Thursday, August 23, 2012

Kissing Bandit : Chapter 21

CHAPTER 21
(ATASHA ORELLANA POV)



“Minsan kasi wag mong kalimutan na gamitin utak mo…” Blah blah blah~ So on~ So forth~ “Pinaiiral kasi ang kaartehan, probinsyana naman!”



“Ano namang kinalaman na galing ako sa probinsya?” Pero wala! Tuloy pa rin si ET sa pagsesermon niya! Dinaig pa niya ang tatay at lolo ko! Siguro after 10 years… “O tapos ka na? Hinihingal ka na kakasigaw?”



“Sa susunod, kapag may kinalaman sa pagiging Prospect mo, ipapaalam mo muna saakin. Maliwanag ba?”



“OPO na PO. Pwede na PO ba akong umalis PO? Kanina pa PO may World War 2 sa loob PO ng tyan ko PO, hindi mo PO ba naririnig ang pagkalam PO ng sikmura ko PO?” Tinignan niya lang ako ng masama. Pasalamat nga siya, pino-PO ko siya. Kapag gutom kasi ako, magalang akong bata.



“Hindi pa ako tapos…”



“To be continued na muna? Magha-hapunan lang ako sandali.”



“Sasama ako sayo.”



“Bakit?”



Hindi niya ako sinagot at pumasok na lang siya sandali sa kwarto niya para magpalit ng damit at paglabas niya, bitbit na niya laptop niya. “May gagawin tayo. Tara na.”



Sumunod ako sa kanya pababa. Nakita pa nga kami ni Aling Mangkay dun sa lobby tas pang-asar yung ngiti niya habang nakatingin saaming dalawa. “Ayiiieh~ good evening sa inyong dalawa~”



“Good evening din po Aling Mangkay.” - =______=



“Sabay kayong magdi-dinner? Iba na yan ha!”



Nagkatinginan lang kami ni Laris pero pareho na lang naming hindi pinansin si Aling Mangkay. Makapang-asar akala mo hindi siya matandang-dalaga!!! Nakasinghot na naman yata kasi siya ng mga nilumaang medyas dun sa bodega nila eh.



Anyway, nasa labas na kami pero kalbaryo pa ang inabot ko kasama si Laris. Eh kasi naman, sabi nang gutum na gutom na ako, hindi pa pumayag na dun kami sa malapit na carenderia kumain! Siya ang maarte eh!



Pinili niya yung restaurant na dalawang sakay pa mula dun sa dorm namin… “Nalipasan na yata ako ng gutom~ uwaaaaaah~” Kawawa yung mga alaga ko sa tyan!



“Sulit dito. Masarap na, mura pa.” Howkei payn!!! Sabi niya eh!!! Mabuti na nga lang din at mabilis ang serbisyo dito! Agad na kinuha nung waitress ang order namin at ilang sandali lang daw, darating na ang pagkain namin.



Habang naghihintay, in-open na ni Laris ang laptop niya at nagpunta siya sa TMU Diary. Pero hindi niya in-open ang account niya. Hindi niya rin pina-open ang account ko. Nagsign-up siya for another account.




 “Anong ginagawa mo?”



“Gagawa ako ng account natin sa TMU Diary.”



“Account NATIN?” Tama ba narinig ko? Namin daw?



“Yep. Couple Account.” What. The. Pyok! “Don’t worry, ipa-private muna natin ‘to para hindi agad malaman ng mga tao na ikaw ang Prospect ko.”



“Para saan naman ba yan? Bakit tayo gagawa ng co…co…coup…couple account?” Sasabihin ko pa lang yung salitang ‘COUPLE’ kinakilabutan na ako! Kami ni Ate Ganda? Couple?



“Actually, first time ko lang na gagawa rin ng ganito dahil yung sa mga naunang prospect ko, mga sariling account lang namin ang ginagamit namin kapag magshi-share kami ng pictures.”



