I:Ang pagkawala
alas tres ng hapon, nasa parang si Aeris kasama ang kapatid na si Edna. Masaya silang nagke-kwentohan. Abot tenga ang ngiti ni aeris,ang labing apat na taong gulang. Ang tanging pamilya ay ang kapatid niya. Maaga siyang nilisan ng mga magulang nila dahil namatay ito sa gyera.
Rhapsodus,tawag sa bansa nila. Ang bansang pinamamahayan ng masasamang tao. Mas mabagal pa sa pagong ang pag-usad ng ekonomiya. Ang bansang napasailalim sa karimlan kaya sa bawat lugar ay di ka ligtas. Kasalukuyang nakatira sila sa tagong countryside. Ang lugar ng mga mandirigma. Nilikha ng ama niya at kaibigan nito para ilayo sila sa kapahamakan. Ang lugar na di pa natutuklasan ng pinuno ng Rhapsodus.
Nagaaral siya sa underground academy. Hindi lang puro academic ang tinuturo doon pati ang pakikipaglaban ay tinuturo din. Isa pa,ang katulad nilang anak ng mandirigma ay may espesyal na power. Ang tawag doon ay avalanche. Silang kabataan ay tinatawag na avalanche. May supernatural powers sa pakikipaglaban sa alagad ng masamang pinuno ng rhapsodus.
"Aeris! Tingnan mo may nakita ako!"tawag ni Reno sa kanya mula sa malayo. Nasa gitna ito ng dandelion. Tumayo siya para ayusin ang damit.
"Teka lang ate ha,distructed si Reno eh. Tingnan ko lang yun."lisensiya niya.
"Okay lang."tumango ito.
tinalikuran niya ito para siputin si Reno,ang bestfriend niyang lalaki. "Ano ba yan?"her forehead knotted.
"Slimey butterfly. Produces glowing orbs kahit tanghaling tapat. Magandang pangdecorate sa bahay."nilahad nito ang palad na may maliit na butterfly na rainbow ang pakpak saka may glowing orbs na lumalabas sa pore ng skin nito. Nasanay na siya sa ganitong creatures. Tinalakay yan sa undrground academy eh. Saka ang Rhapsodus di lang normal na tao ang nakatira. Marami ding monsters. Yun ang kailangan nilang puksain kapag naka-graduate na sila sa UA. Mala-fantasy ang lugar nila eh.
"hyss,,akala ko pa naman. Makakatulong yan sa assignment. Eh kalokohan yan eh. Humanap ka kaya ng sinsin fuss. Yun ha-happy si Ms. crypt."she shrugged.
"lalo yung magagalit sa akin. Pinahamak mo lang ako. Galit yun kapag kumikinis ang mukha."hinawakan nito ang espada. Tumawa siya.
"Biro lang. Ikaw naman."siniko niya ito."Meron pala akong pam-polish ng espada mo. Okay na ba yun para i-regalo ko sayo."
"Si Clyne Davich ba ang may gawa. Ayos na ayos un. Lalong lalakas ang diorama ko." diorama.tawag sa power na binibigay ng espada sa isang avalanche.
"Hindi. Ginawa ko yun para sayo."ngumisi siya na napapikit.
"ano? Kailan ka pa natutung gumawa nun?"kumibit balikat ito.
she frowned, "binigyan ako ng formula ni Khiufas. Mas maganda ngayon kaysa gagasta ako ng gyne. Masasayang lang gyne ko doon. Mahal kaya un." gyne,tawag ng pera sa rhapsodus.
"tsk,tsk,tsk. Hari talaga ng potion si Khiufas. Akala ko makakatikman ko na ang product ni Davich."
inakbayan niya ito. "isipin lang natin na product iyon ni Davich. Hali ka na,tinatawag na tayo ni ate."
"what about the assignment."pigil nito.
"may alternate solution na ko dyan."pinatuloy nila ang paglalakad.
"ano ba yung pinaguusapan niyo kanina? Ba't ang tagal ha?"complain ni edna.
"Pinakita lang ang slimey butterfly na nauwi sa mahabang usapan."lahad niya saka step closer. "Ate,pwede favor?"
"ano yun?"nakakunot noo nitong tanong.
"Hanapan mo ko ng hynetism."hynetism,isang halaman na mala-orchid. Sangkap sa paggawa ng antedote. Panguntra sa mga viper shawn,vampire at sa mga poison master. Mahirap gawin un,kailangan ng proper measuring.
"ha? Sa feseo lang yun makikita. Tatlong milya ang layo mula dito. Aanhin mo ba yun."malakas ang pagkasabi nito kaya napukaw si reno.
"did you mean wala pa tayong hynetism. Sana ako nalang ang kumuha. Tss..aeris. Paano na ang future natin aber?"mistulang babae kung magsalita.
