Monday, December 24, 2012

Back Off She's Mine!: Chapter 15

Back Off She's Mine
Chapter 15

>___< Gabi na pero hindi ako makatulog dahil sa halik na yun. Hindi naman yun ang una niyang hinalik, In fact iyon ay pangalawang beses na hinalikan niya ako! gusto niyo e-flashback ko?
F l a s h   b a c k
Pinapasok ko siya sa bahay.


"Pumunta ka na lang doon para maligo or wash your face sa bathroom." Tinuro ko yung CR. Hindi ko siya tiningnan man lang dahil >///< sa HALIK. OO pangalawang beses na yun pero ngayon lang ata mas lalong um-effective sa akin! "kukunin ko lang yung T-Shirt at Tuwalya."
"Okay~"
Nagmamadali akong umakyat. Wala silang lahat at hindi ko din alam dahil wala naman silang sinabi sa akin o iniwan na notes.
@_@ wala akong malaking T-shirt kaya pumasok ako sa kwarto ng kuya Eric ko at naghalungkay er.. hindi naman kasiya yung t-shirt pero meron din naman akong nakita na magkakasiya. Kulay Blue yun at kakaiba ang design kaya yun ang kinuha ko pati na ang tuwalya. Pagbaba ko ay lumapit ako sa pinto ng Bathroom.
Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa loob.
Tatatatatototooto~
agh! ang dumi ng iniisip ko!!!!!! Kinurot ko yung pisngi ko.
"Tumigil ka sa kamanyakan mo, Mhikaiala." Sabi ko sa sarili.
"Ikaw ba iyan, Mhikaila?" si Clark yun.
*gulp*
"OO! Nandito na yung tuwalya at T-shirt. Ilalapag ko na lang sa sahig ha?"
Pero bago ko pa inilapag ang mga yun ay biglang bumukas ang pinto kaya naman ay tili ako ng tili. Hindi pa ako nakakita ng ano ng lalaki kaya wagggggggg!
Pero ng sumilip ako ay nakasuot naman siya ng jeans na suot niya kanina.
"Uh? bakit ka ba tili ng tili na wala pa naman akong ginagawa sa'yo?"
 O_O nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ibig bang sabihin niyon ay---HINDI!!!
"Pfft! bwahhaha! joke lang."
Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Psh! wag ka ngang magbiro ng ganyan! sisipain kita diyan eh! heto ang damit oh! magbihis ka na at umalis."
Tumalikod na ako dahil nga hindi ko ma-take na makita ang basang malapad na dibdib niya! XD
 "Oi tapos ka na ba suotin ang T-shirt?"
"Psh oo kaya pwede ka ng tumingin."
Ginawa ko na din. Nakahinga ako ng maluwag,
Tinutuyo na lang niya ang basa niyang buhok. Wah! tumalikod na uli ako tapos sinasampal ang mukha at naglakad.
"O-oi tapos ka na ba?"
"Hindi pa."
peshte naman niya! parang sinasadya niya talagang maging mabagal eh! para hindi agad siya makaalis sa bahay.
"Bakit ang tagal mo?"
"Eh bakit ba pakiramdaman ko ay pinapadali mo akong matapos sa pagtutuyo ng buhok ko? siguro ay gusto mo na ako makaalis 'no?"
">__< Eh! baka magalit ang parents ko na nagdala ako ng lalaki dito sa bahay tapos tayo lang dalawa nandito!"
Pumipito siya. >__< ang totoo niyan ay hindi naman yun ang rason eh ako ang dahilan! Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko tapos baka marinig niya tumatambol yun! "Huwag kang mag-alala hindi naman kita pipilitin . tsk ang dumi ng iniisip mo." Tumabi siya sa akin.
:"s Dear readers, what should i do? babawiin ko na ba yung sinabi ko sa chapter 14? I really do love him but i am not sure that he feel the same way that i do eh! Fine! binabawi ko na!
"Ah, Clark." Tawag ko sakanya.
"hmm?" Lumingon siya sa akin tapos nagtitigan kaming dalawa.
"Uhm... Meron kasi akong sasabihin sayo eh."
DUG DUG DUG DUG
Nagwawala na yung puso ko! somebody pakitali niyo nga ang puso ko?
DUG DUG
"What?"
Eye to eye pa rin kami. Para akong na-hypnotismo sa kanyang mata kasi unting unti naman lumapit yung mukha niya at yung mga labi namin ay kaylapit na.
"I....."
RING RING!!! RING!!!
"Hindi mo ba sasagutin ang telepono?" sabi niya tapos linayo niya ang kanyang muka sa akin.
"A! eh! oo sasagutin ko na!"
Peshteng telepono! yun na nga ang pagkakataon ko na magtapat eh!
"HELLO?!"
"hello nak. Mama mo ito."
O_O Psh si mama pala!
"Ay ma kaw pala bakit po kayo napatawag?"
"Ah wala lang. gusto ko lang makasigurado na nakauwi ka na."
"Ah."
"Pero malapit na kami ng papa mo diyan."
pagkasabi niya yun ay naalarma ako. Anong mangyayari kapag nalaman ng magulang ko na nagdala ako ng lalaki sa bahay? eh tinulungan ko lang naman si Clark eh.
"MHIKAILA UUWI NA AKO. MERON PA KASI AKONG GAGAWIN EH!" Sigaw sa akin ni Clark.
"Anak Sino yun?"
"Ah wala po yung. ah eh PUSA po meron pong nakapasok eh." Dinistansiya ko yung phone at nag-meow ako.
"MEOW!"
pagkatapos niyon ay nilapit ko na sa tenga ang telepono.
"Ah ganun ba? para kasing narinig ko ay boses ng lalaki eh."
"naku ma baka gutom lang iyan. Bilhan mo ako ng paborito kong pagkain ha?"
pag-iiba ng topic.
pagkatapos kong ibaba ang telepono ay lumabas ako sa bahay dahil nandon si Clark na sinusuot na ang rubber shoes.
"Ah ihahatid na kita."
"wag na baka masagupa mo na naman yung panget," Tumayo siya. "thanks at pinahiram mo ako nito."
Bago pa ako makapagsalita ay tumakbo na siya paalis. TT___TT tanga ko talaga naman oh! nung meron akong time na makapag-tapat ay may paarte arte pa kasi eh.

