Monday, September 17, 2012

Friends Zone : Chapter 10


[Jhonah’s POV]


“Ano ba Jonalyn?! Hindi ka na ba aalis dito? Hanggang matapos ang party dito ka nalang? Gusto mo bang kalbuhin ka ni Regine ha?” sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.


Kanina pa ako sa restroom ng hotel na iyon. Hindi ako makalabas kasi nahihiya ako eh. It was my first time wearing a dress. Pakiramdam ko eh nagpapakatrying hard ako na maging babae.


“Mukha kang babaeng bakla” pang-aasar ko sa taong nakikita ko sa harap ng salamin.


“Sabi naman ni Mommy bagay daw sakin..ang ganda ko naman daw” sabi ko ulit.


“Syempre si mommy yun eh…natural sasabihan ka nun ng maganda”


Tama yan..para akong tangang umaarte na parang may ibang personality ang katawan ko. Sira ulo talaga ako.


I’m wearing a lavender tube dress na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba ..
exposed yung legs ko.. Pinasadya pa talaga ito ni mommy nung malaman niyang aatend ako ng party. Pinaayusan at pinamake-upan din ako. Pakiramdam ko nga para akong robot na sunud-sunuran lang sa gusto ng mommy ko kanina. My mom is a social butterfly. Masyado itong fashionista kaya nga ganun nalang ang disappointment niya nung naging boyish ako.


Muli kong tinitigan ang sarili ko sa harap ng salamin. Pakiramdam ko ibang tao ang nakikita ko.


“Ako ba talaga ito? Anong ginawa sakin nung baklitang yun?”


Lalo akong pumuti sa suot kong damit. Exposed din ang mga balikat at likod ko. Baka bukas may pulmonya na ako dahil sobrang lamig ng hotel na ito. Yung mahaba kong buhok na hanggang bewang eh kulot-kulot yung dulo…style daw yun sabi nung baklita. Mabuti na nga lang at manipis lang ang pagkakamake-up niya sakin eh..akala ko gagawin akong clown. Pero sa totoo lang…natutuwa ako sa babaeng nakikita ko sa harap ng salamin.


Sige na nga…kahit ngayong gabi lang…sasabihin ko sa sarili ko…


“Ang ganda ko pala maging babae”


Napabuntong-hininga ako ng marinig na tinawag na ang pang 17th candles na walang iba kundi si Richelle. Ako na ang kasunod.


“This is it” sabi ko sa sarili at huminga ng malalim bago lumabas ng restroom.


Dahan-dahan ang ginawa kong paglalakad. Heto na yata ang pinakamalaking parusa sakin ng mommy ko… 3 inches ang takong ng sandals na suot ko. Mas lalo akong tumangkad dahil sa takong na ito… pero syemay naman eh…natatakot ako na  baka matapilok o madulas ako. Nakakahiya yun. Kailangan ko ng 1000000000x na pag-iingat.


“And now. For the girl who’s giving the 18th candle, let’s welcome one of the debutante’s bestfriend… Miss Jonalyn Madrigal” anang host ng party.


Dahan-dahan ang ginawa kong pag-akyat sa stage. Parang nagkaroon ng isang malaking peace talk dahil tumahimik ang buong paligid. Grabe nakakahiya ang pinag-gagawa ko. Siguro iniisip ng mga taong ito na may nag-landing na Alien sa hotel.


Super kabado ako. Gusto ko ng matapos ang gagawin ko para makaalis na ako dito. Sanay naman ako sa crowd dahil madalas akong humarap sa mga tao kapag lumalaban ako at hindi naman ako kinakabahan. Pero ngayon sobrang lakas ng kaba sa dibdib ko. Maybe because I know that this people are staring at me and they see me in a very different way. Sana pala talaga hindi na ako umatend ng debu na ito.


Paglapit ko kay Regine  ay humalik ako sa pisngi niya, iniabot yung candle at nagbigay ng message.


“Alam ko minsan nakakainis ako…naiinis ka na sakin…wag kang mag-alala kasi ganun din naman ako sayo…pero normal naman iyon diba sa magkakaibigan? Normal ang tampuhan…ang away…ang mahalaga..at the end of the day you could still call each others as your friend… Redge…kahit ikaw pa ang pinaka OA na tao sa buong mundo…ikaw pa din ang bestfriend namin ni Richelle. Pasensya na hindi ako magaling magbigay ng message eh…”


Pero bago umalis ay bumulong pa ako kay Regine.


