Tuesday, August 28, 2012

The Pinkywitch Project - 2nd Spell

2nd Spell




Question:What is a Witch?
  cuddly.lyviel says:
Uso pa ba yan?

  PseudoWriter says:
The "witch-cult hypothesis", a controversial theory that European witchcraft was a suppressed pagan religion, was popular in the 19th and 20th centuries.

  Nemorensis says:
Naiintindihan mo?

  PseudoWriter says:
Hindi. Haha!

  kharyah says:
Iyong may dala-dalang walis?

  cuddly.lyviel says:
Janitor?

2nd Spell

“So you mean you are poor already?”

“Of course not, I’m still an heiress,” sagot ko kay Sassa mula sa kabilang linya.

She’s calling me right now. Naikuwento ko sa kanya ang nangyari sa last and will testament ni lola. I know she’s dying to know what happened as well.

“Heiress you said. That’s only if you’re going to run that voodoo shop smoothly.”

“That’s a simple job.”

“My friend what do you have ba? A midas hand? As far as I know you are a big SPENDER. That’s a big impossible for someone like you. I don’t think aabutin pa iyon ng taon. Don’t worry I can hire you as my personal maid.”

Umismid ako. “Meanie, that won’t happen Sassa. Hindi maisasara ang shop na iyon sa mga kamay ko. I know one year is very long but you know me. I am a fighter. I don’t give up easily.”

“Ano bang hitsura ng shop? Common look for a voodoo shop?”

“I haven’t seen it yet.  Pupunta pa ako bukas.”

“Oh good, sasama kami.”

Mga sadista talaga ang mga babaeng ito. For sure they wanted to laugh in my face. I won’t let it happen. Although we considered ourselves as friends we are still making bitchy actions towards each other. For the sake of being a group I considered them as my friends even if we know we hate each other. Alam kong hinihintay lang nila ang pagkakataong kagaya nito upang maibagsak ako.

“No you can’t.”

“Oh, poor you, you’re ashamed huh?”

Shit talaga.

“Ashamed? Not me my dear. What I mean is you can’t leave me. You should also see it for yourself. I’ll see you tomorrow then.”

“Sure girl.”

Ini-end ko na ang tawag. My situation is really bad right now. Nakasalalay sa voodoo shop na iyon ang mamanahin ko. I can’t believed grandma could be this heartless. At bakit ganoong klase pa ng shop? What am I? A witch para pamanahan ng ganun? Yes! Everyone calls me a witch but not literally.

“Miss Jadeitte, may tawag po kayo sa telepono.”

That’s one of our maids here in the house, mabuti pa siya may sweldo kay lola buwan-buwan.

“I’m not in the mood. Just tell her or him to call next time.”

“I-importante daw po kasi.”

“Kaya ka ba maid lang dahil stupid ka talaga by heart? Just do what I said okay?” taray ko.

Napayuko naman siya saka lumabas na ng silid ko. I sigh.

"Exactly at 8am tomorrow my test will start. I’ll win this game granny.”





Nakatingin parin lahat ng tao sa akin as usual pagpasok ko ng school pero sa pagkakataong ito may kakaiba sa kanila. Nagbubulungan iyong iba habang nakatingin sa akin. Then I saw the MGI watching me from a distance habang nakangiti. They have this wicked smiles in their faces. Kasama nila si Sassa. No wonder. Sigurado naikwento na niya ang nangyari sa akin sa lahat. Huh, traitors.

“Pulubing prinsesa!” wika ng babaeng bigla nalang humarang sa dinadaanan ko. Mas mukha pa siyang maarte sa akin. Nakapameywang siya sa akin habang pinagmamasdan ako pataas pababa. Nasa likod naman niya ang mga alipores niya. So she’s trying to make a scene here? Gusto niya bang mangbully like me? At ako pa ang napili niya. Tsk, trying hard bitches.

“Are you talking to yourself?” ganti ko.

Nakakainsultong humalakhak sila. Ang pangit nila infairness.

