Sunday, September 30, 2012

Operation L.O.V.E. - Chapter 1

Chapter 1:
Unique Letter


"Hoy!!"


"Huh?"


"Gising!!! 6:30 na ngayon kuya, gusto mo malate?!"



"IDC"


"IDC...IDC ka jan, IDC-in ko mukha mo eh! Malalate na ako oh! Ayoko magsquat sa harap ng class no!"


"Oo na! oo na!"


Bumangon na ako at pumunta sa banyo at naligo agad. Sa school nalang ako kakain ng breakfast. Haaayy, next time, hindi na ako magdodota, matutulog ako ng maaga. PRAMIS!


Pero...


Ayoko! Hindi ko yun kaya!!! I can't live without dota, it is the love of my life! It is my soulmate!!!


Hay whatever, o sige, bye, punta na ako sa school.











"Wow pare, new record!! Medyo ka maaga ngayon ah! Hahahaha! Ang aga mo talaga, 30 minutes early....este......late hahahaha! Dapat nag-absent ka na lang!"


"Tumahimik ka nga jan, kahit naging late ako, hindi ako papagalitan ng teacher kasi special ako."


"Oo....special child ka."


"Suntok, gusto mo?"


"Wow, kalma lang pare!! Hahahha!"


O siya siya siya, meet my friend...friend ko ba yun? Whatever, o sige, meet Aldrich Fraenkel, ang walang kwenta kong.......ewan. Yun lang.


 Umupo nalang ako at nagstart na ang discussion ni lola basyang. O sige, skip muna tayo, sigurado ako, mabobored kayo kapag ikukuwento ko pa sa inyo ang buong discussion, baka, makatulog pa kayo kakabasa nito.


Pagkatapos ng boring na discussion ay pumunta kami sa locker namin, pagkabukas ko palang ng locker ko, ay tumambad saakin ang mga love letters na iyon. Pinulot ko nalang iyon at itinapon sa basura, call me merciless, pero, ang hirap talaga maging sikat at gwapo.


At saka, ilang times ko nang sinabi na WALA AKONG BALAK NA MAGKALOVELIFE. Bakit? Dahil ayoko. Mas mahal ko dota.


Pero....


May isang sulat na nakakuha sa atensyon ko. Isang letter na kakaiba talaga kasi......notebook paper lang ang ginamit, hindi mga mamahaling stationary paper. Kinuha ko iyon at binasa.


 "Huh?"


"Oh pare, bakit ka ganyan?"


"First time kong makareceive ng ganitong sulat."


"Anung sulat? Pabasa nga!" kinuha niya ang sulat at binasa niya ito. "Help me! Meet me at the rooftop...ang nagpapatulong....Abigail Leonard Strauss.....pfft! ahahahahahahahahha! Ahahahahaha!"


=___=


Hinayaan ko nalang siyang tumawa dyan na parang timang at naglakad nalang ako papunta sa rooftop. Curious kasi ako eh, kasi first time kong makareceive ng sulat na ganun.


Ano bang maitutulong ko? Homework? Seatwork? Or.....yan ang bagong modus operandi ng may mga gusto saakin, kung ganun, wow! What a good way, nakukuha talaga ang atensyon ko.


Rooftop...


Binuksan ko ang pintuan sa rooftop at nadatnan ko ay isang babae na nakatingin sa ibaba ng building.


"I...ikaw ba ang nagsend saakin nito?" sabay ipinakita ko sakanya ang sulat.


"Ah...ah, yeah."


"So, bakit mo kelangan ang tulong ko?"


"U...uhm, may gusto kasi ako..........close mo siya, uhm, close na close mo siya....uhm, I want to be the his ideal girl....I need you to help me to be his....ideal girl....uhm, so can you help me with my operation L.O.V.E.?"

"Jinojoke mo ba ako?" wow, of all the favors in the whole wide world! Ito....ito pa ang naging favor niya saakin. Like, what the hell?! Magiging tulay ako ng babaeng 'to, ugh! Ayoko nga! Ayokong maging tulay, hindi bagay sa isang katulad ko.


"No, I'm sorry, I can't help you with your operation thingy."


"Please..."


"Even if you beg, and even if you bow, I WILL NOT HELP YOU!" umalis nalang ako sa rooftop pero, napatigil ako maglakad nang makita ko siyang tatalon sa rooftop, siyempre, pinigilan ko siya dahil ayoko na maging dahilan ng kanyang pagkamatay.....baka multuhin niya ako.


Siyempre, hinigit ko ang kamay niya kaya, nahulog siya sa aking mga braso at nagkaeye to eye kami, and I felt a little bit awkward kaya, agad agad ko siya binitiwan kaya nahulog siya sa sahig.


"Araaaaay, pwet ko."


"Are you trying to suicide?!"


"Hindi, tinetesting ko lang ang gravity." Pilosopa pala 'tong babaeng to ah.


"Haaaaay, ayoko sa mga taong pilosopo." At tumahimik siya.


"Bakit mo gusto magsuicide?"


"Kasi, kapag hindi ako naging ideal girl ng taong mahal ko ay wala na ring kwenta ang buhay ko, wala na ring kwenta ang pagkabuhay ko sa mundong ito kasi....kasi, siya kasi ang dahilan kung bakit ako nabubuhay eh....." I see.......she's one of those obssessed fans.


"Kaya.....please, help me!"


"Hayyyyy! Sige na nga!!! Bukas, magmeet tayo sa cafe na malapit dito, let's talk about your operation L...whatever! makaalis na nga!"


"Yey! Thank you ah!!!"


"Yeah, yeah, yeah, bye...."


Umalis na ako sa rooftop at naglakad papunta sa canteen.


Makiride nalang ako sa kalokohan niya, para naman ako medyo ma-enjoy, at saka, I want to try other things other than dota.


5 comments:

  1. aYun mei sTart na,,,, kAso biTin mUch aq aUthOr updaTe po aGd pLs,,,

    ReplyDelete
  2. tinitesting lng daw ang grvity! ahahhahahahhaha! ntwa aq dun!!!!!

    ReplyDelete
  3. suicide scene, naalala ko ung eksena sa 10M worth of life.
    pero like ko din itogn story na ito. moe moe~~~ ♡ ❤ ♡ ❤ ♡ ❤

    ReplyDelete
  4. hahaha.. ang cute!! try mo kayang e test ung gravity.. wag mo lang sabihin ang resulta sa panaginip ko.. hahah

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^