"Reno please."mabilis na baling niya dito saka balik kay edna."wala ka bang extra diyan? Mamayang alas singko na kailangan eh. Patay kami kay Ms. crypt."
"not a problem. Buti nalaala kong may isa pa doon sa herbs cabinet."napakalmot nito ang batok.
"wohoo! Ate,your my savior. Tara uwi na tayo,"inakbayan niya ito saka nagyayang umuwi.
Sa Underground academy siya ngayon. Ang gulo ng kaklase niya. Nagbabangayan na naman. Si Sena di Artigan at Caleope Brethren iyon. Hyss..araw-araw na lang ito. Uupo na sana siya sa isang tabi kaso biglang nagtutukan ng espada ang dalawa. Err! As a class president. Sasawayin niya ang mga ito bago pa sila mawalan ng class points.
"Wag mong insultuhin ang katulad ko! Isa akong avalanche na may pinakamalakas na kapangyarihan! Kahit avalanche ka pa kayang-kaya kitang pataubin!"proclaim ni Sena sa pinakamataas na boses. Ang babaing mas makisig pa sa lalaki kung kumilos. Kinatatakotan ng lahat except siya at si Reno. Si Celeope naman ay kinaiinisan ito. Sobrang hambog kasi.
"isa kang hambog! Wala kang mapapala!"sabat ni Caleope.
"Tikman mo to!"hinampas na nga nito ang espada pero bago pa matamaan si Caleope ay pinigilan niya iyon. Sumiklab ang pulang diorama niya sa espada. Natulala si sena. Tumahimik ang lahat.
"kung di pa kayo titigil na dalawa. Itatali ko kayo sa plasma tower. "mautoridad niyang saad."kayo! Bumalik na kayo sa upuan niyo!"utos niya sa lahat. Nasipagbalikan na nga ito. Samantala,nasa tabi niya si Reno na maang na nanonood.
"Aeris.."tinulak nito ang espada niya at kagyat na binaba ang espada nito. "bakit ba?"
"Sena! Hindi ito battlefield. Kung gusto mong makapatay doon ka sa base ng rhapsodus. Abusin mo lahat ng creatures doon!"pahayag niya sa medyo mataas na boses. Naningas ang mga mata ni Sena.
"pakialimera ka eh."tumalikod ito.
Naasar siya,walang manners and right conduct eh. "para din sa inyo yan. Kakaunti na nga lang tayo natitira. Mananakit ka pa. Ang swerte mo nga dahil kompleto ang pamilya mo. Samantala kami..nangungulila. Imbes na tulungan mo kami ng mamuhay ng maayos. Sinasaktan mo pa kami."
"gusto ko lang pangaralan ang babaing yan!"hala,nagaway na sila.
"di naman tama un eh. Inuuna mo kaagad ang galit."sermon niya.
"wala kang karapatan para sermonan ako aeris!"sigaw nito.
"ang tigas ng ulo mo eh! Antagal ko ng sinabi sayo na wag kang mananakit ng kapwa. Pasalamat ka,mahaba ang konsensiya ko!"napahawak siya sa espada.
"ae!"bulong ni reno na napakapit sa siko niya.
"Bilang avalanche,nararapat niyang mahalin ang kapwa avalanche niya. Hindi tayo naging avalanche kong nagko-competition tayo!"napa-tiim bagang sermon niya."Antigas ng ulo mo!" winaksi niya ang kamay ni Reno at lumabas sa classroom.
ang lakas ng hangin sa ibabaw ng underground academy. Nandoon sila ni Reno para palipasin ang init ng ulo niya kaya ito lumiban ulit siya sa defense class. Bwesit kasing Sena un.Antigas ng kukote.
Papalubog na ang araw. Ang ganda tignan kong malalaki ang ulap na tila uulan. Ung sun rays na sumisilip sa ulap ay unti-unting naglalaho. Nangalumbaba siya.
" isang taon na lamang,makakalis na ako sa lugar na ito. Makakahiganti na ako sa kanila!"anas niya,
"iyon ang pagkakataong ayaw kong mangyari dahil natatakot akong mawala ka."
"di bale sisiguraduhin ko namang safe and sound akong makakarating sa palace ni Danes."
"alam naman nating bantay sarado un ng iba't ibang creature. Gayunpaman,dapat ako ang gagawa ng misyon na iyon. Wala na akong pamilya. Kahit mamatay ako ok lang."
"no!"she looked at him." ayaw kong mawala ka,wala ng makulet na bestfriend sa tabi ko.
"eh kong wag nalang kaya natin tanggapin ang misyon?"
"ha? Di pwede yun."umasim ang mukha niya.
"papakasalan nalang kaya kita at gawing nanay ng mga anak natin,ayos ba?"pilyo nitong sagot.
"timang!"ngumiti siya sabay hampas ng kamay sa balikat nito.
