Thursday, August 9, 2012

Billion Dollar Quest: Chapter 7


CHAPTER SEVEN

     INIS NA INIS si Darryl dahil hindi man lang sya ginising ni Darren. Ngayon tuloy ay nag-kakanda kumarat sya makarating lang sa school. Late nya sya ng limang minuto at kung ayaw pa nyang madagdagan iyon ay kailangan nyang tumakbo ng napakabilis. Nag-kataong nasa likuran pa ang Chemistry Laboratory. Ngayon kasi ang first activity nila sa chemistry at late pa sya. Sobrang napagod kasi sya dahil sa dami ng customer kagabi sa trabaho nila. Medyo inaantok pa nga sya ngayon e. Sa kakamadali nya ay may nakabangga pa syang isang babae. 

     "Sorry!"yun na lang ang sinabi nya saka muling tumakbo. Wala na syang time pa para huminto dahil late na nga sya.

     Hingal na hinga sya ng makarating sa area ng section nila. Nakita nyang naka-laboratory gown na ang lahat. Kinabahan na sya dahil baka nag-umpisa na ang mga ito. Alangan pa syang lumapit sa pwesto nila Darren at Dian na ngayon ay tahimik na nakaupo. Halata mo ang ilangan sa dalawa. Nag-liwanag ang kanina ay hindi maipintang mukha nila ng makita nila si Darryl.

     "Darryl!"mukhang hindi iyon ang gustong sabihin ni Darren sa reaksyon nya ng tawagin nya ang pangalan ng pinsa. Parang gusto nyang sabihin dito na 'Darryl! You save the day!'. kung ginising lang sana nya si Darryl kanina hindi sana sya naka-ramdam ng ganun ngayon.

     Lumapit si Darryl sa kaniya at pasimple syang sinipa sa tuhod. Napaaray naman si Darren sa sakit. Takang napatingin lang si Dian sa kaniya. "Sira ulo ka talaga! Bakit hindi mo ko ginising! Late tuloy ako!"galit na bulong nito.

     "Maswerte ka nga dahil ang haba ng tulog mo e! Samantalang ako puyat at pagod!"kung bulong lang ang kay Darryl sigaw naman ang kay Darren. Napatingin na lang sa paligid si Darryl. Nang tingnan nya si Dian ay nginitian nyan lang ito saka bumaling muli kay Darren.

     "Baliw!"yun na lang ang saad nya dito saka isinuot na ang lab gown na nasa mesa. Mabuti na lang at late din ang professor nila nun kaya hindi sya na markahan na absent.


********************

     HINDI MAIWASANG ma-mangha ni Dian sa activity na ginagawa nila ngayon na ang title ay The Briggs-Rauscher Oscillating Reaction. Kitang kita nya kasi kung pano nag-iiba iba ang kulay ng liquid na nakalagay sa beaker habang nakasalang ito sa apoy. Kita nya kung pano nagiging dark blue ang amber color tapos ay nagiging clear liquid ulit ito. Paulit ulit lang na nang-yayari ang pag-iba iba ng color.

     Sa sobrang mangha nya at hindi na nya maalis ang atensyon nya sa beaker, hindi na nya napansin na lumapit na pala sa kaniya si Darren. "Ang ganda no?"wika nito. Tumango tango si Dian bago nag-salita.

     "Pano nang-yayari yan?"tanong nya dito habang titig na titig sa nag-papalit palit na color na liquid.

     "Nung hinalo halo kasi natin kanina yung mga solutions, nag-react yung Iodate Ion[IO3] sa Hydrogen Peroxide[H2O2] para mag-produce ng Iodous Acid[HIO2]. Yung HIO2 nag-re-react naman sya sa IO3 at pag nag-react sya nakakagawa ng Hypoiodous acid[HOI]. at itong HOI reduced to Iodine[I] dahil sa reaction nya sa H2O2. Yung large amount naman ng HOI nag-re-react sya sa I kaya nag-produce naman sya ng Iodide Gas[I2]. Yung I2 slowly reacts with Malonic Acid o yung nakikita mong white crystalline acid pero yung concentration nya kasama ng HOI at I ay tumataas. Kaya nag-iiba iba ng color. Pag amber color ang lumabas, that means mas mataas ang concentration ng HOI kaysa sa I. Dark blue naman kapag mataas ang concentration kaysa sa HOI."mahabang wika ni Darren.

