Wednesday, November 21, 2012

Blooming of Our Music: Chapter 9




CHAPTER NINE





     SI MINO agad ang hinanap ni Nicole ng pumasok sya sa classroom. Pero wala ito sa loob. Nilapitan nya si SeChang na ngayon ay busy sa pakikipag-kwentuhan sa classmate nila. "SeChang, nakita mo ba si Mino?"tanong nya dito.





     Umiling si SeChang bago sumagot, "Hindi eh. Hindi pa yata sya dumadating."sagot nito.





     "Ganun ba? Sige, salamat."wika nya saka sya bumalik sa upuan nila ni Mino. Ilang saglit pa ay dumating si Yua. Nag-kasalubungan sila ng tingin ni Nicole. Nginitian sya ni Yua pero ismid lang ang sinagot ni Nicole. Napayuko na lang si Yua saka naupo sa upuan nito. Nilingon pa nya si Nicole pero sa bintana na ang atensyon nito.





     Sinubukang i-text ni Yua si Nicole upang tanungin ito kung galit pa rin ba ito sa kaniya. Nakita nya namang binasa ni Nicole ang text nya pero hindi ito nag-replay. Napabuntong hininga na lang si Yua.





     Lunch break na nila pero wala paring Mino na dumadating. Kanina pa nag-hihintay si Nicole, may ibibigay sana sya dito na talaga namang pinag-hirapan pa nya at halos ma-late na sya sa school para lang matapos ang sushi na sya mismo ang gumawa tapos hindi naman pala papasok si Mino. Napabuntong hininga na lang tuloy sya. Naroon na sya ngayon sa canteen para sana mag-lunch kaso hindi sya makakain dahil iniisip nya nga kung paano nya ibibigay kay Mino ang sushi.





     Gustong gusto nya talagang ibigay kay Mino ang sushi na yun. Pasasalamat na rin dahil sa mga nagawa nito sa kaniya nitong mga nakaraang araw.





     "Ano kaya kung ihatid ko na lang sa bahay nila?"ibigla nyang naisip. Natuwa sya sa idea na yun pero naisip din nya na baka kung ano pa isipin ni Mino. Baka isipin pa nito na feel na feel nyang fake girlfriend sya nito. Napailing na lang sya. "Hindi pwede!"bulong nya sa sarili. "Kainin ko na lang kaya 'to?"pangalawang idea na naiisip nya pero nauwi din sa pag-iling ng todo. "Pinag-hirapan kong gawin 'to para kainin ko lang? Para nga 'to kay Mino eh."bulong nya ulit sa sarili nya pero nagulat sya ng may biglang humablot ng box ng sushi na hawak nya.





     Pag-lingon nya nagulat sya dahil yung babaeng may gusto pala ang humablot nun. "Ano 'to? Sushi? Para kanino? Para kay Mino?"mataray nitong tanong.





     Matapang na tunamyo si Nicole para harapin ang babae. "Wala kang paelam kung para man kay Mino yan! Ibalik mo nga sakin yan!"saad nito. Natawa naman ang babae sa kaniya.





     "Ang tapang mo porque boyfriend mo si Mino!"tapos ay hinagis nito ang box ng sa sahig kaya tuloy nag-kalat ang sushi sa lapag. Galit namang nag-pasalin salin ang paningin ni Nicole sa sushi at sa babaeng may gusto kay Mino.





     Napatayo naman si SeChang sa kinauupuan nito at dali-daling kinuha ang cellphone nya sa bulsa at tinawagan si Mino. Ang pag-kakalam nya kasi ay totoong girlfriend ni Mino si Nicole.





     Naiiyak na si Nicole sa galit, pinag-hirapan nya yun tapos itatapon lang ng walang hiyang babae na 'to? "Ano? Hanggang ganyan ka lang ba? Tandaan mo! Akin lang si Mino! Kaya kung ako sayo i-break mo na sya habang maaga pa dahil pag pinag-patuloy mo pa yan hindi lang ito ang mararanasan mo! Hu?!"tinulak pa nya si Nicole sa balikat. Pero mabilis naman tinapik ni Nicole ang kamay nya.





     "Ikaw ang tumigil! Wag mong isiksik ang sarili mo sa taong hindi ka naman kayang mahalin."mahina pero mariin at puno ng galit na saad ni Nicole. Nainsulto naman ang babae sa sinabing iyon ni Nicole.





     "Ang kapal ng mukha mo! Sino ka para sabihin sakin yan!"sumisigaw na ito.





     "At sino ka naman para ganitohin ako? Wala ka namang ginawa kundi umasa sa pag-mamahal na hindi naman mapapasayo."palaban na saad ni Nicole. Napuno na ang babae, sasampalin nya sana si Nicole pero may biglang pumigil mula sa likuran. Pag-lingon nya ay si Mino pala yun.





     Nagulat si Nicole maging ang babae. "Mino!"wika ng babae. Padabog na binitawan ni Mino ang kamay ng babae at lumapit sya kay Nicole.





     Napayuko na lang si Nicole ng titigan sya ni Mino. Tapos ay hinawakan nya ang kamay ni Nicole at humarap sila sa mga taong nanonood sa kanila. Sa ganung akto naman sila naabutan ni Yua. Nag-mamadaling pumunta ng canteen si Yua ng malamn nyang may kaaway si Nicole pero naunahan sya ni Mino. Imbis na sya ang dapat na mag-tanggol kay Nicole ay si Mino ang naroon.





