Demon's Temptation
[Prologue | Teaser| Introduction]
“Nakakainis! Bwisit na impaktang
‘yan! Akala mo kaya niya ang lahat! Nakakainis! Kung pwede ko lang siyang
tirisin edi tiniris ko na siya matagal na! Badtrip!” Binalibag
ko yung mga unan sa kama ko at ginulo ko yung buhok ko sa sobrang gigil
ko.
Sige, alam ko kasalanan ko 'to
eh. Dahil hinahayaan ko silang api-apihin nila ako! Pero sinusunod ko lang
naman yung bilin ng mga parents ko eh. Wag ko daw papatulan yung mga taong
nangbu-bully sa akin. Pabayaan ko lang daw sila.
Good girl ako. At dahil sa
pagiging good girl ko, pinagtitripan na nila ako.
Tss! What's the big deal of being
a good girl?! Kainis talaga! Sarap niyang kalbuhin! Matalo sana siya sa
pageant!
“Then accept my offer.”
“Ay palakang demo-aray!” Bigla
nalang akong nahulog sa kama at tumama yung baba ko sa sahig. Tae! Ang sakit
lang! Bwisit na Sebastian 'to! Bigla bigla nalang kasing sumusulpot! “Nandito ka nanaman! Ilang beses ko ba
sasabihin sayo na layuan mo na ako ha?!” Tumayo ako mula
sa pagkakadapa ko. “Saka
tigil-tigilan mo nga ako jan sa offer na 'yan dahil kahit anong gawin mo,
hinding hindi ako papayag 'no!”
Bigla siyang ngumisi at umupo sa
kama ko. “Hwag kang
magsasalita ng hindi tapos dahil baka kainin mo ‘yan.”
Ang taas din naman ng self
confidence niya ha! Binato ko siya ng unan kaso bigla nalang siyang naglaho at
tanging usok nalang yung nakita ko kaya naman hindi siya natamaan ng unan. Tss.
Cheater!
“Pumayag ka na...”
“Ay palaka!” Nagulat
nanaman ako dahil bigla siyang sumulpot sa may gilid ko at binulungan ako sa
tenga.
Bakit ba ang kulit niya?
Tinignan ko siya ng masama. As in
sobrang sama na kulang nalang buhusan ko siya ng holy water at hampasin ng
buntot ng pagi... pero teka? Tatalab ba yun sa kanya? “Alam mo... gwapo ka sana eh, demonyo
ka lang!” Inirapan ko siya at narinig ko naman na tumawa
siya.
“I already know that.” Lumapit
siya sa akin ng kaunti. “So
naaakit ka rin pala sa akin?” Ngumisi siya. “Accept my offer.”
"What?! Kahit pala demonyo
mahangin 'no?!" I rolled my eyes. "Hell no! Over my dead and sexy
gorgeous body!"
Sumasakit talaga palagi yung ulo
ko sa tuwing kinakausap ko 'tong demonyo na 'to. Yes, he's a demon. As in
demonyo na pwede mong ibenta yung soul mo sa kanya sa kung ano man ang hilingin
mo. Pero ibahin niyo ako. Dahil I never summon or call him. Kusa nalang siyang
lumabas sa panaginip ko. Akala ko nga hanggang panaginip lang 'yon eh. Pero
nagulat nalang ako dahil isang araw bigla nalang siyang sumulpot habang umiiyak
ako dito sa kwarto ko. Halos mamamatay ako sa takot sa kanya. Pero mukha naman
siyang mabait. Scratch that. Hindi naman niya ako sinaktan or kung ano man.
Kinausap niya lang ako at sinabihan niya ako sa sinasabi niyang offer. Pero tulad
nga ng sinabi ko, hinding hindi ko tatanggapin yung offer na 'yun.
Napapikit ako at napabuntong
hininga. “What were
you thinking?” Napamulat ako dahil parang sobrang lapit
nung boses niya at halos maduling ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha
ko. Hindi ako makapagsalita dahil parang nahi-hypnotize ako sa mga mata
niya. “Are you
thinking about my offer? Papayag ka na ba?” He
grinned.
Tinulak ko siya at umiwas ng
tingin. “Hindi at
kahit kelan, hindi ako papayag.”
