Monday, September 10, 2012

Friends Zone : Chapter 7

[Richelle’s POV]


Hay salamat nagkaroon din ako ng boses sa kwentong ito. Nakakainis kasi yung author eh puro nalang sila eh character din naman ako dito. Saka mahalaga din naman ang papel ko eh. Paanong mahalaga? Basta mahalaga. Abangan niyo nalang.


Ayan...papunta ang barkada sa EK ngayon.. Pre-birthday celebration ni Regine. Actually ako ang nagsuggest non eh...sabi ko sa inyo mahalaga ang papel ko dito eh. So yun nga at dahil birthday ni Regine siya ang sagot sa tickets namin. Libre niya kaming lahat. Oh diba? Sana hindi mamulubi yung babaeng yun. Baka isang buwan siyang walang allowance..hehe.


Napagkaisahan na dun nalang magkita-kita sa EK. Pero syempre imposible naman na solo solo kaming pupunta dun. So ang nangyare...si Jeirick susunduin niya daw sina Demi at Yesha sa bahay nila...at kung nasaan si Jeirick syempre nandun din ang bruhang si Regina...hahaha...kaya ayun dun siya sumakay sa sasakyan ni Jeirick. Samantalang sina Laxus, Marky at Paul eh magkakasama sa isang sasakyan and i ended up joining with them. Ayoko namang mapag-isa sa byahe. Ang boring..hindi ko naman nakasama si Jhonah dahil sa malas eh kay Earl napasabay si Jho...at ayokong sumabay kay Earl....mapapanisan ako ng laway.. Actually dapat dun kay Jeirick sasabay si Jhonah kaso dahil si Regine ang sumakay sa sasakyan ni Jeirick eh no choice si Jhonah. Kaya ayun kay Earl siya sumama. Kawawang nilalang. Wish ko lang hindi sila magpatayan sa byahe. Sina Gray at Trace naman daw eh dun nalang didiretso sa EK. Sana pala nagpasundo nalang ako dun sa dalawa para may gwapo akong kasama.


Habang nasa byahe eh dumaan muna ang grupo namin nila Paul sa isang supermarket upang bumili ng makakain habang nasa byahe. Medyo malayo din naman ang Laguna eh at mga gutumin itong mga lalaking kasama ko.


“hoy Iche! Bili ka ng Mr. Chips ah yung malaki cheese flavor. Saka coke in can.”


Akala ko enjoy na ako lang babae sa gupong ito. Nakalimutan kong hindi nga pala mga lalaki itong kasama ko. Gawin daw ba akong maid??


Sa wakas ay natapos din ang kalbaryo ko sa pamimili ng makakain namin sa byahe. Libre naman nila eh..utusan lang talaga ang naging labas ko. Ipinagpatuloy na namin ang byahe.


Pero sa totoo lang enjoy din naman akong kasama itong mga kulokoy na ito eh. Ang iingay kaya namin sa byahe. Panay kami kantahan...kung kantahan nga bang matatawag ito  dahil  parang sigaw ang ginagawa namin eh. Si Laxus ang nagdadrive since kotse niya ito. Katabi niya si Marky. Kaming dalawa naman ni Paul ang nasa likuran. Sobrang lively nilang kasama. I never thought na ganito talaga sila kagulo. Although i’ve known them for a very long time hindi ko sila nakasama ng ako lang. Lagi naming kasama sina Regine at Jhonah.


Maya-maya ay medyo tumahimik na din kami. Napagod siguro sa kakasigaw..hehe.


“Woohhh!!! Grabe wala pa tayo sa EK wala na tayong boses” sabi ni Paul. Hindi ko maiwasang mapatingin tuloy sa kanya. Sa totoo lang gwapo naman si Paul. Ang ganda din ng katawan niya. Halatang alaga sa ehersisyo. Masayang kasama although medyo mapang-asar nga lang. Ang hindi ko maintindihan eh parang si Regine lang ang inaasar niya, hindi naman niya ako inaasar or si Jhonah. Puro si Regine lang. Si Regine..lagi nalang si Regine...ipakidnap ko kaya yung babaeng yun para si Richelle naman...si Richelle ulit at si Richelle ulit..bwahahaha....Hindi kaya....


“Oh Iche bakit ganyan ka makatingin?” biglang tanong sakin ni Paul.