     Sa totoo lang sa haba ng explaination ni Darren walang naintindihan si Dian. Walang pumasok sa utak nya. Basta ang alam lang nya ay nag-iiba iba ang color ng liquid na nasa beaker. Pero ayaw man nyang aminin ay napahanga sya kay Darren. Hindi nya alam kung san nito natutunan ang mahabang sinabi nito pero kahanga hanga lang na natatandaan pa nito kung paano i-explain ang Briggs-Rauscher Oscillating Reaction.

     Parang unti unti tuloy nawawala ang inis nya dito. Ilang saglit pa ay bumalik na si Darryl. Galing kasi ito sa kuhaan ng mga Chemical Apparatus para mag-balik ng ilang gamit na tapos na nilang gamitin. "Tapos na pala tayo."masayang wika ni Darryl. Naupo ito sa tabi ni Dian at ngumiti. Simula ng makita ni Darryl si Dian sa airport ay naging hobby na nyang ngitian ito. Hindi na nya maalis sa sistema nya ang bagay na iyon.

     Sa tuwing ngi-ngitian naman ni Darryl si Dian ay hindi nya maiwasang kabahan. Nagiging abnormal ang puso nya kapag nakikita nya ang dimple ni Darryl.

     Nakakuha sila ng mataas na grade dahil sa ganda ng explanation ni Darren sa experiment nila. Kaya naman ng matapos ang klase ay masaya silang nag-tatawanan habang papunta ng canteen. Kasama na nila si Emily ng mga oras na yun. Gumaan na ang pakiramdam ni Dian kay Darren kahit na nag-pakita ito ng walang ka-modohan noong una nilang kita. Kahit paano ay nakitaan nya ito ng kabutihan.

     Sa gitna ng masayang kwentuhan nila ay biglang dumating si Angel, as usual kasama nito ang dalawang buntot nito. "Hey! Darren! How are you?"nang-aakit nitong tanong. Napatingin si Darryl kay Darren at kay Dian naman napasulyap si Darren bago kay Angel na nasa harapan nya. Tumayo si Darren tapos ay hinatak nito palabas si Angel. Nabigla naman sina Emily at ang dalawang kasama ni Angel. Walang reaksyon si Darryl habang dismayado naman si Dian. 

     "Akala ko pa naman ayos na sya. Makaharap lang ng magandang babae nagiging walang modo parin naman pala!"himutok ng butsi ni Dian. Mukhang alam naman ni Darryl kung anong balak gawin ni Darren. Dahil kilala nya ang pinsan alam nyang pa-prangkahin nito si Angel tungkol sa sing sing.

********************

     SUMUSUNOD lang si Angel sa pag-hatak ni Darren sa kaniya hanggang sa huminto sila sa labas ng canteen. Tinitigan muna ni Darren si Angel bago nya inilabas ang sing sing. "Nasa iyo ba ang kapareho nito?"diretsong tanong ni Darren.

     Matagal bago nakapag-salita si Angel, siguro dala na rin ng pag-kabigla nito dahil sa ginawa ni Darren. "W-why are you asking that?"utal nitong tanong.

     "Dahil kung nasa iyo ang pareho nito kailangan kong mag-pakasal sayo."walang prenong wika nito. Lalo namang nagulat si Angel sa sinabi ni Darren. Hindi nya inaasahan ang bagay na yun. 

     "O-oo. Na-nasa akin nga a-ang pa-pares nyan."nauutal parin ito.

     "Nasaan?"

