Wednesday, August 1, 2012

Prinsesa : Chapter Two

Author's Note: Heto na po ang inaantay niyong update. Sana magusuthan niyo.


~C H A P T E R  T W O~
~THE NOTE FROM MY...
MASTER?~



(Kathryn's POV)


Nagkatinginan muna kami ni Daniel habang nasa pinto ako tapos may biglang tumapik sa balikat ko.



"Good morning miss beautiful! Wag kang humarang dyan baka angkinin kita. --Oops. Haha. Oi daniel! Wag mong tignan ng masama--Sabi ko nga aalis na ko." Tapos bigla ulit lumabas si Khalil.


Umupo na lang ako. Kainis...Kikiligin na dapat ako kaso binantaan ata nung DANYEL na yun. Tss.


Bigla ulit pumasok si Khalil tapos inabutan niya si daniel ng...Chocolate Shake. Tss.


Tumango ako pero maya-maya may kumalabit sakin. Umayos ako ng upo.


"Oh?" Tanong ko.

"Heto oh." Inabot niya sakin yung isa pang Chocolate Shake.


"Pinapabigay nino?" Tanong ko habang hawak ko yung Chocolate Shake. Humigop na ko pero biglang...


"Pinapabigay nun!" Tapos tinuro niya yung Classmate naming lalaki na medyo...Ahem...Basta alam niyo na yun. Uminom siya ng shake tapos biglang kumindat sakin.


Naibuga ko yung nasa bibig ko buti na lang hindi tumapon yung nasa plastic cup.


"Dejoke. Ayun yung totoong nagbigay sayo nang Choco Shake."Tapos tinuro niya si daniel. Naka-grin si daniel habang nakatingin sakin.


Inangat niya yung kamay niya tapos ginalaw niya yung fingers niya.


"Ui lumapit ka daw dun." Tapos tinulak niya ko papunta kay daniel.


"Ano na naman ba?" Tanong ko. Naiirita talaga ako sa kanya.


May inabot siyang note sakin.


~o~o~o~

Be my
slave

~o~o~o~

"Haa?! Ano ka sinuswerte? Ayoko 'no!" Tapos binelatan ko siya.


Malakas ata yung pagkakasabi ko kasi tumngin yung mga tao dito sa room sa direksyon ko. Nagsimula na silang magbulungan. Psh. Ano ba 'to?


"Dahil pinakielaman mo ang gamit ko, susundin mo yan sa ayaw at sa gusto mo." Seryoso niyang sabi.

"Naloloko ka na ba? Ano bang pumasok sa utak mo at gusto mong sundin kita?" Naiinis kong tanong.


"Pinakielaman mo gamit ko eh. Sorry ka na lang." Then he smirked.


Aaargh! Anong gagawin ko?


"Alis na slave. Baka sabihin nila nanliligaw ka sakin." Tapos naghand gesture pa siya na umalis na daw ako.


Tss.


"Nakakainis ka!!" Naka-close fist at nanggigigil kong sabi saka bumalik sa upuan ko.


Kaiinis!!


~E N D of C H A P T E R  T W O~


Author's Note: Bukas ia-update ko yung pangatlo. :D Enjoy niyo muna. Feedback please. I badly need your feedbacks



2 comments:

  1. ang bitin naman.. if pwede lang,damihan mo yung cheesy moments and selosan para mas masaya... hahaha.. adik lang eh..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag maging masyadong mabilis, sis. Darating din tayo dyan.

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^