“Eh bakit ngayon gagawa tayo ng ganyan?”



“Dahil si Zack ang third party.” Wow lang ha. Si Zack pa ngayon ang third party. “I know him very well, same goes that he knows me very well too.”



“Ha?” Umi-English eh!



“Marami siyang alam sa pagiging Kissing Bandit ko at sa mga ginagawa ko sa mga Prospect ko. Alam ni Zack na sa huli, hihiwalayan ko ang prospect ko para makatuluyan talaga nila ang lalaking gusto nila.” Ang serious mode niya! Kapag ganyan siya, lumalakas sex-appeal niya eh. “Kaya nga baka pag nalaman niya na ikaw nga ang prospect ko, pwedeng hindi niya ako seryosohin as his rival dahil sa bandang huli, alam niyang maghihiwalay rin naman talaga tayo.”



“Ganun ba? He might not take this seriously…” Kaya siguro ganun yung ginawa ni Zack nung inaya niya akong kumain daw kami pero kasama naman pala si Carly! Kahit malaki ang possibility na ako nga ang prospect ng kaibigan niyang si Laris, he don’t see him as a threat. Ganun nga siguro! “Eh… ano namang kinalaman nun sa couple account na gusto mong gawin?”



“Doon, ipapalabas natin that we are actually SERIOUSLY dating.” Adik na pagmumukha yan!!! Anong ibig niyang sabihin dun!



“Eh teka… kapag sinabi mong seriously dating tayo… paano yung mga pinagpo-post ko sa Anti_KB? Ako naman lalabas na sinungaling! Prospect mo lang naman talaga ako ha!”



“Napag-isipan ko na rin yan. Tuloy mo lang yung ginagawa mo dun sa Anti account mo. Kasi parang ganito lang yan, kapag lalo mong pinalabas na Prospect lang kita, eh di mas lalo nating patutunayan dun sa couple account na tayo talaga.” Tapos sumandal siya sa kinauupuan niya at inilapit pa ang mukha niya sa mukha ko. “And it will be like the two of us against the world!”



Yucky kaderder!!! Ang perverted ng itchura niya! Bakit ang pogi niya? “Yan ba dahilan kung bakit ayaw mo pang i-reveal sa lahat yung tungkol saakin?”



“Exactly! Buti naman pina-practice mo na paggamit sa utak mo. That's good.”



Ako - ()



“People are now curious kung bakit ako nananahimik tungkol sa issue ngayon. Then if the right time comes, they will be surprise na yun ay dahil you’re not my prospect but my girlfriend. Pero syempre, tayong dalawa lang ang nakakaalam na hindi naman talaga totoo yun.”



Nababahala talaga ako kung paano mag-isip ang lalaking ‘to! Ang out-of-this-world niya! May mga plano siyang ang hirap intindihin pero sigurado naman siya sa mga ginagawa niya.















Habang kumakain, tuloy rin kami sa paggawa ng couple account na sinasabi niya.



Name: Laris Howfer and Atasha Orellana
Gender: Not Specified (Malamang dalawa kami!)
Birthday: July 25 (Yan daw ang date nung maging kami)
Username: LariSha (Couple name namin)
Password: •••••••••••••



“Tingin ka dito Hot Pink! Ngumiti ka ha kundi babangasan kita.”



*click*



“Ako rin picturan mo dali!”



“Psh~”



*click*



“Nice! Ang pogi ko talaga!!!” Tapos gumawa siya ng post at ni-publish niya yun. Wala pa namang makaka-view nito dahil naka-private pa yung account namin.



“First Dinner”
Taken July 26, 9:00PM at L & A Bistro



“Dapat siguro meron na din tayong endearment.”



Sumi-seryoso na talaga siya!!! Endearment daw!!! Tamang-tama, kakabasa ko sa mga stories ni AegyoDayDreamer, marami akong alam na tawagan! Panigurado hindi niya alam ‘to!



“Boo!!!”



“…”



“Babyloves?”



