!! natawa naman ako nung sabihin baka daw siya si machete! hahaha!!! mas gwapo siya kay machete! haha!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^