Monday, August 6, 2012

Billion Dollar Quest: Chapter 6



CHAPTER SIX


     NATIGILAN si Darren ng mag-pakilala sa kaniya ang babaeng sa Australian na sya daw si Angel. Matagal nya itong tinititigan na para bang ini-examine nya kung ito nga iyon dahil sa kabila ng utak nya ay may nag-sasabing hindi ito ang Angel na hinahanap nila.

     Ang inaasahan nya kasing Angel ay yung mukha talagang anghel, yung may maamong mukha at may conservative na ugali. Habang iniisip nya ito ay napalingon sya kay Dian na ngayon ay ka-kwentuhan ni Emily. Sa isip isip nya sinasabi nyang 'someone like her?' Pero agad din nyang binawi iyon ng maalala nyang sinampal pala sya nito nun una silang mag-kita.

     "I'm Darryl!"biglang singit naman ni Darryl sa kanila. Inilahad pa nito ang kamay at tinanggap naman iyon ni Angel. Pag-kuway hitak sya ni Darren palayo saglit sa babae.

     "Don't you think sya talaga yung Angel na hinahanap ntin?"paninigurado ni Darren.

     "Malay mo! Nasaan ba yung sing sing? Akin na!"kinapa-kap ni Darryl ang sing sing sa bulsa ni Darren pero wala syang nakapa. "Nasaan?"

     "Naiwan ko yata sa apartment."kakamot kamot na saad ni Darren.

     "Hay! Kung kelan kailangan saka mo hindi dala!"kumunot ang mukha ni Darryl sa pag-kadismaya.

     "Minamadali mo kasi ako e!"rklamo naman ni Darren.

     Nang-hihinayang silang bumalik kay Angel, nang-lulumong naupo ulit si Darryl sa tabi ni Dian. "Bakit?"alalang tanong ni Emily.

     Nilingon sya ni Darryl saka nginitian. "Wala."saad ni Darryl. Parang mahihimatay naman sa mga ngiting iyon si Emily. Kilig na kilig nitong kinakalabit si Dian habang si Dian naman ay natatawa sa kaniya.

     Ilang saglit pa ay dumating na ang coach nila sa swimming. Agad silang pinabihis ng coach para maumpisahan na ang unang lesson. Mukhang strict ang coach kaya hindi sila maka-hirit na baka pwedeng wala munang klase ngayon.

     Napahinto si Darren ng makita nya ang trunks na dinala ni Darryl sa kaniya. Shiny Red ito na kapag nasikatan ng araw ay talaga namang mangi-ngintab. "Yah! Ige mwoya?"unti unti ng umiinit ang ulo ni Darren.

     "Trunks, ano pa ba?"pilosopong sagot ni Darryl.

     "Ppalgangsaek??[Red???] No micheoseon?![Are you crazy?! Ibulshireo![Ayaw ko suutin yan!]"halos sumisigaw nang wika ni Darren.

      "Kurae?[Ganun ba?]. E di mag-boxer ka."asar ni Darryl saka pumasok sa isang cubicle para mag-bihis.

      "Hay! Mababaliw ako! Wala ka man lang dalang mga sabon at tuwalya!"sigaw nito. Gulat na lumabas si Darryl sa cubicle ngayon ay naka-bihis na ito ng trunks.

      "Talaga? Alam ko may nailagay ako sa bag o e!"hinalungkat nya ang bag ni Darren pero wala syang nakita. Napasapo tuloy sya s nuo.

      "Neo paboiya[Ang engot mo]."wika ni Darren sa kaniya saka ito naman ang puasok sa cubicle para mag-bihis.


*******************

      TAPOS nang mag-bihis sina Dian at Emily kaya naman lumabas na sila ng banyo para mag-hintay na lang sa waiting area. Pero on their way ay nasalubong nila sina Darren at Darryl. Sabay silang napahintong dalawa at hindi napigilang mapatingin sa bandang tyan ng dalawa. Napakapit ng mahigpit si Emily kay Dian ng makita nito ang six pack muscle ng dalawa. Firm na firm ito maging ang mga muscle ng mga ito sa biceps. Angat na angat ang kaputian ng dalawa lalo na ni Darryl dahil sa itim na trunks na suot nito. Agaw atensyon naman ang shinning red na trunks ni Darren, pero kahit na, bagay naman ito sa kaniya. Pwedeng pwede silang sumali sa worlds sexiest men magazine. Makalaglag undies talaga ang features ng dalawa.

     Maging si Dian ay natameme sa kanila. Naudlot ang day dreaming nila ng biglang may sumagi mula sa likuran nila. Tatlong babae ang sunod sunod na dumaan, yun nga sina Angel at ang mga kaibigan nito.

     "You look good with that re trunks."puri pa ni Angel kay Darren.