Narinig ko siyang tumawa ng
mahina. “Pag-isipan
mong mabuti ‘yan, dahil baka mga isang araw kainin mo lahat ng mga sinabi
mo." Tinalikuran niya na ako at humarap sa may
salamin. "Babantayan
kita, Ange...lique.” Bigla nalang siyang nawala.
Kahit kelan, hindi ako
makikipagkasundo sa isang demonyo. Mamamatay nalang ako bago pa mangyari 'yon.
Kinabukasan pumasok ako ng maaga
sa school namin, dahil tutulungan ko pa yung mga faculty teacher na mag-check
ng mga test papers. Additional grade din 'yun eh! Sayang. Saka wala naman akong
gagawin. Nakakatamad naman matulog at tumunganga.
Nung time na namin agad akong
pumunta sa may classroom namin pero pagbukas ko ng pintuan bigla nalang akong
napapikit dahil may tubig na bumuhos sa akin mula sa taas. Akala ko tapos na,
pero may kasunod pa pala. Dahil binuhusan ako ng isa sa mga classmate ko ng
isang timbang harina.
“Hahahahaha! Tignan natin kung
makakalapit ka pa kay George! Hahaha!" Sabi ni
Erica habang tumatawa. Nakayuko lang ako, nagpipigil ng galit at luha. "Bye bye, loser!” Tumawa
siya at saka niya ako binangga bago siya lumabas ng classroom.
Nung inangat ko yung tingin ko
nakita ko yung mga classmate ko na nakatingin sa akin. Para bang awang-awa sila
sa nangyari sa akin. Hindi ko na napigilan yung luha ko at tumayo na ako para
tumakbo papunta sa may restroom.
Ayoko ng mga tingin na yun. Yung
tingin na puro awa lang ang makikita mo sa mga mata nila. Haha! Naaawa sila sa
akin dahil palagi nalang akong pinagtitripan ni Erica. Naaawa sila dahil hindi
ko man lang magawang lumaban sa kanila. Naawa sila sa akin dahil hinahayaan ko
lang silang maliitin ako. Oo nga naman! Nakakaawa ako.
“Just accept my offer and you
will never ever feel the pain again.” Narinig
ko yung bulong na 'yun pero hindi ko pinansin.
Alam ko naman na siya yun eh. Sino pa
ba ang mangugulit sa akin tungkol sa offer na 'yun?
Lumabas na ako ng restroom at
pumunta sa may locker room. Nakayuko lang ako habang naglalakad dahil
pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Siguro iniisip nila kung anong nangyari
sa akin at bakit may isang tulad ko na naglalakad sa corridor ng school namin.
Lumapit agad ako sa mga locker at
hinanap yung locker ko. Nung makita yun ay agad kong binuksan para kuhain yung
PE uniform ko. Maliligo nalang ako sa may shower room. Buti nalang palagi akong
may dalang extra undies and shirts. Magja-jogging pants nalang ako at t-shirt.
Pagkatapos kong magbihis ay umupo
muna ako sa may mga upuan sa loob ng locker room. Pinapatuyo ko yung buhok ko.
Kaya ko lang naman nagagawang
tumayo sa kabila ng mga pang-aapi nila dahil kay George. Siya ang lakas ko.
Siya ang nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. Sa tuwing malalaman niyang inaapi
ako nila Erica, palagi niyang pinapagaan yung loob ko. Kaya nga kahit papaano
gumagaan yung loob ko.
Dahil alam ko, hinding hindi ako
iiwanan ni George.
Lalabas na sana ako ng locker
room ng makarinig ako ng kaunting kalabog. At pagsilip ko dun sa may gilid ng
locker room ng mga boys ay nabitawan ko yung hawak kong suklay at yung luha ko
sunod sunod na tumulo.
Hindi ako makahinga.
Pero mas lalong hindi ako
makahinga sa mga salitang narinig ko. “Si
Angelique? Tss! I'm just using her dahil alam kong patay na patay siya sa akin.
Of course! You are prettier than her. Don't worry Rica, ikaw lang ang babae
dito sa puso ko.” Then he kissed her... they are kissing
torridly.
Hindi ko alam yung gagawin ko
kaya tumakbo nalang ako. Tumakbo ako palabas ng campus namin. Wala na akong
pakialam kung hindi ako makapasok sa mga subjects ko. Tumatakbo lang ako, hindi
ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta ang alam ko, gusto kong
tumakbo.
