Friday, August 10, 2012

Demonair Luster: Prologue





Demon's Temptation
[Prologue | Teaser| Introduction]







“Nakakainis! Bwisit na impaktang ‘yan! Akala mo kaya niya ang lahat! Nakakainis! Kung pwede ko lang siyang tirisin edi tiniris ko na siya matagal na! Badtrip!” Binalibag ko yung mga unan sa kama ko at ginulo ko yung buhok ko sa sobrang gigil ko. 

Sige, alam ko kasalanan ko 'to eh. Dahil hinahayaan ko silang api-apihin nila ako! Pero sinusunod ko lang naman yung bilin ng mga parents ko eh. Wag ko daw papatulan yung mga taong nangbu-bully sa akin. Pabayaan ko lang daw sila.

Good girl ako. At dahil sa pagiging good girl ko, pinagtitripan na nila ako. 

Tss! What's the big deal of being a good girl?! Kainis talaga! Sarap niyang kalbuhin! Matalo sana siya sa pageant!

“Then accept my offer.”

“Ay palakang demo-aray!” Bigla nalang akong nahulog sa kama at tumama yung baba ko sa sahig. Tae! Ang sakit lang! Bwisit na Sebastian 'to! Bigla bigla nalang kasing sumusulpot! “Nandito ka nanaman! Ilang beses ko ba sasabihin sayo na layuan mo na ako ha?!” Tumayo ako mula sa pagkakadapa ko. “Saka tigil-tigilan mo nga ako jan sa offer na 'yan dahil kahit anong gawin mo, hinding hindi ako papayag 'no!” 

Bigla siyang ngumisi at umupo sa kama ko. “Hwag kang magsasalita ng hindi tapos dahil baka kainin mo ‘yan.”

Ang taas din naman ng self confidence niya ha! Binato ko siya ng unan kaso bigla nalang siyang naglaho at tanging usok nalang yung nakita ko kaya naman hindi siya natamaan ng unan. Tss. Cheater!

“Pumayag ka na...”

“Ay palaka!” Nagulat nanaman ako dahil bigla siyang sumulpot sa may gilid ko at binulungan ako sa tenga.

Bakit ba ang kulit niya?

Tinignan ko siya ng masama. As in sobrang sama na kulang nalang buhusan ko siya ng holy water at hampasin ng buntot ng pagi... pero teka? Tatalab ba yun sa kanya? “Alam mo... gwapo ka sana eh, demonyo ka lang!” Inirapan ko siya at narinig ko naman na tumawa siya.

“I already know that.” Lumapit siya sa akin ng kaunti. “So naaakit ka rin pala sa akin?” Ngumisi siya. “Accept my offer.”

"What?! Kahit pala demonyo mahangin 'no?!" I rolled my eyes. "Hell no! Over my dead and sexy gorgeous body!"

Sumasakit talaga palagi yung ulo ko sa tuwing kinakausap ko 'tong demonyo na 'to. Yes, he's a demon. As in demonyo na pwede mong ibenta yung soul mo sa kanya sa kung ano man ang hilingin mo. Pero ibahin niyo ako. Dahil I never summon or call him. Kusa nalang siyang lumabas sa panaginip ko. Akala ko nga hanggang panaginip lang 'yon eh. Pero nagulat nalang ako dahil isang araw bigla nalang siyang sumulpot habang umiiyak ako dito sa kwarto ko. Halos mamamatay ako sa takot sa kanya. Pero mukha naman siyang mabait. Scratch that. Hindi naman niya ako sinaktan or kung ano man. Kinausap niya lang ako at sinabihan niya ako sa sinasabi niyang offer. Pero tulad nga ng sinabi ko, hinding hindi ko tatanggapin yung offer na 'yun.

Napapikit ako at napabuntong hininga. “What were you thinking?” Napamulat ako dahil parang sobrang lapit nung boses niya at halos maduling ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Hindi ako makapagsalita dahil parang nahi-hypnotize ako sa mga mata niya. “Are you thinking about my offer? Papayag ka na ba?” He grinned. 

Tinulak ko siya at umiwas ng tingin. “Hindi at kahit kelan, hindi ako papayag.”