Chuuuu

O///O naalala ko na naman yung kiss. Hindi lang yung kanina kundi pati na din noon yung first na hinalikan niya ako.
E n d of f l a s h b a c k
"Hindi ako makatulog!!!!" Bumalikwas ako. Tumayo tas bumaba.
11:11 PM na at sa mga oras na ito ay tulog na ang pamilya ko at nga pala kaninang hapon kasi ay pumunta siya sa bahay di ba upang pahiramin ko ng damit? oo, wala kasi ang pamilya ko kaya walang nangungulit sa akin kanina kasi kapag malaman nila na nagdala ako ng lalaki dito ay mag-iingay ang kapatid ko ngayon. XD
Pagbaba ko ay nagtimpla ako ng gatas tas pumunta sa sala habang iniinom yung gatas ay parang may narinig akong tunog sa bentana. May naghagis ng bato sa bentana! Sinong hinayupak ang gumawa niyon?
Sumilip ako tas nakita ko doon ang may sayad na bata. Napansin ata niya ako kaya naman ay nagbigay siya ng sign na lumabas.
=_= "Pano mo nalaman ang bahay ko?" tanong ko ng nakalabas na ako sa bahay.
">.> ID MO." sagot niya.
"Hayy salamat at binalik mo na sa akin at ikaw umuwi ka na bata dahil gabi na baka hinahanap ka na ng magulang mo."
Pero nakatayo pa din siya sa harap ko at hindi man lang kumibo.
>.> "A-ano?"
"Ang laki ng eyebag mo dapat ikaw ang matulog."
(~o~) napanganga ako sa sinabi niya.
"Aish! Umuwi ka na nga!"
>_____> "Ayaw mo ba talagang sumali sa gang ko?"
"Hindi ko pinangarap na sumali 'no!"
"Okay! bahala ka na din sa mga taong nakasunod sa'yo bukas." Iyon ang huli niyang sinabi  sa akin tas tumakbo sa tatlong lalaki at isa babae. Hindi ko makita yung mukha nila since madilim na doon sa parte.
"Weirdo. Anong ibig sabihin niya na ako na ang bahala sa mga taong nakasunod sa akin bukas?"
Naiiling na pumasok na uli ako sa loob. Oh well, as long na naibalik na niya sa akin ang ID ko wala na akong problema.
○n e x t d a y ○
 "Oi! Ano yung nakikita ko?!" Biglang umupo sa tabi ko si Dacey. Nandito kami sa Canteen. "Kayo na ba? uyy aminin!"
>////< "Hindi pa kami! Hindi pa ako nagtapat sakanya bale magkabati kami lang kami." Nandon sa counter si Clark at bumili ng pagkain. Libre niya eh.

