Thursday, October 25, 2012

A Dark Premonition [One-Shot]

Ang ikukwento ko po sa inyo ay isang mahalagang parte na nangyari sa buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan. Isang panaginip-slash-premonition and paalala lang, may halo po itong katatakutan! But remember, true experience ko po ito.



I decided to share this dahil tamang-tama at magu-Undas na.



PS. I’ll be using the real names of places and people involved.




Sa panaginip ko, nakasakay po ako ng jeep at pauwi na saamin. 30-45 minutes po ang byahe dahil nasa dulo po yung subdivision namin.



Nakaupo ako dun sa pwestong pinakamalapit sa may pintuan at nakatanaw lang ako sa labas. Hindi ko pinapansin yung ibang pasahero at go with the flow lang ako sa mga nangyayari.



Nakalagpas na kami ng Deparo at may mga pumapara na. Paunti-unti nang nababawasan ng pasahero yung jeep. Dahil dun, nagsi-usugan na yung mga tao at may napansin na akong matanda na nakaupo sa harapan ko.



Nagtatanong siya, “Saan po ba yung Villa Luisa?”



Sinagot naman siya nung ibang pasahero, “Pagkalagpas lang po ng Evergreen yun. Malapit na rin po tayo.”



Nakatingin lang ako dun sa matanda kasi may pagkakahawig siya sa isang taong malapit saakin. At pati na rin ako kinausap na yung matanda, “Sige po Lola, ako na magtuturo sa inyo kung saan kayo baba.”



Nagngitian kami nung matanda at naawa ako sa kanya kasi ang tanda niya pero mag-isa lang siyang bumyahe dito.



Nakalagpas na yung sinasakyan naming jeep sa Evergreen at papalapit na kami sa Villa Luisa. Dun hindi ko na napigilan na kausapin ulit yung matanda. “Alam niyo, kamukha niyo po yung Lola Munyang ko.” Yun yung nickname ng totoong lola ko.



Sakto tumigil na yung jeep dahil nasa Villa Luisa na kami. Hinawakan ko ng mahigpit yung kamay nung Lola at saka ko siya binigyan ng halik sa noo. Grabe, namiss ko talaga ang totoong Lola ko eh. “Lola, dito na po yung Villa Luisa. Pwede na kayong bumaba.”



Ngumiti lang yung matanda, “Hindi, didirecho na lang ako papunta sa inyo.”



Syempre nagulat ako kaya sinabi ko na dapat dun siya bumaba. Pero hindi ko rin natiis yung lola kasi mapilit siya at gustong sumama saakin.



Dahil doon, lumipat ako ng pwesto at tumabi sa kanya. At hinintay namin na malagpasan yung Prado, Neo Vista, Tierra Nova hanggang sa mapunta na kami sa subdivision kung saan ako bumababa.



Kaso ewan ko kung anong nangyari, naalimpungatan ako. May malakas kasing ingay at yun ang nagpagising saakin.



Kinilabutan lang ako nung ma-realize ko na yung ingay pala na nakapagpagising saakin eh yung alulong ng aso ng kapit-bahay namin. Nakakapanindig balahibo sa lakas yung alulong niya at sa tancha ko sa oras, siguro mga 2 or 3 AM pa lang.



Sobrang kinabahan ako nun kasi naalala ko yung panaginip ko. Tumigil na sa pagalulong yung aso at pinilit kong matulog pero lumilpad na ang utak ko. Idagdag mo pa na sobrang dilim sa kwarto ko at ako lang mag-isa.



Maya-maya nakarinig ulit ako ng tunog pero this time ringtone na yun ng cellphone ng mama ko. Narinig ko na lumabas siya papuntang sala ng bahay at may kausap na kamag-anak namin mula sa probinsya.



Dun na ako nakaramdam ng hindi maganda. Bumangon talaga ako at nagulat pa yung mama ko nang makita niya ako na nakatingin sa kanya. Nung matapos silang mag-usap saka ako nagtanong…



“Mama, ano yun? Si lola ba?” Dinirecho ko.



Nagulat si mama nung banggitin ko si lola. Pero ang sabi niya lang, bumalik ako ng tulog.



Kinabukasan, dun na kinuwento saamin ni mama na patay na nga si Lola. Naga-agaw buhay na pala siya sa hospital kanina pang madaling-araw. Saka ko lang din nakwento sa kanila na dinalaw ako ni Lola sa panaginip ko.



Sabi nila, naglalakbay na nga siguro ang kaluluwa ng lola ko dahil alam niyang mamatay na siya… at dahil ako ang sensitive sa mga ganitong bagay, saakin siya nagpakita.



Hindi naman din ako natakot and I'm actually happy dahil hindi naman ako ang paboritong apo niya but still saakin siya nagpakita.









This is not the only time na nagkaroon ako ng eerie experience. Pero hindi naman kasi ako matatakutin kaya carry lang!

As for premonitions during my sleep, madalas pa rin pong mangyari saakin yan. I see things in the future and I feel blessed about it! Nagkataon lang na that time, premonition about death ang naexperience ko.

If you’re going to ask me if open po ang third eye ko, I still don’t know. Sometimes I can see things, most of the time, I don’t. But one thing is for sure, malakas po ang pakiramdam ko sa mga bagay-bagay.



