Saturday, September 15, 2012

Love at Second Sight : Chapter 18


CHAPTER 18

(Princess’ POV)

“Ikaw pala. Nasa’n si Cath, bakit hindi mo kasama?”


“Kumakain pa.”


“Ah. Ahm, nadinig mo ba yung drama ko?”


Napangiti ito. “Hindi naman masyado. Maliban do’n sa manloloko siya at kating-kati na ‘yang kamay mo para sampalin siya. Yon lang naman ang nadinig ko.”


“Nadinig mo nga.”


“Nabanggit sa’kin ni honey na..ano..na..” Napakamot ito ng ulo.


Alam na niya ang tinutukoy nito. Si Cath talaga. “Na break na kami ng manloloko kong boyfriend.”


“Oo. Nabanggit niya sa’kin kanina nung tinanong ko kung may boyfriend ka na. Pero hindi pa kayo official na break ‘di ba?”


“Kailangan pa ba ‘yon? Nakita ng dalawang mata ko ang panloloko niya. Para sa’kin, break na kami. Magsama sila ng babaeng ‘yon.”


“You’re right. You deserve someone better. Much better.”


Napangiti siya. “Thank you.”


“Si Aeroll…”


“What?” Tama ba ang nadinig niya?


“Ang sabi ko, baka gusto mong patumbahin natin ang manlolokong ‘yon? May kilala kong hitman.”


Sumeryoso siya. “Talaga? Sino? How much ang bayad sa kaniya? Buti na lang at nabanggit mo ‘yan. Balak ko na ngang ipabagsak ‘yon, eh.”


“Ah, seryoso ka ba sa sinabi mo, Princess?” Napalunok pa ito.


Ang lakas ng tawa niya. “Got you.”

 
Natawa din ito. “Tama nga si Cath ko. May pagka…”


“Ano? Bakit ayaw mong ituloy?”


“Maganda daw ang bestfriend niya. Parang siya.”

“Buti alam mo.” sabay tawa nila.






( Aeroll’s POV )

GALING siya sa likod ng camp house ng makita niya si Princess sa labas. Itinaas nito ang mga kamay nito. Sumigaw pa ito.


“This is life!”


Napangiti siya. “Parang hindi siya ‘yong iyakin kanina, ah. Matapang na iyakin. Mero’n pala no’n.” Lalapitan na sana niya ito nang makita niya si Harold na lumapit dito. Hindi na siya lumapit at tiningnan na lang ang mga ito.


Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Pero maya-maya ay biglang natawa si Princess. Nakitawa din si Harold. 


“Makatawa naman ‘tong Princess na ‘to, wagas. Parang wala ng bukas. Nakakainis. Parang tuwang-tuwa pa dahil kasama niya ang pinsan ko.” Bumalik na naman ang hinala niya. Dapat dito hindi mawala sa paningin ko. Dapat lagi kong bantayan ang kilos niya. Hindi na siya nakatiis at lumapit na sa mga ito.


Tumikhim siya ng malakas. “Ehem!!”


Natigil ang tawanan ng mga ito at napalingon sa kaniya.


“Insan, ikaw pala. Sa’n ka ba galing?”


“Sa likod.” Binalingan niya ang nakangiting si Princess. “Princess, pumasok ka na sa loob.”


“Hah?”


“Bingi ka ba?”


Nawala ang ngiti nito. “Ano bang problema mo?” Binalingan nito si Harold. “Pagsabihan mo ‘yang pinsan mo, ah.” Inis na pumasok ito ng camphouse. Sinundan na lang niya ito ng tingin.


Bakit siya naiinis? Dahil naistorbo ko sila ng pinsan ko. For goodness sake! Taken na ang pinsan ko, tapos may boyfriend—Argh! Bakit ba ko affected ng ganito?


“Insan, tara na sa loob.” aya sa kaniya ni Harold.


“Wag kang didikit sa kaniya.”


“What?”


“May girlfriend ka na, kaya wag kang didikit kay Princess.”


Sa halip na mainis ito sa sinabi niya ay natawa ito. “Are you jealous?”


“Hindi.”


“You are.”


“Hindi.”


Tinapik nito ang balikat niya. “Pinsan, tinamaan ka na din pala ni kupido. Magpinsan talaga tayo.”


“What are you saying?”


“Don’t worry. Boto ako kay Princess para sa’yo.”


