Sunday, December 9, 2012

Akira And His Temptress: Kabanata II



Preseas POV



Oh my gosh! First day of school ko at super kaba talaga ako dahil nga first day di ba? grabe! New faces at looks so scary >.< ano ba ang napasukan kong school? ah, nga pala nandito na ako sa classroom at you know dahil nga transfer student ako at late na ako sa pagpasok ay dumiritso ako sa pag-upo. wala din naman pakialam ang teacher as long na ipakita mo lang ang Study Load mo ay viola pwede ka ng umupo. Pero ang kinakaba ko dito dahil FIRST DAY of school ay FIRST DAY ko na makatabi si fafa Akira!


Ah, nga pala. Dahil nga mabilis ang processo ng pagpa-enroll dito sa school ay dumiritso na ako pumasok. Baka kasi mapag-iwanan na ako eh.

Yes! Katabi ko siya pero di niya alam dahil tulog siya eh. same lang kami ng age pero senior ko siya. Siguro nagtataka kayo 'no? dahil naman po noong bata pa ako ay naaksidente kasi ako kaya tumigil ako sa pag-aaral umm... pangawalang beses pala dahil noon kasi napakasama ng guro ko. Ako ang parati kinakawawa at binubully. Siyempre bata ka pa kaya takot ka talaga kaya hindi ako pumasok niyon. Hindi niyo naman ako masisi hindi ba?

Siguro, itong si Akira classmate ko lang siya sa subject ngayon. 

Ang gwapooo talaga niya. halikan ko kaya? Hindi joke lang hehehe!

"Hoy! Bakit ka nakaupo sa upuan ko ha?" Isang malditang babae na kakadating lang ang lumapit sa akin.

Naks. naman. Ang malas ko! Tumayo nn ako hindi naman kasi ako ang tipo ng babae na makipag-away. Meron naman siyang karapatan na mainis o magalit sa akin dahil nga inagaw ko ang upuan niya.

"You don't have to shout, dear. Siguro buwan mo ngayon kaya masungit ka." I give her my sweetest smile kaya napanganga siya. :P Pero wala akong sinabi na hindi ko siya pa-prankahin 'no kasi ganun akong tao. PRANKANG MAGSALITA.

Pumunta na ako sa pinaka-last na row doon lang kasi ang may bakante at malapit pa sa aircon. Hehehe sure 'no problemo sa akin. Makikita ko naman yung likod ni Akira kahit sa malayo.

Hay.. ewan ko ba pero ang kagaya niya ang type ko. Erase na yung first crush ko dahil wala akong mapapala doon.

"Mygosh tulog na naman ang prince natin. halikan kaya natin para magising siya?"

Narinig ko yung usapan ng mga froglet. Teka hahalikan? hindi pede! XD
Lumapit ang mga tsanak kay Akira.

"Ganito na lang, girls. Ako ang mauunang humalik tapos kayo naman."

Sumang-ayon naman ang apat. Kaya naman si tsanak number one ay inilapit ang muka sa natutulog na Akira.

>O< mygoodness! Hindi ako makakapayag! kahit na sabahin na isang beses ko lang siya nakausap at crush/love (Pero sabihin ko na lang na love at first sight ako sa kagwapuhan niya!) ko siya! kaya bawal ang halik!

Tatayo na sana ako nang biglang gumalaw yung kamay niya tapos dinikit sa mukha ng babae para tumigil ito na halikan siya.

"Tigilan niyo nga iyan. Nakita niyo na natutulog ako eh."

Tapos nilayo niya yung mukha ng tsanak 1.

"Phew."

bigla naman sa akin naman binaling yung attention ng mga TSANAK.
Pinaypayan ko yung sarili ko. "Phew ang init 'no? kahit na may aircon." Palusot ko.

Kaya naman ay patabog naman yung lima na tsanak na umalis sa classroom. Hindi nila pinansin ang guro na kakapasok lang. Naku. mga spoiled brats hindi ba nila alam na sayang yung pera na binabayad nila sa school na'to? psh. Paki ko ba? as long na hindi nagalaw nila ang irog ko ay okay na ako. ^______^
Bumalik uli siya sa pagtulog. weird din ang mga guro 'no? Hindi man lang pinapansin si Akira na natutulog. Amp, siguro kakausapin ko nalang siya kapag tapos na ang klase.

Habang nakikinig sa discussion ng guro ay pasulyap ako sakanya. Tulog pa din pero ng mag-bell na ay bigla na lang itong tumayo at umalis. O_O TEKA!

