Thursday, October 18, 2012

A Kiss [FTV] : Chapter 2


CHAPTER 2
“Ring”


( Lee’s POV )

Ipinarada niya ang ferrari niya sa tapat ng mga kaibigan niya. Sumandal siya sa kotse. Nandito siya ngayon sa mini concert sponsored by Cass. Nagsisimula na ang concert.

“Lee, let’s go na.” aya sa kaniya ng mga kaibigan niya.

“Susunod ako.”


“Magsisimula na ang concert. Tara na!” Hinihila pa siya ng mga ito.

“Susunod nga ako!”

“Hmp! Bahala ka na nga dyan!”

Nagtatakbo na ito palapit sa stage. Napailing na lang siya. Bakit ba kasi pumunta pa ako dito?! Mukhang hindi naman ako mag-eenjoy dito.



Bumalik na naman sa alaala niya ang nangyari ng gabing ‘yon. That was three nights ago, pero parang last night lang nangyari ‘yon. At paulit-ulit ‘yong bumabalik sa alaala niya na parang sirang plaka. Eh, pa’no naman, first niyang masampal. Masampal ng dahil sa halik. Halik sa pisngi.

Bwisit naman kasi! Ano bang problema ng babaeng ‘yon? Bakit niya ko sinampal? Dapat nga magpasalamat pa siya dahil nakatikim siya ng halik ko. Argh! Bakit ko ba kasi siya iniisip?


Napailing siya at napabuntong-hininga. Ilang araw na akong ganito. And that was because of that woman! Ano bang nangyayari sakin? Nakokonsensya ba ko dahil sa ginawa ko? Dapat ba kong magsorry? Eh, pa’no ko mag-sosorry, hindi ko na siya nakita. Hindi pa ako nakakapunta sa bar na pinagtatrabahuhan niya. Saka teka, bakit ba ako mag-sosorry sa kaniya? Napahiya ako ng gabing ‘yon dahil sa pananampal niya. Quits lang kami.

Napayuko siya ng bigla siyang mapalingon sa bandang kaliwa niya. Isang pamilyar na mukha ang umagaw ng pansin niya.



Si Dara! Oo, alam niya ang pangalan nito. Pinagtanong niya no’ng party, hindi dahil interested siya dito, kundi dahil… Ah! Basta!

Humakbang ito palapit sa mga nagkakaguluhang tao. Napaderetso siya ng tayo. Sa hindi niya malamang kadahilanan, napasunod siya dito. O mas tamang sabihing sinundan niya ito.








( Dara’s POV )

Sumabay siya sa takbuhan ng mga tao papunta sa mini concert ng Cass. Favorite band niya ang tutugtog. Nang nakarating sa venue ay napangiti siya. Yes! Nagsisimula na.
CREDIT for this picture: letsplay2ne1.wordpress.com



Patakbo siyang lumapit sa mga nagkakaguluhang mga tao. Sumingit siya malapit sa harapan. Yung matatanaw niya ng malapitan ang bandang tumutugtog.

I just wanna kiss
I never wanna miss
Deojja rithage one more time ( more tingly one more time )
Naesum eur gajyeoga ( take my breath away )
Im dying for your kiss
I never wanna miss
Deomang seorijima ( don’t hold back anymore )
Nae ipsureul ga jyeoga ( take my lips away )


“Whooooahhh!” sigaw niya habang nagpapatalon-talon kasabay ng mga tao sa paligid niya.

“Ang saya! Whoooaaaah!”
Ilang segundo ang lumipas ng bigla siyang mapalingon sa katabi niya ng madunggol siya nito. Napalingon din ito sa kaniya. Natigil sa ere ang kamay niya. Kumunot ang noo niya ng makilala ito. Anong ginagawa ng mokong na ‘to dito? At katabi ko pa talaga.

Ngumiti ito. Ng tabingi. “Sorry.” wika nito.

Hindi niya ito pinansin. Lumayo siya bahagya dito. Pinagpatuloy niya ang pagsigaw habang tumatalon. 
Gano’n din ang ginawa ng lalaki dahil napapatingin siya dito. Napapatingin din ito sa kaniya.

Bakit ko ba ‘to tinitingnan? Hmp! Mag-eenjoy na lang ako!


Baby boy
Wae hangsang halmali geuri mana (why do you always have so much to say to that extent)
Dap dap han baby boy ( stuffy baby boy )
Ni tempo saenggak boda neomu jirulae ( your tempo is more boring than you think )


Nang biglang sumigaw ang katabi niya malapit sa tainga niya. O mas tamang sabihing sumigaw ito ng,  

“Sorrrrrryyyyyy!!!!”, sa mismong tainga niya.

Sorry? Nagtatakang tiningnan niya ito. Maya-maya ay ngumiti ito. Malapad na ngiti.