"Nge!" Nadismaya siya. "Ano ka ba girl ang super slow mo talaga! baka mamaya niyan ay maagaw ng iba iyan!"
"Baka naman ikaw dacey may balak?" Singit ni Suzy.
Nabingi ba ako? Hinampas sa likod ni Dacey si Suzy. "Ako? Bakit naman ako nasali diyan? Ikaw talaga Suzy wala ka ng makita kundi ako! kaya siguro NBSB ka pa rin!"
"Nagsalita ang hindi."
"At least ako meron ng first kiss!" Biglang tinakpan ni Dacey ang bibig. "Hhehee j-joke lang yun!"
"Oh nandito pala kayo." Umupo sa harap si Clark.
">O< Bili mo din kami ni Suzy Clark! Unfair ka talaga parati si Mhikaila ang nililibre mo!" reklamo ni Dacey.
">.> iba naman kayo sakanya 'no. oh heto!" Binigyan ng pera si Dacey.
"yey! kaya labs--este gustong gusto kitang maging kaibigan eh!"
 Umalis muna siya para bumili.
"Ha thank you--"
"Mhikailal!!!!" O____O patay! hindi ako nagkakamali sa boses na yun. Si KUYA ERIC!!! "Nandito ka lang pala! At teka sinong lalaki ito? boyfriend mo? sumbong kita kay mama!"
Napatayo ako. "Wah! Kuya! Anong ginagawa mo dito?"
"Nawawala kasi yung paborito kong T-Shirt eh."
Patay! yung T-shirt niya ay pinahiram ko kay clark. Alam niyo kasi kapag paborito niya ang isang bagay ay hindi iyan mapakali. Itatanong talaga niya kung nakita mo ba ang gamit niya kahit na nasa school ka pa! at kapag nalaman niyang pinahiram ko yun ay magwawala este hindi ka kakausapin niyan ng ilang linggo tapos susunugin niya ang paborito mong gamit!
"Eh ano naman?" Huwag kang maging obvious Mhikaila! patay ka niyan!
"Itatanong ko lang kung nakita mo?"
"Wala kuya. Aanhin ko naman yung T-shirt mo? wala sa akin."
"Aba malay ko sa'yo baka nasayo dahil ikaw lang naman ang nandon sa bahay kahapon."
"Kung hinahanap mo ay yung T-shirt mo ay nasa bahay ko. Pinahiram sa akin ni Mhikaila dahil tinapunan niya ako ng kape kahapon." Tinapunan? nahihiya siguro siya sa nangyari kaya ganun ang sinabi niya.



TT_____TT patay ako kay kuya! yung PIRATED CD na binili ko ay susunugin na niya! naku Clark bakit hindi mo itinikom iyang bibig mo!
"wala pala sa'yo ha?"
"Okay! pinahiram ko na! pero wala kasi akong magagawa eh yun lang ang kasiya niyang damit!"
"Aish! Humanda ka sa akin. Isusumbong kita kay mama na nagdadala ka ng lalaki sa bahay and WORSE ay hindi mo sinabi sa amin na may NOBYO ka na!"
"Hindi ko siya boyfriend kuya!" Soon-to-be lang.
"Hindi pa ba tayo mag-nobyo?" tanong sa akin ni Clark. Here we go again. NAPAKA ASSUMING NIYA! "Naghalikan na nga tayo tapos hindi mo ako nobyo? tsk tsk!"
TT/////TT oh my goodness! sinabi na niya! patay! double dead na ako! ganun ba yun? kapag hinalikan ka ng lalaki ay naging couple na sila? pero di ba sabi niya manliligaw siya?
"Psh... Napakalihim mo talaga sis! oi pare, please take care of my ugly sister. -_- pero ibalik mo yung T-shirt ko."
Pagkatapos niyon ay umalis na din siya.
"yey! nakabili din ako ng Panini! *U*" Kababalik lang ni Dacey.
"saan sa akin?" Ngayon lang nagsalita si Suzy.
"Heto."
"Thanks. Ah nga pala libre ba kayo ngayon saturday?" tanong sa amin ni Suzy.
"HINDI." Sagot lang namin lahat. "BAKIT?"
- w - May pinakita siyang limang ticket. "Meron kasi akong napalunan na ticket sa water park. yayain ko sana kayo eh na pumunta."
+_____+ waah water park? gusto ko pumunta doon.



"Ayokong pumunta diyan." Si Clark yun.
"Waa i want to go there. sige sama ako!" sabi ni Dacey.
"Ako din! isa yun sa pinangarap ko na mapuntahan!"
"So.. pano ba iyan Clark ibibigay ko na lang ito kay Roland ang isa pang ticket." Nanunutyang sabi ni Suzy.
"Pshh...fine!"
Meron pang natirang ticket.
"kanina iyang natitirang ticket Suzy?" tanong ko sakanya.
"=____=  I dunno. Siguro itatapon ko na lang."
"Huwag, pwede sa akin na lang iyan? ibibigay ko kay kuya para mawala yung inis niya sa akin dahil pinahiram ko kay Clark yung T-shirt eh."
l a t e r
"Pstt! Mhikaila!" tawag sa akin ni Dacey.