Narinig ko siyang tumawa ng mahina. “Pag-isipan mong mabuti ‘yan, dahil baka mga isang araw kainin mo lahat ng mga sinabi mo." Tinalikuran niya na ako at humarap sa may salamin. "Babantayan kita, Ange...lique.” Bigla nalang siyang nawala.

Kahit kelan, hindi ako makikipagkasundo sa isang demonyo. Mamamatay nalang ako bago pa mangyari 'yon.

Kinabukasan pumasok ako ng maaga sa school namin, dahil tutulungan ko pa yung mga faculty teacher na mag-check ng mga test papers. Additional grade din 'yun eh! Sayang. Saka wala naman akong gagawin. Nakakatamad naman matulog at tumunganga. 

Nung time na namin agad akong pumunta sa may classroom namin pero pagbukas ko ng pintuan bigla nalang akong napapikit dahil may tubig na bumuhos sa akin mula sa taas. Akala ko tapos na, pero may kasunod pa pala. Dahil binuhusan ako ng isa sa mga classmate ko ng isang timbang harina.

“Hahahahaha! Tignan natin kung makakalapit ka pa kay George! Hahaha!" Sabi ni Erica habang tumatawa. Nakayuko lang ako, nagpipigil ng galit at luha. "Bye bye, loser!” Tumawa siya at saka niya ako binangga bago siya lumabas ng classroom.

Nung inangat ko yung tingin ko nakita ko yung mga classmate ko na nakatingin sa akin. Para bang awang-awa sila sa nangyari sa akin. Hindi ko na napigilan yung luha ko at tumayo na ako para tumakbo papunta sa may restroom.

Ayoko ng mga tingin na yun. Yung tingin na puro awa lang ang makikita mo sa mga mata nila. Haha! Naaawa sila sa akin dahil palagi nalang akong pinagtitripan ni Erica. Naaawa sila dahil hindi ko man lang magawang lumaban sa kanila. Naawa sila sa akin dahil hinahayaan ko lang silang maliitin ako. Oo nga naman! Nakakaawa ako.

“Just accept my offer and you will never ever feel the pain again.” Narinig ko yung bulong na 'yun pero hindi ko pinansin. 

Alam ko naman na siya yun eh. Sino pa ba ang mangugulit sa akin tungkol sa offer na 'yun?

Lumabas na ako ng restroom at pumunta sa may locker room. Nakayuko lang ako habang naglalakad dahil pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Siguro iniisip nila kung anong nangyari sa akin at bakit may isang tulad ko na naglalakad sa corridor ng school namin.

Lumapit agad ako sa mga locker at hinanap yung locker ko. Nung makita yun ay agad kong binuksan para kuhain yung PE uniform ko. Maliligo nalang ako sa may shower room. Buti nalang palagi akong may dalang extra undies and shirts. Magja-jogging pants nalang ako at t-shirt.

Pagkatapos kong magbihis ay umupo muna ako sa may mga upuan sa loob ng locker room. Pinapatuyo ko yung buhok ko.

Kaya ko lang naman nagagawang tumayo sa kabila ng mga pang-aapi nila dahil kay George. Siya ang lakas ko. Siya ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. Sa tuwing malalaman niyang inaapi ako nila Erica, palagi niyang pinapagaan yung loob ko. Kaya nga kahit papaano gumagaan yung loob ko.

Dahil alam ko, hinding hindi ako iiwanan ni George.

Lalabas na sana ako ng locker room ng makarinig ako ng kaunting kalabog. At pagsilip ko dun sa may gilid ng locker room ng mga boys ay nabitawan ko yung hawak kong suklay at yung luha ko sunod sunod na tumulo.

Hindi ako makahinga. 

Pero mas lalong hindi ako makahinga sa mga salitang narinig ko. “Si Angelique? Tss! I'm just using her dahil alam kong patay na patay siya sa akin. Of course! You are prettier than her. Don't worry Rica, ikaw lang ang babae dito sa puso ko.” Then he kissed her... they are kissing torridly.

Hindi ko alam yung gagawin ko kaya tumakbo nalang ako. Tumakbo ako palabas ng campus namin. Wala na akong pakialam kung hindi ako makapasok sa mga subjects ko. Tumatakbo lang ako, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta ang alam ko, gusto kong tumakbo.