“Sorry! Huwag ka ng sumimangot! Bati na tayo! Mabait naman ako, eh!” malakas na wika nito. Sinenyasan pa siya nitong ngumiti. 


Ayaw sana niya kaya lang…

“Sige ka, nakatingin pa naman sa gawi mo yung vocalist tapos nakasimangot ka!” malakas na wika nito.

Automatic na pumaskil sa labi niya ang ngiti niya at napatingin sa stage. Argh! Hindi naman siya nakatingin dito sa gawi ko.

“Sabi ko sa’yo, eh!” malakas na sabi ng katabi niya. “Nakatingin siya sa iba!” natatawang sambit nito.


“Ewan!” Pero ngumiti na din siya. Okay, kakalimutan na muna niya ang ginawa nito. Sabagay nakaganti naman siya. At sa cheeks lang naman siya hinalikan nito. Mag-eenjoy na muna siya ngayon. Dapat lang na mag-enjoy siya ngayon.

“Whoooooah!” sigaw ng katabi niya habang tumatalon at nakataas ang kamay. Mas lalo siyang napangiti. Para kasing hindi bagay dito ang ginagawa nito.

“Uy! Gayahin mo ‘ko!” malakas na sambit nito.

Parang bata. “Whooooaaahhhh!” sigaw din niya.

I just wanna kiss, I just wanna miss
Deo jjalithagae, one more time ( more tingly, one more time )
Tae soomeul gajyeoga ( take my breath away )
I’m dying for your kiss, I never wanna miss
Deo mangseolijima ( don’t hold back anymore )
Nae ipsooleul gajyeoga ( take my lips away )



CREDIT for this picture: letsplay2ne1.wordpress.com
Kasabay ng pagbira ng chorus ng kanta ang pag-splash ng tubig sa kanila. Sa lahat ng taong nando’n.

“Waaaahhhh!!”

“Oh yeeaaaaahhhhh!!”

Sabay nilang sigaw nito.

“Ang saya!!” patuloy na sigaw nito habang nagpapatalon-talon at tawa ng tawa.

“Oo nga!!” sigaw din niya habang tumatawa. Hindi tuloy niya napansin ang kamay nitong nakaakbay sa kaniya.








( Lee’s POV )



Ngumiti na si Dara. Hindi lang ngiti. Tumatawa siya. Yes! Nagpatalon-talon siya habang ninanamnam ang pagbuhos ng tubig sa kanila. At sa sobrang saya niya, hindi niya namalayang nakaakbay na siya dito.

Bakit ba ako masaya ng ganito? Kanina halos hilahin ko na ang paa ko para umuwi. Ngayon naman… napalingon siya sa katabi niyang tuwang-tuwa habang nababasa ng tubig.

Ang cute niya. Nakakahawa ang ngiti niya.

Iniwas niya ang tingin niya. What is happening to me? Am I phrasing this girl? Pero hindi naman niya maiwasang tingnan uli ito. Ang cute niya…








--After the concert--

Nakaupo siya sa isang malaking kahon. Tapos na ang concert. Natuyo na din ang basang damit niya. Napalingon siya sa katabi niyang si Dara habang ito naman ay nakatingala sa langit. Hindi na siguro siya galit sakin dahil sa ginawa kong paghalik sa kaniya. Nag-sorry naman na ko sa kaniya. She’s cute… really cute…



Bigla siyang napaiwas ng tingin at bahagyang napayuko ng bigla itong mapalingon sa kaniya. Hindi niya mapigilang mapangiti. Para akong sira nito. Dati nakaw-halik, ngayon naman nakaw-tingin.

Napatingin siya sa hawak niyang Cass. Pinamigay ‘yon kanina matapos ang concert. “Gusto mo?” alok niya kay Dara.


Tumango ito. “Sige.” Tumingala uli ito.

Kinuha niya ang isang Cass at patagong shineyk sa gilid niya. “Dara, oh.” Iyon ang inabot niya dito. Pigil ang ngiti niya.

“Thank you.”



Binuksan nito ang beer. Nang bigla itong magulat ng umalpas ang laman no’n. “Ay kabayong buntis sa pwet ng kawali!!” gulat na wika nito.

Hindi niya mapigilang tumawa. Sa reaksyon nito at mas lalo sa sinabi nito. Napalingon ito sa kaniya. Ng masama. “Shineyk mo ‘to, ‘noh!?” inis na tanong nito.


“S-so-rry.” natatawang wika niya.

“Ewan ko sa’yo!” naiinis na wika nito. “Sige lang tawa pa!”

Huminto na siya sa pagtawa niya at baka bigyan pa siya nito ng mag asawang sampal. Hindi na siya tumawa. Nakangiti lang. Habang nakalabas ang mga ngipin niya. Dahil gusto pa din niyang matawa habang nakatingin dito at sa nakakunot nitong noo habang pinapagpag nito ang kamay nitong natapunan ng beer.

