(A/N: Dears! Sorry ha! Sorry kung ang tagal ng update! Wahehehe. Pangit man isipin pero nakalimutan at tinamad akong ituloy itong Black Dart, pero nung nagbasa ako sa previous chapter ng mga comment ay bigla akong nabuhayan ng dugo dito. XDD ito na po muna yung update at aaminin kong napakapangit niya! Babawi nalang po ako sa chapter 6 ha! :)) talagang babawi ako! Sa ngayon sorry kung pangit ha! Libre lait, hindi ako magagalit! In fact matutuwa pa ako dahil alam ko sa sarili ko na pangit talaga! Osya... basa basa na sa mga gustong magbasa! Wahehe. Salamat ng marami sa mga sumusuporta nitong BD ko!!! Salamat!)
Chapter 5
*Mission of Master Dart*
(Aeris POV)
Ilang araw na
akong walang tulog! Hindi dahil sa mission namin kung hindi sa mga masasamang
panaginip. Simula nung nakalaban namin ‘yung lalaking bampira na mukhang ulol
naging ganito na ako. Tuwing alas-tres ng medaling araw ay palagi nalang ako
napapasigaw at nagigising at takot na takot. Minsan nga ayoko na matulog eh.
Nandito ako
ngayon sa Black D underground, wala ngayon si Sensei. Wag niyo na sa aking
itanong kung nasaan siya ha. Dahil hindi ko alam. Ilang araw na rin siyang
hindi nagpapakita. Hindi ako nag-aalala dahil alam ko naman na kayang kaya niya
‘yun.
“Oy Aeris! Bakit ganyan itsura mo? Ang
laki ng eyebags mo ah!” Inirapan
ko lang si Jack.
“Oo nga! Hindi ka ba natutulog sa
tamang oras? Nakakatakot ka!” Isa
pa ‘tong si Dave! Ganun ba kalaki eyebags ko???
Bigla naman sumulpot sa tapat ko si Justin. “Naku, ang itim itim pa ng eyebags mo! Ewww!”
“Hoy! Tumigil nga kayo! Wag niyong pagkaisahan si Aeris!” Pagtatanggol naman sa akin ni George at bigla siyang tumabi sa akin. “Aray!” Binatukan kasi siya ni Harold eh. “Tae pre! Bakit ka nambabatok?!”
“Tsansing ka nanaman kay Ae eh!” – Harold.
“Anong kaguluhan ‘to?”
Napatayo kaming lahat ng makita naming si Master Dart. Palagi siyang may suot na mascara sa may mata niya pero kahit ganun makikita mo naman na gwapo siya tulad nga nang sinabi ni Greg noon.
“M—magandang umaga, Master Dart.” Sabay sabay naming sabi at saka nag-salute.
Nagsalute din siya at binaba din niya yun kaya naman binaba na rin naming iyon. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Ngumiti rin naman ako.
Ou nga, ang bigat ng mata ko. Feeling ko umiyak ako ng tatlong araw sa sobrang bigat! Parang gusto ko nalang matulog ulit. Kaso nakakatakot ng matulog. Natatakot ako sa mga sigaw na naririnig ko sa panaginip ko at sa taong hindi ko makilala na gusto akong kuhain.
“Sumunod ka sa akin, Gaiah.” Napatingin lahat ng Darters sa akin na para bang nagtataka. Ako naman napakibit balikat lang at sumunod kay Master Dart. Bakit kaya? May nagawa ba akong kasalanan? Eh wala naman akong natatandaang ginawa ko.
Nakarating kami sa office niya. Puro puti ang kulay nito. As in lahat! Upuan, lamesa, sahig, kisame, unan, lahat puti!
“Maupo ka.”
“A—ah sige po.”
Sa tagal ko dito, hindi pa rin ako kumportableng kausap si Master Dart. Naiilang pa rin ako, hindi ko alam kung bakit… kinakabahan ako na natatakot sa kanya. Mabait siya sa akin. Pero meron sa mga mata niyang kakaiba. Ewan ko! Baka naman paranoid lang ako.
