Monday, November 12, 2012

Friends Zone : Chapter 20

[ It’s all about your love ]


=SM Mall of Asia=
Flash back

[Earl’s POV]



Nagpunta kami ng MOA ni Trace kasi may gusto kaming bilhin na bagong labas na item sa Comic Alley. Hindi ko naman akalain na makikita namin dun sina Richelle at Jhonah. Manonood daw sila ng sine. Sobrang nagulat talaga ako ng makita yung suot na damit ni Jhonah…ano kasi…ahhh…ano….ang sexy niya kasi..


Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sakin at parang sinapian na naman ako ng pagiging possessive at protective sa kanya. Katulad nung debut ni Regine… ewan ko ba at parang ayokong ishare sa iba si Jhonah kapag nakadamit pambabae siya…


Gusto ko ako lang ang makakakita sa kanya ng ganun…


Grabe ang weird.


“Sige na Richelle..si Trace nalang ang isama mo manood…maniningil muna ako ng utang”


“Wait lang---“ pigil ni Richelle sakin kaso wala siyang nagawa dahil hinila na siya palabas ni Trace bago kumindat sakin.


“Hoy Richelle! Wag mo akong iwan” akmang susunod sa kanila si Jhonah pero di ko binitawan ang kamay niya.


Pinipigil ko nalang ang ngiti ko ng akala mo batang iniwan ng nanay niya kung makasimangot itong babaeng ito.


“Ano bang problema mo?” singhal niya sakin.


“wala”


“Eh bakit pinaalis mo na si Richelle? Manonood pa kami ng sine eh.”


“Gusto mo bang manood ng sine? Eh di tayo nalang ang manood”


“Alam mo ikaw..ang epal mo talaga kahit kelan”


“At ikaw ang daldal mo talaga…at saka..” tinignan ko siya mula ulo hanggang paa “..bakit ganyan ang suot mo ah” kunwari’y galit na sita ko


Bigla namang tinakpan ni Jhonah gamit ang mga braso niya ang dibdib niya.


“Ang manyak mo ah!”


“Wow ah! Ako pa manyak! Para namang may makikita ako sayo.” Supladong sabi ko…kahit na deep inside sobrang nasesexy-han talaga ako sa kanya. Siguro dahil batak ang katawan niya sa exercise dala ng training niya sa taekwando kaya sumexy siya.


“Ang yabang mo ah! Ang tingin mo sa sarili mo gwapo at macho?!”


“Oo naman….proud to say that I’m sexy and I’m hot!”


“Mukha mo! Kapal ng mukha mo!’


Bumuntong-hininga ako. Napapagod na ako makipagtalo.


“Alam mo..tigilan na natin ito..nakakahiya sa mga nakakakita satin..isipin pa nila girlfriend kita at inaaway mo ako..kawawa naman ako..sa gwapo kong ito inaaway away lang ako ng girlfriend ko”

“Hindi kita boyfriend noh! And you will never be my boyfriend.”


“Really? Tignan natin”


“Anong sinabi mo?”


“Wala..sabi ko bingi ka”


Lumabas na ako ng store…nawala sa isip ko na hawak ko padin pala ang kamay niya kaya parang nahila ko siya palabas…parte na yata ng katawan ko ang mga kamay na yun.


“Earl saan ka ba pupunta?” tanong ni Jhonah habang naglalakad kami.


“Ikaw? Saan mo ba gusto?’


“Gutom na ako..cease fire muna tayo…wala na akong energy eh”


Hay salamat..mabuti naman..ayoko naman kasing makipagtalo nalang lagi sa kanya eh.


“Tara kain tayo..hindi ka man lang pinakain ni Richelle”


“Hay naku naubos yung oras namin sa pagsho-shopping niya” nakasimangot na sagot ni Jhonah. Di naman obvious na ayaw niya diba?


“Sige kain tayo”


“ahh… Earl..baka naman gusto mong bitawan ang kamay ko…kasi baka isipin ng mga nakakakita satin girlfriend mo ako at boyfriend kita”


“Oh? Akala ko ba ayaw mo akong maging boyfriend? Ikaw ahhh may HD ka sakin ah.”


