Wednesday, September 12, 2012

1:43 PM [2nd Book] : Intro



'Sino siya?' paulit-ulit 'kong tanong sa sarili ko habang patuloy niya ako'ng hinihila paalis.


"Teka~!" pagbitaw ko sa kaliwang kamay niya na humihigit sa'kin.


"Sino ka? Bakit mo ako kinakaladkad at saan mo ko dadalhin?!" mataas ang tono 'kong tanong sa kanya.


Walang sagot siyang ngumiti sa'kin. Hindi 'ko maintindihan ang gusto niyang iparating. Sumasakit ang ulo ko.


"Nasaan ba ako?" hapo ko sa ulo ko.


Muli, dahan-dahan ako'ng humarap sa kanya. Walang sagot. Nakangiti pa 'rin siyang nakatingin sa'kin at sinusundan ang bawat pag-iwas ko ng mga mata ko sa mga mata niya.


Nagtaas siya ng mga kamay at winasiwas ito.


"Ha? Pipe ka?" tanong ko nang makuha ko'ng may gusto siyang ipahiwatig.


Tumango-tango siya ng paulit-ulit.


"Sino ka? Nasaan 'yung kuneho?"


Tumuro siya sa sarili niya na nagpapahiwatig na siya ang kuneho.


"I-ikaw? Saan mo ko dadalhin?" Katulad ng sa nauna, wala siyang ginawa kundi tumuro lamang.


"Doon?--" tanong ko sa itinuro niyang... "--sa... kastilyo?"


Hindi na siya muli pa'ng sumagot sa pamamagitan ng kamay o ano 'mang pagtango dahil hinila niya nanaman ako.


Well. Isang balon ang pinagdalhan niya sa akin pagpasok namin ng malalaking pinto ng hardin. Hindi ito isang ordinaryong balon lamang. Isa itong balon ng nakaraan.


Tumuro siya sa'kin at sa balon.


"Oo. Naiintindihan ko na. Ako ang tao'ng iyan. Pero sino siya?" turo ko sa isang lalaking nagtakip sa mga mata ng batang Guizelle.


"Bakit blur 'yung mukha niya? Kaano-ano ko siya?"


Pero wala siyang sinagot sa'kin at naiwang nakangiti't nakatingin sa mga pangyayaring nakikita sa balon.


"Aghhh~" napasigaw ako sa biglaang pagsakit ng ulo ko.


Naramdaman ko naman na kinapitan niya ako sa braso at nag-aalalang mukha ang nadatnan 'kong nakatingin sa'kin.


'S-sino ka ba?' natanong ko sa'king sarili sa hindi maipaliwanag na nangyayari.

4 comments:

  1. bOok 2 na,,,, hALa nde q p nBBsa unG bOok 1,,, bBsAHin q mUna yuN,,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. gyaaah ~~~~❤
      yess~~!! buti may book 2 na! i can't wait! ✌

      Delete
  2. ~angel is luv~

    waaah! excited na ako! thank you po natupad yung request ko for book 2! yeyey!!..

    and ate, when mo rin po itutuloy ang memories? ang tagal ko na po hinihintay yun pati nga din yung missing voice. may kasunod pa po ba yun?

    ReplyDelete
  3. here is the BOOK 2!! isa tong story sa mga fav ko eh.. ang saya nman!! i wonder wat will happen next.. this seems like full of mysteries..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^