Thursday, October 25, 2012

Friends Zone : Chapter 14

[Pa-Re’s Crazy Love Story Part 3]

[Paul’s POV]



“Mr. Mendoza….Mr. Mendoza”


“Ano ba?! Natutulog ang tao eh!” saway ko sa kung sino mang umiistorbo sa pagtulog ko.


“Baka naman gusto mong sa bahay na ituloy yang pagtulog mo? Nakakahiya naman kasi sa klase ko diba?”



Dahil sa narinig ko ay bigla akong napabangon. Ang istriktong mukha ni Miss Garcia ang nalingunan ko.


“Mam!”


“Oh ano gising ka na?”


“Yes Mam! Sorry po”


“Ayoko ng maulit pa ito Mr. Mendoza”


“Yes Mam”


Bumalik na sa unahan si Miss Garcia upang ipagpatuloy ang pagtuturo. Hiyang-hiya naman ako sa mga kaklase kong nagtawanan.


Badtrip naman kasi anong petsa na kami umuwi kagabi. Puspusan ang pagpapractice namin dahil finals na sa isang araw sa basketball.


“That’s all for today class..” paalam ni Miss Garcia at lumabas na ng classroom.


“Hoy tol! Langya ka hindi ka naman pala nag-aaral eh…”


Napatingin ako sa kung sino mang bumatok sakin.


Ang ngingisi-ngising si Laxus ang nakita ko.


“Anong ginagawa mo dito?”


“Nang-iistorbo…at nakita ko na pinagalitan ka ni Miss Garcia”


“tsismoso”


“ikaw din naman eh”


Binitbit ko na ang gamit ko at lumabas na ng classroom. Sumunod naman sakin si Laxus.


“wala ka na bang klase?” tanong ko habang naglalakad kami sa corridor.


“wala na….hi girls”


Para talagang sira itong si Laxus..lahat nalang ng babaeng dumadaan eh binabati.


“May gala ka ba ngayon?”


“Ewan ko…wala naman akong alam eh..saka gusto ko ng umuwi…sobrang antok ako…anong oras na tayo umuwe kagabi eh”


“Grabe ka matutulog ka lang sa bahay niyo eh..hindi ka pa ba kuntento? Natulog ka lang naman sa klase eh”


“Bitin eh..ikaw din kaya umuwe ka na at matulog na din”


“ayoko.boring sa bahay…sama ka nalang sakin..”


“Ayoko..mag-isa ka na..matutulog ako”


“Antukin..bahala ka nga ikaw din.”


Sakto namang pagliko namin sa pasilyo eh nakasalubong namin sina Jhonah at…..Regine.


“Hi Redge” agad kong bati kay Regine


“Hello”


Napataas naman ang kilay ni Jhonah at nagpalipat-lipat ang tingin saming dalawa ni Regine.


“Teka ano yan? May batian moment na kayo ngayon? Kelan pa nagkaroon ng world peace sa inyong dalawa?” nagtatakang tanong ni Jhonah.


“Masama na bang bumati?” tanong ni Regine.


“Oo…kasi hindi niyo birthday…at saka kapag kayong dalawa…” turo pa niya sa amin ni Regine “..masama talaga kasi ibig sabihin nun may mangyayaring hindi maganda..hindi uso ang world peace sa inyo eh”


“Grabe ka naman Jho” saway ko.


“Mas grabe kayo”


“Hay naku Jhonah tumahimik ka na nga” saway ni Regine sa kanya.


“Ako pa ngayon” nakapout na sabi ni Jhonah sabay baling kay Laxus “Tara na Laxus..nasa sasakyan na si Richelle saka si Trace”


“Tara” akmang aalis na si Laxus ng pigilan ko siya sa braso.


“Teka saan kayo pupunta?”


“Magvideoke kami”


“Sama” kahit hindi ako kumakanta okay lang.


“akala ko ba matutulog ka? Niyaya kita diba sabi mo magpapahinga ka” kunot-noong tanong ni Laxus.


Naku..kahit buong buwan na akong mapuyat okay lang sakin..makasama ko lang si Regine.


“Tara na marunong ka pa sakin eh..…ang bagal niyo naman” nagpauna na ako..excited???