     "Na-nasa bahay. Ayaw kong dahil baka mawala ko."anito. Nang-lumo naman SI Darren. Hindi dahil wala ang sing sing kundi dahil mukhang ito na nga talaga ang Angel na hinahanap nila. Sya nga ang nauna kaya dapat syang maging masaya. Pero deep inside him ay nadi-dismaya sya. "Uhm, Is it true that you are going to marry me i I have the other ring?"paninigurado ni Angel.

     Tiningnan sya na may pag-hihinala ni Darren. "Bakit? Wala ba sayo ang sing sing?"

     Mabilis na umiling si Angel. "No! No! I have the ring. It's in my house. I didn't bring it because I'm afraid that I might gonna loose it."saad ni Angel.

     Muli syang tiningnan ni Darren saka bumalik sa loob ng canteen. Naiwan namang kinikilig si Angel pag-kuway sumunod din ito kay Darren. Naabutan ni Darren na masaya nang nag-ku-kwentuhan sina Dian at Darryl kasama si Emily. Padabog syang naupo sa tabi ni Emily at galit na uminom ng tubig na nasa harapan nya. Ilang saglit pa ay nakasunod na si Angel. Hinatak nito ang upuan sa kabilang table para maupo sa tabi ni Darren. Napapatingin lang ang tatlo kanila Darren at Angel. Ngayon nga ay nakayakap na si Angel sa mga braso ni Darren. Gusto pa sanang kumawala ni Darren kaso mahigpit ang pag-kakayakap ni Angel.

     Kumukulo nanaman tuloy ang dugo ni Dian sa kaniya. Parang gusto nyang batukan si Darren dahil sa pakikipag landian nito sa harapan nila, sa harapan pa nya. Walang hiya! Parang gustong sabihin ni Dian mismo sa mukha ni Darren ang salitang yan. Pasalamat na lang sya at nakakaya pang mag-tiis ni Dian.

********************

     SIMULA ng sabihin ni Darren kay Angel na kailangan nya itong pakasalan kung naan dito nga ang kapareha ng sing sing na dala nya ay hindi na sya nito nilubayan pa. At dahil nga naging close na rin sina Dian at Emily sa dalawa lalo na kay Darryl ay parati na silang isinasama ni Darryl kahit saan man mag-punta ang dalawa.

     Ngayon nga ay mag-kakasama silang nag-punta ng MOA[Mall of Asia] para mag-palipas lang ng oras. Nag-kataon kasing wala ang professor nila sa Chemistry kaya naman naisipan nilang mamasyal na lang.

     "Wow! Ngayon lang ako nakapunta dito! Hindi ko alam na may ganito palang kagandang Mall dito sa Philippines!"parang batang wika ni Darren habang lumalakad sila papasok ng MOA. As usual kasama si Angel, hindi pwedeng hindi sya kasama lalo pa at suot suot na nya ang mag-papatunay na siya nga talaga si Angel. Ang kaparehong sing sing na tulad ng kay Darren.

     Kung excited si Darren ay excited rin si Darryl, hindi rin ito mapakali tulad ni ng pinsan. Natatawa na nga lang sa kanila sina Dian at Emily. Hindi naman kumakawala sa pag-kakayakap si Angel kay Darren. Sa kalikutan pa nga ni Darryl ay may nasagi pa itong isang babaeng dumaan. Liningon nya lang ito saka humingi ng sorry saka muling nag paikot ikot sa gitna ng mall.

     Sunod nilang pinuntahan ang Ocean Park, mangha sina Dian at Emily dahil gaya nila Darren at Darryl yun din ang first time na pumunta sila doon. Hindi nila maialis ang ngiti sa mga labi nila habang pinanonood nila ang mga isda sa isang napakalaking aquarium.

     "Is this your first time here?"nakahalukipkip na tanong sa kanila ni Angel ng lapitan sila nito.

     Nawala ang ngiti sa mga labi ni Dian ng lingunin nya si Angel. Napatingin ito sa sing sing na suot ni Angel sa kaliwang ring finger nya. Napansin din yun ni Emily kaya agad nya itong pinuna.