“May utang ka sakin..ang sakit ng paa ko..lilibre mo ako starbucks” bulong ko dahilan para mapahagikgik si Regine.


Sa wakas ay natapos na din. Bigla nalang nagkaroon ng masigabong palakpakan ng matapos akong magsalita. Ano ako nanalo sa contest???


Pababa na ako sa stage nang makita kong nag-aantay sa ibaba si Earl at nakalahad ang mga kamay sakin. Ano namang problema ng isang ito? Nanghihingi ng pera???


Balak ko sanang dedmahin pero hinawakan na niya ang kamay ko…ayun kaya naman pala eh..para alalayan ako makababa…naks..nagpapakagentleman ah. Syempre dahil takot akong matapilok eh nag-paalalay na din ako… babae ako ngayon…kaya dapat mag-ingat.


Akala ko ay bibitawan na niya ang kamay ko ng makababa ako sa stage pero hanggang sa ibaba eh hawak niya pa din ang kamay ko.


“Kanina ka pa hinahanap ni Jeirick” sabi ni Earl.


“Earl..yung kamay ko bitiwan mo na..okay na ako”


“baka matapilok ka pa..tatawanan ka pa ng ibang tao..gusto ko ako lang nag magtatawa sayo”


“sama ng ugali nito…mukha na nga akong bakla eh ipinapanalangin mo pang sana matapilok ako” bakit ba ang layo naman ng mesa nila kuya? Nasasanay na akong ka HHWW itong si Earl.


“Sinong nagsabing mukha kang bakla?”


“wala..ako lang”


“tch…ang ganda mo nga eh” teka? May sinabi ba si Earl?? Hindi ko narinig eh.


“Anong sabi mo?” tanong ko.


“Wala…sabi ko bingi ka”


“Narinig ko sabi mo maganda eh…sino? Si Regine? Syempre dapat lang naman noh birthday niya eh…I mean debu niya pala”


“Yes…Regine is pretty but she’s not happy”


“Napansin mo din pala yun?” napabuntong-hininga ako. “ stupid kasi si kuya eh”


Sa wakas after 50 years ay nakarating din kami sa mesa nila kuya.


“My…my…my…look who’s here” sabi ni Laxus ng makalapit kami. Agad akong nilapitan at inikutan nito. “Who are you and what did you do to Jhonah?”


“Shut up Laxus!!!” asik ko.


“Bakit may HHWW kayong drama dyan ni Earl “ puna ni Richelle at tumingin sa kamay kong hanggang ngayon ay hawak pa din pala ni Earl. Agad naman akong bumitaw sa kanya.


“HHWW ka dyan…tumigil ka Richelle ah” nakasimangot na sabi ko.


“Hey…you shouldn’t behave like that especially when you’re wearing a girls dress” saway ni Marky.


“Kelan ka pa naging babae?” asar ni Paul


Naiinis na sinimangutan ko ang mga ito.


“ang epal niyo…sabi ko na eh..hindi na dapat ako nagsuot ng ganito. I look weird..kita niyo nga at pinagtatawanan niyo ako..alam ko mukha akong bakla” himutok ko at umupo sa nakalaang chair. “Mukha akong ewan”


Hinawakan naman ni Trace ang kamay ko.


“Anata wa totemo utsukushii desu” (you are so beautiful)


Iie (No) I’m not beautiful”


“Yes you are…hindi ba Earl?” baling ni Trace kay Earl.


Pero imbes na sumagot eh tinanggal ni Earl ang kamay ni Trace na nakahawak sa kamay ko.


“Ako lang ang may karapatang humawak sa kamay niya” seryosong sabi nito.


Agad namang nagtaas ng kamay si Trace.


“Jhonah…wag mong masyadong pagpapansinin yang mga iyan…di lang talaga nila matanggap na ganyan ka kaganda” parang nakakalokong sabi ni Gray at tinignan ang mga boys na animo isa akong isda na pinepresyuhan.


“Sabagay…I always see Jhonah as one of the boys kaya hindi ko siya masyadong napapansin bilang babae” sang-ayon ni Marky.


