Thursday, October 25, 2012

Friends Zone : Chapter 15

[Pa-Re’s Crazy Love Story Part 4]

[Paul’s POV]


“Paul umamin ka nga sakin…may gusto ka ba kay Regine?”



“Anooo???”



Ayan namatay tuloy bigla yung character ko.



Nandito ako ngayon sa bahay nila Jeirick at Jhonah at kasalukuyan kaming naglalaro ng X-Box ni Jeirick ng magulat ako sa tanong na iyon ni Jhonah dahilan para mawala yung concentration ko sa laban namin ni Jeirick.



“Ano-ano ka dyan…may gusto ka nga ba kay Regine?” tanong ulit ni Jhonah.



“Ha??? Ahhh…” hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa pinsan ko na may gusto ako kay Regine eh bestfriend niya yun eh.



Teka..bakit kay Richelle nasabi ko? Well alam ko kasing si Richelle hindi talaga magsasalita iyon..eh itong pinsan ko..numero unong madaldal ito eh.



“May gusto ka nga”



“Hoy wag ka ngang magconclude agad hindi pa ako sumasagot”



“tol kahit hindi mo na sagutin…sa bagal mong sumagot obvious na yung sagot eh..hanudaw??” natatawang sabi ni Jeirick.



“Kung may gusto man ako kay Regine..ano naman sayo?”



“Eh adik ka pala eh.matagal ko ng alam na may gusto ka kay Regine…matagal na tayong magkakabarkada..at sobrang obvious ka kaya”



“hindi naman eh”



Kung obvious ako eh di dapat matagal ng alam ni Regine yun diba?



“Ang sabihin mo torpe ka”



Itinigil ko muna yung nilalaro ko at hinarap ang pinsan kong prenteng nakataas ang mga paa sa sofa habang nagbabasa ng Manga na binigay ko sa kanya.



“Hindi ako torpe”



“Tsk! Kaya pala…kung hindi ka torpe.magpakalalaki ka..manligaw ka ng matino kay Regine..kasi yung babaeng yun may pagkamanhid din at slow ang loading ng utak nun…kaya diretsahin mo na agad..wag ng paligoy-ligoy pa”



“Wow ah..kung makapagadvise ka wagas ah…base on experience ba yan?”



“Mukha mo!”



Pero infairness may point naman si Jhonah eh…kelan ba ako magkakaroon ng lakas ng loob na magtapat kay Regine? Kapag may isa na namang “Jeirick” na dumating?



***



[Regine’s POV]



“Regine anak may bisita ka” marahang katok ni Mommy sa kwarto ko.



“Sige My..bababa na ako” sagot ko at inoff ang computer.



Sino kaya ang posibleng bisita ko eh gabi na? imposible namang sina Richelle at Jhonah kasi didiretso na yun dito sa kwarto ko eh.



Habang pababa sa sala ay iniisip ko kung sino ang maaring maging bisita ko. Ganun nalang ang gulat ko ng makitang si Paul ang naghihintay sa akin. Agad siyang tumayo ng makita ako.



“Goodevening Regine” bati ni Paul at inabot sa akin ang bulaklak na nakapatong sa mesa “flowers for you”



“Oh? Ano namang drama iyan Paul at may flowers effect ka pa?” nagtatakang tanong ko.



“Ito naman nambabara agad…tanggapin mo nalang”



Kahit naguguluhan eh tinanggap ko na din naman yung mga bulaklak…sayang eh.



“Thanks..upo ka…bakit nga pala napadalaw ka?”



“Ahhmmm..ano kasi..ahhh,,”



“Ano?”



“p-pwede…bang…manligaw?”



Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya…teka…tama ba ang pagkakarinig ko?



“Manliligaw?? Ikaw??? Kanino?”



“Syempre sayo…magpapakahirap ba akong humarap sayo…pumorma..at magdala ng bulaklak bilang props kung sa iba ako manliligaw…??? Common sense lang eh”



“Aba??? Sa lahat naman ng kilala kong manliligaw ikaw ang demanding at pilosopo ah..”



“Hehe…sorry naman…kinakabahan kasi ako eh” napapakamot nalang si Paul sa batok.