Nagsitayuan na kaming lahat at ako naman ay sinundan siya pero sa kamalasan ko ay hindi ko na siya naabutan. hihingi lang naman ako ng number sakanya. Aww...makapunta na nga sa HM Office. Kakausapin pala ako ng Board of trustee at head master ng school. Don't know why~

Pagkatapos kong makausap sila ay naglalakad ako at hinahanap siya. D: sayang hihingin ko sana ang number niya. Pero habang naglalakad ako ay nadaanan ko yung bulletin board at maraming tao nagkukumpulan.

"Gosh! I really can't believe it! bakit yung nerd na yun pa?"

"Oo nga! Ang panget at baduy kaya niyon."

"waeh? nakita mo ba ang itsura niya?"

"Hindi pero naiimagine ko eh."

Shoklang panget talaga oh?

"Bakit kung nerd ba panget na?" naiinis ako kasi naman >O< NERD din ang kapatid ko eh hehehe!

"Hmp!" Inirapan lang nila ako at nakitingin na din ako.

at nanlaki ang mga mata kung sino ang NERD na tinutukoy nila! si Freezia! my one and only sistah!

>_> Gosh! sumali talaga siya sa SEARCHING FOR MISS ROYAL ACADEMY? Lol never ko in-expect na may interest siya sa mga ganyan. I swear!!!

"Gosh! nakaka-hurt ng pride ha? bakit sila pa an pinili? pano na ako? sa ganda kong ito at isa akong sikat na modelo!" Hmm... Familiar nga siya sa akin. teka alahanin ko pa ah.

process...
Success!

Tama! Si Sarah. Isa siyang model sa mga underwear. Yung mga T-back at etc! Oy! wag kayong mag-isip ng ganun ha? i accidentally saw her na ganun ang suot niya. Hindi ako nagsusuot ng T-back 'no! Kadiri kaya iyon.
Makaalis na nga baka kasi masabihan ko ang mga bruhilta dito.

Tinawagan ko si Freezia.

"Hello?" Naiiritang tanong niya.

"Hi sistah! Gusto mo bang pumunta sa starbucks ngayon?"

"Ayoko."

"shige na! bonding bonding tayong magkapatid. :D"

"heck no!" Pero hindi ko talaga siya tinigilan hangga't hindi siya pumayag.

"Pretty pretty me please? sige ka kapag hindi mo ako sinamahan ay susumbong kita ni papa."

"Psh. you? maganda? LOL and please stop that you're giving me a goosebump. Starbucks ba kamo?"

"Yep! Hintayin kita sa parking lot ha?"

Ilang oras din ang paghihintay kosa kanya kasi may klase pa siya kaya mga hapon kami pumunta sa Starbuck. As usual tahimik siya. Pero nagtatampo ako sakanya dahil bakit kailangan ko pang mabasa sa bulletin na sasali siya sa beaty pageant.

um-order ako ng salted caramel hot chocolate at favorite food ko sakanya naman ay muffin at kape.

pagdating ng order ay Inubos ko 'yong salted caramel hot chocolate. Sarap eh… si Freezia naman ay hindi halos magalaw yong in-order niya.

Akin na lang kaya 'yon??

“nee.. Freezia.” Simula ko.Nag-angat siya. Tsk..tsk… para talaga 'tong bato.“May number kaba kay… Akira??”Tama kayo ng nabasa. Supah gwapo niya eh. tsaka iyon naman talaga ang motive ko sa simula lang palang. Hindi ko kasi siya nakita eh kaya sakanya ko na lang hihingin. alam niyo na since friend naman niya si Akira. Siguro naman ay may phone number siya.

“Why?”

“Wala lang gusto ko lang makipag-textmate sakanya.” Well totoo naman yun. Gusto ko mapalapit sakanya.


“Pano na si Rath? 'di ba in-love ka don?” tanong niya. Aish. Wag nga niya mabanggit iyong name ng lalaking iyon. Kasi nakakahiya! When i confess to him kasi ay ni-reject niya. NOTES: Maria Clara pa ako noon. Bwahaha!

“Hindi na no! tsaka hindi naman pansin ang beauty ko don no!” Napapailing na lang siya at kumain ng muffin.

"GEH NA, SIS, SABIHIN MO NA KASI KUNG ANONG NUMBER NIYA." nag-puppy eye ako sakanya.

Bumuntong hininga siya at binigay ang phone niya. YES!!!

Tiningnan ko ang phone book niya.