“Paul....may gusto ka ba kay Regine?”


Natahimik din bigla sina Marky at Laxus.


“what’s with that question Richelle?” he tried to laugh pero halatang ninerbyos siya sa tanong ko. “bigla bigla ka namang magtanong eh”


“Meron o wala lang naman ang sagot dun eh. Napakasimple lang” i looked at him more closely. This time hindi ko nilubayan ang mga mata niya. “May gusto ka ba kay Regine o wala??” Sabihin mong wala...sabihin mong wala...


Napabuntong-hininga si Paul. Admiting his defeat.


“Meron”


Although medyo inaasahan ko na iyon medyo nashock pa din ako sa narinig ko. Grabe Espren!!! Ikaw na maganda!!! At the same time...i feel sad.. kung bakit ako sad...walang pakelamanan eh sa gusto ko eh..maging sad ka din kung gusto mo para hindi ka mainggit sakin.


“Kung may gusto ka sa kanya bakit hindi mo sabihin? Bakit puro pang-aasar ang ginagawa mo?” naguguluhang tanong ko.


“simple lang. Dahil dun lang naman niya ako napapansin”


Natahimik naman ako sa sagot niya. Oo nga pala. How could i forget. Para nga pala kay Regine si Jeirick lang ang lalaki sa mga mata niya. Poor Paul.. kasi naman eh...Paul kasi naman eh..nakakainis ka..


“So you mean to say all this time???” parang hindi ko masabihing gusto niya si Regine.


“yes”


Nalungkot naman ako bigla dun. Ah basta nalulungkot ako!! At parang gusto kong sabunutan si Regine dahil nalulungkot ako!!!


“Richelle...” napatingin ako kay Paul “Could you please keep it a secret? Ayoko kasing malaman ni Regine dahil baka mailang siya sakin at tuluyan na akong iwasan. Okay na sakin kung lagi siyang galit sakin o lagi niya akong sinisigawan at tinatarayan atleast napapansin niya ako. Nakikita ko siya..naririnig ko ang boses niya...ayokong umiwas siya sakin eh” napahawak si Paul sa buhok niya. Ewan ko ba i could feel his sadness...yung feelings niya ramdam na ramdam ko. Para tuloy gusto kong kalbuhin bigla si Regina..how could she be so manhid not to notice this guy’s feelings...and how could you Paul be so manhid din not to notice....ah wala wala....


“Paul...”


“Could you promise me?”


Ngayon alam kong lahat ng boys eh alam ang nararamdaman ni Paul kay Regine...and they still keep it a secret. Whatta friends...


“i’ll promise” pangako ko kay Paul at ngumiti.


Napangiti na din si Paul. Ngayon ko lang narealized na ayokong makita palang sad si Paul..hindi bagay.


“Oh tama na yang sad atmosphere na iyan..were here to enjoy you know” sabi ni Laxus.


“yeah right” segunda naman ni Marky.


Tama...we should enjoy.... napatingin ako kay Paul na nakikipagkulitan na kina Marky at Laxus. Somehow parang bigla akong napalapit sa kanya....somehow parang naintindihan ko siya at gusto ko siyang tulungan...pero paano???


Hay naku Regine...kung imumulat mo lang ang mga singkit mong mata >_<


***


[Jhonah’s POV]


“Why do i ended up being with you???”asar na tanong ko kay Earl.


Bakit nga naman kasi of all people dito pa sa supladong lalaking ito ako napasabay eh. Sana nakisiksik nalang ako dun kina Paul. Ay hindi...ayoko din palang kasama si Laxus. Mabubwisit lang ako.


“As if naman gusto ko yun diba? Kung may choice din lang naman akong tumanggi ginawa ko na” antipatiko talaga itong lalaking ito. Itapon ko siya sa labas ng bintana eh.


Looks like i dont have a choice but to be with him. Kailangang pagtyagaan ko siya sa loob ng three hours. Sabagay mabilis lang naman iyon. Tutulugan ko nalang siya sa byahe.


Pero badtrip!!!! Hindi ako makatulog thinking na kasama ko siya sa isang sasakyan. Pareho kami ng hanging hinihinga... hindi pwede yun!!! Masosofocate ako..teka...tama ba ang ispeling ko? Ah basta yun na yun...