Naguguluhang nagkatinginan naman sina Jhonah at Laxus sa isat-isa…hay naku..wala akong pakialam sa kanila..basta ako…


“Redge ako na magbitbit niyan” sabi ko at kinuha kay Regine ang hawak niyang duffel bag.


“Wag na..okay lang ako hindi naman mabigat eh” tanggi ni Regine at pilit inilalayo sakin ang bag.


Pero wala siyang nagawa dahil hawak ko na.


“Ako na”


“Bahala ka nga”


“Hoy! Paul..” siga talaga itong pinsan ko kababaeng tao…tsk! “ Sinong nagsabing kasama ka? Niyaya ba kita?” nandidilat ang matang tanong niya sakin.


Upakan ko siya eh panira ng moment namin ni Regine.


“Pinsan mo ako diba?”


“So? Anong kinalaman nun sa videoke?”


“kaya kasama ko”


“si kuya nga na kapatid ko na eh hindi ko pa niyaya eh ikaw pa na pinsan ko lang???saka marunong ka bang kumanta? Sisirain mo lang eardrums namin eh..wag ka ng sumama epal ka eh”


Nilapitan ko si Jhonah at palihim na binulungan.


“Ibibigay ko sayo yung bagong Manga ko ng Detective Conan na may autograph pa ni Gosho Aoyama”


“Talaga???? Sige sama ka na…hoy Regine, Laxus bilisan niyo nga” at nagpauna na siyang lumakad samin.


Napangisi naman ako ng maluwag. Alam ko ang pang-uto dyan sa pinsan kong adik sa anime..hehe..utakan lang yan noh..hahahaha..


“Tara na Redge”


***


[Regine’s POV]


Hindi ko alam kung anong nakain ni Paul at bigla nalang nagfefeeling close sakin…at hindi ko rin alam kung anong nakain ko at ang nice ko din sa kanya…nandito kami sa isang videoke house..wala lang napagtripan lang namin kaninang tatlo nila Jhonah at Richelle na kumanta at magbasag ng salamin..tapos nakita namin sina Trace at Laxus kaya niyaya na din namin sila..kailangan namin ng driver. tinatamad kasi kami magdrive…sayang sa gasoline..hehe..hindi na namin niyaya yung iba kasi may mga klase pa sila eh..si Paul nakita lang naming kasama ni Laxus kaya napasama na din siya..nung una ayaw pa nga siyang isama ni Jhonah kaso ewan ko kung anong nangyare at napapayag din yung babaeng yun.


“hoy Regine nakapili ka na ba ng kanta? Peram songbook” sigaw ni Richelle.


Parang timang itong babaeng ito..magsasalita lang hawak pa yung mic.


“Akina nga yang mic..hindi mo naman kinakanta eh” agaw naman ni Laxus.


“Epal nito”


Nagsimula na namang magtalo yung dalawa…nakakatuwa silang tignan..parang kami lang dati ni Paul. Speaking of Paul..ayun tutok na tutok ag mata niya sa songbook. Ano kayang balak nyang kantahin?


Nilapitan ko siya…wala lang…teka…bakit nga ba ako lumalapit sa kanya?


“Kakanta ka?” tanong ko.


Halata namang nagulat siya sakin.


“Ahhh ehhh sana..kaso wala akong mapili eh” nahihiyang sagot ni Paul. Medyo nagblush pa nga siya eh..nakakatuwa.


“Hoy Paul kakanta ka???? Wala kaming dalang payong” pang-aasar ni Richelle.


“Kayo ang yabang niyo..samantalang kayo nga dyan kanina niyo pa binabasag ang eardrums ko eh” saway ko sa kanila.


“uyyyyy!!! Pinagtatanggol niya si Paul”


“Close na sila”


“Mahal na niya oh”


“Kiss naman dyan”


Parang mga sira-ulo talaga itong apat na ito…para sinaway ko lang sila kasi nagpapakaselfish na sila sa mic…hindi naman kami nagrereklamo tapos aasarin nila si Paul dahil gusto niyang kumanta.


“Tumigil nga kayo” saway bigla ni Paul at inagaw kay Laxus ang mic.


