Wednesday, October 10, 2012

The Brother Gods : Chapter 4

Chapter 4

Creza Crossford POV

Yun nga nagpaliwanagan na. Hindi na kami ni ate natata kot kay Stranger also called Andrew Levesher bagamat half believer niya ako ay pinipilit ko na lang. Mukha naming totoo ang sinasabi niya saka may iba-iba ang lengwahe niya minsan. Okay,fine. Part na siya ng family ngayon kahit na wierd siya.
God man siya o hindi,di na yon mahalaga. Aha! basta pumayag na siyang maging fake boyfriend ko temporarily. Bakit ba nasa vocabulary ko ang fake-fake na yan? Ah-huh. Gusto  kong paghigantihan ang ex-ahem. Boyfriend ko. Ang sakit kasi ng ginawa niya sa akin. Sinaktan at niloko niya ako many many times at ngayon gusto na niya makipagbalikan. Ano ako? Manika. Paglalaruan niya. At kung magsawa siya itatapon niya na lang. Huh! para tigilan na niya ako ay gagamitin ko si Andrew. Nasa anticipation ko naman na gagana ang plano ko. Marahil nagtataka kayo kong sinong tinutukoy ko. Siya lang naman si Darren Youssef. Ang feeling gwapong looking jerk kong ka-ek-ekang nobyo. DATI. Bakit ba napunta kay Darren ang topic. Nevermind na nga.


Nasa Xavier International High ako kasama si Andrew. Ipapa enroll ko siya sa school as may 3rd year classmate. Si ate ay gagamitin ko para magpaenroll sa kanya. Sabihin na lang natin na anak si andrew ng bestfriend ng parents ko. Magtatransfer siya sa school at si ate ang pinakiusapan na magpaenrol sa kanya dahil kunwari nasa america ang parents ni andrew. Sana di mahalata ang pekeng paper na pinagawa ko kay andrew. Wahihi! ambilis ko no. ako pa. Ito inasikaso ko kahapon kaya nga lumiban ako sa chemistry lab namin. No worry,hate ko naman ang subject na yon. Sawa na ko sa atoms,molucules.blah.blah na yan. Saka wierd pa ng instructress namin, Kasawa langs.


Heto na nga ako sa labas ng principal office. Excited na sa paglabas nina Ate Agatha at Andrew. Nakangiti nga ako sa kawalan eh. Kaya nagmukha na akong feeble minded sa mga co student ko na madadaan ako.

"Creza okay na! Alis na ko."sumulpot si Ate agatha pero napa snort siya.

"Hihi. Thanks ate. Your the best."I wince saka malapad na ngumiti.

"Pasalamat ka.Inabot ako ng kabaitan ko ngayon. Inuna ko pa ang kalokohan mo kesa sa group meeting namin ngayon."She shrugged."O siya.Patuloy muna kalokohan mo.Aalis na ako."

"Hihi! syensiya na ha!"tinalikuran niya ako.Pambihira.

"Crezy."sumunod si Andrew. Seryoso ng mukha."Ano na?"

"Follow me."kinabig ko ang braso niya.

"Saan tayo?"

"Abangan haha!"

Umasim ang mukha niya. Mukha naman akong loka-loka.


Yon nga dinala ko siya sa classroom.Sinalubong kaagad kami ng mga bestfriends ko. Lapad ng smile nila.Halatang excited sa binabalak ko.

"Siya na ba yan? Gwapo ha."sita ni Fiona La Rue sa akin. Gumi-glint ang hazel eyes niya. Gorgeous niya sa brown bushy hair niya.

Kumibot ang labi ko,"Absolutely."binitawan ko si Andrew.

"Saan mo nakuha yan ha?"hinatak ako palayo ni Suzanne sa kanila.

"Hindi ka talaga maniniwala kapag inalam mo yon sis.Basta nakita ko lang siya kahapon sa bahay.Wala ng tanong ha."sabi ko.

nagpout si Suzzane Groscrove habang bumalik kami sa dating pwesto kanina.

"By the way,He is Andrew Levesher. Our new classmate and my newly boyfriend."introduce ko sa kanila.

Parehong kumibit balikat ang dalawang bratt.

"Congrats sis."sabi pa nila.

"Ah,Andrew."bumaling ako kay andrew."Siya pala si Fiona La Rue."tinuro ko si girl na may hazel eyes at skinny body." Siya naman si Suzanne Groscrove and they're my bestfriends."Tinuro ko si blonde hair girl.

"Hi andrew."they said in unison.

'Hi!"sabat ni Andrew na nagpa-killer smile.

Napansin kong namatay sa kilig ang dalawa after nano second na buhay ulit sila.What the-

"Sige masipagupo na tayo."usal ko na unang umupo.

Maya-maya dumating ang instructor namin sa Geometry.Nagsimula na ang discussion,nagblah-blah.Then quiz. Nalimutan niyang ipakilala si andrew sa lahat ah. Ahai,di niya kasi napansin dahil nakaupo ito sa likod. No earth si sir.Okay lang yan.