“Wala ka ng maipagmamalaki sa amin ngayon Jadeitte Louisse! You are poor as a rat already. You can’t be a bitch anymore. The crown is not yours already. Kayamanan mo lang naman ang dahilan kaya ka nakakapang-api noon.”

“Hey girls hindi ba natin tutulungan si Jade?” I heard Chunli’s voice from afar. Aw, sweet Chunli. Siya talaga ang pinakamabait sa amin.

“Let her be. Just pretend you don’t see anything,” wika naman ng isa sa kambal. I’m not sure if its Sandra or Lianna.

“This is a bad day for me to deal ugly creatures like you girls,” I said.

Tila hindi naman natakot ang mga bruha. Hm, mukhang lumakas yata ang loob nila dahil sa binalita ni Sassa. Damn you Sassa. You ruined my day for this crap.

“Ugly your face! Mas pangit ka dahil napakapangit ng ugali mo. Lugmok ka na nga ang sama mo parin. Ang dapat sa iyo binibigyan ng leksyon! Girls bigyan natin siya ng leksyon.”

Sa isang iglap bigla nalang may nagbuhos sa akin ng balde ng tubig. Naghiyawan naman ang mga tao sa tuwa. Masaya nga sila.

Ang mga bruha naman nagtatawanan sa harapan ko. Kaya pala may dala dala silang timba kanina.

“Masarap bang maligo sa tubig? Nangangamoy putik ka na kasi,” at nagtawan naman sila. Kung nagtataka kayo kung bakit wala pang dumadating na school staff iyon ay dahil sa sanay na sila sa ganitong eksena. Normal na ang ganitong eksena at sino naman kaya ang sira-ulong magsusumbong sa ganitong napakagandang eksena para sa lahat. For the first time may umaway ng harap-harapan kay Jadeitte Louise Rivera!

“Are you sure it’s me? Bibig mo yata ang naamoy mong amoy putik,” wika ko maya-maya. Nakangisi parin ako kahit basing-basa na ako.

“Lexy iniinsulto ka niya girl! Let’s give her another lesson!”

“How dare you!” Mukhang sasampalin niya ako kaya inunahan ko na siya.

If you think I'll give her a slap then you are very wrong. I quickly gave her a punch in the face. Kinuha ko ang isang pang may lamang timba na hawak ng nakatangang kasama niya. Mabilis ko ding dinampot ang halaman sa gilid. Nakalagay iyon sa maliit na paso at halatang bangong tanim lang dahil madali ko lang nabunot ang tanim at naibuhos ang lupa sa loob ng timba. Ibinuhos ko iyon sa kanya lahat. Napatili naman siya sa pandidiri kahit hindi pa siya makarecover sa pagkakasuntok ko sa kanya.

“Sino ang amoy putik? A trying hard bitch like you deserves to be in shit of mud. Your dreamed too high, bitch. It’s time to wake up . Sinong maysabi sa iyong porket mahirap na ako pwede na akong apihin?” ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya saka inilibot ang paningin sa lahat ng taong nakatingin sa amin. “Some piece of advice to those who have fucking plans to destroy me. Better stop. Sa tingin niyo ba kaya walang nangahas na lumaban sa akin for years dahil lang sa mayaman ako? Such stupid minded people. My wealth is just a plus. Oh well that was a cheap show. Better luck next time.”

At umalis na ako na parang walang anumang nangyari. Ang tahimik nga ng buong paligid. Dumeresto ako sa locker room. Mabuti nalang may extra clothes ako sa locker room. Hindi naman kasi uso ang uniform sa school namin. Napahinto ako nang mapadaan ako sa isang empty room bago ang locker room namin. May nakikipaghalikan kasi doon. Nagtama ang mga mata namin ng lalaki. Nag-shhh sign lang siya sa akin gamit ang pointing finger niya. Napailing nalang ako. Wala ako sa mood para magsumbong ng mga kahalayang pinaggagawa ng Andrie Sullivan na ito. Another girl na naman ang kahalikan niya. Hindi ba siya takot magka-AIDS? Yuck.

