Wednesday, November 21, 2012

I Hate That I Love You : Chapter 3

I Hate That I Love You : Chapter 3 : Jasper Daniel Fajardo




Jene’s POV


“WAHHHH!!! DALI AN MO JAN LOVE!!! AKO PA OH”sigaw ni Leslie, hayyysss. May sarili nanaman silang mundo dalawa eh, nandoon sila sa harap nang loptop ni Les nagreregister para dun sa meet and greet thingy. Naiinis ako minsan eh, KA OP. Minsan na-o-out of place talaga ako sa kanilang dalawa, sila kasi ang nagkakaintindihan eh, as usual EXO ang topic. Hawak-hawak ko lang yung cellphone ko, wala akong magawa eh, kaya eto tumitingin nalang ako nang mga pictures


*one message received*


Natigil ako sa pagbro-browse nang pictures nang makatanggap ako nang message


From: Jas :”>


Jene!!! Busy ka? Alis tayo, nakakainip eh. Baba ka dito sa lobby daliii!!! Lab yu :*


-JD


Napangiti ako sa text ni Jas, ang kulit talaga nito kahit kailan. May pa lab yu pang nalalaman. “ayyyyiiehhhh!!! Nagtext si loverboy noh??”sigaw nila Max mula sa table. URGGGHHHH! Lagi nila akong inaasar kay Jas, loveboy ko daw. Tumayo ako sa kinauupuan ko


“Love, Hon. Aalis muna ako ha”sabi ko, lalong lumapad ang ngiti sa muka nila



“Ohhh sureeee, dito lang kami. Gora bells ka lang, magdate muna kayo ni Jasper para naman hindi ka mainip”nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Max. D-date? Kami ni Jasper? Weehhh? Dinggaaa??? “Dali naaa, baka mamaya mainip”sabi nila habang pinagtutulakan ako palabas “Bye babe!!! Have fun!”sabi nila pagkatulak sakin palabas. TCH! Mga baliw lang eh.


Sumakay ako nang elevator pababa alangan namang maghagdan ako? Paglabas ko nang elevator hinanap ko si Jas sa buong lobby kaso wala akong nakitang Jasper eh.



Nagulat ako nang may biglang tumakip nang mata ko, I smiled. “Jasper”sabi ko, I heard him chuckle.



He kissed my cheek, bago niya tuluyang tanggalin yung kamay niya sa mata ko. Nagulat naman ako dun, pero yaan na si Jasper lang naman “I missed you Jene” bulong niya saken. Natawa naman ako, TSK! Kahit kelan Jasper Daniel, KAHIT KELAN 





“awwuuussshhooo, parang nung friday lang nagkita tayo ah”sabi ko, hinawakan niya bigla ang baba niya na parang nagiisip



“oo nga pala noh! Pero kahit na, alam mo naman na hindi ko kayang mahiwalay nang matagal sayo”awww, ang cheesy niya ah.



Pinisil ko ang ilong niya “HMP! Ang corni mo Jasper”sabi ko, parehas naman kaming natawa “ano san tayo?”



“hmmm, san ba gusto nang mahal na prinsesa?”tanong niya saakin, mmmmm? San kaya?



“ikaw na magisip!”


“cge, tara na”sabi niya. Naglakad na kami palabas nang condo. Inakbayan niya ako, and pulled me closer. Like I said, yaan niyo na kilala ko naman yan eh. Sumakay kami nang kotse niya at nagsimula na siyang magdrive