Nasa study area kami.Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga studyante.Mga ingitira.Itsusera.Err!

"Girl.tingnan mo.May pampalit na siya kay Darren. Mas gwapo pa dito. aba aba,napaka feeling niya. Akala mo kong sinong maganda."gossip ng black girl.

sumalpok ang kilay ko. Akala mo kung sino magjudge. Ano naman kung magpalit ako ng boyfriend, Saka di ako feeling maganda. Maganda talaga ako. sabahin na lang natin na naiingit ka.Walang hiya!

"Keep calm and live while you're young."sabi ni Andrew. Mahilig talaga siya sa sentence na yan. 

"Keep calm na nga ako."sabi ko.

Nagchuckle ang dalawa sa likod kahit abala sa panood ng harry potter and the deathly hollows part 2 movie. Hey pinagtatawanan nila ako.

"Sis,hayaan mo na ang ugly freak na yon.Wag nang uminit ang ulo.Tingnan mo magiging si Bellatrix Lestrange ka na."sabi ni suzanne.

"Hey I'm not a death eater. Lalo na ugly witch.Saka si Hermione Granger ng kamukha ko."I protest.

"Wee.e kung magagalit ka kamukha mo si Bellatrix.Saka mala hermione ka naman kapag angel face ka pero bihira lang yong nangyayari. Palaging bellatrix ang mukha mo e."biro ni Fiona.

"Hindi kaya."

"try mo titigan sa salamin ang sarili mo ngayon."

"tigilan mo na nga ako."

Ngumisi si Andrew.As if naka relate sa pinangbabanggit namin ni fiona . Naggiggle naman si suzanne.

I sighed.

Meanwhile,nasipatan ko si Darren Youseff.Papalapit dito. Mambibwesit na naman.What an asshole.Okay,Its about time na magpakitang gilas. May magagawa na rin si andrew sa akin.

"Humanda na kayo.'' ko sa sarili habang tina-tuck ang palda ko sa ilalim.

Inagaw ko din ang atensiyon ng tatlo.

"Oras na ng palabas."sabi ni Suzanne.

Di ko pala sinabi na may alam ang dalawang bratt na to sa kalokohan ko. Syempre may alam sila dahil partners in crime ko sila. Saksi nga sila sa pagsakit ni darren sa akin.Hump.

"Hello girls."bati ni Darren. Mala-Daniel Padilla lang ang dating pero kamukha niya si Donghae ng super junior.Im not fond of Kpop pero kilala ko naman sila.Kaunti lang.

"What do ya want?"sita ko.

Naging tameme siya,Utal-utal style na naman.Utak mo bulinaw. Sawa na ko sa ganyang mode.

"Ka-kasi gusto sana kitang imbitahin na maglunch ngayon."yan na naman. one hundred percent hate this.

Pinatong ko ang kamay ko sa balikat ni andrew na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko.

"Sorry ha,di pwede eh. Magagalit si andrew."sabi ko then pout.

Bumaling siya dito.

"Bakit? sino ba siya?"umakyat yata ang init sa ulo niya.

"He's my boyfriend. Why?"matapang kong sagot.

He nodded hesitantly. at the back of my mind,I was laughing.

"Talaga.Tuluyan mo na nga akong pinalitan."binaba niya ang tingin.

"Bakit? Bawal ba. Ikaw nga dati pinapalitan mo kaagad ako kahit tayo pa."tumayo ako.

"Creza di ko ginawa yon."

"e ano yong pahug-hug mo kay Nadine? Mas malandi ka pa nga doon eh."

"Wala kaming relasyon ni Nadine. Mutual friend ko lang siya. Sweet kasi yon eh kahit sino hina-hug niya."

"Nagpapalusot ka lang."

"Hindi creza.Ikaw pa rin ang mahal ko."

"Argh! Pwede ba Darren tigilan mo na ito kasi nasasawa na akong makipaglaro sayoooo!"sinigawan ko siya kaya ang ibang gossiper ng school ay nakatingin sa amin. Pambiriha,mistulang sop opera lang. Kunwari ako si Kim Chui.

"hindi ako nakikipaglaro sayo.Seryoso akong nakipagrelasyo sayo. Creza,please bumalik ka na sa akin.Mahal kita at ayokong mawala ka." sige ikaw na best actor sa oscar award. Best actor ng kaka jerkekan mo.

"Ya know,past is past.Kasalanan mo kaya nangyari ito. Saka tandaan mo kung ano man yong ginawa mo kinakonsensiya ka lang. Kahit anong gawin mo para mabalik ang dati. di na pwede. Wag mong isipin na nagde-deja vu.Ow gods! ayaw kong paulit-ulit na lang. Over over imaginative ka. Wag kang maniwala sa sinabi ni spongebob 'It ain't imagination!' Umalis ka na sa harapan ko.Bago ka pa masuntok ni andrew ko o di kaya tustahin!"ako na ang best actress. Mala-Natalie Portman ang dating.