“anong HD ang pinagsasabi mo dyan!”


“Wala..biro lang” sabi ko at pasimpleng inakbayan siya at kinabig palapit sakin.


(A/N : *Tsansing…hmmmfffppptttt!!!!* makareact ako wagas noh? Sabi sa inyo crush ko iyang si Earl eh..haha..sana ako nalang minamanyak niya..willing na willing ako..haha - shinayawaara)


* * *


Back to present…


[Regine’s POV]


“Redge…pwede bang magtanong?”


“Hmmm..depende sa tanong”


“Okay..ahhmmm” he cleared his throat before he speak. “Ahhmm…”


“Ano?” impatient na tanong ko kasi di ko maintindihan ang gusto niyang sabihin..


“Mahal mo ba ako?”


Sobrang nagulat naman ako sa tanong niya kaya nabitawan ko yung hawak kong pen.


Nasa library kasi kami at kasalukuyan akong gumagawa ng assignment ko. Tama..napilitan akong gumawa ng assignment kasi ibabagsak na daw ako ni Miss Dipasupil kapag di pa ako nagpasa ng homework sa kanya..kaya ayun.. tinambakan ako ng homework. Ang tamad ko lang diba?


Tapos paepal pa itong si Paul at hindi ko maintindihan kung anong gusting ipahiwatig. Alam naman niyang busy ako..pero infairness ah tinutulungan naman niya ako.


“Ha?”


“Okay sorry for asking… kalimutan mo nalang na may sinabi ako”  he said and turned his gaze on my notebooks.


I simply smile. Mukhang naiinip na yata itong si Paul ah.. Well kunsabagay it’s been five months na din magmula ng mag-umpisa siyang manligaw sakin..


Grabe.. five months na pala since nagdebut ako..ang bilis talaga ng panahon.


“Paul…” mahinang tawag ko sa kanya.. syempre nasa library kami eh..


“Yes?” sagot niya pero hindi siya lumingon sakin. Sa notebook pa din siya nakatingin.


“mahal kita” sabi ko at pinipigilan kong ngumiti.


Halatang nagulat si Paul dahil bigla siyang napatingin sakin.


“anong sabi mo?”


“Hindi ko na uulitin” pilyang sagot ko.


“Redge!!! Anong sinabi mo..pakiulit”


“Mahal kita..”


“Mahal mo ‘ko?”


“paulit-ulit..unli???”


“Mahal mo ‘ko..”


“Oo nga”


‘WOOOHHHH!!!! MAHAL MO ‘KO!!!! WOOOHHH!!!! MAHAL AKO NI REGINE!!!!”


Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Paul. Napatingin tuloy samin lahat ng tao sa library. Pati na din yung librarian pinatunog yung bell niya.


“Ang ingay mo! Nakakahiya ka”


“Pakialam ko sa kanila..eh gusto kong ipagsigawang mahal mo ako eh”


“Ewan ko sayo”


“So Redge… ibig bang sabihin nun sinasagot mo na ako?” hopeful na tanong ni Paul


“Oh? Sinabi ko ba na sinasagot na kita?” nang-aasar na tanong ko sa kanya.


“Ganun? Eh sabi mo kasi mahal mo ko eh”


“Oo nga..pero di ko sinabing tayo na”


Biglang nanlumo yung hitsura ni Paul… Oh!!! How I love to tease him nakakatuwa siyang tignan. Akala mo batang inagawan ng candy.


“Okay..sorry..sabi ko nga maghihintay na lang ako kung kelan mo sasabihing tayo na..pero atleast alam kong may feelings ka na sakin”


Muling ibinalik ni Paul ang paningin sa binabasa at hindi na kumibo.


Pumilas naman ako ng piraso ng papel sa notebook ko at sinulatan ko iyon bago iabot sa kanya.


Nagtataka man ay iniabot din iyon ni Paul at binasa. Kunot ang noong napatingin siya sakin.


“Oo?”


“Oo”


“Anong oo?”


“Oo as in.. tayo na..sinasagot na kita”


“woohhh!!! Hindi nga?”