“…”



“Beb?”



“…”



“Junanax and Bugal!”



“Binabasa mo lahat ng stories ni Ruijin noh?”



“Waaaaaah!!! Alam mo yung mga yun!”



“Siguro naman alam mo na naging prospect ko rin siya noh? Lahat ng stories na sinusulat niya, alam ko lahat!”



“Binabasa mo?”



“Oo naman.”



“Anong favorite mo sa mga nasulat niya?”



“Well sa ngayon, lahat gusto ko. But she promised me, she will write a story about me. Kapag yun natapos na, baka yun ang maging favorite ko.” Nanahimik na lang ako nun. Kung gagawa talaga si AegyoDayDreamer ng kwento tungkol sa kanya, baka yun ang unang kwento na hindi ko babasahin sa story list niya. “Oh anong iniisip mo? Na kapag may kwento tungkol sa Kissing Bandit, hindi mo babasahin?”



“Waaaaah!!! Paano mo nalaman!!!” Mind-reader talaga siya!



“Obvious kasi sa hugis-siopao mong mukha ang lahat ng mga iniisip mo.” Eesh!!! Yan na naman siya sa pambu-bwiset niya eh! “Magi-stick na nga lang ako sa binansag kong nickname mo. Hot Pink... tapos kapag nasa mood ako, idagdag natin yung Hen Lin.”



“Ah ganun…” Oh di paninindigan ko rin yung nickname na tinatawag ko sa kanya!!! ATE GANDANG HALF-ET, HALF SYOKOY!!! Oh ano? Pahabaan?



Pero imbes na magalit at ipagsigawan sa kanya yung nickname niya, hindi ko natuloy dahil nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Pagdating kasi ng bill namin, siya yung naglabas ng pera at binayaran niya pati yung kinain ko. Saka siya tumayo, “Tara na, uuwi na tayo.”



“Li… libre mo?”



“Of course. First dinner natin ‘to eh.” 















Nakakapanibago kapag jumi-gentleman ‘tong si Ate Ganda. Eh kasi naman nasanay ako na perverted siya kung mag-isip, loko-loko, sira-ulo, basta lahat na ng negative traits, nasa kanya na!!! Tapos ngayong prospect niya ako at nagdi-‘date’ daw kami 'kunwari', ngayon ko lang medyo naiintindihan kung bakit ganun na lang ang pagsamba sa kanya ng mga kababaihan.



He’s no wonder a lady’s man!!! Alam niya kung paano magpasaya ng babae. Ibig sabihin, medyo napasaya niya ako ngayon.



Pagdating namin sa dorm, tuloy lang kami sa pag-uusap tungkol sa mga plano pa niya. Hanggang sa banyo, yun pa din ang usapan namin.



Oh, sinabi lang na nasa banyo, baka iba na iniisip niyo ha!!! Naghugas lang ako ng kamay tapos nagtu-toothbrush naman si Ate Ganda.



“Hort Pirnk… hirndi ka par ba margtur-turthbarsh ha…?”



“Ha?” Umi-alien talk na naman eh!



“Pwuhh!!!” Nagdura siya tapos binasa niya kamay niya para wisikan ako sa mukha. Walangya!!! “Sabi ko hindi ka pa ba magtu-toothbrush? Dapat pagtapos mong kumain, mag-toothbrush ka agad para hindi bumaho hininga mo.”



“Bakit, amoy mo ba hininga ko?” Binugahan ko nga siya ng hininga ko!



Napaatras naman si ET at napatakip sa ilong niya. “Yuck!!! Amoy na amoy yung kinain mo kanina!!! Magtoothbrush ka na nga!!! Palunukin kita ng toothpaste jan eh!”



“Ang arte nito!!! Saka na kapag matu-tulog na ako!!!”



“Paano ka gugustuhin halikan ng isang lalaki kung bad breath ka!” Ano daw? Bakit napunta doon ang usapan? Pero hindi ko na naitanong yun dahil tinulak niya ako palabas ng CR para kunin ko na daw yung toothbrush ko dun sa kwarto ko.