“Kahit pa nga madalas niyang kasama sina Regine at Richelle eh hindi siya nagbabago ng ayos at kilos…dapat kasi Jho magpakababae ka na lagi para naman maligawan ka na” sabi naman ni Paul


“Naku kapag nangyari iyon…paano naman yung isa diyan” parinig ni Laxus.


“basta Jhonah kapag may gustong manligaw sayo ipakilala mo agad sakin ah at ng makakaliskisan ko” sabi naman ni kuya Jeirick.


“tama…kaming pito ang unang dapat niyang ligawan bago siya makalapit sayo” dugtong ni Marky


“Hindi siya dapat lalampa-lampa” sabi ni Paul


Nakakarindi na sila ah. Bakit ba ako ang pinagkakaisahan nila.??


“Pwede ba?? Will you cut it out??? Wala akong planong magpaligaw kaya pwede manahimik kayo???” nakukunsuming sabi ko sa kanila.


Nag-iba lang ako ng ayos mukha ng mga myembro ng military ang mga lalaking ito kung makaasta samantalang mas malakas naman ako sa kanila.


“Hay naku…ayoko ng maging babae”


***


[Jhonah’s POV]


“Hay naku this is why I hate wearing sandals…nagkakapaltos ang mga paa ko…feeling ko forever na akong di makakapagsapatos nito eh” himutok ko habang naglalakad papuntang parking lot ng hotel.


Katatapos lang ng party at nag-uuwian na ang mga bisita. It’s amost midnight. Samantalang sina Regine eh may reservation na sa hotel na ito kasama ang family niya. Ako na yata ang pinakahuling umalis. Nagkwentuhan pa kasi kami ni Regine…or rather naglabas ng hinanaing niya si Regine. Si Richelle kasi sinundo ng kuya niya. Oo may kuya yun…gwapo…may kapatid…maganda…hindi ko alam kung kanino nagmana si Richelle.


Nagulat pa ako ng makita si Earl sa may parking lot.


“Bakit nandito ka pa? May hinihintay ka?” takang tanong ko sa kanya.


“Ikaw” tipid na sagot naman niya.


“bakit mo naman ako hinihintay? Susunduin naman ako ni kuya eh..umuwe ka na” pagtataboy ko kay Earl.


“That’s why I’m here. Kinausap ako ni Jeirick na kung pwede ako na daw ang maghatid sayo since sa iisang village lang naman tayo nakatira. Ihahatid niya pa kasi si Demi sa kanila and masyado ng gabi kung babalikan ka pa niya dito” ani Earl at nagpauna ng maglakad papunta sa kinapaparadahan ng kotse niya.


Subalit…datapwat..pero…ngunit…


..hindi ako sumunod kay Earl.


“nagkaroon lang siya ng girlfriend pinababayaan na niya ako” nagtatampong sabi ko at umupo sa sahig. Wala na akong pakialam kahit na nakadress pa ako..wala akong pakialam kahit mahal ang bili ni mommy dito..wala akong pakialam kung isang lingo akong pagagalitan ni mommy kasi nasira yung dress ko…at higit sa lahat wala akong pakialam kahit magmukha pa akong tanga sa ginagawa ko..basta masama ang loob ko.


Napilitang huminto si Earl sa paglalakad at binalikan ako. Tumayo siya sa harapan ko.


“Hindi ka pinababayaan ng kapatid mo kaya nga nandito ako eh kasi pinakiusapan niya ako..kung pinababayaan ka na niya eh di sana hindi niya ako kinausap para ihatid ka” hinawakan ako ni Earl sa balikat at pilit itinayo. “ and besides..lalaki ang kapatid mo..hindi masama na magkagirlfriend siya..it’s about time na rin naman”


“and now you’re here taking his position and acting like a big brother to me” sarkastikong sabi ko.


Binitawan ni Earl ang balikat ko at masama ang mukha na binalingan ako.


“I’m not acting a big brother to you because I don’t even see you as a younger sister” sabi nito at tinalikuran na ako.


“Okay fine…ayoko din namang maging kapatid ka….sinong makakatyaga sa ugali mo noh?!” nakasimangot na sagot ko at sumunod na din sa kanya. Wala naman akong choice eh.


Wala kaming imikan habang naglalakad sa parking lot. Pinipilit ko nalang na wag mapangiwi ng malakas dahil sobrang sakit na talaga ng paa ko. Ayaw kong ipahalata kay Earl na nasasaktan na ako. Peste naman kasi nasaan ba yung kotse niya? Bakit ang layo naman. Pinaparusahan yata ako nito eh.