Teka nga naman Jonalyn!!! Bakit naman masyado kang makapagreact dyan ah? Hindi ka naman dating ganyan ah.


 “Earl...thank you ah...kahit na hindi ko naman sinabi sayong gawin mo yun...thank you padin..hayaan mo babawe ako sayo”


Hindi umimik si Earl. Pero nagulat nalang ako nang mabangga ako sa pader. Nakayuko kasi ako at di tumitingin sa dinadaanan ko.


“what the---“


Pero...hindi pala pader ang binanggaan ko...LIKOD ni Earl. Bigla nalang kasi itong huminto at dahil nasa likuran ako at di tumitingin ay nabangga ako sa malapader niyang likod. Humarap sa akin si Earl.


“masyado ka ng napapalayo..umuwe ka na”


Ay oo nga..kakasunod ko kay Earl ang layo na ng narating ko.


“Hehe..oo nga noh...sige balik na ako....” pero bago pa ako makalakad pabalik ay hawak na ni Earl ang kamay ko at hinihila ako pabalik sa bahay. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.


OHHHEEEEMMMMGGGGEEEE!!!!!


Ano ito??? HHWW??? Bakit nakikipagholding hands sakin itong si Earl??? Cannot be!!!  Cannot be!!! Borrow one from two!!!Syntax Error!!!!!


Tinangka kong  tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hindi ko matanggal. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ko.


Teka naman!!! Kanina HHWW lang...ngayon may kasama ng PSSP... Pa-Sway-Sway-Pa!!!


Hindi ko maintindihan kung anong nangyayare at parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko mula sa magkaholding hands naming kamay ni Earl. Ilang volts ba ang kuryente sa katawan nitong lalaking ito??? Pero bakit ang kuryenteng nararamdaman ko eh hindi masakit....parang.....masarap sa pakiramdam???? Teka ano ba yung nangyayare sa akin???


Oo nga..ano ba itong nangyayare sa akin...at bakit ko naman biglang naisip yun??? Nababaliw na yata ako eh...or nahawa na ako sa kaberdehan ng utak ni Regine?


Inalog-alog ko ang ulo ko baka sakaling mawala itong pumapasok sa isip ko.


“Nababaliw ka na”


Napalingon naman ako kay Earl at itinigil ang ginagawang pagalog sa utak ko. Medyo masakit na din eh.


“Anong sabi mo?” i asked still with my hands on my my  head.


“Bingi ka”


Aba??? Sumusobra na itong lalaking ito.


“Hindi ako nababaliw at lalong hindi ako binge. Panget!” sabi ko binelatan siya.


“Hmp” nagsmirk pa talaga ang lolo mo. Bading siguro ito.


Tinalikuran ko nalang siya dahil baka maubusan pa ako ng dugo. Mahal pa naman ang dugo ngayon sa blood bank.


“bading” mahinang bulong ko.


“sinong bading ha?” aba?? Narinig ako? Ang talas naman ng pandinig niya. Pero minabuti kong wag na lang sumagot. “ kung sinabi mo yun para halikan kita pwes hindi ko gagawin yun”


Napika naman ako sa sinabi niya. Ang ayoko sa lahat eh yung pinagbibintangan ako.


“Hindi ko gustong halikan ako ng isang lalaking tulad mo okay? Kaya wag kang feeler ah. Mukha mo!”


“Gwapo”


“Kapal ah...lakas ng hangin dito bumalik ba ang Ondoy???”


“Aminin mo na kasi”


“na ano???”


“na gwapo ako”


“Mukha mo times two. Mamundok ka na”


“Mauna ka”


Mukhang hindi ako mananalo dito sa lalaking ito. Ang epal lang.


I hate you!”


“I know”


Ganun nalang yun? I know lang isasagot niya?


Bakit? Ano ba ang ineexpect mo ah?


Ano nga ba???


***


[Regine’s POV]


Nandito ako ngayon sa passenger seat ng kotse ni Jeirick. Papunta kami sa bahay nila Demi. Susunduin kasi namin sila ni Yesha. Sayang nga eh akala ko kaming dalawa lang ni Jeirick sa sasakyan. Akala ko nagtagumpay na ako nung mapalayas ko si Jhonah dito sa kotse pero hindi pala. And worst ang kasama pa namin eh yung malditang si Demi. Hindi bale...tiis ganda nalang muna ako.