“Oh siya sige!!! Magtu-toothbrush na nga!!!”



After ng toothbrush session…



“Mouthwash? Hindi ka magma-mouthwash?”



“Hindi uso yun saakin eh.”



“Oh pwes, inuutusan kitang mag-mouthwash!”



Ako -  ͼ(=╭╮=)ͽ



Iba talaga kapag ang lalaki, mukhang babae!!! Dinaig pa nila kaartehan ng totoong babae! Dahil walang naman akong mouthwash, binigyan na lang niya ako.



*glarg glarg glarg~!!!*



“Pwuuuh!!! Ang anghang sa bibig~!!!” - (╥ ω ╥)



“Masasanay ka rin.” Bigla niyang inilapit yung ilong niya sa bibig ko para amuyin ang hininga ko. “Oh yan, hindi ka na amoy bawang.”



Ang sakit talaga magsalita nito! Wala naman akong kinaing bawang kanina eh! “Bumili ka ng sarili mong mouthwash ha. At ugaliin mong mag-toothbrush at mag-gargle pagkatapos kumain para hindi nangangamoy bulok yang bunganga mo.”



“Oo na sige na!!! Kumu-quota ka na sa pang-iinsulto at sermon saakin eh!!!” Papasok na nga ako sa kwarto ko kesa naman maibaon pa ako lalo sa mga kutya ng mokong na ‘to.



“Ops! Teka!” Hinila na naman niya bigla ang kwelyo ng jacket ko kaya medyo nasakal ako. “Sinabi ko na bang tapos na tayo ha?”



“Ano na naman ba?”



“It’s now time, Hot Pink.”



“Time for what?”



“Ngayong mabango na hininga mo, you’re ready for your kissing session.”



Ready for what?



Ki…



Kiss…



Kissing…



Session…



“Kissing session…?”



“Naalala mo yung bowl? Bubunot ka na doon.”



NOOOOOOOOOOOO!!! Hindi pa ako reydi!!! - ٩(×̯×)۶















Nandito kami sa loob ng kwarto ni Laris. Kanina ko pa sinusubukang sumibat pero kanina pa rin niya akong pinipigilan. “Next week na lang~”



“Hindi.”



“Hindi pa ako ready.”



“Wala akong pake.”



“Eh kung bukas? Ihahanda ko lang ang sarili ko…”



“Ngayon na!”



“Waaaaaaaaah!!! AYOKO!!!” I must evacuate now!!!



“Oy!!! Hindi ka pwedeng tumakas!!!” Sabay hila niya sa buhok ko.



“Aray~ Pakawalan mo ako!!! Rape!!! Rape!!!”



*buuuuggsssh!!!*



“Aray~” Napektusan pa niya ako sa noo! ANG SAKIT!!!



“Kumalma ka nga!!! Kung makasigaw ka ng rape jan! Mas mukha ka pa ngang rapist saakin eh!” Binalibag niya ako para mapaupo sa sofa. Ayaw niya talaga akong pakawalan! Ajujujuju!!! “At anong tingin mo ba saakin, pipilitin kitang halikan ako, KAPAL MO HA!”



“Eh sabi mo kissing session eh!!! Kiss! Kiss!!!” Tinatakpan ko na lips ko. “Ayokong mag-kiss tayo!!!”



“Eh bakit sinisigaw mo kanina, rape?”



“Parang ganun na din yung balak mo! Ire-rape mo lips ko!!!”



“Grabe na sa kakapalan yang mukha mo!” Napatayo siya at parang nanggigil siya sa inis saakin! Aba, naiimbyerna din ako sa kanya! “Diba sabi ko sayo, I’ll find way to teach you kahit na hindi maglapat ang labi natin. Kaya please lang, wag kang OA jan!”