Yumuko si Darren.

"Sorry but i wont stop to court you. I want you to be mine again!"asik niya.

aba matapang.sige you want game! bahala ka.

"Talaga lang ha! tingnan natin kong hanggang saan ang kaya mo."nagsteam ang tenga ko.

"Be mine. Wala ka namang mapapala sa nobyo mong no mouth."

"Hey  Andrew is a god kayang-kaya kaniyang sumpain kung gusto niya."my gods,nadulas ako. 

"crez"bulong ni Andrew.

Na thunderstruck syemre si Darren.

"God?"

"Halina kayo girls.Andrew halika na!"hinila ko ang kamay ni Andrew. Ayoko nang makipag urge dito baka maging katawa-tawa pa ako. Kakainis ka kasi Creza di ka nagiingat. Walk out na.Bilis.


"Creza!"habol ni Darren pero nagbingi-bingian ako. Takasan ko na 'to baka ano pang mangyari.


........



"Ano pala yong sinabi mo kanina kay Darren?"tanong ni Fiona nang nasa parking lot na kami.

"Delete mo na yon."tinatamad kong sagot.

"May sinabi ka kasing god si Andrew at kaya-kaya niyang sumpain si Darren? Anong klasing joke yon parang totoo eh."usal niya ulit.

"Sis kalimutan mo na nga eh."

"Andrew talaga bang god ka?"bumaling si Fiona kay Andrew sumunod din si Suzanne.

"Vis avis.(I dont know)"sagot ni Andrew sa deutongue. Argh! pinahahalata niyang god siya. Pa i-don't know pa. Wait paano ko naintindihan yon?

"What do you say?"sabi ni Fiona na nalilito.

"Wala..di totoo yon. Trip lamang ni Crezy yon para tigilan na siya ni Darren."paliwanag ni Andrew na medyo nahehesitate.

"Ah!"sabay ngumanga ang dalawa kong kaibigan.

"Well,magsisimula na ang next period ng klase natin. Late na tayo guys! Pagagalitan na naman tayo ni Madam Anna!"sabi ko na nagpatiunang humakbang pabalik sa loob ng campus.

Nagpailing ang dalawa.Tahimik namang sumunod si Andrew.

.....


Darren Youseff POV


Grabe ang babaing yon hanggang ngayon di pa rin ako pinapatawad. Hindi ko naman sinasadyang saktan siya. Kahit kailan talaga di ko siya makukuha lalo na ngayon na may bago siyang boyfriend. Pak Shet! Ang unfortunate ko masyado. Hopeless na akong makukuha siya ulit.

Kaya ito,matapos ang klase ay natumungo ako sa bar para uminom. Pampatanggal problema lang. Uubusin ko lahat ng tequila dito kahit under age ako,amin naman ang bar na 'to. Bahala na pagalitan ni Papa.

"Err! Kayo!"tumayo ako bigla matapos ubusin ang panghuling baso ng tequila.Blurred na ang paningin ko.Umiikot pa ang paligid.

"Bakit bata?"sagot nong malaking lalaki sa gilid.

"dont call me like that! hindi ako bata!Kayang-kaya ko kayong pataubin gamit ang kamao ko."nilantad ko sa kanila ang fist ko na kasalukuyang kumukuyom.

"hihi nababaliw ang batang to."tinulak niya ko sa dibdib.

"Gago ka pala eh!"sinutok ko siya.

"Aba matapang ang batang to ha!"galit na ang boses ng lalaking sinuntok ko na kasalukuyang nakabulagta sa sahig bumangon siya at ginantian ako ng suntok. Tinulungan din siya ng mga kaibigan niya kaya ito budbug sarado ako.


"Kahit sa inyo pa ang bar na ito wala kaming pakialam dahil napaka reckless mo!"Tinapon nila ako sa labas ng bar. Pambihirang mga security guards na yon di ako tinulungan.

Pinahid ko ang dugo sa gilid ng bibig ko. Sumasakit ang ulo ko pati boung katawan ko.


Nasa kalsada ako ngayon. Malalim na ang gabi.Kaunti na lang ang mga sasakyang dumaraan. Gusto kong sumakay sa  taxi ngunit ni isa walang nagpapasakay sa akin.Hanggang marating ko ang village namin. bwesit talaga.


Pasuray-suray ako sa daan hanggang may malakas na bagay ang bumagsak malapit sa bahay namin. Nawala ang pagkalasing ko kaya tumakbo ako papunta sa likod ng bahay.

Lumaki ang mga mata ko nang makitang nasusunog ang garden ni Mama. ano ba ang nahulog? Falling star? Paano-

Napapigil hininga ako nang may lalaking lumitaw sa gitna ng apoy.Kasing laki ko ata siya.

"Sino ka?"




1 comment:

  1. ooo! cnu ung nahulog mula s langit?? yun n cguro ung god!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^