“Malayo pa ba?” hindi na ako nakatiis magtanong.


“Malapit na”


“aaaahhhh!!!! I can’t take it anymore” biglang sigaw ko at hinubad ang suot na sandals. Tama na ang pagpapanggap. Hindi na baleng maglakad ako ng nakapaa kesa naman habang-buhay na akong di makapaglakad.


“Whatttt??? Walang pakialaman okay?” singhal ko kay Earl ng mapansing nakatitig siya sakin.


Ganun nalang ang gulat ko ng walang ano-ano’y nakalapit agad sakin si Earl at binuhat ako.


“Hey!!! What are you doing??!!!” gulat na sabi ko at hindi malaman kung saan ako kakapit upang wag mahulog.


“Diba sabi mo masakit na ang paa mo?” parang walang anuman na sabi nito habang buhat ako.


Wala na akong nagawa kundi ang kumapit nalang sa leeg niya habang bitbit ko ang sandals ko. I don’t know why but I feel secured in his arms. Ang bango-bango padin ni Earl kahit gabi na samantalang ako hindi ko na alam kung anong hitsura at amoy ko.


Hmm…maamoy pa nga..nakakaadik eh. Lalo ko pang isiksik ang mukha ko sa dibdib niya..babae naman ako ngayon diba? Mamanyakin ko muna si Earl. Haha..


Heaven….


Naku kung malalaman nila Regine at Richelle ang pinagagawa ko baka pinabendisyunan na ako nun sa pari.


“Earl..bakit ang bango mo?”


“So you like my scent ha? Marunong ka din palang mag-appreciate ng amoy ng lalaki”


“Oo naman noh…” muli ko pang sininghot si Earl..uubusin ko ang amoy niya..bwahahaha!!! “Your scent smells…sexiness”


Napakunot naman ang noo na tinignan ako ni Earl.


“Saan mo naman natutunan iyan?”


“Ewan ko nga ba…bakit kapag ikaw ang kasama ko pakiramdam ko nawawala ako sa sarili ko. Hindi naman madumi ang utak ko katulad ni Richelle. Hindi rin naman berde ang utak ko tulad ni Regine..pero bakit ako nagkakaganito kapag ikaw ang kasama ko?”  (yawn) napahikab ako…inaantok na ako…ang bango naman kasi ng unan ko.


Hindi umimik si Earl kaya natahimik na din ako dahil inaantok na ako. Masyado siguro akong groge kaya hindi ko namanlayan na naibaba na pala ako ni Earl sa passenger seat at nakaligid na siya papunta sa driver seat.


Pasulyap-sulyap ako kay Earl habang nagmamaneho siya. Bakit ngayon ko nga lang ba napagtuunan ng pansin….ang gwapo pala talaga ni Earl…Pero syempre nunkang sabihin ko yun sa kanya. Baka magka hydrocephalus pa ito.


“Why? Masakit pa ba ang paa mo?” tanong nito sakin.


Saglit na saglit lang ang pagdaan ng emosyon sa poker face na mukha ni Earl pero sa saglit na iyon nakitaan ko siya ng pag-aalala kaya hindi ako agad nakasagot dahil na- off guard ako. Basta nakatitig lang ako sa mukha niya.


“Jhonah? Are you allright?” tanong ni Earl at itinabi ang sasakyan sa gilid at marahang tinapik ang pisngi ko.


Bigla naman akong napapitlag ng maramdaman ang mga kamay ni Earl sa pisngi ko dahilan para maitulak ko siya.


“Sorry…I just want to know kung okay ka lang ba” hinging paumanhin nito at ibinaling sa labas ng bintana ang tingin.


“Okay lang ako” sagot ko at wala sa loob na napahawak sa braso ko.


Inakala naman siguro ni Earl na nilalamig ako kaya hinubad niya ang coat niya at ibinalabal sa balikat ko at hininaan ang aircon.


“Salamat” sabi ko.


“No problem” sabi naman ni Earl at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho.
Ibinaling ko nalang ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Wala na halos motoristang dumadaan. Wari’y napakatahimik ng gabi. Hindi ko maintindihan kung bakit parang naiilang ako na kaming dalawa lang ni Earl ang magkasama.