“Oo nga..ang kulit paulit-ulit..unli?”


“WWOOOOHHHHHHH!!!!!!!! I’M THE MAN!!!!”


“Shhhh!!!!! Kung mag-iingay lang kayo lumabas na kayo at nakakaistorbo kayo sa ibang estudyante dito” sita samin nung librarian.


“Sorry po” hinging-paumanhin ni Paul at sinimulang damputin ang mga gamit ko at hinawakan ako sa kamay palabas.


“Oh? Teka..saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko.


“Basta..dun sa lugar na pwede akong mag-ingay”


Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang kay Paul.


Sa may gymnasium kami nakarating. Naabutan pa naming naglalaro sina Jeirick dun kasama ang basketball team.


“Guys!!! Makinig kayo!!!!” tawag pansin ni Paul sa mga ito.


Nagsipaghintuan naman sa paglalaro ang mga ito at tinignan kami. Shocks! Nakakahiya.


“Paul ano ka ba?” saway ko sa kanya


“Shhh… ako bahala sayo”


“Paul anong problema mo?” sigang tanong ni Laxus.


“Kami na ni Regine!!!! Sinagot na niya ako!!!” hyper na balita ni Paul.


Nagkatinginan naman yung mga boys.


“Aahhhh okay” sabay-sabay na sabi ng mga ito at parang balewalang nagsipagbalikan sa paglalaro.


“Sabi ko sayo wag mo ng sabihin eh” sita ko kay Paul “Ayan..napahiya ka pa tuloy”


“Teka nga…” binitawan niya yung kamay ko at muling inagaw ang pansin nung mga basketball players. “Hoy! Mga kumag!!! Jeirick!!! Earl!!! Laxus!!! Trace!!! Gray!!! Marky!!!!” ano ito? Dedmahan? Ang sasama ng ugali niyo ah!!!” sigaw ni Paul sa mga ito.


“Paul wag na” awat ko.


“Hindi man lang kayo naging masaya para sakin. Anong kalseng mga kaibigan kayo!” sumbat ni Paul.


“Paul…” hinawakan ko na siya sa braso. “Tama na”


“Nakakainis kasi eh… parang mga walang pakialam eh..parang di mo mga kaibigan” masama ang loob na sabi ni Paul. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kasi ngayon ko lang siya nakitang ganito eh.


“So Paul…tapos ka na ba sa drama mo?” tanong ni Jeirick sa kanya.


“Nakakasama kayo ng loob..to think na mga kaibigan ko kayo” nagtatampong sabi ni Paul “Tara na Redge..mga walang kwenta tao dito’


Akmang aalis na kami ng bigla kaming tawagin ni Jeirick.


Lumingon naman kami sa kanila at ganun nalang ang gulat namin ng pagharap namin eh mga nagliliparang crumpled paper ang sumalubong samin.


“Whhhattttaaa!!!!”


“CONGRATULATIONS!!!!!!!” sabay sabay na sigaw ng mga ito at bigla nilang pinagdadaganan si Paul.


“Hanep ‘tol!!! Binata ka na” pang-aasar ni Marky.


“Best actor!!! John Lloyd Cruz!!!!!” asar naman ni Trace.


“Mga siraulo kayo!!!” tumatawang sabi ni Paul.


Nakakatuwa silang tignan..akala ko talaga wala silang pakialam..iyon pala gusto lang nilang pagtripan si Paul.


“Congrats Regine” bati sakin ni Earl.


Tanging siya lang ang di nakigulo sa mga boys. Sus! What do I expect pa ba? Eh nuknukan ng suplado yang lalaking iyan eh. Pero infairness ah..binati niya ako.


“Thanks Earl”


“Ikaw na bahalang magtyaga dyan sa kaibigan namin ah.. mukha lang talagang loko-loko iyan..pero mahal na mahal ka niyan” and he smiled a little as he looked at Paul.


My gosh!!! Earl did smile (O_0)


“thanks Earl.. mahal ko din naman siya eh”


“Good for both of you.”


“Hoy! Earl…bakit tinatakot mo iyang Mahal ko?” biglang sita samin ni Paul.