     "Thanks."for the first time ay nakaramdam ng embarrassment si Darren hindi dahil kay Angel kundi dahil nakita nyang nakatingin si Dian sa kaniya. Hindi nya talaga alam kung anong meron sa babaeng ito bakit sya nakakaramdam ng hiya at kung bakit sya dinadaga sa tuwing makikita nyang nakatingin sa kaniya si Dian.

      "Angel! You look sexy with that swim suit."puri naman ni Darryl sa pink swim suit na suot ni Angel.

      Hindi na pinansin pa ni Dian ang purian ng tatlo sa halip ay hinatak na nya si Emily para pumunta ng waiting area. Dumaan sila sa harapan ng tatlo. Pareho namang sinundan ng tingin nila Darren at Darryl si Dian na nakasuot ng blue swim suit.

     Ilang saglit pa ay nag-umpisa na ang lesson nila. Una nilang ginawa ang breathing exercise sa tubig. Sa iba na bago lang sa swimming tulad nila Dian at Emily ay hirap silang gawin ang breathing exercise. Kailangan mo kasing mag-inhale ng hangin sa ibabaw at ibubuga mo ito sa ilalim ng tubig gamit ang ilong mo. Hirap si Dian pero ng pasimple nyang nilingon nya sina Darren at Darryl maging si Angel. Minamani lang ng mga ito ang breathing exercise nila.

     Nakaramdam sya ng inis ng makita pa nyang nakikipag-tawan si Darren kay Angel. Para bang pag-nakikita nyang masaya si Darren ay naiinis sya. Parang gusto nya itong makita na nag-su-suffer dahil sa kabastusang ginawa nito sa kaniya. Sa inis nya ay tinodo todohan nya ang pag breathing exercise na ginawa nya kaya yun tuloy naubu sya dahil nakalunok sya ng tubig.

     "Ano ka ba te! Anong ginagawa mo? Nilulunod mo sarili mo."wika sa kaniya ni Emily.


************************

     NANG natapos ang swimming ay problemado ang dalawang mag-pinsan kung anong gagamitin nilang tuwalya at sabon. Dahil nga sa pag-mamadali ni Darryl kanina ay nakalimutan nitong mag-dala ng mga gamit nila maliban sa mga trunks nila.

     "Hay! Ano na ngayong gagawin natin."problemadong wika ni Darren. Nahihiya naman silang mang-hiram sa mga classmate nilang lalaki. Biglang lumapit si Darryl kay Darren na para bang may binabalak ito.

     "Gamitin mo ang charm mo!"bulong nito.

     "Hu?"kunot nuong tanong ni Darren.

     "Humiram ka kay Angel. Mukha namang type kanun e. Sabihin mo kung pwede bang hiramin ang yung tuwalya nya tutal naman tatlo silang mag-kakaibigan. Mang-hiram na lang sya."utos ni Darryl na tinanggihan naman agad ni Darren.

      "Ano ako sira?"wika ni Darren.

      "Anong gagawin natin mag-papatuyo? Sige na!"tinulak nya si Darren palabas dahilan para ma-out of balance ito. Sakto naman pag-daan ni Dian nasagi sya ni Darren kaya tuloy napayakap sya dito at sabay silang tumilapon sa swimming pool. Hangang sa pag-bagsak nila ay nakayakap si Darren kay Dian. Sa sobrang takot naman ni Dian ay napayakap na rin ito kay Darren.

      Agad na nag-dive si Darryl sa pool nang makalapit ito sa dalawa ay agad nyang hinatak si Dian kay Darren. Para sira si Darryl dahil kahit hanggang dib-dib lang ang tubig ay binuhat nya parin si Dian. Napailing si Darren saka hinatak pababa sa mga bisig ni Darryl si Dian. At dahil nga nasa tubig sila madali sa dalawa ang hatak hatakin si Dian lalo pa at maliit lang ito.

     "Ano ba!"saad ni Darryl saka muli nyang hinatak si Dian palapit sa kaniya.


     "Ang O.A mo! Hindi naman sya nalunod."hinatak muli ni Darren si Dian palapit sa kaniya. Natigilan lang sila sa hatakan ng sitahin na sila ng coach nila. Kaya napilitan na lang silang umahon. Ang classmate na lang nilang lalaki ang nag-pahiram sa kanila ng gamit kaya naka-tawid sila sa krisis ng pag-kalimot sa ma gamit nila.

      Habang nag-lalakad naman sina Dian papuntang next class nila ay na-open up ni Emily ang nang-yari ilang minuto lang ang nakalipas. "Girl, ang haba ng hair mo kanina! Pinag-aagawan ka ng dalawang hunk!"kilig na kilig na saad ni Emily.

      "Hay naku! Kalimutan mo na nga yun!"napahiwalay ng yakap sa braso si Emily kay Dian ng may bigla na lang dumaan sa pagitan nila. Pareho silang nagulat ng makitang sina Angel pala iyon at ang dalawang buntot nito.