Lumapit siya sa videoke machine at nagdial ng number.


“Paul wag kang kumanta” awat ni Laxus.


Honestly never ko pa ding narinig kumanta si Paul…ganun ba talaga kapanget ang boses niya para pigilan siya ng mga ito?


“Paul..parang awa mo na” sabi naman ni Jhonah.


“Mic test….tumigil kayo”


Nagsimula ng kumanta si Paul…


Now playing : Sa isang sulyap mo by 1:43


Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo


“Wala na…sira na ang record ko..kumanta na si Paul eh” nailing na sabi ni Laxus.


“Ayawan na” sabi naman ni Richelle.


Akala ko kaya nila pinipigilang kumanta si Paul kasi panget ang boses niya..yun pala kabaligtaran…kasi ang ganda ng boses niya…mga inggitero lang tong mga froggy na ito.


Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko

Habang kumakanta si Paul nakatingin siya sakin.. feeling ko tuloy ako lang yung kinakantahan niya.


Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako


Totoo kaya  yung kinakanta ni Paul o kanta lang talaga yun? Para kanino kaya yun? Hindi naman ba masamang isipin ko na para sa akin yung kinakanta niya?


Hay naku Regine masyado kang ambisyosa.


Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumisigla
Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya


“Magaling palang kumanta si Paul eh” narinig kong puri ni Trace


“Hay naku kaya ayaw naming pakantahin si Paul eh…kapag nahawakan na niyan yung mic akala mo nagcoconcert” nailing na sabi ni Laxus.


“Wooohhhh!!! Alabyu Paul!!!!” sigaw naman nina Richelle at Jhonah.


Naririnig ko sila pero parang nawala na naman ako sa mundo nila. Ang tanging malamig at malamyos na boses lang ni Paul ang naririnig ko.


Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako


Sa isang sulyap mo…ayos na ako..
Sa isang sulyap mo…napaibig ako…



“Wala na..natulala na si Regine”


“Sabi na sa inyo eh…kapag hindi kayo immune sa boses ni Paul magagayuma kayo”


Dinig ko ang boses nila Richelle at Jhonah..


Gayuma?? Uso pa ba yun???


“Redge??? Are you okay?” narinig kong boses ni Paul.


Gusto ko sanang sumagot pero parang walang boses na lumalabas sa bibig ko.


“Paul tumabi ka dyan” boses ni Richelle.


At muli..isang malamig na tubig ang tumama sa mukha ko.


“Hey! Anong ginagawa mo?!” sigaw ni Paul kay Richelle.


“Effective yan..wag kang OA”


Nagtatakang napatingin na naman ako sa kanila.


Basa na naman ang mukha ko…parang nangyari na ito dati…


Dejavu???


“Richelle binuhusan mo ako ng tubig noh?!”


“Weee??? May ebidensya ka? Si Trace may hawak ng baso oh” turo nito kay Trace.


“Akoooo???”


Alam ko namang si Richelle ang nagbuhos sakin ng tubig eh..just like before… imposibleng si Trace yun.


“Adik talaga kayo” nailing na sabi ko sa kanila habang pinupunasan ang mukha kong nabasa.


“Here” abot ni Paul ng tissue.


“Thanks”


“mas adik ka..natulala ka na naman…yang ganyan-ganyang mong pagkabaliw eh nakakatakot eh…baka sumobra ka na sa stage ng pagiging baliw at di ka na tanggapin sa mental” pang-aasar ni Richelle.


“Hoy tapos na ba kayo? Akina ang mic..kakanta ako” sigaw bigla ni Jhonah. Hawak na nila ni Laxus yung songbook. Parang walang pakialam yung dalawa samin eh.


“Kayo wala man lang kayong concern kay Regine” saway ni Paul.


“May concern ako..discreet nga lang”


“Meron ba nun?”


“Meron..sabi ko..henyo ako diba? Saka bakit?? Yayaman ba kami dun? Saka OA naman talaga yan kahit kelan eh..ayokong pagurin ang sarili ko noh…akina mic”


“eto na po” sabi ni Trace at inabot kay Jhonah ang mic.


“Laxus duet tayo…Bakit ngayon ka lang bilis salang mo” utos ni Jhonah kay Laxus.