Hanggang kelan nga ba ako
tatakbo? Hanggang kelan ko tatakbuhan ang mga sakit at problema ko? Hanggang
kelan ko sila tatakasan?
Hanggang kelan ako magdurusa?
I've been a good girl since my
parents died. Lahat ng mga bilin nila sinunod ko. Hindi ako gumagawa ng mga
bagay na alam kong mali.
Dahil alam ko ang mga kabutihang ginagawa ko ay may kapalit na magagandang
bagay.
Pero bakit puro sakit ang naging
kapalit ng mga magagandang bagay na nagawa ko?
Napahinto nalang ako sa pagtakbo
ng biglang sumabit yung paa ko sa may ugat ng puno. Naramdaman ko yung sakit ng
tuhod ko dahil sa pagbagsak ko. Naramdaman ko rin lahat ng pagod dahil sa
pagtakbo ko, higit sa lahat... naramdaman ko lahat ng sakit. Napahagulhol at
napatakip nalang ako sa mukha ko.
Ang sakit eh. Ang sakit
sakit.
Akala ko ba ako ang mahal niya?
Sabi niya, palagi lang siyang nandito sa tabi ko at hinding hindi ako iiwanan.
Sinabi niya yun eh! Pero bakit ngayon sinasabi niya kay Erica na hindi niya ako
mahal at ginagamit niya lang ako?!
Naramdaman ko nalang na may
yumakap sa akin. Nakaramdam ako ng panlalamig dahil sa yakap na yun. “Masakit hindi ba?” Mas
lalo akong napahagulhol.
Bakit ba siya nandito?! Bakit
niya ba ako palaging sinusundan?!
Tinulak ko siya ng malakas kaya
naman napalayo siya sa akin. “Bakit
ka ba nandito ha?! Pagtatawanan mo ba ako dahil nakikita mo akong nasasaktan?!
S-sige lang! Tumawa ka lang! Siguro iniisip mo ngayon na tama ka at dapat
pumayag nalang ako sa sinasabi mong offer! M-manigas ka! Dahil kahit anong
sakit pa ang maramdaman ko, h-hinding hindi ako papayag sa sinasabi mo!”
Bigla nalang niya ako hinawakan
sa magkabilang pisngi. Tinignan niya ako sa mga mata ko, mga matang punong puno
ng luha. Nakatingin lang din ako sa mga mata niya, wala akong ibang makitang
repleksyon doon kundi blanko lang.
“Just accept my offer and I
promised... I will not let anyone to hurt you.”
“I-I can't.” Iniwas
ko yung tingin ko sa kanya pero muli niyang ibinalik yung mga tingin niya sa
mga mata ko.
Pakiramdam ko nahi-hypnotize
nanaman ako sa mga tingin niya. Hindi ko malaman kung anong nararamdaman ko
ngayon. Nahihilo ako. Nasusuka ako. Anong nangyayari sa akin?
“Angelique... hindi mo ba
nakikita? Lahat sila, gusto kang saktan. Hwag mong hintayin na dumating yung
araw na saktan ka na nilang lahat. Dahil kapag nangyari ‘yon... papatayin ko
silang lahat.”
Bigla nalang nag-iba yung kulay
ng mga mata niya. Naging kulay pula.
“Nandito ako, hinding hindi kita
pababayaan. Hinding hindi ko hahayaan na saktan ka nila. Hinding hindi kita
iiwanan tulad ng ginawa ng lalaking ‘yun sa’yo.”
Kumirot nanaman yung puso ko
dahil naalala ko nanaman yung mga narinig kong sinabi ni George.
Tinignan ko ng diretso sa mata si
Sebastian.
Tama siya.
Kahit na demonyo siya. Kahit na
alam kong masama siya. Hindi niya ako iniwanan. Hindi niya ako pinabayaan...
pero dapat nga ba akong magtiwala sa kanya?
Bahala na.
Hinawakan ko siya sa
pisngi... “Pumapayag
na ako sa gusto mong mangyari.”
Nakita kong nagulat siya sa
sinabi ko pero napalitan rin yun ng pagngisi. “Hindi ka magsisisi sa naging desisyon
mo.” Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko habang
nakatingin sa mga labi ko.
Hanggang sa naramdaman ko nalang
na dumampi yung labi niya sa labi ko... and everything went black.
Nagising ako sa isang napakadilim
na kwarto.