Hindi pa rin ako kampante sa sinasabi niya!!! Natatakot ako!!! Parang anytime maba-violate ang human rights ko! Subukan lang talaga niya!!! Ipapalasap ko sa kanya ng mas maaga yung nagliliyab na apoy sa impyerno!!!



“Bumunot ka na!!! Wag kang maarte!!!”



Nanginginig na yung kamay ko habang papalapit ito dun sa bowl. Ampowtek!!! Alam mo yung feeling ng isasawsaw mo yung kamay mo sa tubig na puno ng piranha! Parang ganito yun!!!



“DALI!!!”



“Ito na nga!!!” Excited masyado!!!



Maygawd!!! May hawak na akong maliit na papel ngayon! Sa papel na yun nakasalalay kung ipapadala ko na ba sa impyerno si Ate Ganda. Binuklat ko na yung papel at binasa ang nakasulat…



“Flying Kiss”



“Woohoo!!!” Tuwang-tuwa naman daw ako. Nakahinga talaga ako ng maluwag nang mabasa yun! Kapag sinuswerte ka nga naman!!! “Flying Kiss lang pala eh!!! Ang dali-dali lang nun! Kahit three-years old, kayang-kayang gawin yun. Mwahahaha!!!”



“Madali lang pala. Sige humarap ka saakin at bigyan mo ako ng flying kiss ngayon.”



“Eh…?” Siguro mga ten seconds akong nakatitig kay Laris habang hinihintay niyang i-flying kiss ko siya. Pero parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko nang subukan kong gawin yun sa harap niya.



Ganito lang naman yun diba. Ilalapit mo yung kamay mo sa labi mo tapos papahabain mo lang yung nguso mo para hipanin ang target mo. Pero…



“Tsk!!! Muntaeng pagmumukha yan! Yang itchura mo parang gustong magbigay ng flying kick kesa kiss eh!” At nagmake-face pa siya na ginagaya yung itchura ko kanina! “Sabi mo kahit three-years old kayang gawin ‘to, bakit hindi mo magawa ng tama?”


“Eh… kase…” Nahihiya ako! Iniisip ko pa lang na siya ang ipa-flying kiss ko, kinikilabutan na ako!!! “Nakakadiri eh!!!”



“Hindi ka uuwi hangga’t hindi mo ginagawa ng matino!”



“Hindi ko nga kayang gawin!!!”



“Ganito lang yan ha…” Bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa dalawang balikat ko para magkaharapan na talaga kami. “Isipin mo, ako si Zack.”



“Si Zack…” Okay, kaharap ko ngayon si Zack. Si Zack ang kaharap ko at hindi si Laris. Si Zack… si Zack… si Zack… si Zack… ayan na si Zack!!! Nakikita ko na siya!!!



“Ang gwapo-gwapo mo talaga Zack~”



“A flying kiss is also called a BLOWN KISS. You usually do it to people you only like. Hahalikan mo muna yung kamay mo, then blow it to the direction of the person that you like.”



“Okay~” Si Zack pa rin ang nakikita ko eh.



“But remember this,  you should first establish eye-contact with your target. Make sure you give out your best look, either cute or sexy.”



“Okay~ parang ganito?”



“Yeah, like that!”



OHMAYGAWD!!! Nginitian ako ni Zack!!! Natutuwa siya sa sexy look ko!!! At ginawa ko na nga yung flying kiss. I kissed my hand and blew it into his direction.



Nagtu-twinkle lang ang buong paligid ko. Magkasama kaming dalawa ni Zack at ang gwapo pa talaga ng pagkakangiti niya! Ang nakakaloka pa jan, yung flying kiss ko, parang nagiging visible sa paningin ko! At papunta na yung kiss ko na yun kay Zack!!!



At ang dreamy lang talaga ng feeling. Mag-insert nga tayo ng sexy background music dito kasi
ayan na!!! Nasalo na ni Zack ang kiss ko!!!



At…



At…



At…



BACK TO REALITY!!!