Matapos kong makapagbihis ay umalis na ako doon. Nadaanan ko parin silang naghahalikan. This time halos hubad na iyong girl. Nilampasan ko lang sila. Wala talaga ako sa mood ngayon. I am still very angry with the scene a while ago. I was very humiliated for the first time. Kung inaakala ng Lexy na iyon tapos na ako sa kanya then she’s wrong. Nagsisimula palang ako.

“SHIT! WHAT THE HELL?!!!"

“S-Sorry miss, hindi ko sinasadya!”

Kapag minamalas ka nga naman. Ugh! Bagong bihis na nga ako tatapunan pa ako ng juice. Ang nakakainis iyong lalaki na namang nakatapon ng sago sakin kahapon ang may gawa!

“Ikaw na naman?! Can lame and stupid guys like you just disappear in this world?!” asar na asar na talaga ako.

“P-Pasensiya na miss.”

Hindi pwede ang ganito lang. “What’s your name?”

“J-Jaycee.”

“Meet me after my class. Pumunta ka sa tambayan ng MGI alam mo na siguro kung saan iyon.”

“B-Bakit?”

“Just do it!”

“O-Okay.”

Tinitigan ko lang siya ng masama saka umalis na ako. Humanda siya sa akin mamaya!



Can I faint? This is horrible than I expected. Bottles of stinky potions, dull designs of charms, yucky parts of some gross creatures inside the bottle. And of course the infamous VOODOO dolls!

“This is so…” I touched my forehead. I feel dizzy. Gosh! As you can see we are here already in my grandmas’ voodoo shop. Can I cry?

“God forbid! What kind of miserable place?! Is your grandma a witch?” exaggerated na bulalas ni Sassa.

By the way, MGI is here with me.

“What if she is?” taray ko.

Hindi pa sila humingi ngsorry sa akin dahil sa nangyari kanina. It’s okay I won’t forgive them anyway.

“This shop is for those crazy people only. Insane people! Sinong bibili ng ganito? Ew!”

“Sandra, may mga witch pa rin sa panahong ito.”

“Chunli shut up!”

“I-I heard somewhere in Siquijor uso ang witchcraft.”

Napatingin kami sa nagsalita. The nerdy Jaycee. He is my slave from now own. Two months slave.

“You think so?”

“Gosh Chunli naniniwala ka sa nerd na iyan?”

“Sandra.”

“Manahimik nalang kayo pwede?” saway ko sa kanila.

“Miss Rivera?”

Napatingin ako sa lalaking pumasok sa shop. Tinaasan naming siya ng kilay.

“What?”

“May sulat po kayo.”

Kumunot ang noo ko. “What’s this?”

“Hindi ko po alam. Pakipirmahan nalang po to.”

Matapos kong pirmahan ay binuksan ko ang sulat at binasa.

“OH MY GOD!”

CLOSURE LETTER for my grandma’s shop?!

 -----------------------------------------------------------------------
Salamat po sa mga nagbabasa nito. *deep bow*

4 comments:

  1. first part p lng natawa n aq,, ano daw ung witch?? ung may dalang walis!! AHAHAHA

    ReplyDelete
  2. Like this.

    ┈┈┈┈┈┈▕▔╲
    ┈┈┈┈┈┈┈▏▕
    ┈┈┈┈┈┈┈▏▕▂▂▂
    ▂▂▂▂▂▂╱┈▕▂▂▂▏
    ▉▉▉▉▉┈┈┈▕▂▂▂▏
    ▉▉▉▉▉┈┈┈▕▂▂▂▏
    ▔▔▔▔▔▔╲▂▕▂▂▂I

    ReplyDelete
  3. ang tgal ng kasunod? wen po ang next chptie miss author??

    ReplyDelete
  4. ate paupdate po...i think this story is nice

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^