     "Engage na kayo ni Darren?"gulat na tanong ni Emily. Ngumisi si Angel at ibinalandra pa sa dalawa ng suot nyang sing sing.

     "Oh! This. Yes, I'm engage."pag-mamayabang nya.

     "Talaga?"nalungkot naman si Emily sa balitang iyon. Hindi naman maipinta ang mukha ni Dian habang nakatingin parin ito sa sing sing na suot ni Angel.

     "Gusto ko nga sana kayo i-invite sa engagement party namin. But Darren said sa Korean daw gaganapin ang engagement namin. At sabi nya exclusive lang for family ang party na yun."tila nang-iinggit pa ito habang sinasabi iyon.

     "Wala naman kaming balak pumunta sa party nyo kahit dito pa sa Pilipinas ganapin."sarkastikong sagot ni Dian. Naudlot ang usapan nilang tatlo ng lumapit sina Darren at Darryl na may dalang coke in can at hotdog sandwich.

     Inabutan ni Darryl ng pag-kain si Dian at Emily samantalang si Darren naman ang nag-abot kay Angel. Napansin ni Angel na hindi suot ni Darren ang sing sing na kapareha ng kaniya kaya agad nya itong pinuna.

     "Darren? Why aren't you wearing our engagement ring?"kunot nuong tanong nito. Ilang namang napatingin si Darren kanila Dian at Emily, ang alam nya kasi ay hindi pa alam ng mga ito ang tungkol sa engagement nilang dalawa.

     "San ka ba nakakita ng couple na nakasuot ng parehong engagement ring?"inis na saad nito. Nakatingin lang sa kanila sina Dian, Emily at Darryl.

     "Kahit na! Asan na ba?"kinapkapan ni Angel ang mga bulsa ni Darren, panay naman ang iwas nI Darren. Sina Dian na ang nadidismaya sa inaasal nito. At nang makuha ni Angel ang sing sing ay inilabas nya ito sa bulsa ni Darren.

     Halatang nagulat si Dian at napatingin ito kay Darren na para bang hindi nya inaasahang may ganoong sing sing ito. Napansin naman iyon ni Darryl. "Nagulat ka yata."bulong nya dito.

     "Hu-ah-"utal nyang wika. "Hindi-pare-pareho kasi sila ng sing sing."hindi nito alam kung ano ang idadahilan sa nahuling realsyon nya ni Darryl. Natawa naman si Darryl.

     "Syempre, couples ring yan e."anito. "Naiinggit ka sa kanila no?"asar pa nito.

     Bigla namang nahiya si Dian sa sinabing iyon ni Darryl. Pakiramdam nya ay namula sya. "Hindi no!"malakas nyang tanggi na ikinalingon ang tatlo. Nahihiyang napatingin si Dian sa mga ito. Nakangiting inakbayan ni Darryl si Dian, "Naiinggit daw si Dian sa engagement ring nyo kaya bibili rin ako ng para sa kaniya."dagli pa syang napahinto ng may maalala. "Ah! Hindi! May nabili na pala ako!."inilabas nya sa bulsa ang isang pink na plastic na sing sing na may hugis kandado pa sa ibabaw, pag-kuway lumuhod ito sa harapan ni Dian. Nabigla naman ang lahat maging si Dian. "Dian Chavez, would you take this ring as a sign of our. . ."matagl bago nya sinabi ang karugtong. "friendship."natawa si Dian maging si Emily sa proposal na iyon.

     Bitter naman ang pag-iling ni Angel samantalang halata naman naiinis na si Darren sa pinsan nya dahil sa ginawa nito. Parang gusto nya itong sipain sa likuran ng tumigil na ito sa kahibangan nito.

     "Ano ka ba! Tumayo ka nga dyan!"natatawang saad ni Dian.

     "Ang sweet kaya! Hindi mo rin ba ako aalukin nyang Darryl?"naiinggit na tanong ni Emily.