“MAHAL KO??? YUCK!!! ANG BADUY!!!!” sabay-sabay na sigaw nila Laxus, Gray at Marky.


“Sinasabi niyo lang iyan kasi mga wala kayong girlfriend!!!!” pang-aasar din ni Jeirick sa kanila.


“Oo nga..baka nga kapag kayo ang nagkagirlfriend mas baduy pa kayo eh” dugtong naman ni Trace.


“Matagal pa yun!”


“Mga ander sa girlfriend!!!!”


Walang tigil sa asaran ang mga ito. Hindi na natuloy ang paglalaro nila ng basketball.


Nakawala naman si Paul sa kanila at lumapit sakin.


“Mahal ko” tawag niya sakin.


Napangiti naman ako sa tinawag niya sakin.


“Ang baduy nga” natatawang sabi ko.


“Eh ano naman..eh sa mahal kita eh.pakialam ko ba sa kanila.”


“Wow naman..ang sweet”


“Syempre naman..ako pa”


“Mahal ko…”


“Hmmm?” patuloy pa din sa pag-aasaran yung mga lalaki.


“I love you”


Napangiti naman ako at tumingin sa kanya.


“I love you too”


And with all my shock, he kissed me right there and there… in front of his friends and basketball teammates.


“Woooohhhhh!!!! Mabuhay ang bagong kasal!!!!”


* * *

8 comments:

  1. waaaaaaaaaaaaahahahhahahahahha!!! hohhhhohhhhooohooohoo!!!!!! grbe, nagpapalpitate yta ang puso q s sobrng kilig!!!!!! bkit ang landi nla paul at regine!!!!!!! waaaaaaaaaaaaaaahhhh!!! naiinggit n tlga aq ate swear!!!! gus2 q n din magk-moment aq dto!!!! waaaahhhh!!! ate ate!! ang sweet nla shettttts tlga!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kalma lang bhe...iniisip ko pa kung paano ka papasok sa eksena eh..haha.
      darating din tayo jan..haha..

      Delete
  2. waAaaAhh KaKiLig cNa jhOnaH at eArL,,, maGging kAyo din, LetS aLL pRay,,, hwaHehE,,,


    At xEmpre aNg waGas ng kiLig kO sa Pa-Re couPLe,,, crUsh n cruSh q tLga c paUL peO maS baGay cLa ni reGinE,,, aNg kULit LNg tLgA eE,,, oO. Oo? OO na nGa daW paULut uLit kaUng dLwa hA,,, hwahEhe,,, s waKaS cLa na!!!,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. mukhang ang loveteam ng Pa-Re ang pinakamabenta dito ah..haha

      Delete
  3. now i know,may kahanginan din pala si earl.. haha.. kinikilig ang loko!!! ako rin kaya!! "really?tingnan natin"??? dat means,manliligaw na sya kay ate jho?? naks naman!! wag na kasing torpe at bagal-bagal.. cge ka,mauunahan ka pa ng iba jan kei ate.. at tsansing ka rin ah.. hmmn,ilang nakaw na da moves na ba yan kei ate??

    binigay na ang sweet yes!! at talagang sa library?? hahah.. mga pasaway talaga.. paul's so sweet!!! kaya ate regine,wag mo nang pakawalan yan.. may plano atang mag-artista ang mga boys,wala ng take 2.. haha..

    si sungit prince?? she saw him smile!!! dapat na capture un,once in a blue moon lang un eh.. haha.. if i would sell his pic,for sure pagkakaguluhan.. hahah..

    kakakilig talaga sila!!! mylabs!!,inggit ako sa kanila.. ;) wait,kelan at pano ko nga sinagot si jeirick mylabs ko?? my gosh!! i dont know pala!!!! hahaha.. si otor kasi,mahilig mambitin.. haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..pasensya ka an ochibi...forte ko ang mambitin eh..wag kang mag-alala babalikan din natin iyan..kalma ka lang..haha :)

      gagawan ko muna si yesha ng moment niya dito..haha.

      aba?? kung katulad ni Earl ang mangmamanyak sakin why not? haha...

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^