Joke lang! Maliwanag siya, kaya
lang naging madilim dahil kulay itim yung ceiling, walls and tiles. O diba?
Magmumukha talagang madilim dahil puro black! Pati na rin yung kumot, unan, at
ka...ma ko... it...im...?
Waaah!!! Nasaan ako?! Ngayon ko
lang narealize na hindi ko ito kwarto! Ano ba naman 'yan! Bakit wala akong
maalala sa nangyari kanina?!
“Gising ka na pala.”
“Tinolang palaka!” Napahawak
ako sa dibdib ko dahil sa sobrang gulat. Palagi nalang akong ginugulat nitong
demonyong 'to! Kung may sakit lang ako sa puso matagal na akong patay!
“Maayos na ba ang pakiramdam mo?”
“H-ha? T-teka! Bakit magkasama
tayo ha! Anong meron?! Anong nangyari?! Hindi ba sinabi ko na sayo na tantanan
mo na ako! Pero bakit magkasama tayo?! Nasaan ako ha?! Sabihin mo nga sa akin!
Saka... b-bakit... b-bakit ka naka-topless!!!!” Uwaah!!!
Mababaliw na ata ako! Ano bang nangyayari sa akin!!!
Nagsuot na siya ng damit
niya. “Are you
done?” Expressionless niyang sabi at saka lumapit sa kama
kaya naman isiniksik ko yung sarili ko sa may dulo ng kama. “Don't you remember? Akin ka
na...” He smiled. An evil smile.
Napalunok ako sa sinabi niya.
Anong sa kanya na! Wala akong maalala na sa kanya na ako ha! At saka hindi
naman ako pumayag dun sa inooffer niya eh! Ano bang sinasabi ng siraulong
demonyo..ng 'to?
“Pumapayag na ako sa gusto mong
mangyari.”
Napailing ako sa naalala ko.
Hindi! Hindi totoo yun! Panaginip lang 'yun eh!!! Waaah!!! Hindi ako pumayag!!!
Nakita kong ngumisi siya at
tumalikod sa akin. “Don't
worry, I will keep my promises to you. Isa akong demonyo, pero kahit ganun pa
man. Ang pangako namin ay hindi namin sisirain... basta ba, marunong kayong
sumunod sa usapan.” Humarap ulit siya sa akin at seryoso
yung mukha niya. “And
don't you ever try to escape dahil kahit saan ka pa pumunta, mahahanap kita.
Dahil sa akin ka na at nakaukit na sa mga puso natin ang mga pangalan natin.”
Totoo nga.
Ano ba 'tong pinasok ko!
Mali 'to eh! Maling mali! Mali
talaga dahil isa siyang demonyo at hindi dapat pagkatiwalaan... pero bahala na
nga talaga!
Wala naman sigurong mawawala kung
pagkakatiwalaan ko siya diba?
Pero... hindi pa rin ako
makapaniwalang hawak na demonyong 'to ang puso at buhay ko!
That demon...
that demon was really crazy and I
hope he won't broke his promises... dahil ngayon, ibibigay ko na ng buong buo
yung tiwala ko sa kanya.
katakot nmn ng bstfrnd nya .. kung may gnun akong bff .. magka-clash kami .. hehe ..
ReplyDeleteAy! Hehehe. XD
Deleteako kung may ganun akong best friend pagnanasaan ko! Lalo na kung hawtt! Waaah!
Hehe :)
aigo! haha !! kung may pag-nanasahan siguro akong mga ganung klase .. syempre yung mga death gods and vampires characters ko sa fiction and fact ko .. hahaha !!! simulan mo na nga 'tong kwento mu girl .. interesting 2ng kwento mu ee .. ^^
DeleteUwaaah! Ako rin gusto ko Vampire! Rawr! Ehhh? Talagaaa?? Nasaan? Meron din ba sa Watty? Hehehe ^___^ kung meron po penge link!
DeleteHaha sige po mamayamaya ~ ako'y magiimagine muna! Hahahaha. Imagine talaga? XD
Salamat po pala sa pagbasa at comment! Hehehe.
yup meron din po .. e2 link http://www.wattpad.com/story/1524670-fiction-and-fact-beast .. welcome po .. ano wattpad mu ifa-fan kita . ^________^
Delete~angel is luv~
ReplyDeletewow! naiintriga ako dito ha!!.. update mo na po..