“Umayos ka! Bakit ka manliligaw?”



“Ano bang dahilan ng lalaki para manligaw?”



“Aba malay ko?? Hindi naman ako lalaki”



Nagseryoso bigla si Paul.



“Redge…alam kong si Jeirick ang mahal mo…pero gagawin ko ang lahat para lang mapatunayan sayo na seryoso ako sayo…I’ve been inlove with you since highschool…pero hindi ko magawang magtapat sayo kasi puro nalang si Jeirick ang nakikita mo..tapos lagi ka pang inis sakin..lahat na ng pagpapapansin ginawa ko na..pero wa epek pa din..okay lang sakin kahit na sa tuwing makikita mo ako eh maiinis ka sakin..atleast napapansin mo ako…pero Redge…hindi okay sa puso ko eh..kasi nasasaktan na ako..pero wala eh..mahal talaga kita eh”



Napakaseryoso ni Paul sa mga sinabi niya. Hindi ko alam pero parang may malamig na kamay na humaplos sa puso ko. All those years pala Paul is inlove with me..pero dahil si Jeirick lang ang nakikita ko hindi ko man lang napansing mahal ako ni Paul… napakaironic talaga ng buhay.



Minsan nasa harapan mo na kaso hindi mo pa nakikita,



Wala namang shape,size, texture, color at smell ang love kaya hindi madaling marecognized eh.



Iyon ang salitang sinabi sakin ni Richelle noong kasalukuyan akong nagluluksa sa pagkabigo ko kay Jeirick.



Tama siya..



“Kahit okay lang sa akin na lagi kang galit kapag nakikita mo ako…mas gusto ko din naman na kapag narinig mo ang pangalan ko..mapapangiti ka…kahit man lang sa simpleng bagay na iyon…masaya na ko.”



Sinong mag-aakalang ganito kacorny ang lalaking ito?



“Huwag ka ngang magdrama dyan..hindi bagay sayo..mas…mas gusto ko kapag nakangiti ka” nahihiyang sabi ko.



Agad namang ngumiti si Paul dahil sa sinabi ko.



“Sabi ko na gwapo ako eh”



“Wala akong sinabing gwapo ka”



“Hehe…wala nga…so..pwede na ba kitang ligawan?”



“Kapag sinabi ko bang hindi pwede titigil ka?”



“hindi”



Nagkibit-balikat ako.



“See? Bahala ka..manliligaw ka lang naman eh..wala naman akong sinabing sasagutin kita”



“Okay lang…hindi ko naman hinahangad na mapasaakin ka eh…ang sa akin lang eh mapasayo ako” nakangiting pahayag ni Paul dahilan para mapatawa ako.



“ang corny mo” tukso ko sa kanya.



“Ganun talaga kapag inlove…nagiging corny”



“Sabi mo eh”



Tumayo na si Paul at nagpaalam.



“sige gabi na…gustuhin ko mang makausap ka pa eh baka mapuyat ka…kita nalang tayo bukas” paalam ni Paul.



“Oo nga eh..istorbo ka kasi” biro ko.



Nginitian ako ni Paul. Adik na lalaki ito porket sinabi kong mas gusto kong makitang nakangiti lagi na ngang nakangiti.



“Goodnight Regine…paalam mo na din ako kina Mommy…..mo hehe”



“Sige….Mommy..uuwi na si Paul” sigaw ko



Mula naman sa kusina eh lumabas si Mommy.



“naku Paul uuwe ka na? hindi ka man lang pinakain nitong si Regine”



“Okay lang po yun tita…masyado po talagang hospitable yang anak niyo”



Marahang hinampas ko naman sa braso si Paul gamit ang bulaklak na bigay niya.



“Uy! Sayang yung flowers..mahal iyan” pag-iwas naman ni Paul



“Hay naku….lovers….naalala ko tuloy ang kabataan ko” kinikilig na sabi ni Mommy.



Ano namang nakakakilig sa aming dalawa? Abnormal din si mommy eh.



“Sige tita..bye po” paalam ni Paul at humalik sa pisngi ni mommy.