“Ano ka ba naman Jonalyn!!! Si Earl lang yan okay??? Si Earl lang!!! si Prince Sungit yan!!! Kaya walang dahilan para umakto kang parang nababaliw dyan…kelan ka pa nagpadala sa mga lalake ha???” sermon ng “matinong” bahagi ng isip ko.


“Bakit nga ba ako nagkakaganito?” bulong ko sa sarili at wala sa loob na niyakap ang coat ni Earl.


***


[Earl’s POV]


Tulog na tulog si Jhonah. Napagod siguro. Nandito na kami sa labas ng bahay nila. Pinakiusapan kasi ako ni Jeirick na ako nalang ang maghatid pauwe kay Jhonah dahil ihahatid pa niya si Demi. Sa totoo lang kanina pa din ako pagod. Gusto ko na nga sanang umuwe na agad pero ewan ko ba kung ano ang pumipigil sakin para umuwe agad.


Kanina sa party halos lahat ng tao nagulat ng makita si Jhonah. Aminin ko maski din naman ako. Ang ganda niya kasi….at ewan ko ba parang inatake ako ng kagustuhang protektahan at bakuran siya. Siguro dahil kapatid siya ng bestfriend ko…pero sino nga ba ang lolokohin ko….alam ko sa sarili ko ang totoong dahilan.


“Jhonah” akmang gigisingin ko siya ng matigilan ako.


She looks like an angel sleeping. Her lips are slightly parted. I gently touched her soft skin. Para sa isang tulad nitong boyish at walang pakialam sa sarili napakakinis ng balat niya.


“Ano bang ginagawa mo saking babae ka? Ano bang dapat kong gawin sayo?” I asked frustrated. “You look like an angel when you’re sleeping. But you look like a tiger when you’re awake…” I touched her face again as I run my fingers to her nose, to her cheeks and down to her parted lips. “…but it doesn’t stop me from falling for you” with that I lower my face and claim her lips slowly and gently.


After that sumandal ako sa upuan with a smile on my face.


“Nandito na ba tayo? Nakatulog pala ako” maya-maya ay nagising na din siya.


Itinago ko ang mga ngiti ko at walang emosyon na tinignan siya.


“Bumaba ka na…inaantok na ako. Uuwi pa ako” sabi ko sa kanya.


“bakit kasi hindi mo ako ginising eh. Sira ulo ka din” pagtataray niya sakin at bumaba na ng sasakyan. Nakalimutan niya yatang suot niya pa din yung coat ko.


Hindi man lang nagpasalamat??


Paalis na sana ako ng lumabas ulit sya gate at kinatok ang bintana ng kotse ko. Binuksan ko naman yung bintana.


“Oh? Problema mo?” tanong ko sa kanya.


“Salamat” hinubad niya yung coat ko. “Salamat din dit o” sabay bato sakin nung coat ko. Grabe siya magpasalamat ah…ibinato ko naman pabalik iyon sa kanya “labhan mo yan. Nandyan na yung amoy mo eh”


“Aba???!!! Wag kang mag-alala..pati amoy mo tatanggalin ko dito!!!” at nagmarcha na ito papasok sa bahay nila.


Pinaandar ko naman na yung kotse paalis. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay inihinto ko muna ito sa isang tabi at buong giting na tumawa ng malakas. Ngayon nalang ako tumawa ng ganito.


“Kahit hindi ka na magthank you…nakuha ko na naman yung bayad mo” and with a smile on my face I drive myself home.


[Season 1 End]

A/N : Kung inyong pong mapapansin eh mas focus ang season 1 sa love square na lovelife nila Paul-Regine-Jeirick-Demi...at sa pag-aaway nila Jhonah at Earl...sa next season abangan naman natin ang pag-usbong ng lovelife ng iba pang myembro ng barkada..at ang pagdating ni "Jiyeon" sa kwento. Maraming salamat :)

P.S.

pero sabi ko nga magpapahinga muna ako..hehe..hindi ko pa naitatype yung season 2 eh..hehe



12 comments:

  1. okay, sa wakas naka-1st ulit ako... basa mode na muna!