Weird. dami niyang friends ah. Ngayon ko lang pansin. Akala ko kasi kunti lang yung friend niya dito.

Sunny 093xxxx
Daniel 094xxxx
Neiji 092xxxx
[AKIRA 0945xxx]

"Yehheeeiiiieeeeeeee!!" Nakita ko na! kaya naman in-add ko yun. "Ah nga pala sis. Congratz ha?" Bati na tayo. Binalik ko ang CP niya.
Nakakunot ang noo niya. "Ha?"

Sus. kunwari pa siya oh.

“wag ka ngang magmamaangan diyan! Hindi ko akalain na dalaga na ang kapatid ko!”

 “What are you talking about?” puzzle pa rin siya. =_=

“'di ba sumali ka sa Miss and Mister Royal Academy??”

“Hindi. Saan mo naman nakuha ang information na yan?”

 “Pagkatapos ko makipag-usap sa Board of trustee at sa head master ng school na 'to ay nadaanan ko ang Bulletin board. Meron silang malaking event ngayon –they are searching for the new Miss and Mister Royal Academy. Sigurado ko na hindi ka sumali don?”

 “Oo!, you know that I’m not interested with that kind of stuff.” well, mukha naman siyang nagsasabi ng totoo pero kahit na!

“Pero ikaw daw ang mag-re-represent sa Vet. Department eh..”

“Hindi ako sasali—wala silang mapapala sa akin.”

“Aww.. come on! Sumali ka na din para hindi ako OP don.”“Sasali ka?”

“Oo, para pansinin ako ni Akira.”

Pero siyempre hindi ako sasali. Bwaahahha!

Pero ang tanong ko lang sino yung nagpasali sakanya? Tsk! tama nga yung Instinct ko. something fishy kasi wala naman siyang interest sa mga ganito eh. Hindi naman siya nag-aayos.

Oh, well basta meron na akong number niya.

pagkatapos niyon ay umuwi na din kami. Hay miss ko na ang bed ko. Matutulog na me! hindi joke lang 'no.  Nga pala 7:00 PM na kami nakauwi kaya sakto lang na naghanda si Yaya at si mama ng dinner. Mahilig kasi magluto si mama eh.

"Oh. Bakit ngayon lang kayo nakauwi? how's your first day hija?" My mom ask.

"Good! maganda! XD ah ma, punta muna ako sa kwarto ko ha? bihis lang ng damit."

"Bilisan mo dahil malapit na tayong kakain."

"Opo!" Dumiritso na ako sa kwarto ko. Imbes na magbihis ay humiga ako sa malambot na kama ko at nilabas ang phone.


Nag-text ako sakanya.

Me: Hi, Handsome! :)

matagal din ang reply niya.
                    [HIM: Don't text me please. Whoever you are.]
=_= Shoot! Ayaw niya! Anong e-reply ko? Amp.
Me: Why? D:
                     [HIM: I don't text on strangers.]
Me: My name's Presea. Remember me? Kapatid ko si Freezia.

=.= Ang tagal niyang mag-reply kaya naman ay nagbihis na ako. Kaloka naman ito oh. Siguro nakalimutan na niya ako. Bumaba na ako para mag-dinner.

nakahanda na ang pagkain. Tingin pa lang ay natatakam ka na! Corn Chowder, beef steak, calamares (my favorite), Korean Beef. daming beef oh! tataba ako niyan hehehhe! lahat ng paborito namin ay niluto talaga.

"Ma, and sarap naman nito! anong meron at dami mong niluto?"

"Wala lang."

Kumakain na kami. Si Freezia naman ay tahimik lang na kumakain pati na din si papa. hay naku like father like daughter talaga. eh tama ba ang sinabi ko? bahala na nga.

:D ngumiti ako dahil naalala ko na naman yung mukha ni Akira.
"Mukha atang masaya ka ngayon, Presea. dahil ba sa school?" puna ni papa. oh sige para hindi na kayo tatawag ng papa sakanya. Federicko ang kanyang pangalawang pangalan.  Huwag niyo na akong tanongin sa full name dahil mahaba. Ang pangalan ng mama ko ay si janice. Wag niyo na din itanong dahil mahaba din.

"Yeah."

"Akala ko ba ayaw mo sa school na yun? why the change?"

Ayoko sabihin dahil pagalitan ako. alam niyo kasi moody iyang papa ko. Minsan mabait, minsan masama, minsan masungit ah basta! nasakanya na ang lahat na minsan mood!