“eto na yata yun” sabi ni Jeirick at huminto sa isang malaking bahay. Grabe hindi nga yata bahay na matatawag yun eh kundi mansyon dahil sobrang laki.


Bumaba ng sasakyan si Jeirick. Upang magdoorbell. Ako naman eh nanatili lang dun. Isang unipormadong maid ang nagbukas ng gate upang patuluyin kami.


Pagpasok namin sa loob ng bahay eh mas namangha pa kami sa sobrang ganda. Hindi naman sa ignorate ako pero sobra naman kasi ang bahay na ito eh. Masyadong OA sa laki at ganda.


“Goodmorning Master, Goodmorning Mademoiselle” bati samin nung maid ng makapasok kami sa loob ng bahay. wow grabe spokening dollar ang katulong dito ah..take note!!! Master at Mademoiselle ang tawag samin…sila na ang chuchal.


“goodmorning” bati din ni Jeirick. Bakit ganun?? Ang daya. Parang ako lang yung naeelibs sa laki ng house nila Demi. Parang si Jeirick wapakels?


“Jeirick” mula sa itaas ng hagdan eh bati ni Demi. Hello??? Nandito din kaya ako???


Ngumiti naman si Jeirick. Hindi pwede ito…nakakaramdam ako ng kakaiba ah. Bumaba na si Demi sa hagdan. Well I admit she look like a princess. Pero bakit pakiramdam ko eh nakasmirk siya sakin? Guni-guni ko lang ba yun?


“sorry kung naghintay kayo ah” pa-sweet na sabi nito kay Jeirick.


“Okay lang..let’s go? Nagpaalam ka na ba sa parents mo?”


“Oh…they’re not here. Nasa London sila eh…you know business” sabi nitong kunwari ay balewala lang sa kanya.


 “Hi Regine” bati sakin ni Yesha. Mabuti nalang at nandito si Yesha kasi pakiramdam ko hindi kakayanin ng powers ko na kaming  dalawa lang ni Demi. Baka magkaroon ng part two ang Claudine-Tulfo fight.


Lumabas na kami ng bahay. pasakay na sana ako sa may passenger seat ng bigla akong pigilan ni Demi.


“Pwede bang dyan nalang ako sa may harap umupo. I don’t want to seat at the back eh” sabi nito sakin. Ewan ko ba pero iba talaga ang pakiramdam ko sa kanya. Parang may something eh.


“Hindi ba dapat ang mga Prinsesa sa likod umuupo?” sarkastikong sabi ko. Sorry hindi na ako nakapagpigil eh. Kakainis na eh. Kanina pa siya eh.


Pansin kong natigilan siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko yata nagustuhan iyon ah.


“You think you can win against me?” sabi ba naman nito at may nakakalokong ngiti.


Akamang sasagot sana ako dahil hindi ko nagets yung sinabi niya ng bigla nalang siyang magsalita ulit.


“bakit ka ba ganyan? Ano bang ginagawa ko sayo? I’m just trying to be nice to you naman ah...alam ko namang hindi mo ako gustong mapabilang sa grupo niyo eh.. ipinagsisiksikan ko lang ang sarili ko sa inyo” sabi ba naman nito. Teka nga...ano bang problema nitong babaeng ito? Baliw na ba sya? Nagsasalitang mag-isa.


“Hey, what’s wrong?” tanong ni Jeirick. Hindi ko namalayang nasa tabi na pala namin siya dahil nakatalikod ako.


Lumapit bigla si Demi kay Jeirick at yumakap.


“Ayaw niya sakin Jeirick...dapat daw hindi na ako sumama sa inyo” sumbong nito.


Aba??? Myembro ba ng Drama Club itong babaeng ito at sobrang galing umarte?? Pero infairness ah pang best actress ang drama niya dahil mukhang naniwala sa kanya si Jeirick.


“Redge...wag naman ganun”


Syempre nahurt naman ako. Imagine?? Hindi ko pa nga naipagtatanggol ang sarili ko nasentensyahan na agad ako? Ang daya!!!


Imbes na makipagtalo pa ay minabuti ko nalang manahimik na sumakay sa likod ng sasakyan. Bahala sila sa buhay nila. Naiinis lang ako. Para tuloy ayoko ng tumuloy.