     "Sa susunod ikaw naman pero ngayon si Dian muna. Kaya Dian, tatanggapin mo ba ang sing sing na 'to?"muling tanong ni Darryl. Hindi naman alam ni Dian kung ano ang isasagot dahil nabigla talaga sya. "Hindi ako tatayo hanggat hindi mo 'to tatanggapin."giit ni Darryl.

     "Oo na. Tumayo ka na dyan."sagot ni Dian. Napailing na lang si Darren tapos ay nag-walked out ito.

     "Ang corny hu!"pahabol pa ni Angel saka sinundan ang umalis na si Darren. Wala ng pakelam sa kanila si Darryl dahil busy na ito sa pag-suot ng sing sing kay Dian, pero pasimpleng sumulyap si Dian sa papalayong si Darren.


*************************

     PAKANTA KANTA lang si Darryl habang nag-lalakad sila pauwi sa apartment galing sa trabaho. Kapansin pansin ang saya dito, bagay na kanina pa kinaiinis ni Darren.

     "Pwede ba! Tumigil ka nga dyan sa kaka-kanta mo ng Haengbokhamnida! Nakakainis na e!"pigil nya dito.

     "Ang ganda kaya ng meaning nun! At tsaka ano bang pakialam mo? E gusto ko kkantahin yun? O kung gusto mo Wedding Dress na lang ni TaeYang kantahin ko? Baka kasi masabi mo pang 'It should be me, It should be me~Oh no~'"kanta pa ni Darryl sa part na yun ng Wedding Dress saka ngumiti ng ubod ng tamis sa pinsan saka nag-patiuna na sa loob.

     Naiwang puzzled si Darren sa huling sinabi ni Darryl. Hindi nya maintindihan kung anong ibig nitong sabihin. May koneksyon ba ito tungkol sa kasalang magaganap sa kanila ni Angel once na bumalik sila ng Korea? Kung iniisip man ni Darryl na maagaw nito  si Angel sa kaniya. Kampante syang hindi mang-yayari iyon dahil alam nya kung gaano sya kagusto ni Angel. Ganun pa man ay hindi parin maiwasang mapaisip ni Darren sa mga sinabi ni Darryl.




A/N:
     Pasensya na natagalan yung UD .. pano kasi naman tong si hanging habagat .! Bisi-bisihan ako sa kanonood ng news tungkol sa mga nasalanta .. na-experience ko kasi sya ee ..! Grabe lang talaga .!! kung gusto nyo malaman kung gano ka-grabe yung na-experience ko just click here .. kung gusto nyo lang naman .. hehe .. share niu rin kung naka-experience din kayo ng  hanging habagat ..


    >>>CHAPTER 8 HERE


7 comments:

  1. waaaaaaahhh!.. (kung mka react nman ako,wagas!hahaha).. grabe!kinilig ako dun kei Darryl!.. sobrang sweet kaya un!.. magaling pang kumanta.. haaiii... nakaka inlove talaga.. naku!wala akong paki kahit ung ambisyosang bruhilda na yun ay si 'Angel' na the one they are searching for.. makakapit kei darren,parang linta!.. pektusan kita eh.. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! wait mu entrada mo te .. actually pumasok ka na nga sa scene ee .. hulaan mu kung san dun banda .. haha .!!!

      Delete
    2. kyaah!.. so ako pala talaga un?.. ung laging nakakabangga ni Darryl?.. ang saya!.. naman!wait ko talaga ung grand entrance ko!.. hahaha.. tnx ate..

      Delete
    3. kahit small detail ng kwneto napansin mu .. good reader .. hehe .. ikaw na talaga ..! Sayo na si Darryl.!! sa sobrang tuwa ko baka mag-karon pa ng book 2 'to .. hehe ..

      Delete
  2. ~angel is luv~

    na-nosebleed ako sa explanation ni darren eh. naalala q yung mga ganyan-ganyan namin sa school. maygash!!..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^