     "Makinig kayong lahat. Ako si Song Mino, at girlfriend ko ang babaeng 'to. Sino mang manligaw o manakit sa babaeng 'to ililibing ko ng buhay, kasama ng mga ninuno nya. Wala akong pakelam babae ka man,"pag-sabi nya ng babae ay tiningnan nya ang kanina ay umaaway kay Nicole."o lalaki."sunod naman na tingingnan nya ay si Yua na naroon sa pinto ng canteen. "Naiintindihan nyo ba?"halos hindi naman makatingin ng diretso si Nicole sa mga nanunood sa commotion na ginawa ni Mino.





     Hinatak sya ni Mino palabas ng canteen. Ni hindi man lang nila hinintuan si Yua, binangga pa ito ni Mino sa balikat. Nakayuko lang si Nicole habang nag-papadala sya sa pag-hatak ni Mino sa kaniya.









     SAKA lang binitawan ni Mino si Nicole ng makalayo na sila sa canteen. Ilang segundong hindi nag-imikan ang dalawa habang si Mino ay nakatitig sa nakayukong si Nicole.





     "Pasensya ka na."biglang sabi ni Mino na ikinagulat ni Nicole. Napaangat tuloy ang mukha nya dito ng wala sa oras.





     "Pa--para saan?"nauutal nyang tanong.





     "Napahamak ka pa kasi ng dahil sakin. Di ko naman alam na aabot sa ganun yung babae na yun. Di ko alam na ganun sya kabaliw sakin."napapailing pa si Mino habang sinasabi nya yun.





     Natawa naman si Nicole at napailing din. "Ang yabang mo naman!"biro pa nya sa sinabi ni Mino.





     "Anong mayabang? Nakita mo naman kung gano sya galit na galit kanina dahil inagaw mo ko sa kaniya! Kung di pa nga ko dumating dun baka napatay ka na nun eh!"saad ni Mino sa may-pag-kaarogante nyang boses.





     "Oo na sige na."si Nicole na lang ang sumuko sa kaniya. Natawa na lang din si Mino.





     "Nga pala! Nakita ko na may mga nakakalat na mga sushi sa lapag dun sa canteen. Kanino yun? Sayo ba yun?"pag-iiba ni Mino sa usapan.





     Hindi agad nakasagot si Nicole, iniisip nya kasi kung sasabihin ba nya kay Mino na para dito talaga ang mga sushi na yun. Pero naisip din nya na baliwala na rin naman dahil hindi na nya ito maibibigay kay Mino.





     "Sayo yun? Sayang! Favorite ko pa naman yung sushi."sabi ni Mino.





     Dahil sa sinabi na yun ni Mino ay napaamin si Nicole. Para kasing bigla syang nabuhyan ng dugo. "Ang totoo sakin yun. Ibibigay ko sana sayo."nahihiyang pag-amin ni Nicole. Hindi sya makalingon ng maayos kay Mino.





     Hindi naman malaman ni Mino kung ano ang ire-react nya. Nabigla kasi sya sa narinig nya. "Sayang talaga kung para sakin yun! Gustong gusto ko pa namang kumain ng sushi ngayon!"saad ni Mino sa malungkot nyang mukha.





     "Ganun ba?"naisipan ulit ni Nicole na gawan si Mino bukas. "Sige, gagawan kita ulit bukas."masaya nyang sabi. Natuwa naman si Mino.





     "Talaga?"paninigurado nito. Tumango tango si Nicole. "Okay. Sabi mo yan hu!"pero natigilan si Mino ng may maisip sya. "Teka---ayaw ko na pala kumain bukas ng sushi."bigla nyang sabi.





     Napakunot naman ang nuo ni Nicole. "Hu?"yun na lang ang nasabi nya.





     "Next week monday. Two weeks na yung fake relationship natin pero di pa tayo nagdi-date."





     "Di--date?"nauutal na tanong ni Nicole.





     "Oo. Natural lang sa mag-bf, gf ang mag-date dahil sila. Next week, mag-date tayo. Mag-celebrate na rin tayo ng ika-two weeks ng relasyon natin. Dapat may regalo ka sakin hu?"ngumiti si Mino, kumaway sya kay Nicole bago nya ito iniwan.





     Natameme naman si Nicole dun. Mag-sasalita pa sana sya kaso walang lumabas sa boses nya kaya tuloy nakaalis na si Mino.













     Mag-di-date sila ni Mino? As in date? Mag-ce-celebrate din sila ng two weeks nila as a fake couple? Regalo? Ano ibibigay nya kay Mino? Eh sa nakikita nyang ugali nito ay napaka-pihikan nito.





     Ano na ngayong gagawin nya?













. . . to be continued
       

5 comments:

  1. WAaaAaah miSs n miSs n miSs n miSs q tO,,, bbSahiN q nA,,,


    MhAba hBaNg bSahaN aNg ggWin q,,, kSama pa uNg w&w,,,

    ReplyDelete
  2. mAgkakaHeaRt attACk na yTa aq s mGa pnGgagaWa ni miNo,,, sYa LnG tLga pAntANggaL streSs ni nicOLe wHch meAns paNtaNggAL streSs,,,, pEro hEaRt attAck uN dHiL s soBraNg kiLig at maGdidaTe pa kMi,,,, hwAheHe,,,, pAghHandaAn q yAn prOmise,,,

    ReplyDelete
  3. BAP!! nakita at narinig ko na yung cover mo sa song na bap... ang galing...



    at nagbago ka rin pala ng name.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po .. uu bago na .. daehyun matoki na .. di napag-hahalatang adik ako sa bap .. haha ..!!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^