“Pwede ba wala akong gusto sa kaniya.”


“Talaga?”


“May boyfriend na siya kaya magtigil ka dyan.”


“Iyan ang akala mo.” Iniwan na siya nito.


“What do you mean?”


Hinarap siya nito. “Sikretong malupit ‘yon. Bawal sabihin. Patay ako sa honey ko. Pero kung gusto mong malaman. Aminin mo munang may gusto ka kay Princess.”


“Wala.”


“Mero’n.” Tumakbo na ito papasok ng bahay.


“Wala naman talaga akong gusto sa kaniya. Wala talaga.”






( Princess’ POV )
 

“BAKIT ganyan ang mukha mo, bhest?” tanong ni Cath sa kaniya.


“Kasi yung Aeroll na ‘yon.” Umupo siya sa upuan at kumuha ng tinapay at pinalamanan.


“May LQ na naman ba kayo?”


“Pwede ba tigilan mo ‘ko! At ikaw may kasalanan ka pa sa’kin.”


“Hah?”


“Bakit mo sinabi kay Harold ang tungkol samin ni James?”


“Nagtanong sa’kin, eh. Alangan namang sabihin kong kayo pa ng manlolokong ‘yon.”


Hindi na siya sumagot. Kumakain na lang siya ng kumain.


Nang may biglang umupo sa tabi niya. Si Aeroll. “Mabilaukan ka.”


Inirapan niya ito. “Mwala a ake.”


“Ano? Salitang elyen ba ‘yon?”


Nilunok muna niya ang kinakain niya. “Wala kang pake.”


“Ah…”


“Ah your face.”


“Ba’t ba nagsusungit ka na naman? Okay naman tayo kanina, ah.”


“Kanina ‘yon.”


Binalingan nito si Cath. “Napaka-moody talaga nitong bestfriend mo, Cath. Sa’n ba pinaglihi ‘to?”


“Sa paa ng manok.”


“Cath!” Pinanlakihan niya ito ng mata. Tama bang ipagkalat?


“Bakit? Totoo naman ‘di ba?”


Kala mo, ah. “Eh, ikaw, bhest?”


“Bhest! Wag mong sasab—!”


“Pinaglihi si Cath sa dila ng baboy.”


Sumimangot ito.


“Talaga, honey? Sa dila ng baboy? Ang dami namang pwedeng paglihian ng mama mo, sa dila pa ng baboy.” sambit ni Harold.


“Mas lalo naman ‘tong katabi ko, sa paa ng manok.” sambit ni Aeroll.


Nagkatinginan pa ang magpinsan at nagtawanan. Yung tawang parang wala ng bukas. “Wahahaha!”


“Bhest naman kasi…” sisi sa kaniya ni Cath.


“Ikaw ang nauna.”


Nagtatawanan pa din ang dalawa.


“Eh, kayo? Sa’n kayo pinaglihi?”


Natigil ang tawanan ng mga ito. Nagkatinginan ang mga ito.


“Saan nga kayo pinaglihi?” pangungulit nila ni Cath.


Sabay na tumayo ang magpinsan at lumabas ng kusina. Nagkatinginan sila ni Cath. Sabay din silang tumayo at hinabol ang dalawa.


“Hoy! Sa’n kayo pinaglihi!?”


Para tuloy silang mga batang naghabulan hanggang sa labas ng camphouse.


. . .




5 comments:

  1. ayiEeehh,,, naGseSeLos si aErOL s piNsaN nia,,, kniLig akO shEeetttt,,,, xp

    ReplyDelete
  2. okay,nagkamali ako.. si harold pala un.. hahah.. ang cute ng chitchat nila.. tawa rin ako dun..

    waah!! nagseselos si aerol!! haha.. gusto mo na si princess eh,ayaw lang aminin..

    hahahha.. tawa much!!! ang lupit kung saan sila pinaglihi.. come on boys! umamin din kayo para enjoy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha, mas lalo yung dalawang pinsan,alam mo ba kung san sila pinaglihi? haha, sa next chapter nlng ^___^

      Delete
  3. kyaaaaaaaaaaah!!! ngseselos k lng aeroll eeh. umamin n kxe! sge k bka maunahan k p ng iba~

    ReplyDelete
  4. øww aêrõłl ïş jěałoüs,kïnílig aķo dûn.. Ü

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^