Chapter 1:
Unique Letter
"Hoy!!"
"Huh?"
"Gising!!! 6:30
na ngayon kuya, gusto mo malate?!"
"IDC"
"IDC...IDC ka
jan, IDC-in ko mukha mo eh! Malalate na ako oh! Ayoko magsquat sa harap ng
class no!"
"Oo na! oo
na!"
Bumangon na ako at pumunta sa banyo at naligo agad. Sa school
nalang ako kakain ng breakfast. Haaayy, next time, hindi na ako magdodota,
matutulog ako ng maaga. PRAMIS!
Pero...
Ayoko! Hindi ko yun kaya!!! I can't live without dota, it is
the love of my life! It is my soulmate!!!
Hay whatever, o sige, bye, punta na ako sa school.
"Wow pare, new
record!! Medyo ka maaga ngayon ah! Hahahaha! Ang aga mo talaga, 30 minutes early....este......late
hahahaha! Dapat nag-absent ka na lang!"
"Tumahimik ka
nga jan, kahit naging late ako, hindi ako papagalitan ng teacher kasi special
ako."
"Oo....special
child ka."
"Suntok, gusto
mo?"
"Wow, kalma lang
pare!! Hahahha!"
O siya siya siya, meet my friend...friend ko ba yun? Whatever,
o sige, meet Aldrich Fraenkel, ang walang kwenta kong.......ewan. Yun lang.
Pagkatapos ng boring na discussion ay pumunta kami sa locker
namin, pagkabukas ko palang ng locker ko, ay tumambad saakin ang mga love
letters na iyon. Pinulot ko nalang iyon at itinapon sa basura, call me
merciless, pero, ang hirap talaga maging sikat at gwapo.
At saka, ilang times ko nang sinabi na WALA AKONG BALAK NA
MAGKALOVELIFE. Bakit? Dahil ayoko. Mas mahal ko dota.
Pero....
May isang sulat na nakakuha sa atensyon ko. Isang letter na
kakaiba talaga kasi......notebook paper lang ang ginamit, hindi mga mamahaling
stationary paper. Kinuha ko iyon at binasa.
"Oh pare, bakit
ka ganyan?"
"First time kong
makareceive ng ganitong sulat."
"Anung sulat? Pabasa
nga!" kinuha niya ang sulat at binasa niya ito. "Help me! Meet me at the rooftop...ang nagpapatulong....Abigail
Leonard Strauss.....pfft! ahahahahahahahahha! Ahahahahaha!"
=___=
Hinayaan ko nalang siyang tumawa dyan na parang timang at
naglakad nalang ako papunta sa rooftop. Curious kasi ako eh, kasi first time
kong makareceive ng sulat na ganun.
Ano bang maitutulong ko? Homework? Seatwork? Or.....yan ang
bagong modus operandi ng may mga gusto saakin, kung ganun, wow! What a good
way, nakukuha talaga ang atensyon ko.
Rooftop...
Binuksan ko ang pintuan sa rooftop at nadatnan ko ay isang
babae na nakatingin sa ibaba ng building.
"I...ikaw ba ang
nagsend saakin nito?" sabay ipinakita ko sakanya ang sulat.
"Ah...ah,
yeah."
"So, bakit mo
kelangan ang tulong ko?"
"U...uhm, may
gusto kasi ako..........close mo siya, uhm, close na close mo siya....uhm, I
want to be the his ideal girl....I need you to help me to be his....ideal
girl....uhm, so can you help me with my operation L.O.V.E.?"
"Jinojoke mo ba
ako?" wow, of all the favors in the whole wide world! Ito....ito pa
ang naging favor niya saakin. Like, what the hell?! Magiging tulay ako ng
babaeng 'to, ugh! Ayoko nga! Ayokong maging tulay, hindi bagay sa isang katulad
ko.
"No, I'm sorry,
I can't help you with your operation thingy."
"Please..."
"Even if you
beg, and even if you bow, I WILL NOT HELP YOU!" umalis nalang ako sa
rooftop pero, napatigil ako maglakad nang makita ko siyang tatalon sa rooftop,
siyempre, pinigilan ko siya dahil ayoko na maging dahilan ng kanyang
pagkamatay.....baka multuhin niya ako.
Siyempre, hinigit ko ang kamay niya kaya, nahulog siya sa
aking mga braso at nagkaeye to eye kami, and I felt a little bit awkward kaya,
agad agad ko siya binitiwan kaya nahulog siya sa sahig.
"Araaaaay, pwet
ko."
"Are you trying
to suicide?!"
"Hindi,
tinetesting ko lang ang gravity." Pilosopa pala 'tong babaeng to ah.
"Haaaaay, ayoko
sa mga taong pilosopo." At tumahimik siya.
"Bakit mo gusto
magsuicide?"
"Kasi, kapag
hindi ako naging ideal girl ng taong mahal ko ay wala na ring kwenta ang buhay
ko, wala na ring kwenta ang pagkabuhay ko sa mundong ito kasi....kasi, siya
kasi ang dahilan kung bakit ako nabubuhay eh....." I see.......she's
one of those obssessed fans.
"Kaya.....please,
help me!"
"Hayyyyy! Sige na
nga!!! Bukas, magmeet tayo sa cafe na malapit dito, let's talk about your
operation L...whatever! makaalis na nga!"
"Yey! Thank you
ah!!!"
"Yeah, yeah,
yeah, bye...."
Umalis na ako sa rooftop at naglakad papunta sa canteen.
Makiride nalang ako sa kalokohan niya, para naman ako medyo
ma-enjoy, at saka, I want to try other things other than dota.
>>> CHAPTER 2 HERE
aYun mei sTart na,,,, kAso biTin mUch aq aUthOr updaTe po aGd pLs,,,
ReplyDeletenice! sana nga wag mambitin si author!
Deletetinitesting lng daw ang grvity! ahahhahahahhaha! ntwa aq dun!!!!!
ReplyDeletesuicide scene, naalala ko ung eksena sa 10M worth of life.
ReplyDeletepero like ko din itogn story na ito. moe moe~~~ ♡ ❤ ♡ ❤ ♡ ❤
hahaha.. ang cute!! try mo kayang e test ung gravity.. wag mo lang sabihin ang resulta sa panaginip ko.. hahah
ReplyDelete