"Ano?"
"Nagtapat ka na ba sakanya? hmm? aminin! wahahah! nobyo mo na pala siya!"
"Hindi ko pa siya nobyo, Dacey."
"ha? Eh bak--"
"Hindi ko pa naipagtapat sakanya tsaka sabi niya LIKE lang niya ako D:"
"Eh ano naman? pwede pang lumalim yng naramdaman niya kapag kayo na."
"Talaga?"
"OO SABI EH! AISH IKAW TALAGA KAPAG HINDI KA MAGTAPAT DIYAN AY BAKA MAUNAHAN KA NA NG IBA. ANG SLOW MO EH. KAINIS KA. =_= KUNG AKO PA ANG NASA KINATATAYUAN MO MATAGAL KO NA SINABI SAKANYA EH. HALIKA KA NGA DITO." Hinila niya ako papunta sa bentana at tinuro niya si Clark na kausap ang kaibigan. "NAKIKITA MO BA SIYA?"
"oo."
"kapag hindi ka pa um-action ay mawawala iyang lalaki na yan. kaya MAGTAPAT KA NA!!!!!!" sinigaw niya yun sa tenga. ~_____~ ano ba ang problema niya? bakit ba mukhang inis na inis siya sa akin? hindi naman siya ganyan kanina ah. Umalis na din siya na walang paalam.
Tinitigan ko lang sya. Hindi kaya... pero baka mali lang ako ng iniiisip.
Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko na baka kaya ang dahilan ng kakaibang kilos ni Dacey ay dahil baka meron din siyang feelings para kay Clark.
kailangan kong malaman ang totoo kaya naman ay pinuntahan ko si Suzy doon sa LIBRARY para itanong baka kasi alam niya dahil silang dalawa naman ang pinaka-close.
"Suzy!" mahinang tawag ko.
Lumingon naman siya at nag-sign ako na lumapit siya sa akin.
"what?"
"May gusto sana akong itanong sa'yo. It's about Dacey."
Umupo kami sa bakanteng mesa at nilapag ang mga libro na dala ni Suzy.
"para kasing kakaiba na ang kilos ni Dacey. Kaya gusto ko sana itanong sayo kung tama ba itong hula ko na..." I pause.
"NA MAY GUSTO SIYA KAY CLARK?"
"OO. tsaka mas close naman kayo kaya baka alam mo."
"Kahit na hindi niya sabihin ay halata naman..."
Dacey POV
>:( I'm really piss off! kasi naman ang slow niya eh kaibigan ko siya pero sana naman ipagtapat na niya ang kanyang totoong naramdaman kay Clark kasi naman alam ko na mahal siya ni Clark. LIKE daw tsk!
hindi ba niya alam na ACTION SPEAK LOUDER THAN WORDS!
huwag kayong mag-alala dahil Unrequited Love lang ito sa akin. Ayaw ko na maging balakid sa dalawang taong nagmamahalan pero naiinis ako! dahil sa napaka-PAGONG NIYA!
nandito ako sa harden ng school. Nakaupo sa bench.
Hindi ko mapigilan na umiyak. I'm hurt. :( it's very painful to see the one that you love ay may mahal ng iba.
Sana ako na lang siya.
KUNG AKO PA SI MHIKAILA SIGURO AY AKO NA ANG PINAKAMASAYANG BABAE.
Sumisikip yung naramdaman ko.
"peshte ka bakit hindi ka tumigil sa kakaiyak?"

Kahit anong gawin ko ay patuloy pa rin ako ng iyak. Mabuti na lang at nandito ako kung may makakita sa akin ay baka pagtawanan na nila ako.
TT_TT
"Miss, tumigil ka na sakakaiyak heto ang panyo oh."
Lalaki na binigay sa akin ang panyo niya. When i look up ay isang NERD na lalaki yun. I really don't care 'bout the looks kasi naman mas gusto kong umiyak dahil sa sawi kong puso...
Tinanggap ko ang panyo.
"T-thanks."

1 comment:

  1. WOah,,, oo ngA nMaN mhiKaiLa, aNo paNg hinihintAy mU,,, nde mU p b boYfrieNd c cLarK,,, aKin n Lng prA msaYa,,, at uwaAaah mEi LUvLyf c dAceY,,, ayiiiEeeeh,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^