Tuesday, September 11, 2012

Ang Lovelife Ni Sadako - Chapter 11

Chapter eleven:
Saved By Mr. Wrong
Meet Ethan and Shie! sa next next UD ang pic. ni Shie at Allison


"Simula na nang nag-aral ka dito, nagsimula na ang bangungot namin dito, you! you! ang dami dami mo nang nabibiktima na mga inosenteng schoolmates mo! and we formed this club in order to throw you out of this place and to save our lives!" Yeah, yeah, whatever! meow...meow...meow! blah! blah! blah!

"Ugggggggh! just do it already! go! atakihin niyo na ako! simulan na natin ang thrilling scene sa movie na 'to! wait...hindi 'to movie! kailangan pang magspeech speech! ha? naiinip na ako! urgh!"

"Grrrrr! o sige! sisimulan na namin! ipatapon si Sadako!"

"Ipatapon!" nagsimula na silang tumakbo papunta saakin. Imagine niyo nalang na sila ang katipunan na hinahabol ang nakaligtas na kastila. Yes, tumakbo rin ako! kahit saan saan! pero sa school lang! nakakatuwa nga eh! nakakatuwa tingnan ang mga mukha nila na galit na galit na may halong pagod at inip! ahahahahahaha!

Well, nandito na kami sa 3rd floor ng building, ilang meters ang nasa pagitan namin. Tumigil ako tumakbo at humarap sakanila sabay behlat!

"Oh! yan lang ba kaya niyo!? ahahahahaahhahahahaha!" mukha na akong antagonist sa storyang to. Tumakbo ako ulit at umakyat sa hagdanan papunta sa 4th floor.

Nagiging instant celebrity na ako agad dahil sa fanclub ko. Ako ne feeler! lahat ng mga nadadaanan ko ay napapatingin automatically saakin. Siyempre, rare kaya na tumakbo si Sadako. Ginagawa niya lang, magcrawl, meron namang wheelchair para hindi siya mapagod, tangeks ni Sadako no?

Mga teachers naman ay walang ginagawa, natatakot na makulam ko sila. Malapit na akong makapunta sa corner ng hallway, may natitira pang floor, ang last floor, or ang rooftop.Agad ako umakyat sa hagdanan at pumasok sa rooftop.

Nang binuksan ko ang pintuan. Agad na sinalubong ako ng isang malakas na hangin. Mukhang gusto ng kapalaran na mahuli ako. Tss! ede! pake ko!

"Whoo! ang lakas ng hangin!"

"Ipatapon si Sadako!"

"Tss!" agad ko sinarado ang pintuan at nilock ito. Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan para marinig ko kung merong darating na tao.

"Guys, nandito ata siya!"

"Tara buksan natin!" bigla nalang may pumipilit na bumukas sa pintuan,agad kong pinigilan ang pagikot ng doorknob pero ang lakas lakas. Aish! siyempre, lalake eh! mas pinahigpit ko ang pagkakahawak ko sa doorknob pero....


boogsh!


Aray! ang pwet ko!
Opo, nabuksan po nila ang pintuan, dahil sa lakas ng force, natumba ako.

"Aha! nandito ka pala!"

"Oh ano'ng gagawin niyo saakin? gagamitin niyo ang holy water saakin, gagamitin niyo ba saakin ang bawang at iba pa, for your information, hindi ako mangkukulam! katulad ko rin kayo!"

"Hmf! hindi ganun no? *smirk*  worse than what you said." lumabas sa pintuan ang mga ibang members na minamasahe ang kanilang mga kamay at ang mga iba naman ay may dala dalang pamalo.

*gulp*

"Ede! gawin niyo na saakin!"

"Sabihin mo na kasi na natatakot ka!"

"Hi..hindi no!"

"Hehe! umalis ka na kasi dito sa lugar na ito, o....sa mundong ito!"

"Grrr! ayoko!"

"Hindi mo ba alam kung anung mangyayari sayo?!"

"Ayoko!"

"I..."

"Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko!"

"Kainis 'tong babaeng  'to!!" susuntukin na sana ako ng lalake pero.....bigla nalang hinarangan siya ni........ni....Etha.....este, ni playboy.......

"Huh?"

"Bakla bakla mo! siya lang ba ang kaya mong saktan?"

"......"

"Kung gusto mo ng away, ako nalang awayin mo! kakairita ka! hindi mo ba nakikita na natutulog ako!"

"Aba! humahamon ka ah!" susuntukin na sana siya ng lalake pero pinigilan siya ng mga kasamahan niya.

"Wag pare! madadamay pamilya mo!"

"Grrr!"

"Umalis na kayo dito..."

"....."

"UMALIS NA KAYO DITO! MGA BINGI!" at nagsitakbuhan sila para sa buhay nila. I was left with my mouth open. Fi...first time ah! fi...first time niya na....na protektahan ang isang katulad ko sakanila.

Pumunta siya saakin at agad niya akong hinatak sa kamay ko.

"A....aray! ka...kamay kO!"

"Dahil sa itsura mo at behavior mo! 'yan ang napapala mo!"

"Eh anong pake mo!?"

"You should be schooled." tiningnan niya ako at binigyan niya ako ng isang masamang ngiti.

Uh-oh!

What will happen to me?!




3 comments:

  1. nKktUwa tLGa c saDakO,,, maAksYon n ang kULet p riN ahh,,, paNtGaL sTreSs tLga paGbbSa q dtO,, LUvLuVLUv,,,

    ReplyDelete
  2. what's going to happen to her? hallllllaaaaa!!! ☠☠☠☠☠☠☠☠☠

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^