Sunday, October 7, 2012

Blooming of Our Music: Chapter 2


CHAPTER TWO


     NAUUNANG pumasok sa loob ng bahay si JiSu kasunod si Mino, kararating lang nila nun galing sa school.





     "Nan dito na kami!"tawag ni JiSu para ipaalam na dumating na nga sila. Naunang umupo sa sofa si Mino sakto naman ang labas ng daddy at mommy ni JiSu sa kwarto ng mga ito.





     "Oh nan dito na pala kayo? Kamusta naman sa school? Anong kalokohan nanaman ba ang nagawa nyong dalawa?"tanong ni Arnold bago naupo sa single sofa.





     "Hay! Honey! Bakit naman yan ang lagi mong itinatanong sa mga bata? Ikaw talaga!"saway naman ni Emillia sa asawa.





     "Oo nga naman papa. Kahit naman pano may nagagawa din kaming maganda. Diba Mino?"humanap pa ito ng kakampi pero hindi sya kinampihan ni Mino.





     "Pinatakbo mo ko sa field kanina! Nakalimutan mo na ba?"hanggang ngayon ay masama parin ang loob ni Mino sa ginawang parusa ni JiSu sa kaniya.





     "Nagawa ko lang yun dahil nahuli kitang nakikipag-suntukan mismo pang sa school natin!"paliwanag naman ni JiSu.





     "Sinabi ko nang hindi ko kasalanan yun! Si SeChang ang nag-simula ng lahat!"dipensa ni Mino sa sarili.





     "Tama na yan!"saway ni Arnold, agad namang tumahimik ang dalawa. "Ikaw Mino, ilang beses na kitang sinabihan na itigil mo na yang pakikipag-away mo kahit kanino. Hindi ka talaga nakikinig! Gusto mo bang ikaw na lang ang gawin kong Chairman ng School para naman mag-tino ka!"pananakot pa nito na kina-alarma naman ni Mino.





     "Magandang plano nga yan papa!"mabilis namang sinang-ayunan iyon ni JiSu.





     "Wag naman po Tito."hindi alam ni Mino kung matatawa sya o hindi sa bantang yun.





     "Kayo talagang dalawa. Bakit ba ayaw na ayaw nyong maging chairman? Yung iba nga dyan lahat ginagawa nila para lang makuha ang ganung posisyon."nani-ngiting wika ni Emillia.





     "Sya nga pala. Nabanggit sakin ni Chairman Maeng na may Audition daw sya para sa bagong grupo na bubuuhin nya."pag-iiba ni Arnold sa usapan.





     "Talaga po? Teka---papa, bakit nyo naman po sinasabi samin nyan?"kahit parang nahuhulaan na ni JiSu ang gustong iparating ng daddy nya ay gusto parin nyang makasigurado.





     "Alam ko na pag-kanta naman talaga ng hilig nyong dalawa ni Mino kaya nga ganun na lang ang tanggi nyong maging Chairman. Ayaw ko naman dumating na punto na ako ang sisihin nyo dahil  lang sa hindi nyo na-pursue ang pangarap nyong dalawa."bumuntong hininga ito. "Kaya naman bibigyan ko kayo ng pag-kakataon na sumali sa Audition."





     "Talaga po?!"tuwang tuwa nitong wika habang nag-pasalit salit ang tingin sa ama at sa ina. "Pero papa, pano yung School? Ibig bang sabihin nun pwede na kong umalis sa pagiging chairman ko?"





     "Hindi ka aalis sa pagiging Chairman mo. Kailangan mo munang maka-pasa sa Audition at maging official member ng Grupo bago kita payagang umalis."





     "Ganun po ba? Sige papa! Payag ako sa deal nyong yan! Gagalingan ko talaga!"determinadong saad nito.





     "IKaw naman Mino---"hindi pa man tapos si Arnold ay nag-salita na si Mino.





     "Wala po akong balak na mag-audition. Salamat na lang po."nag-bigay galang sya sa mga ito saka umakyat paitaas. Alala syang sinundan ng tingin ni Emillia.





     "Hoy! Mino!"tawag ni JiSu pero pinigilan sya ng daddy nya.





     "Hayaan mo na muna sya."sabi nito. "Hanggang ngayon masakit pa rin para sa kaniya ang mga nalaman nya noon na naging dahilan ng pag-kamatay ng ina nya."halata sa mukha ni Arnold ang awa habang inaalala ang nakaraan.





     "Masakit talaga yun! Buong buhay nya wala syang ibang pinangarap kundi ang tularan ang ama nya. Pero ganun lang ang malalaman nya?"dugtong pa ni JiSu sa sinabi ng ama nya. Nag-pahabol pa ito ng bugtong hininga.






_______


      PAPUNTA na sanang school si Yua ng bigla syang tawagan ni President Maeng at pinapapunta sya sa office nito ngayon. On the way na sya ng may makita syang familiar na mukha sa daan.





     "Mino?"tanong nya sa sarili. Sakto pa huminto mismo ang sasakyan nila sa harap ni Mino dahil sa red light. Pinanonood lang ni Yua si Mino dahil curious sya sa ginagawa nito.