Jasper Daniel Fajardo. Sixteen, classmate/friend. OO! Kaibigan ko lang si Jasper wag kung ano-anong iniisp ninyo. Kababata ko siya. Ways to describe him? Gwapo. Mabait. Gentleman. Hes also a model nga pala. Mayaman, came from a very wealthy clan. Siya lang ang pwedeng maging touchy saakin nang hindi ako naiilang (akbay, yakap, kiss sa cheeks [sa cheeks lang, wala pa akong first kiss sa lips eh]echetera churvaness ever) Hes also very childish at times, specially pag ako ang kasama niya. He likes to express his feelings and open up with me. Trusted diary ko rin siya, he knows all of my secrets and everything about me. Siya ang pangalawang tinatakbuhan ko pag may problema ako, I can open up to him as much as I want, he would always listen. Ultimate cheer up machine, magaling siya magpasaya nang tao. Marami ding babae ang nagkakagusto sakanya, sobrang gwapong nilalang kasi eh, ewan gising na gising ata nung nasabog nang blessings si lord eh.



“Were here Jene” napatingin ako sa labas. MCDO!!! Tamang-tama gutom na ako, favorte fastfood ko to eh. Bumaba na kame, at pumasok sa mcdo. Derecho kame sa counter.



“hi sir! May I take your order?”napataas ako nang kilay dun sa babae counter. ANG LANDI, kung makatitig kay Jasper eh. I interwined my hand to his and pinatong ko yon kung san makikita niya. Nagulat si Jas sa ginawa ko, nakikita ko yun sa mga mata niyang nakatingin saakin, nginitian ko lang siya


“dalawang bigmac meal, saka dalawang sundae”sabi ko habang nakasmirk, huh anong akala niya ha? Grrrrr. She glared at me ako naman nagroll eyes lang na may panginsultong ngiti.



After namin umorder umupo na kami “TSK! Possesive much Jene?”muntik na ako mabilaukan sa sinabi niya, p-possesive? Ako? Sakanya? Ow come on! Di ngaaa???


“anong possesive??? Kung makatingin sayo yung kala mo hinuhubaran ka sa tingin tapos ang landi-landi pa,  ako pa ngayon possesive??? TCH! JASPER!”sabi habang patuloy na nginunguya yung fenchfries ko


“TSSS. Wag ka magalala, kahit sinong babae pa ang iharap saakin ikaw parin ang pipiliin ko Jene”nginitian ko siya at nagthumbs up ako. OIIII!!! Wag pee bee bee teens ang utak ninyo ha!




Nagkwentuhan kami ni Jasper about sa mga pangyayare sa buhay. Tawa siya nang tawa about dun sa part na pinagtulakan ako nila Max palabas nang unit para lang puntahan siya “seriously ginawa nila yun?”


“oo nga. Alam mong huling sinabi? BYE BABE! HAVE FUN! Nakakabwisit lang eh”kung nakakamatay ang pagtawa malamang kanina pa kami namatay ni Jasper. Ka-enjoy talagang kawentuhan tong mokong na toh eh.


After naming kumain hinatid niya na ako sa condo, gabi na rin kasi eh. Nandito kami ngayon ni Jasper sa labas nang unit namin ni Max “night Jene”sabi niya, I smiled at him


“goodnight din Jas. O siya uwi na! gabi na!”sabi ko. Papasok na sana ako pero natigilan ako sa huli niyang sinabi


“walang goodnight kiss?”hindi ko alam pero natatawa talaga ako sakanya, humarap ulit ako sakanya


“kailangan ba?”



“pano kung sabhin kong, oo?”tumawa ako nang mahina. Kung makulit siya, mas makulit ako



“well alright then!”I blew a flying kiss, umakto naman siyang sinalo niya yung kiss. Parehas kaming natawa sa kabaliwan namin. “good night Jas” sabi ko, patalikod na sana ako nang bigla niya akong hilahin at halikan sa pisnge



“night Jene! See you tommorow, sweet dreams”saka siya kumaripas nang takbo, natutulala lang ako. Mabangis ka nga talaga, Jasper Daniel Fajardo




2 comments:

  1. oMygALiGaliGosH,,,, naPkagwaPo at sWeeT nMaN ng jAspEr n yAn,,,, hwaHohO,,, kiniKiLig aq,,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^