14 comments:

  1. Ang creepy! >__<
    Ang astig din kapag nakakakita ka ng mangyayari in the future. Hindi ka lang yata si AegyoDayDreamer. Si AegyoClairvoyant ka rin yata o kaya naman ay AegyoPsychic. Haha!
    - Ako naman, minsan ko nang napaginipan na kinukuha na ako ng pinsan ko. I was about to go with him pero nagising ako.


    //May your Lola Munyang rest in peace, sis. Masaya na siya with God. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa tuwing naiisip ko nga, creepy din talaga! lalo na yung part na umaalulong yung aso. naisip kong ishare na rin ito kasi itong mga nakaraang gabi din, umaalulong na naman yung kumag na aso na yun~

      AegyoPsychic ba kamo? yay! gustung-gusto ko yan!!! dream ko kayang maging totoong psychic. ahahahaha XD

      Delete
    2. aTeY yOu aRe reaLLy a psYchiC,, graBe guSto q diN mkaPanagiNip ng fuTure ksO crEepY nga yaNg gaNyaN,,, ndaLaw ka ni LoLa muNyaNg,,, cguRo nMaN maY etErnaL LifE na siA kapiLinG ni God,,,,

      Buti na LnG uMaga q itO nbSa,,,

      Delete
  2. that took so much courage... may your lola rest in peace.
    kakatakot naman, aq pa naman mag-isang natira dito sa boarding house kasi nagsiuwian na mga boardm8s ko. :/

    ReplyDelete
  3. waaaaaaaaaaaah! nkktakot nmn nian ate! peo ang tapang mu, hindi k man lng ntakot. kung ako nian, nde na aq mkktulog mag-isa s kwarto n madilim pa! tas idagdag mu pa ung creepy na alulung ng aso. waaaaaaaaaaaah!!! pero ang gling, psychic k nga sguro ate!!!!

    ReplyDelete
  4. habang binabasa ko ito, I'm listening to a happy song! I don't want to be scaaaaaaaaaaaared!!!!!!

    ReplyDelete
  5. May your lola rest in peace, ate. :))

    Medyo hindi naging creepy para sakin nung mabasa ko 'to. Samin po kasi nung magtext yung tito ko na patay na daw yung lola namin sa tuhod may bigla na lang rin pong naamoy na kakaiba yung papa ko. Pagbukas niya nung cabinet namin sa kwarto nagamoy bulaklak ng patay.


    Geez. Ngayon nga kapag nanunuod kami sa kwarto ng papa ko kung saan dati natutulog yung lola namin na yun bigla na lang lumilipat yung channel eh. Kapag may ginagawa kami habang nakabukas yun kusang lumilipat ng channel. :D Wala share lang.

    ReplyDelete
  6. Šťiłļ thïş iś crëępý.. İ hãvę tø dő sômęťhīnğ đištŕącťïńğ kåşi bäkå mąpànağįnîpän kø rīņ ünğ łoļã kő nãmån.. Ü

    ReplyDelete
  7. wahhhh!! Ate Ruijin katakot naman yun! Lalo na nung na iimagine ko yung alulong ng aso ng lapitbahay nyo!! >.< Tapos parang sa-sakto pa dun sa time na mag 3 AM.. lalo na akong natakot! Haist.. sana di mangyare sakin yan!! mamatay ako ng maaga promise!! >.< -babychuck :)

    ReplyDelete
  8. alright that one is creepy! and i'm reading this at the wrong time of the day! only an hour before midnight!

    ReplyDelete
  9. Eow. Ganda. Di man ako natakot. May your grandama rest in peace

    ReplyDelete
  10. I never had a chance to be close with my grandmother [both sides]. Sa Visayas kasi sila nakatira. At elementary pa ako ng huli kaming magpunta do'n. That's why, kung bibigyan ako ng chance na mangyari ang nangyari sa'yo sis. I just wanna say hi to them, na kahit saglit lang, mayakap ko sila. T_____T

    ReplyDelete
  11. Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeh!!! 12:30 AM na dito saamin! Ma-ambon-ambon tanging mga patak lang ng ulan at mga palaka ang naririnig ko dito! Hindi ko alam sa utak ko kung bakit ko ito binasa kahit na alam kong matatakutin ako! XD but Unnie... naiinggit ako! May super powers ka!!! Hahahaha. OA lang. Joke lang. Nakakatuwa lang kasi parang nagpapaalam na siya sayo... at least kahit sa huling pagkakataon at kahit sa panaginip lang nagkasama kayo~ at, nabasa ko na ito dati! Kaka-post mo lang nun eh. Ewan ko ba at trip kong magbasa ulit ng mga gawa mo~ hehehehe. Nakakainggit ka!!! Mahina ang pakiramdam ko sa kanya. Minsan shunga pa! -__- hahaha. Regalo yan sayo Unnie!!! Yay!

    ReplyDelete
  12. Ate parehas pala tayo na nakikita ang nangyayari sa future pero kadalasan sa akin mga movies lang o di kaya mga
    Kwento na nababasa ko pero may mga real life rin na just like sa school nalalaman ko kung may activity or quiz ngayong araw

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^