Thursday, October 4, 2012

You Are My Life : Chapter One

(Danielle's POV)

"Kyaaaaaaaaaaaaaaa~~ Welcome back, Martin!!" Tili ng mga kasama ko habang may hawak na malaking banner na may nakasulat na 'Welcome back, Martin.'






Tsss. Naggi-giggle pa sila habang pumapadyak-padyak na kinikilig na ewan. AISH! Ewan ko sa kanila!



Nakangiti si Martin nung lumapit siya sa kanila. Well. Sa kanila kasi siya unang lumapit. Niyakap nila si Martin tapos inamoy-amoy pa. Eeew~ Nakakainis! Ang tagal-tagal niya na nga sa U.S tapos tinanggap na nga niya yung offer ng isang kumpanya sa Europe para maging Model tapos tinanggap niya rin yung offer nung mga taga-Paris na maging singer-slash-model tapos ngayon hindi pa ako yung una niyang lalapitan. Hmp! Bahala siya dyan!



Napansin niya na hindi ako lumapit para makiyakap kaya siya mismo yung kumalas sa yakap at lumapit sakin. 



Hmp! Bahala siya dyan!



"Ui, Beb. I missed you." Saka niya ko biglang niyakap.



"Get off." Plain na sabi ko.



Kumalas siya sa yakap saka niya ko tinignan diretso sa mga mata ko.



"Hala? Palagi naman tayong nag-uusap sa Skype diba? Ui. Eto naman eh. Tampo ka na?" Malungkot niyang sabi.



Umirap ako. "Tss. FYI, Mister. Anong palaging nag-uusap sa Skype? Busy ka tapos pagod pa minsan kaya minsan di na tayo nakakapag-usap. Tapos ngayon sasabihin mo Palagi? Oh c'mon! Wag mo kong pinaglololoko." Sagot ko.




Asa siyang magpapalambing ako sa kanya 'no! Kainis!



Tumalikod ako para di ko siya makita. Kainis talaga! Bat nga ba ako pumayag na maging Girl Friend nito?



Niyakap niya ako patalikod. "Wui. Di mo ba ako namiss? Kasi ako miss na miss kita." Bulong niya sa tenga ko.



"Manahimik ka dyan. Ayoko sa'yo." Nagtatampo kong sabi.



"Dali na, Beb. Sorry na. *TSUP* I love you!" TSK! Hinalikan pa ko sa pisngi eh.



"Hindi mo ko madadaan dyan. Hmp!" Saka ko kinalas yung dalawang braso niya na nakakapit sa leeg ko.



"Ui! Ano bang kasalanan ko?" Tanong niya.



"Tsk. Baka mamaya may babae ka pala dun. Nakuu~ Makikipag-break talaga ako sa'yo." Nagtatampo ko pa ring tono.



Lumakad siya papunta sa harap ko saka hinawakan ang magkabila kong pisngi."Sa sobrang tagal kitang hinanap ipagpapalit lang kita sa ibang babae? Alam mo beb, Ako'y para sayo, at ika'y para saakin lamang. Gets mo?" Pagpapa-amo niya sakin.



Tinabig ko yung dalawa niyang kamay. "Kahit na ba 'no. Baka mamaya nagsawa ka nang titigan ako kaya iba na ang tinititigan mo ngayon." Naka-pout ko nang sabi.



*TSUP*



Mabilis niyang hinalikan ang naka-pout kong labi. 



"Bati na tayo, ha?" Nakangiti niyang sabi.



Tsk. Hindi ko pa rin talaga 'to matitiis.



"Oo na, sige na. Bati na nga tayo." Sagot ko.



"YES!" Sigaw niya habang naka-taas pa ang mga kamay niya na parang nanalo sa lotto.



Dinamba niya ako ng yakap saka kami nagpaikot-ikot habang nakayakap siya sa leeg ko. Ang kulit kulit niya talaga.



Nung kumalas siya sa yakap pinisil ko ng medyo madiin yung pisngi niya. Napangiwi pa nga siya. eh.



"Ang kulit kulit mo talaga!! Nakaka-gigil ka, Beb!" Sabi ko habang nanggigigil pa rin ako sa kanya.



Hinimas niya yung pareho niyang pisngi.



"Sakit naman. Ang diin mo talaga mamisil ng pisngi!" Reklamo niya.



"Isa pa, gusto mo?" Tanong ko saka ilalapit ko dapat sa kanya yung kamay ko nung bigla niyang pigilan. 



"Ayoko na! Ayoko na! Masakit!" Pigil niya.



Natawa ako. "Ang cute cute mo kaya lalo akong nanggigigil sayo eh!" Saka ko na naman akmang kukurutin nung bigla niyang hawakan yung dalawa kong kamay at hinalikan ako sa labi.



This time hindi na smack. He deepen the kiss pero siyempre dahil ayoko ng PDA, pinilit kong ikawala yung mga kamay ko sa nakahawak niyang kamay saka ko kinurot yung tagiliran niya.



"Awch!" Reklamo niya.



Then there! Nakuha nga namin yung Atensyon ng mga tao.



"Ayiee!" Tukso naman nung mga kasama namin pati nung ibang nasa paligid.



"Tara! Punta tayong Mall. Nuod tayo ng Sine." Yaya ni Martin sakin.



Binatukan ko nga. "Alam mo, magpahinga ka muna dahil may jetlag ka pa. Dali. Dun muna tayo sa Condo Unit ko. Patutulugin kita." Yaya ko naman.



"Talaga? Yes! Tara na sa Condo Unit mo!" Saka niya ko hinatak palabas ng building ng Airport.



Haay nako. Talaga 'to. 



Paglabas namin ng building ng Airport, nakita namin na nakaparada na yung Ferrari Italia niya at may lalaking malapit dito na parang may inaantay.



"Ui, bro! Salamat pala sa paghatid nitong Ferrari Italia ko dito sa Airport." Pasasalamat ni Martin kay Prince. Yung ka-gang niya.



"Wala yun, bro." Saka sila gumawa nung apiran na hindi ko alam kung anong tawag.



"Oh pano, bro. Una na kami ni Beb... At alam mo na... Di na ko maantay eh. Kitang pagod ako galing byahe eh gusto na agad akong... Ahem... Haha. Basta alam mo na yun bro!" Natatawang sabi nito ni Martin.



"Sige, bro! HAHA! Goodluck sa... Ahem. Ahaha! Sa Honeymoon niyo." Natatawa ring sabi ni Prince.



Parehas ko ngang binatukan. "Ang lalandi niyong nilalang! Akina yung susi! Bahala ka mag-isa mo dyan!" Saka ko kinuha yung susi na hawak ni Martin tapos binuksan ko yung pinto ng driver's seat.



"HAHA! Woi, ako dyan beb!" Saka niya ko pinigilang pumasok.



"Tse! Ang pangit mo! Dun ka!" Pagtataboy ko sa kanya.



"Asuuus~ Mahal mo naman yung sinasabihan mo ng pangit." Pilit niya habang naniningkit yung mga mata niya.


"Edi mahal! Basta pangit ka pa rin!" Sagot ko saka ko siya binelatan.



"Ang kulit!" Natatawa niyang sabi saka ako niyakap.



"Hoy! Alis na! Baka dito pa kayo maka--" Natigil si Prince sa pagsasabi niya nung sumigaw si Martin.


"Gago! Niloloko lang kita!" Natatawa pa ring sabi ni Martin.

2 comments:

  1. aNg cUte niLaNg dLawa,,, kaKiLig,,, sMuLa n aGd aNg bOok 2,,,

    ReplyDelete
  2. ang ganda naman po pa update na.........

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^