"Oh oh! I know, hun. Maybe it's a guy!" sabat ni mama.

>O< Patatatatatatatatata!

"Unahin mo muna ang pag-aaral bago ka makipag-boyfriend."

"Ghad! Boyfriend na agad? hindi pa nga ako sinasagot."

"Ayiie!" si mama iyan. Isip bata. ewan ko kung bakit nag-inlove si papa diyan eh.

"PRESEA! GAWAIN BA IYAN NG BABAE? ANONG HINDI KA PAS SINASAGOT? DON'T TELL ME YOU ARE COURTING A GUY?!"

"JOKE LANG NAMAN PA! HUWAG NIYO NGA SERYUSOHIN YUNG SINABI KO."
"Don't you ever try to court that guy, young lady. Hindi magandang tingnan." napapailing na lang siya at pinagpatuloy sa pagkain.

"Pfft." Si Freezia iya. "I thought so~"

Sinipa ko ang paa niya sa ilalim at pinandilatan. pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako para maghanda para bukas.Meron naman akong mga extra notebook na hindi ginagamit kaya yun na lang ang gagamitin ko bukas. sayang naman kung hindi ko gamitin di ba?

Kinuha ko ang CP ko sa drawer at hell? nag-reply na siya! tsk tsk
Sorry, i didn't know... umm how did you get my number? - AKIRA.

Me: Nakuha ko kay Freezia.

HIM: ahh...

Ang bilis sumagot pero 'ah' lang naman.

 Me: naghahanap lang kasi ako ng textmate. Naistorbo ba kita?

HIM: to tell you frankly? yes. Meron pa akong class ngayon.


Me: ahh... sori ha? bye na lang. naistorbo pa kita hehehe. Sorry.
Hay. Okay na lang para hindi ko siya maistorbo. Tsaka okay na sa akin na ni-reply-an niya ako. Siguro crush ko talaga siya pero pwede na din ba maging love? sorry ah? kasi naman =_= wala na sa vocabulary yung word na CRUSH eh. Diritso LOVE na kasi baka maging maranasan ko na naman yung dati eh.

Sabi ko kasi kay First crush ay 'I LIKE YOU. CRUSH KITA MATAGAL NA' at alam niyo ang sagot niya?

"Sorry. Pero that feelings of your is shallow. Crush lang iyan. Makakahanap ka din ng lalaking mamahalin mo."

Iyan! iyan ang sinabi niya. pero hindi ko alam kung iyan ba talaga ang exact na sinabi niya. nakalimutan ko na kasi eh.

Sige na ako na ang bitter! pero hindi naman ako kagaya ng ibang bitter 'no na nagmukmok lang. Che! na lang sakanila.

NEXT DAY

Kagaya ng dati. dahil nga late ako ng enroll ay wala akong friends at hindi ako pinapansin ng mga kaklase ko. Magiging LONER na ako. TT_TT ayoko maging loner.

"Ay bakla may new classmate tayo! oi girl akin iyang upuan."

nag-angat ako ng tinging. hay naku. ganito na lang parati.

"Um... sorry." Bakla iyan. Cute niya sayang din ang face.

"hehhehe okay lang iyan, Girl! diyan ka nalang umupo at dito na lang ako sa tabi."

"Wala bang nagmamay-ari diyan?" Mukha siyang mabait na bakla.

"Meron. but don't worry ang nakaupo dito ay isang bitch at chaka na chaka ko yun. I'm Gabriel, by the way. But you can't call me that dahil it's so eww eww! call me Gabriella! hehhe ikaw?"

"Presea Muneica."

"HEY! YOU GAY! GET YOUR ASS OFF TO MY CHAIR!" isang malanding babae yun. Uhm siya dinyung kahapon.

"Duh.bitch. Why should i? Punta ka doon sa likod. CHAKA! para sa matatalinong tao ang pwede umupo dito 'no." Nasa front row kasi kami. "Bitch. Kung ayaw mo sipain kita. tumahimik ka na lang at umupo, got it?"

pinitik-pitik pa niya ang daliri niya. Hay ewan ko sa baklang ito. Ganun lang ang sinabi niya pero takot yung babae. Parang naging maamong tupa.

"Sorry ha? ganito talaga ako kaya no friends ako eh. Loner. gusto mo bang maging friends ko?"

"Sure. Walang problema diyan/ Likas na friendly akong tao."

*O* wow! new friend! salamat naman para hindi ako maging loner dito.

1 comment:

  1. i'm getting into this story. sana mas mapabilis lang ang update.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^