“Sorry” bulong ni Yesha sa tabi ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.


“Bakit?”


“sa ginawa ni Demi”


“So alam mo?”


Tumango naman si Yesha. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Ibig sabihin may naniniwala sakin.


“ganyan talaga yan si Demi kapag hindi nasusunod ang gusto niya”


Tumango nalang ako at marahang pinisil ang kamay ni Yesha. “Okay lang”


Ipinasya kong matulog nalang sa byahe. Medyo masama pa din kasi ang loob ko eh.


“Naku Demi...humanda ka sakin kapag hindi ko napigilan ang sarili ko” bulong ko sa sarili ko.


* * *



6 comments:

  1. naAWa nAmN Ako kei paUL,, maN up nMan!! sNa tLuNgaN xAh ni riChELLe,,

    ANd oh my sHomaY!! naiRitA n nMaN aq Kei dEMi,, nAiinis aq!! xOri tLGa,, c aUtHor nMn kXe effCtiVe yNg gnGaWa niAng pNg-iiNis ha,,, pEo iniiCp q pLNg n c aTe reGine uNg cHracTer, naALaLa q po uNg sToRy nio n goDdessEs kaRma at xaH ang mALdiTa,, nKu psALaMat ka deMi at hndi aNg reGinE n pRinCess beThAny Ng ktAPat mu jan,, un p nMn aNg pRinSesa ng bRatineLLa,,

    PeiO anYway aNg hBa n ng cNaBi q,, bBait p nMn cgUro yaN c dEmi ksi kUng hndi tTaLoN n aq jaN s kwEnto,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..baka naman balak mong magpakilala sakin diba? para kapag naisipan kong patalunin ka sa kwentong ito eh why not..

      anyway natutuwa ako sa mga comment mo pwamiz!!! love na love ko..thank you ng madami...

      hahaha..effective ba?? ganyan talaga..iniisip ko kasi ako si demi kaya kailangan maging maldita talaga..natural na sakin ang maging maldita eh..hahaha

      Delete
  2. ang swerte nman ni ate richelle!! ang dami nyang kasamang gwapo!! kaso maid in the side.. hahah.. grabe!! ang lakas ng trip nila!! nkaka-inggit nman..

    awwhh.. wawa nman si paul.. emotero ung loko.. hahah.. carry lng yan! sagot ka ng josang author natin! wait for ur moment to shine.. hahah

    kyaahh!! kilig much jhonah and paul loveteam!! hindi talaga nauubusan ng bala si paul.. laging sapul si ate josang jhonah.. haha

    oh san kau? english spekeni ung maid ko!! sosyal!! tinalo pa ko.. haha

    ako na!! ako nah talaga!! ako na ang best actress!! mei trophy ba ko jan?hahaha..

    ClAudine-tulfo fight!! LOL.. tawa much!!! thnk u yesha 4 savng the moment..

    dapat na pala akong mg-aral ng self defense.. mei world war 3 ata in the near future.. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. u never failed to make me happy with your comments bhe...sobrang natutuwa talaga ako..hahaha...kaya nga lagi kong inaabangan mga comments niyo eh kasi dun ako naiinspired na magupdate hahaha..

      alam mo sa totoo lang iniisip ko sino kaya mas bagay??

      Richelle-Paul
      Regine-Paul
      Richelle-Trace
      Richelle-Laxus
      Regine-Jeirick
      Demi-Jeirick
      Demi-Laxus
      Jhonah-Earl
      Jhonah-Trace
      Jhonah-Laxus

      hahaha..sino ba? hindi pwede sina Jhonah at Paul dahil magpinsan sila..haha..
      wala lang epal lang hehe...

      Delete
    2. ur welcome po ate.. ang ganda kasi lagi ng UD eh.. ang riot lang kaya exciting basahin.. my gass! so mali-link pala ako kei laxus?? ang saya nman nyan.. haha..

      pero feeling ko mas okay si ate richelle at laxus.. parehong flirt eh.. waah! wag kayong magalit pipol!! opinyon ko lang po yun!! haha
      paul is 4 regine na talaga,walang duda.. hahaha..

      Delete
    3. uy!!! you gave me an idea ah..hehehe...
      Richelle and Laxus...why not??? hmmm..

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^