Parang usok na nawala sa eksena si Zack at napalitan ni Laris.



Tapos balahura niya lang na dinakma ang kiss ko dun sa ere.



“Very good!!!” Nasa kamay na niya yung kiss ko, tapos… “Practisin mo lang ng maiigi yan ha. That’s it for today. You’re dismissed.”



Tapos…



Yung kiss ko na nasa kamay niya, idinikit niya sa labi niya. Isabay mo pa yung ngiting nakakaloka!!!



 (Disclaimer: I do not own the photos used in this post. Credit goes to its owner/s!!!)

End of Chapter 21


16 comments:

  1. grbe lng to d max!!! ing klase c laris at atsha!!! larisha!!! un n pla couple nme nila! ang cute! hahhhhahahhaha!!! sobrng kinilig nmn aq d2!!! tas ung s toothbrush!! kyahhh dey r so cute!!!!!!

    kkainlab lng tlga itong c laris!!! yebah, kissing bandit!!! kktuwa, nasingit p c zack d2. ahhhahhaha!!! at ung kiss!!! ung kiss s air!!!!

    ReplyDelete
  2. ~angel is luv~

    nakakakilig sobra si laris. tamang paraan para makahalik. sayang flying kiss lang, pero paano nga kaya sila magpa-practice ng kiss kung hindi naman pwedeng magdikit ang mga lips nila? at gusto ko rin i-follow ang larisha. please ate gawaan mo naman sila ng fb page!

    ReplyDelete
    Replies
    1. even a guy like me would be a fan of this! this is such a great and funny story!

      Delete
  3. oh my gadddddd...........
    pangtangal ng sama ng mood kinkilig ako
    ahahahahah
    ang cute
    eeeeeeeee

    ReplyDelete
  4. oh my gosh!!!.. kinilig ako sobra!.. LariSha coming through! they look so good together!!!.. iba talaga yung mga trip nila,lalo na sa mga endearments!!hahah.. na remember ko tuloy ung my nephew-in-law.. ang cute ng flying kiss nila!!kakilig!! sobra!!!!..

    ReplyDelete
  5. sjbauhajalns;ouapyowgholns;oaophsousgwgljb!!!

    laris yah! why you ganyan?? sobrang nakakakilig sila shete lang talaga!!!
    wag ka na umieksena jan zack, kahit imagination ka lang ni yana jan, wag ka na umepal!
    larisha for the win!

    ReplyDelete
  6. galing moe miss author

    ReplyDelete
  7. Yaaaaahh... How so cute o(^__^o) haha ansarap nilang kurutin dalawa xD Atasha sis wag mo ng pagpantasyahan si Papa Zack okay? may Papa Laris ka na dear ;) haha Excited na ako sa mga future kissing sessions nila ... Kinikilig ako :"""">

    Ms. Author waiting for more updates God bless po :*

    ReplyDelete
  8. LARISHA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    grabe si laris, iba kung maka-score! haha!

    ReplyDelete
  9. gus2 q nng pkasalan s laris! ang cool at kulit at uber s gwapo nia tlga!

    ReplyDelete
  10. ANG TAGAL! XDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDDD

    ReplyDelete
  11. oi grabeh lang talaga...hahahaha...kinikilig talaga ako,,,whahahahahaha.... oi Laris naiiinlab kana sakin noh???este kay Tasya pala..hahahahah

    ReplyDelete
  12. Wahahhaa! Shemay na Flying kiss iyan! Nabitin ako. Lol. Hahahhaa...aantayin ko update nito. *3*

    ReplyDelete
  13. *o* KYAAAAAAAAAAHH d q mapigilang mapangiti :D

    ReplyDelete
  14. ako na lng mag-pa-flying kiss kay zack .. gwapo nya!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  15. OH MY GOSH! IKAW NA TALAGA LARIS! :">
    Dapat hindi si Zack ang inimagine ni Atasha kundi si Laris na mismo! > 0 <

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^