Aayos na nga ako! nangingiting isip niya. He cleared his throat. Itinaas niya ang beer niya. “Cheers?”

Napalingon ito sa kaniya. Nakakunot pa din ang noo nito. “Cheers!”


Sabay nilang tinungga ang mga beer nila.

“Akala ko kanina, beer ‘yong binuhos satin.” sambit nito maya-maya habang nakatingala sa langit. Tumingala din siya.

“Edi nalasing na tayo kanina pa.” natatawang wika niya.
 
Nilingon siya nito. “Tawa ka ng tawa. Kanina ka pa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.”

“Mero’n. Yung kabayong buntis sa pwet ng kawali.” natatawang wika niya.

“Wala akong sinabi.” Tumingala uli ito sa langit.

“Mero’n eh.” Hindi na ito sumagot.

Ano bang mero’n sa langit at tingin ito ng tingin do’n? Tumingala din siya. Dadaan ba si super man? Si wonder woman? Eh, kung sakin na lang siya tumingin, di hamak naman na mas maganda ang mukha ko sa itsura ng langit.

Nilalaro niya ang bukasan ng can beer na hawak niya ng mapatingin siya do’n. Hmm…




Napatingin siya sa kamay ni Dara. Pigil ang ngiti niya ng may maisip siya.








( Dara’s POV )


Nakatingala siya sa langit. Mag-uumaga na pala. Tapos nandito pa din ako ngayon. Kasama ang lalaking ito.



“Dara.”

Napalingon siya sa katabi niya ng tawagin siya nito.

“Bakit?” tanong niya.

“Akin na ‘yang kamay mo.” nakangiting wika nito.

“Hah?”

Hindi na siya hinintay nitong iabot ang kamay niya dito dahil ito na mismo ang humawak ng kamay niya. Napatingin na lang siya sa kamay niyang hawak nito.




May kung anong inilagay ito sa daliri niya.

Napatingin siya kay Lee. Nakangiting si Lee. Dahil lagi naman itong nakangiti sa tuwing titingnan niya. I mean, tuwing mapapatingin siya dito kanina.

Binawi niya agad ang kamay mula dito. Dahil tila may kuryente siyang naramdaman mula sa pagkakahawak nito.

Napatingin siya sa daliri niya. Yung bukasan ng soda ang isinuot nito sa daliri niya. Nagmukha tuloy ‘yong singsing.



Nagtatakang napatingin siya kay Lee. “Ano ‘to?” tanong niya.

“A ring.”

“Alam ko. Para sa’n ‘to?”

Lumapad ang ngiti nito. “Wala ka kasing sing-sing. Kaya binigyan kita.”



Napatingin siya sa singsing kuno niya.

“Ang hirap tanggalin niyan, ah. Naubos ang powers ko.” wika nito.

Napalingon siya dito. “Sinabi ko bang tanggalin mo ‘to at ibigay sa’kin?”

“Kaya nga ingatan mo ‘yan. Priceless ‘yan.”

“Priceless talaga. Wala pang piso ang halaga nito, eh.”

“Ang sama mo naman.”

“Ikaw ang masama. Halikan mo ba naman ako—” Napatigil siya ng ma-realize ang sinabi niya. Umiwas siya ng tingin. Ano ba yan! Bakit ko pa kasi pinaalala ‘yon? Pinakiramdaman niya ang katabi niya. Wala itong imik. Tumingala na lang uli siya sa langit. Maya-maya ay nagsalita na uli ito.

“Mag-uumaga na pala.” wika nito.

“Oo nga.”

“Uwi na tayo, Dara. Baka magkasakit ka pa. Natuyuan ka na ng damit. Teka lang.” Tumayo ito at pumunta sa kotse nitong nakaparada di-kalayuan. Patakbo itong lumapit sa kaniya. May dala itong jacket. Ipinatong nito ‘yon sa kaniya.

A warm feeling enveloped her heart. Ano ba ‘tong nararamdaman ko? “T-thank you.”

Hinaplos nito ang ulo niya. “Your welcome. Uwi na tayo.”



To be continue...


Images in this chapter were screenshots and edited by Aiesha Lee. Please do not take without permission!
Some of it were not, credit under that photo/s were placed.


Disclaimer: This is a short story based on a music video. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Photos and some of the song's lyrics are also used in some parts of the story. (Bold-Italic type is used if the line is from the lyrics of the song) No copyright infringement intended!!!  
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.



5 comments:

  1. LeE miNho oPpa,,, y u sO gwaPo tLga,,, nakKiLig shETe,,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. sana bumisita sya dito sa philippines, hihihi

      Delete
  2. ang cute!!! Ud na kagad pls.. hahah

    ReplyDelete
  3. sweet! napanood ko na itong commercial nito. sisimulan ko siayng basahin kapag finished na.

    ReplyDelete
  4. Łëe îş sø cüťę nůnğ naģ-şőrřý sīýą kåý dârä.. Ü

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^