“Uy favorite ko yan..kami nalang duet ni Laxus” biglang sabi ni Richelle at lumapit na kina Jhonah. Sumunod na din si Trace sa mga ito.


“Tse! Ayan si Trace oh..kayo ang magduet…videoke partner ko si Laxus eh..mang-aagaw ka” natawa naman ako dun..oo nga pala…parehong adik sa videoke yan sina Jhonah at Laxus..kung may common man sa kanilang dalawa yun ang videoke…the rest…wala na.


“uy Sali din ako…Hime-chan duet tayo” sumunod na din si Trace sa kanila kaya naiwan nalang kaming dalawa ni Paul sa upuan.


“Hime ka dyan!”


“Sige na pili ka na ng kanta…duet tayo”


“Lumayas nga muna kayong dalawa hindi ako makakanta oh!”


“Hoy! Tabi dyan gutom na ako”

Habang nagkakagulo ang apat na kasama namin eh tahimik lang naman kaming dalawa ni Paul. Minsan kung titignan mo sila iisipin mong mga laking kalye yang mga iyan eh..hindi mo iisiping anak ng mga multi-millionaire…tsk!


“Okay ka na?” tanong niya sakin.


“Yup..thanks..ang galing mo palang kumanta”


Teka ako ba ito?? Pinupuri ko si Paul??? Unbelievable!!!


“Mas magaling yung apat na yun” turo niya sa apat na nag-aagawan na sa mic. Parang mga bata lang eh.


“hay naku..mga adik sa videoke yan eh…ang sakit na nga minsan sa tenga eh..hehe”


“Sinabi mo pa”


Natahimik kami pareho..pinanonood lang namin sila Richelle.


“Regine…”


“Oh?”


“Para sayo yun”


“Ang alin?”


“Yung kinanta ko…sana nagustuhan mo”


Namula naman ang mukha ko sa sinabi niya…so para sakin niya dinedicate yung napakagandang kantang iyon..nice naman.


“Thank you”


“Your welcome..basta ikaw….ayos lang ako…napaibig ako”


What he said made me smile.


***

9 comments:

  1. yeHey maY update na,,, nauNa pO aq maGcoMmeNt hwahiHi,,, magbAbASa n pO aq,,, tHanks auTHoR,,,

    ReplyDelete
  2. waAaah aNg cuTe tLga ni paUL nakAkainLuV LaNg tLga siA,,, aNtoK na aNtoK daw taPos nUng maLamaNg ksaMa si reGinE nBuhaY aGad aNg duGo,,, hwaHaha,,,

    At si riCheLLe biNuhusaN n nMn ng tUbig c reGine,,, kkTawa,,, gaWin skEn ng kAibigaN ko yUn maGkakarOon ng waTerfigHt smEn,,, hwaHehe,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. kya pla nag-iingat c paul n wag basta-basta kumakanta! nakkadik nmn pla kasi ng boses nia!!!!! shemcy nkkinlabs!

      Delete
    2. tama!!! nakakainlove talaga ang lalaking may magandang boses...o di kaya kahit di maganda ang boses niya basta kakantahan ka niya..haha

      Delete
  3. gosh !!! mei UD nah!!! sobrang na miss ko toh!!

    haiii pasawa talaga.. tama ba nmang matulog sa klase??.. sleepyhead pala si paul.. pareho tau tol!! hahah.. we have something in common..

    naks naman! yan na talaga ang tinatawag kong WORLD PEACE!! hahah.. anyare??? magugunaw na bah ang mundo? LoL..

    mei tinatago pala ang magbarkada na to.. mga video queen at king pala.. ang gulo nila! nakakatuwa.. :D super KILIG na nung kumanta si paul,napakanta rin ako.. hahah.. speechless?? tulala ate?? na-paul kana ba kei paul?? hahah.. biglang mei nagbiyaya ng ulan tuloy.. tawa much!!

    super tawa talaga ako nung sinabi ni ate richelle na wala silang payong,haha.. sana kantahan rin ako ni jeirick mylabs.. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. waaaahhhh!!! namiss ko ang comment mo demi-chan :)

      Delete
  4. Cřųsh kø şī päůł.. Ü

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^