     May isa kasing lalaki na nakaupo sa lapag at duguan ang mukha nito habang ang isa naman ay hawak ni Mino sa kwelyo. Hindi suot ni Mino ang School Uniform nya ng mga oras na yun kaya naman hindi mo malalaman kung student nga ba sya o hindi. 





     Nakita ni Yua kung pano suntukin ni Mino ang lalaki sa tyan. At halos hindi sya makapaniwala sa sunod nyang nakita. May inabot na pera ang lalaki kay Mino at kinuha naman yun ni Mino. Tapos nun ay binitawan na ni Mino ang lalaki saka umalis.





     Napailing na lang si Yua sa napanood. "Ang babaw naman ng pag-katao nya."bulong nya sa sarili, saka muling umandar ang sasakyan nila.


















     ILANG saglit pa ay nakarating na sya sa JYM Headquarters. Agad syang dumiretso sa office ni President Maeng. Pag-pasok ay agad syang nag-bigay galang dito.





     "Yua, maupo ka."nakangiting bati sa kaniya ni President Maeng.





     "Salamat po."naupo ito sa sofa. "Bakit nyo po ako pinapunta dito? May sasabihin po ba kayo?"magalang nitong tanong.





     Naupo si President Maeng sa single sofa. "May audition kasing magaganap dito sa susunod na buwan. Balak ko kasing gumawa ng isang male group na ang genre ay ballad."





     "Talaga po? Maganda po yan. Bago po yan para sa JYM. Pero ano pong kinalaman ko sa project na yan?"kunot nuong tanong ni Yua.





     "Si SeChang walong taon nang trainee ng JYM. Nakita mo naman ang galing ng anak ko sa pag-kanta. Ilang beses ko na rin syang ginustong mag-debut na mag-isa pero ilang beses nya ring ni-reject ang offer ko na yun."tumawa pa ang president sa katigasan ng ulo ng sarili nyang anak.





     "Narinig ko nga po ang bagay na yan. Sana sya ngayon ang nasa posisyon ko kung pumayag lang sya noon."nahihiyang wika ni Yua, pakiramdam nya tuloy ngayon ay inagawan nya ng lugar si SeChang.





     "Wag mong isipin nyan. IKaw talaga ang nakalaan sa lugar na yan."humble na wika sa kaniya ng president.





     "Salamat po President."





     "Isa si SeChang sa magiging member ng grupong gagawin ko. Yun din naman ang gusto nya. At kung gugustuhin mo ay idadagdag din kita sa apat na member na bubuuhin ko."sa huli ay nasabi din nito ang punto nito.





     Hindi naitago ni Yua ang saya ng marinig nya ang anunsyong yun. "Talaga po?"abot hanggang tenga ang mga ngiti nito. 





     Totoo namang masaya ito dahil una pa lang naman ay yun na ang gusto nito. Kaya lang naman sya nag-debut na solo dahil sa tagal na nyang trainee sa JYM. At isa pa hindi naman ma-kwe-kwestyon ang galing nya dahil yun sa pinag-manahan nya.





     Dream come true talaga ito para kay Yua. Para kasi sa kaniya ang mag-debut as a solo singer ay isa sa napaka-lungkot na bagay. Wala kang karamay sa tuwing may problema ka. Wala kang kasama o kakulitan sa dorm. Wala kang matatawag na hyung o kuya. Nag-papasalamat talaga sya at nabigyan sya ng chance na matupad iyon.





     Agad nyang pinadalhan ng message si Nicole ng makalabas sya sa office ni President Maeng. Gusto nyang sabihin kay Nicole ang napaka-sayang balita na iyon.















_____


     DAHIL kay SeChang kaya mainit nanaman ang ulo ni Mino. Nag-kasabay sila ng pag-pasok ng masalubong ni Mino si SeChang sa daan.





     "Mino! Sorry na!"parang batang sabi ni SeChang habang hinahabol nya si Mino.





     "Pwede ba itigil mo na yan?! Lalo lang ako naiinis sayo eh!"nakamusangot nitong sigaw kay SeChang.





     "Sinubukan ko naman sila labanan kaso wala naman akong alam sa suntukan. Hindi ko naman alam na pera lang pala gusto nila di sana binigyan ko na lang sila. Bakit kailangan pa nila ko suntukin sa tyan?"paliwanag ni SeChang habang nakasunod kay Mino.





     "Bakit kasi nag-lalakad ka? Anak ka ng Presidente ng JYM wala kang sariling kotse na mag-hahatid sundo sayo dito sa school?"huminto sa pag-lalakad si Mino at hinarap si SeChang.





     "Gusto ko namang mamuhay ng normal gaya mo! Ikaw nga pamangkin at pinsan ka ng owner ng school natin pero hindi ka rin naman hinahatid at sinusundo ng kotse! Teka---"sumilay ang nakakalokong tingin sa mukha ni SeChang na lalong kinainis ni Mino.





     "Ano bang mukha yan?!"sigaw nito.





     "Sabihin mo? Nag-aalala ka sakin no?"kiniliti pa nya ito.