Hanggang kelan nga ba ako tatakbo? Hanggang kelan ko tatakbuhan ang mga sakit at problema ko? Hanggang kelan ko sila tatakasan?

Hanggang kelan ako magdurusa?

I've been a good girl since my parents died. Lahat ng mga bilin nila sinunod ko. Hindi ako gumagawa ng mga bagay na alam kong mali. Dahil alam ko ang mga kabutihang ginagawa ko ay may kapalit na magagandang bagay.

Pero bakit puro sakit ang naging kapalit ng mga magagandang bagay na nagawa ko?

Napahinto nalang ako sa pagtakbo ng biglang sumabit yung paa ko sa may ugat ng puno. Naramdaman ko yung sakit ng tuhod ko dahil sa pagbagsak ko. Naramdaman ko rin lahat ng pagod dahil sa pagtakbo ko, higit sa lahat... naramdaman ko lahat ng sakit. Napahagulhol at napatakip nalang ako sa mukha ko.

Ang sakit eh. Ang sakit sakit. 

Akala ko ba ako ang mahal niya? Sabi niya, palagi lang siyang nandito sa tabi ko at hinding hindi ako iiwanan. Sinabi niya yun eh! Pero bakit ngayon sinasabi niya kay Erica na hindi niya ako mahal at ginagamit niya lang ako?!

Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. Nakaramdam ako ng panlalamig dahil sa yakap na yun. “Masakit hindi ba?” Mas lalo akong napahagulhol.

Bakit ba siya nandito?! Bakit niya ba ako palaging sinusundan?!

Tinulak ko siya ng malakas kaya naman napalayo siya sa akin. “Bakit ka ba nandito ha?! Pagtatawanan mo ba ako dahil nakikita mo akong nasasaktan?! S-sige lang! Tumawa ka lang! Siguro iniisip mo ngayon na tama ka at dapat pumayag nalang ako sa sinasabi mong offer! M-manigas ka! Dahil kahit anong sakit pa ang maramdaman ko, h-hinding hindi ako papayag sa sinasabi mo!”

Bigla nalang niya ako hinawakan sa magkabilang pisngi. Tinignan niya ako sa mga mata ko, mga matang punong puno ng luha. Nakatingin lang din ako sa mga mata niya, wala akong ibang makitang repleksyon doon kundi blanko lang.

“Just accept my offer and I promised... I will not let anyone to hurt you.”

“I-I can't.” Iniwas ko yung tingin ko sa kanya pero muli niyang ibinalik yung mga tingin niya sa mga mata ko.

Pakiramdam ko nahi-hypnotize nanaman ako sa mga tingin niya. Hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko ngayon. Nahihilo ako. Nasusuka ako. Anong nangyayari sa akin?

“Angelique... hindi mo ba nakikita? Lahat sila, gusto kang saktan. Hwag mong hintayin na dumating yung araw na saktan ka na nilang lahat. Dahil kapag nangyari ‘yon... papatayin ko silang lahat.”

Bigla nalang nag-iba yung kulay ng mga mata niya. Naging kulay pula.

“Nandito ako, hinding hindi kita pababayaan. Hinding hindi ko hahayaan na saktan ka nila. Hinding hindi kita iiwanan tulad ng ginawa ng lalaking ‘yun sa’yo.”

Kumirot nanaman yung puso ko dahil naalala ko nanaman yung mga narinig kong sinabi ni George. 

Tinignan ko ng diretso sa mata si Sebastian. 

Tama siya. 

Kahit na demonyo siya. Kahit na alam kong masama siya. Hindi niya ako iniwanan. Hindi niya ako pinabayaan... pero dapat nga ba akong magtiwala sa kanya?

Bahala na.

Hinawakan ko siya sa pisngi... “Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari.”

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko pero napalitan rin yun ng pagngisi. “Hindi ka magsisisi sa naging desisyon mo.” Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko habang nakatingin sa mga labi ko.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na dumampi yung labi niya sa labi ko... and everything went black.

Nagising ako sa isang napakadilim na kwarto.