    ReplyDelete
  2. aha!!! si richelle, madumi utak!!! akin naman green!!! langya ka talaga ahahaha, sayo pareho! lels~ pero ayiieh, kinikilig ako para sainyo ni earl! alam na~ ahahahaha!!!

    at tapos na ang season 1!!! at oo, pansin ko nga yang love square namin nina paul, demi at jeirick. pero basta yung pangako mo BFF! aabangan ko yan, paganti ako kay jeirick ha!!! walangya yun, pinaiyak ako sa mismong bday ko!!! ganun na ganun yung nangyari nung debut ko!!! lumuluha din ako!!!

    ayiiieh~ at sa next season, aabangan ko rina ng pag-usbong ng lablayp ni espren. naiinggit na eh. pero diba siya naman ang hahabulin ng mga kalalakihan dahil sa request niya? hwahahahahaha!!!

    at si bebe jiyeon, malapit na!!! muntik ko nang makalimutan na kasama siya sa cast, hindi kasi siya nagpapakita sa mga nakaraang chapters eh... ahahahahaha...

    abang-abang ka lang sa cover ng season 2. malapit na!!! ^______^

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha...nice naman...hanggat wala yung cover ng season 2 wala din akong ipopost na UD hahaha...medyo pagpapahingahin ko muna ang lablyp mo sa simula ng season 2..bigyan natin ng lablyp si Richelle..haha..

      hay naku sis ako din kinikilig ng bongga!!! sana may totoong Earl na sa buhay ko...bwahahaha!!! hindi ko na kailangan ng madaming lalaki..ang mahalaga wala akong kaagaw kay earl..paslangin ko ang umagaw sa kanya...hahaha..

      hehe 2 character pa ang hindi nagpapakita sa kwento eh..sina Jiyeon at Quincy...kaso mas mauuna si Jiyeon..

      sige gagawan natin ng paraan iyang si Jeirick..paluhain natin ng bongga..haha..kaso mahirap magpaiyak ng lalaki eh..wala akong maisip..haha

      Delete
  3. ai grabe!!!! kilig much!!! to the highest level!!!

    thanks sa baklitang yun, dahil sa wakas naging babae na rin si ate jho.. hahaha
    speechless lahat eh!!! nakss!! possessive si mr sungit sa kanya ha.. i sooo love the HHWW and buhat scene!!! lumilipad na ko sa kilig!! shaks!!

    bet na bet ko na talaga si earl! naka score kagad eh!! kaso patago ung loko.. hahah
    pumaparaan ka huh.. haha.. nakaw-halik scene!! fav ko na talaga yan!!! no doubt!!

    ang ganda talaga ng season 1! and i am so glad that i'm a part of it.. kahit ilang season pa to.. i'll still support this story..

    excited for the next cover!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..ganyan talaga ang mga walang lovelife...gumagawa ng sariling lablyp eh..haha atleast kahit man lang dito masabi kong "maganda" ang takbo ng lovelyf ko..haha..kasi sa personal kasing gulo ng utak ko ang takbo ng lovestory ko...hahaha...

      salamat ng madaming-madami sa walang sawang pagsuporta..haha...subukan kong matapos ito ng season 4 lang...hindi ko pa alam kung ano ang magiging ending kasi hanggang season 2 lang ang naisulat ko sa notebook ko..haha...mahaba-habang pag-iisip ito...

      excited na din ako sa next cover...

      Delete
    2. gawin nyo na pong season 5 para mas mahaba.. hahaha.. i soo like the story eh.. ika nga when it comes to writng,we create our own world,kaya gora lang ate.. hahah..

      Delete
    3. tama!!!

      sige mukhang season 5 nga yata ito aabutin..dito muna ako magconcentrate...next tym ko na upadate iba kong story..

      Delete
  4. aww, ngulat aq akla q ending n tlga! season finale lng pla!!!!!! ngaun q lng tinutluy-2loi bshin 2 pra nde aq mbitin... at tska kxe, nbusy llo s school ee..... sigh~

    excted n aq 4 d next season kxe nandun na aq! yehey!!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha...oo nga..abangan mo yun sis...kung ano nga ba magiging papel mo dito sa kwentong ito...

      okay lang yun..aral mabuti..

      Delete
  5. nice naman ng mga story nato hehehe... Hi guys visit my site also so that I can earn my first visitor. MOVIES follow me and i will follow yours. :) BTW great article you have here...

    ReplyDelete
  6. oo nga mas mabuti may part pa hehehe

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^