      "Hoy! Ang luwang ng daan o! Bakit ba ang hilig mong dumaan sa gitna namin?"sigaw ni Emily. Nakatitig lang ng masama si Dian kay Angel na para bang walang naririnig. Sa halip ay nag-patuloy lang ito sa pag-lalakad na kumikendeng kendeng pa. "Sira ulo!"pahabol pa ni Emily.


********************

     GABI na ng kumatok si Darryl sa kwarto ni Darren. Kauuwi lang nila noon galing sa trabaho. "Ano bang gagawin mo pa dito?"inis na tanong ni Darren pero pinapasok parin nya ito.

     Naupo si Darryl sa sofa at dumikwatro pa. Nag-palinga-linga pa ito sa paligid. Saka nag-salita. "Si Angel, kung sya nga yun. Anong gagain mo?"diretsong tanong nito.

     Hindi naman agad sumagot si Darren. Tumayo ito sa bintana nya, mula doon ay tanaw nya ang daan sa ibaba dahil nasa third floor lang naman ang room nila ni Darryl. "Hindi ko alam."pag-kuway sagot nya. Natawa naman si Darryl.

     "Hindi mo alam? Bakit ayaw mo pa bang mag-pakasal?"sabi niya.

     "Bakit? Gusto ko bang ikasala sa gaya nya?"balik tanong naman ni Darren.

     "Kelan pa na-matter sayo kung sino ang pakakasalan? E diba yaman lang naman ni lolo ang hinahabol mo?"sarkastikong wika ni Darryl na para bang sanay na si Darren.

     "Yun lang din naman ang habol mo kay lolo kaya wala ka ng pakialam kahit sino pa ang pakasalan mo ngayon."pareho na silang nag-babatuhan ng mga sarkastikong salita pero parang baliwa lang sa kanila dahil alam naman nilang pareho na ganun sila.

     "Sa totoo lang."tumayo sa kinauupuan si Darryl at tumayo din ito sa tabing bintana ni Darren para sumilip din sa ibaba. "Ayaw ko muna bumalik sa Korea."pag-amin nito.

     "Bakit? Dahil ba may nakita ka nanamang mabibiktimang babae?"patuloy lang sa prangkang salita si Darren.

     "If I know, ayaw mo ring umuwi pa ng Korea kaya ipinag-darasal mo ring sana hindi muna si Angel ang babae na yun. Kasi ako, ganun ang nasa isip ko ngayon."muling pag-amin nito. Nanigti lang na walang kasing pait si Darren. Ibig sabihin ay totoo ang mga sinabi ni Darryl.

     Tama, Gaya ni Darryl, pinag-darasal din ni Darren na sana hindi muna yun ang Angel na hinahanap nila dahil kung nag-kataon ay kailangan nilang mag-unahang makauwi sa KOrea dala ng babaeng iyon para pakasalan. Sa mga oras na yun hindi alam ni Darren kung bakit parang bigla na lang nyang naramdaman na hindi pa sya handang mag-pakasala kahit na alam nyang ang matagal na nyang inaasam na yaman ng lolo nya ang pabuya sa kasal na yun.

     Napabuntong hininga naman si Darryl habang nakatitig parin ito sa ibaba. Nasa isip nito ang worry na baka nga si Angel na ang babaeng nag-pakilala kay Darren kanina. Hindi sya nag-wo-worry na baka maunahan sya ni Darren kundi sa dahilan na baka pag ito na nga ang Angel na hinahanap nila ay kailangan na nilang bumalik ng Korea. Ayaw pa kasi nyang bumalik ng Korea. Gusto nya munang mag-stay dito sa Pilipinas.

      Ano kaya ang nag-pabago sa isip ng dalawa kung bakit biglaang ayaw nilang bumalik ng Korea. Kung noon ay atat silang makita si Angel pero bakit ngayon na nasa harapan na nila si Angel at ipinag-darasal naman nilang hindi sana ito si Angel. Bakit bigla silang natakot na malaman ang katotohanan at bakit biglang nag-bago ang isip nila?



**********



A/N:

     to Angel and kpOp .. salamat po sa comment sa previous chapter .. mwuaahh ..

     to Demi .. your wish is my command .. bibigay ko sayo si Darryl .. SOON .. haha .. kaya abangan mo lang po ..

    And to all the readers .. I LOVE YOU .. THANK YOU ..




LOVE,
EUNSEUNGRI


>>>CHAPTER 7 HERE


3 comments:

  1. yes!.. haha.. thank you po ate.. ang cute!sana si darryl na lang ung naka red trunks!hahaha.. hahambalusin ko na talaga yang australian na yan eh.. inggitera kasi.. feeling maganda.. naku!wag nya lang subukang agawin sakin si darryl.. makakatikim sya sa akin ng bonggang bonga.. hahaha..

    ReplyDelete
  2. kyaaaaaaaaaaah! ang gagwapo talaga nila!

    ReplyDelete
  3. ~angel is luv~

    ang ganda grabe! naiirita ako dun sa australian! hmp!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^