“Kamusta ang pakiramdam mo ngayon?”
“Maayos naman po…”
Nginitian niya ako. “Tell me the truth… Aeris.” Nagulat ako. For the first time in my life tinawag niya akong Aeris! Nakakagulat! “Hindi ka pwedeng magsinungaling sa Master mo.”
Napahawak ako sa laylayan ng shirt ko. “Maayos naman po talaga ako eh… hindi lang po ako nakakatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw.” Totoo naman, okay naman talaga ako. Inaantok lang ako at palaging puyat dahil nga sa walang hiyang panaginip na ‘yun!
“So you’re having a bad dream?”
Napaangat ako ng tingin… papaano niya nalaman?
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Gaiah.” Ayan nanaman ang Gaiah Gaiah niya! “I need you to take this mission with Darters. Wala si Mors at ikaw lang ang maaasahan ko dito.” May iniabot siyang folder sa akin. Nginitian niya ako at kinuha ko naman iyon.
Ang hilig ngumiti nito ni Master! Siya na masayahin! Binuksan ko ‘yung folder at nagulat ako kung sino ‘yung makita ko doon sa picture… siya yung babaeng… babaeng nandun sa bar! ‘Yung babaeng sinakal ako! Yung babaeng… nilatigo!
“Kilala mo siya?”
“H—hindi po.”
“I need you to kill her…”
“Po? P—pero bakit po?” Napatakip ako sa bibig ko. Ikaw talaga Aeris! Tsismosa ka! “S—sorry po.”
“No it’s okay. Gusto kong patayin mo siya dahil nalaman kong gusto niyang ipapatay ang mga Darters at pati na rin ikaw…. asawa niya ‘yung may ari ng bar na hinuli at pinatay natin.”
K—kaya pala! Kaya pala siya nagalit noon! Saka anu daw? Gusto niya kaming patayin?!! Asa naman siya! Mukha niya!!!
“Osige po, ako na po ang bahala sa kanya.”
“Aasahan ko ‘yan, Gaiah.”
B—bakit ganun ‘yung tono ng pananalita ni Master? Bakit parang may duda siyang hindi ko mapapatay ‘yung babaeng ‘yun???
Napailing ako. Naabnoy na naman ako! Hanubanaman yan!
Ah! Hindi ko dapat ma-disappoint si Master Dart at si Sensei! Kelangan kong mapatay ang kung sino mang kelangang ipapatay ng mga taong nagturo at kumupkop sa akin!
ui mei UD nah.. basa mode..
ReplyDeleteano bah yan.. ang kapal nman nung gurl! niligtas na nga sya,gusto pa nyang patayin ung darters.. walang utang na loob..
hmnn,mei something ata si master dart..
aNg cuTe nLa geOrGe,,, hwaHehE makAchaNsiNg nga LnG kei aEris,,, aHem kYa guStO ko masaLi sa gRUPo niLa eHh,,,
ReplyDeleteuy please nmn pkituloy ito!!!! icipn mu kming mga readers mu ang gnda kya ng story mu! ksi nmn!!
ReplyDeleteHala! Namisinterpret mo po yata 'yung note ko! :p itutuloy ko po ito hanggang matapos! Hehehe. Layo ang aking inspiration kung bakit ko itutuloy ito :""> maraming salamat! Salamat sa suporta! Muahugschuplove :*
DeleteHuwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!! Maraming salamat po sa comments!!! Q~Q grabe! Nakakabuhay kayo ng bloody cells!!! Maramiiing salamat talaga!!! Ajuju ~
ReplyDeleteİ thøuğhť na iöőnhøłđ ná dīņ.. Bųtî nå ļänğ hïnđi.. Møřę chąpťęŗs pa, şãnâ łağî ką iņšpīręđ.. Ü
ReplyDelete