“bye..mag-ingat sa pagmamaneho ah…may dala ka bang sasakyan?”



“Opo tita..mag-iingat po ako..pakakasalan ko pa po yang anak niyo eh”



“Hindi ka pa nga nagsisimulang manligaw kasal ka na agad dyan” nakairap na saway ko.



“Futuristic kaya ako”



“Sige na..lumayas ka na..matutulog na ako”



“Okay..byebye…goodnight”



Napangiti nalang ako habang tinatanaw ang papaalis na si Paul.



“Luko-luko”



“Mas gusto ko si Paul kesa kay Jeirick para sayo”



“Mommy!”



Nagulat pa ako dahil ang akala ko eh nasa loob ng bahay si Mommy. Di ko alam na sinundan pala niya ako dito sa garahe.



“Alam mo My na may gusto ako kay Jeirick?” nagtatakang tanong ko.



Inakbayan ako ni Mommy habang papasok kami ng bahay.



“Syempre naman Mommy mo ako eh..saka natatandaan mo ba dati everytime na aalis tayo nun lagi kang may dalang pasalubong para kay Jeirick?”



“Hindi mo ba gusto si Jeirick Mommy?”



“Gusto ko naman kasi mabait at responsableng bata iyon…pero alam ko din na kapatid lang ang turing niya sayo…at alam ko din na may gusto sayo si Paul kasi kinausap niya kami ng daddy mo noon.”



“what? Kinausap kayo ni Paul?”



Hindi ko yata alam iyon? Kelan nangyare iyon??



“Oo..kaya nga napahanga niya kami ng daddy mo eh”



Sira ulong Paul iyon…kinausap niya ang parents ko without my knowledge.



“Think carefully Regine..pero kung magustuhan mo man si Paul eh wala kaming tutol ng daddy mo…sige na…ikaw na ang magsara ng bahay at matutulog na ako…matulog ka na din”



“Yes Mommy…goodnight”



Matapos ilock ang pinto eh umakyat na ako sa kwarto ko. Sakto namang tumunog ang cellphone ko.



1 message received



Goodnight Regine…sweetdreams..iloveyou <3 –Paul



I lay down in my bed with a smile on my face.



***

Dear Diary,

Mukhang nagkakamabutihan na sina Regine at Paul…mabuti yan…
Sabi na eh…99.9% ang probability na magkakaayos din sila..
Yung 1 % incase pumalpak ang plano ko..
Kailangang nga lang talagang tanggalin ang sore eyes sa mata ni Regine..
Happy ako para sa kanila…
Sino naman kaya ang isusunod ko?

Yours truly,

-Alias Kupido




5 comments:

  1. naGuLat aq aKaLa q si reGine uNg naGda-diaRy,, si kUpidO pLa,,, hwAhEHe,,, ayiiEh buti Nmn at naGkaLakas na ng Loob si pAuL na maNLigaw,,, peRo ayOs diN aNg giNwa niA,,, uNa ,aNg uMamin sa parEnts ni reGine kyaHahaHa aNg swEet,,,

    ReplyDelete
  2. XD Dear kupido,


    Panain mo nga rin ako pati yung Crush ko. :D Wahaha!

    Truly Yours,
    TheSweetGirl14




    XD

    ReplyDelete
  3. awwwhhh!!! gosh!!! super KILIG!!!! hindi ko talagang mapigilang tumili!!! anebeyen!!

    --- i wish mr. kupido panain mo rin sana si mr. right at bihagin ang kanyang puso para ibigin ang matagal ng natutulog kong puso---

    hahaha.. nagsesenti lang??..

    ReplyDelete
  4. yehey!!!!!! nagbubunyi daw aq! ahhahahhaha! s wkas nmn paul, s hinba-haba ng pagkatorpe mode mu ngwa mu n rin umamin at manligaw!!! naks, haba nmn ng hair ni ate aegyo nian i mean si ate regine pla. ahahhahahahah!!!

    ReplyDelete
  5. hahaha...salamat sa mga comments niyo..sumaya ang badtrip kong mundo :)

    hulaan niyo kung sino ang susunod na mabibiktima ni kupido?

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^