Joke lang! Maliwanag siya, kaya lang naging madilim dahil kulay itim yung ceiling, walls and tiles. O diba? Magmumukha talagang madilim dahil puro black! Pati na rin yung kumot, unan, at ka...ma ko... it...im...?

Waaah!!! Nasaan ako?! Ngayon ko lang narealize na hindi ko ito kwarto! Ano ba naman 'yan! Bakit wala akong maalala sa nangyari kanina?! 

“Gising ka na pala.”

“Tinolang palaka!” Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Palagi nalang akong ginugulat nitong demonyong 'to! Kung may sakit lang ako sa puso matagal na akong patay!

“Maayos na ba ang pakiramdam mo?”

“H-ha? T-teka! Bakit magkasama tayo ha! Anong meron?! Anong nangyari?! Hindi ba sinabi ko na sayo na tantanan mo na ako! Pero bakit magkasama tayo?! Nasaan ako ha?! Sabihin mo nga sa akin! Saka... b-bakit... b-bakit ka naka-topless!!!!” Uwaah!!! Mababaliw na ata ako! Ano bang nangyayari sa akin!!!

Nagsuot na siya ng damit niya. “Are you done?” Expressionless niyang sabi at saka lumapit sa kama kaya naman isiniksik ko yung sarili ko sa may dulo ng kama. “Don't you remember? Akin ka na...” He smiled. An evil smile.

Napalunok ako sa sinabi niya. Anong sa kanya na! Wala akong maalala na sa kanya na ako ha! At saka hindi naman ako pumayag dun sa inooffer niya eh! Ano bang sinasabi ng siraulong demonyo..ng 'to?

“Pumapayag na ako sa gusto mong mangyari.”

Napailing ako sa naalala ko. Hindi! Hindi totoo yun! Panaginip lang 'yun eh!!! Waaah!!! Hindi ako pumayag!!!

Nakita kong ngumisi siya at tumalikod sa akin. “Don't worry, I will keep my promises to you. Isa akong demonyo, pero kahit ganun pa man. Ang pangako namin ay hindi namin sisirain... basta ba, marunong kayong sumunod sa usapan.” Humarap ulit siya sa akin at seryoso yung mukha niya. “And don't you ever try to escape dahil kahit saan ka pa pumunta, mahahanap kita. Dahil sa akin ka na at nakaukit na sa mga puso natin ang mga pangalan natin.”

Totoo nga.

Ano ba 'tong pinasok ko!

Mali 'to eh! Maling mali! Mali talaga dahil isa siyang demonyo at hindi dapat pagkatiwalaan... pero bahala na nga talaga!

Wala naman sigurong mawawala kung pagkakatiwalaan ko siya diba?

Pero... hindi pa rin ako makapaniwalang hawak na demonyong 'to ang puso at buhay ko!

That demon...

that demon was really crazy and I hope he won't broke his promises... dahil ngayon, ibibigay ko na ng buong buo yung tiwala ko sa kanya. 

6 comments:

  1. katakot nmn ng bstfrnd nya .. kung may gnun akong bff .. magka-clash kami .. hehe ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay! Hehehe. XD
      ako kung may ganun akong best friend pagnanasaan ko! Lalo na kung hawtt! Waaah!
      Hehe :)

      Delete
    2. aigo! haha !! kung may pag-nanasahan siguro akong mga ganung klase .. syempre yung mga death gods and vampires characters ko sa fiction and fact ko .. hahaha !!! simulan mo na nga 'tong kwento mu girl .. interesting 2ng kwento mu ee .. ^^

      Delete
    3. Uwaaah! Ako rin gusto ko Vampire! Rawr! Ehhh? Talagaaa?? Nasaan? Meron din ba sa Watty? Hehehe ^___^ kung meron po penge link!
      Haha sige po mamayamaya ~ ako'y magiimagine muna! Hahahaha. Imagine talaga? XD
      Salamat po pala sa pagbasa at comment! Hehehe.

      Delete
    4. yup meron din po .. e2 link http://www.wattpad.com/story/1524670-fiction-and-fact-beast .. welcome po .. ano wattpad mu ifa-fan kita . ^________^

      Delete
  2. ~angel is luv~

    wow! naiintriga ako dito ha!!.. update mo na po..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^