     "Tumigil ka! Wala akong pakelam kahit patayin ka pa nila!"tatalikod na sana si Mino ng may pinahabol pa itong salita. "Wag mo na ko sundan kundi malilintikan ka na talaga sakin!"banat nito.





     Hindi na nga sya sinundan ni SeChang kaya naman isinigaw na lang nito ang dapat sana ay sasabihin pa nito. "Best friend na tayo ngayon Mino!"





     "Best friend mo mukha mo!"bulong nya sa sarili.














_______


     MATYAGANG nag-hintay si Nicole kay Yua sa rooftop ng school nila. Masaya sya dahil makakapag-usap nanaman silang dalawa ng personal. Ilang buwan na rin kasi simula ng huli silang mag-kita. At ang tanging communication lang nila ay ang cellphone. Masyado rin naman kasing busy si Yua sa mga schedules nito.





     Hindi naman bawal kay Yua ang pakikipag-relasyon pero mas pinili nya na lang na itago ang relasyon nila ni Nicole. Alam kasi nyang magiging mahirap para sa career nya pag nalamang may ka-relasyon sya. Lalong lalo na sa mga fans nya. Tiyak na mkaka-apekto rin ito sa career nya.





     At isa pa may project na gagawin ang president nila kaya naman mas lalong kailangang i-sekreto nila ang lahat dahil kung hindi malamang sila ang mapag-pi-pyestahan ng media imbes na ang audition at ang bagong grupo na bubuuhin ni President Maeng.





     "Nicole!"patakbong yumakap si Yua na ikinabigla naman ni Nicole. Hindi nya kasi inaasahan ang bagay na iyon.





     "Ikaw talaga."wika nya na lang dito.





     "Matagal na rin kasi kitang hindi nayayakap. Hayaan mo na kong yakapin ka ng matagal ngayon."parang bata nitong sabi.





     "Sige na nga."tinapik tapik nya ang likuran ni Yua. "Bakit nga ba gusto mo kong makausap ngayon?"mabilis na kumawala si Yua ng marinig ang tanong na yun.





     "Alam mo bang mag-de-debut ulit ako?"masayang balita nito.





     Napakunot naman ang nuo ni Nicole. "Eh diba nag-debut ka na? Bakit mag-de-debut ka ulit?"





     "Oo, pero iba 'to. Dahil mag-de-debut ako as a group!"excited nitong saad.





     "Ibig sabihin mag-kaka-grupo ka na?"tumango tango si Yua. "Wow! Masaya ako para sayo!"masaya sya dahil alam din nyang yun ang gusto talaga ni Yua.





     Ilang saglit pa ay iniba ni Nicole ang usapan. "Ah--Yua. Wala ka bang balak na ipaalam ang relasyon natin?"nahihiya nitong tanong. Kahit alam na nito ang isasagot ni Yua ay susubukan parin nito baka sakaling mag-iba ang isip niya.





     Napatingin si Yua sa kaniya, "Kailangan pa bang aminin sa kanila? Tama na yung ganito tayo. Wala pang gulo."deretsahang wika ni Yua na sya namang ikinalungkot ni Nicole. Napansin iyon ni Yua kaya naman agad nyang niyakap ito. "Wag ka nang malungkot. Hindi naman importanteng malaman pa nila kung gano kita kamahal. Ang importante ay ang nararamdaman natin sa isa't isa."hindi na lang nag-salita pa si Nicole.





     Mabilis na buwitaw ang dalawa sa isa't isa ng may marinig silang nag-salita. "Hindi ito ang tamang lugar para sa isang romantic date."saad ni Mino. Halatang kararating lang nito dahil hawak pa nito ang door knob g bukas na pinto.





     "Mi---Mino!"gulat na wika ni Yua.





     "Nagulo ko yata ang Romantic Scene ng isang Super Idol. Sige, tuloy nyo lang yan."napayuko si Nicole ng tingnan sya ni Mino na may dismayadong mukha saka pumasok sa loob at muling isinara ang pinto.





     Naiwang terrified ang dalawa. Hindi kasi nila inaasahan ang biglang pag-sulpot ni Mino na sumakto pa sa mismong nag-yayakapan silang dalawa.





     Ano nang gagawin nila ngayong may isang tao nang nakakaalam ng relasyon nila? 








. . . to be continued

1 comment:

  1. nAiiMagiNe qNg aNg bAsaguLerOng c miNo ay mSsmA s grOup na baLLad,,, kaSi iMginE q sa mGa bALlae gRouPs tLGa mGa gEntLe aNd angeLic,,, at nkkTakOt s kasUngitaN c miNo,,, hwAheHe,,,

    PeO aNg hiRap ng sitWasyOn diN nMin ni yuA,,, seCret aFfair s isaNg idOL,,, at tMa kYa aNg feELing q n maKkLuV triaNgLe c miNo,,, hWeheHe,,, kiniKiLig LnG,,,,

    aTe iSa LnG aNg faVOr q,,, sNa haPpy eNdinG,,, saKsi aq s mRaMing eNdings ng stOry,,, hWuHuhu LaGi mO aq pinAiiyAk,,, LOL,,, nXt cHapTer n aq,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^