Tuesday, October 30, 2012

She's the One : Chapter Thirteen

Chapter 13:  Hindi ako siya….


 Dalawang linggo simula ng birthday ni Kcee ay pinilit ng niyang iwasan si Shun. Hindi na rin siya pumupunta sa ampunan,iwas din siya sa mga tanong ng Kuya at Dad niya. Lagi siyang nakatambay sa bahay nila  Lara.

“Wala ka ba talagang balak kausapin si Shun ??  tanong ni Lara habang nanunod sila ng T.V.

“ For what ?” nakataas na kilay na tanong ni Kcee.

 “ Para magkaroon ng linaw ang mga narinig mo. “ sagot naman nito.

“Malinaw ang narinig ko La. Malinaw namalinaw na niloloko niya ako. “   pinipigilan na naman ni Kcee ang pagbagsak ng luha niya.

“Psh. Kung hindi mo siya haharapin mas lalo kang mahihirapan “ sabi ni Lhei.

“ I don’t know. I cant. I just cant. “ iling iling  na sabi ni Kcee.

 “Pero hindi pwedeng umiiwas ka nalang palagi!! “ panenermon pa ni  Lara.

“Hindi ko kaya! Hindi ko pa kaya …”magsimula na naman siyang umiyak.

 “ Kung hindi ngayon,kelan pa Kcee ?”

“ I don’t know!! Idont know!! “ sigaw nito saka tumayo saka umalis. Hahabulin sana siya ni Lhei pero pinigilan ito ni Lara.
“ Kailangan niya ng time para sa sarili niya. “ sabi pa nito.

 ***

Hindi naman malaman ni Kcee kung saan siya pupunta. Ayaw niyang umuwi siguradong nandoon na naman si Shun sa bahay nila.  Kay nakauwi na ang Kuya at Dad niya.Baka nakausap na ng mga ito si Shun. Natatakot si  Kcee na makausap si Shun.Natatakot siyang kumpirmahin  na totoo ang lahat ng narinig niya.

Minsan na niyang naransan ang ganung takot, yung mga panahon na nakumpirma na patay na ang  Mama niya. Ayaw niya ng maulit pa ang bagay nay yun.Baka hindi niya kayanin.

Mataray,matapang lang siyang tingnan pero sa totoo lang mahina siya.

Natagpuan  na lamang ang sarili sa may tabing dagat.Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.Napakapaya ng dagat.

Hapon na ng magdesisyon syang umalis si Kcee sa may tabing dagat,for once gusto niyang makalimutan niya ang problema kaya pumunta siya sa isang bar.

Uminom lang siya ng uminom. Nagulat siya ng biglang may umagaw ng basong kabibigay  lang ng bartender sa kanya.


 “Hey! Shaken yan! Kung gusho mo!Bumili ka ng shayo!! “ sabi nito sa umagaw ng baso niya.


“Lasing kana ,Miss.!” Sabi lang nito.

 “ Pwede ba! Shakin yan!!hihihi,,, Sheken nayan!!  “  pilit na inaagaw ni Kcee yung baso niya.

“Broken hearted ka noh ?”  napatigil naman si Kcee. Sapul! Tagos eh.Napayuko  nalang siya “ hey! Miss sorry di ko naman sadya, “ nagpapanic na ito ng marinig na humihikbi si Kcee.

 *sobs*

“Pangit ba ako ?” biglang tanong ni Kcee,

Nagulat naman yung lalaki sa tanong ni Kcee“Ah-eeh “ hindi naman maksagot ang lalaki sa tanong ni Kcee.

 “Sabi na eh,pangit talaga ako,pangit pang ugali ko ,pero kahit na!!Hindi *sobs* hindi-----------------“ hindi na naituloy ni Kcee ang sasabihin niya dahil tuluyan na siyang napaiyak. Hindi naman malaman ng lalaking kung anong gagawin niya kay Kcee lalo na ng mapansin niyang nakatingin sa kanila ang mga tao sa bar. No choice nilabas niya ito doon at dinala niya ito sa kotse niya.


Patuloy lang  si Kcee sa pag –iyak.

“Bakit Kurt ?Bakit mo pa ako niligawan kung ikakasal kana pala ?  At saka hindi naman ako siya. At kahit kalian di ako magiging siya. “sobs* Tapos ang galing mo rin noh .sobra! as in! Sa araw ng birthday ko pa mismo sinakto. Alam mo kung gaano ka importante sa akin an araw nay un *sobs* na *sobs* after a long time icecelebrate  ko ulit,dahil sayo,pero anong ginawa m.you ruined my day! You crashed my heart!! “ umiiyak na litany ni kcee hindi malaman ng lalaking kasama niya kung anong gagawin kay kcee kaya niyakap niya nalamang ito.

Patuloy lamang sa pag-iyak  si Kcee hanggang sa makatulog ito sa bisig ng lalaki. Biglang tumunog   ang cellhne ni Kcewe, kinuha naman ito ng lalaki.

 “ Shun Kurt Calling “

“Kurt? Ito yung binabanggit noong babae kanina “ sinagot narin niya yung tawag pa mapasundo na rito  si Kcee.

“ Hello!Kcee “so kcee pa lang ang pangalan niya,bagay sakanya.

“ Hello.”

“ Huh?teka Kcee? Bakit boses lalaki ?”

“ Kaibigan mo ba si Kcee ?”

“WHO are YOU? WHERE IS KCEE?” sigaw ni shun.

“Hey! Don’t shout at me,she’s safe.lasing lang siya pakisundo mo nalang siya dito,.” Binigay naman ng lalaki ang address ng bar kung nasaan sila.

Nagmamadali naman pumunta si Shun sa lugar na sinabi ng lalaki. Naguguluhan siya . Bakit naman  pupunta si Kcee sa ganoong lugar? Magpapakalasing ?

Hindi niya alam kung anong nangyayari dito ang alam lang  niya. Simula pa noong birthday nito.
Ang pag-iwas nito sa kanya.

Nang makarating siya doon ay tinawagan niyang muli ang cellphone ni kcee.sinabi naman ng lalaki kung nasaan sila kaya agad itong nagtagpuan.

Nagulat siya ng kamao ng  lalaking iyon ang sumalubong sakanya.

“ That’ s for making such a wondereful lady crying .  sabi nito nagtaka naman si Shun sa sinabi nito kaya binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin.

“Don’t play numb. Ikaw ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Iuwi mo na siya. “ sabi nito .

Binuhat naman ni Shun si Kcee. At dinala sa kotse niya.

Bago niya paandarin ang kotse ay pinagmasdan niya  muna ulit ito. Halata sa mga mata nito na kagagaling nito sa pagiyak,.






 “I’m sorry Kcee. “ sabi niya at hinalikan ito sa noo. At Iniuwi na.


2 comments:

  1. CnO uNg guY,,, paRang suSpiciOus,,, pEro tiNuLungN p riN niA si kCee,,, at sakTo Lng n cNuntOk niA si shUn,,, magPaLiwanaG k nGa,,, anU b kSi naNgyyRi hAh,,,

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    sino yung guy? waah!!! exciting yung character niya kaso patapos na??

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^