"ayan,ngumiti ka na."ngumisi ito.
"puro ka talaga kalokohan."maya-maya tumulo ang luha ng langit. Hindi sila nakatakas kaagad kaya nabasa sila. Dali-dali silang tumakbo sa loob. Tyempo nasalubong nila si Mr. oreally.
Tumaas ang kilay nito,"kayong dalawa oras ng klase nagde-date kayo?"sabi nito.
"hala di po sir."tanggi niya.
"bestfriend po kami sir,di lovers. Sige po."sabi ni Reno nainaakmang makikiraan sa gilid ni Mr. oreally.
"talaga lang?"tumulis ang nguso nito. Pinilig niya ang ulo. Nakalampas na nga si Reno kay Mr.Oreally. Walang boses itong nag-chuckle.
matapos niyang makalampas sa guro ay surpresang hinihampas ang kamay ulit sa balikat nito.
"may lovers ka pang nalalaman ha."
"palusot lang yun."rason nito.
"balik na nga tayo sa classroom."sabi niya na hinila ang kamay nito. Malakas na ang ulan. Nadagdagan ang ingay ng classroom. Marahil kakatapos lang ng first subject nila. Hyss..mark at escaping class namn ulit yun.
papaupo na siya nang tinapunan siya ni Sena ng masamang tingin. Ang babaing to! Naghahanap naman ng away. Mabuti wala siya sa mood para pansinin to.
"Aeris,may dala ka bang hynetism?"si Cassieopia Drineshin,isa sa closest niya sa UA.
"of course. Bakit ikaw wala ba?"sagot niya. Tama,next class na pala ang potion making.
"Meron kaso.."nagpalinga-linga ito."Ninakaw eh."
"sino?"tyempong pagtanong niya may sumabog bigla. Parang bomba lang. Tumunog ang emergency buzzer. Nataranta ang lahat. Na thunderstruck siya.
"Ang bayan nasusunog!"hinatak siya ni reno kaya natauhan siya. "ang ate mo!"
"Hindi pwede yun."tumakbo sila palabas ng classroom patungo sa labasan ng Underground academy. Sumakay sila sa kabayong may pakpak. Hinugot niya ang espada.
kahit kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataong sasabak siya sa labanan. Bahala na,as an avalanche misyon niyang protektahan ang lahat.
"Natuklasan ni Cynide ang bayan ng tinago. Wala na tayong kawala ngayon. Bilisan na natin!"pahayag ni Reno. Si Cynide ay ang prinsipe ng Rhapsodus at taga-panukala ng hukbo. Isa sa tagapuksa ng rebolusiyonaryong mandirigma. Sila na nakatira sa bayan ng tinago ay myembro ng rebolusiyonaryong mandirigma. Lahat ng tao dito,bata man o matanda. Lahat sila may mahalagang papel dahil sila ang pupuksa sa traidor na gobyerno nila.
"Sana nasa maayos na kalagayan si Ate."usal niya. Ngayon niya lamang namalayan na kasabay niya ang ibang avalanche.
Sunog ang bayan ng madatnan nila. Kalbo na ang mga bahay. Marami ng patay na katawan sa lupa. Dumanak ang dugo kahit saan.
"Aeris! Ligtas mo ang sarili mo!"sigaw ni Edna mula sa malayo. Hinagilap niya iyon. Nakita niyang hinahatak ng tauhan ni Cynide. Sinampal ito kaya sumabog ang galit sa kanya.. Humigpit ang pagkahawak niya sa espada. Naningas iyon katulad ng ningas sa mga mata niya. Inutusan niya ang kabayo na tumungo doon.
"Bitawaan niyo ang ate ko!"sigaw niya kaso sinalubong siya ng pana. Sinugurado namang di siya matatamaan. Binalik niya iyon ng paisa-isa sa mga kalaban.
bumaba siya sa kabayo para sugudin ang mga swordsman.
"mamatay kayo!"ang tapang niya. Pinaghahampas niya ang mga ito kaya yun nagdanak ang dugo. Sumaklolo din si Reno at ang mga avalanche.
nagkaroon ng portal. Nagsisigaw ang ate niya.
"sorry young girl! Sa amin na si healer!"sabi ng isa.
"no!"sigaw niya na tinapon ng kapangyarihan. Natamaan ito at natunaw.
kaso huli na ang lahat! Tuluyan ng nakapasok ang ate niya kasama si Cynide. Tumulo ang luha niya habang tumatakbo papunta doon. Hahawakan niya sana ang kamay nito pero ang kwentas nito ang naabutan niya.
tuluyang naglaho si Edna kasabay ang paglaho ng lahat ng kalaban nila. Tanging natira sa kanya ang kayaman ng pamilya nila. Ang amethystien diamond. Ang nagdadala karangalan sa pamilya niya.
>>> CHAPTER 2 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^