Wednesday, August 8, 2012

Alyessa and the Wizard: Chapter 1

CHAPTER ONE : FIRE WIZARD

(Alyessa Howell's POV)






Bago lang ako dito sa Académie de Magie mousseux. Ulila na kasi ako tapos may nakakita lang sakin na teacher na taga-dito. Nakita niya kasi ako na may hawak na stick tapos iniikot-ikot ko yun. Actually habang iniikot ko nga yung stick may lumalabas na pink na usok.







Nandito nga pala ako sa kwarto na walang laman kundi ang mga malalaking kahon na kahoy at isang malaking wardrobe na color brown na may malaking salamin. Mamaya pa kasi dadating yung wizard na teacher na magmamagic para magkaroon ng kama 'tong kwarto na 'to eh.




Biglang bumukas yung pinto kaya nagtago ako sa likod ng malalaking kahon na kahoy. Maya-maya may biglang pumasok na lalaking matangkad.




*Wiiishhiiiww!!*



Biglang lumiyap yung dingding, buti na lang hindi dito sa parte na pinagtataguan ko. Sumandal ako sa malaking kahon na wala palang laman.



*BAAAAAMMMM!!!*



*Wiisssshiiiiiwww!!*



Lumiyab yung natumbang kahon buti na lang nakapagtago agad ako sa isa pang kahon.



"AISSHHH!!" Ungol niya.



*Wiiisssshhiiiiiwww!!* *Wiiiishhiiiwww!!* *Wisshiiiiww!!*



"Kyaaaaaaa~!!!" Tili ko.



Lumiyab din kasi yung pinagtataguan ko pati yung dalawa pa nitong katabi. Napalabas tuloy ako ng wala sa oras dun sa pinagtataguan ko.



"Who are you?" Tanong niya. Nanlilisik yung mga mata niya. Feeling ko kapag tumingin ako sa mga mata niya mabubulag ako.


Napakagat labi ako saka ibinulsa ang kamay ko sa aking palda. Hinawakan ko yung stick na hawak ko kanina.


"A-ako si Alyessa." Sagot ko.



Inilabas ko yung stick at itinutok ko sa kanya.



"Tssiii. Kung di ka marunong gumamit niyan, hindi ka makakapag-cast ng spell." Ngisi niyang sabi.


Bumukas ulit ang pinto at nagpasukan yung tatlong tao, este wizard.



*Pyyuuungg!!*


Napunta sa kamay ni ma'am yung stick nung gwapong lalaking kaharap ko.



"This wand will be confiscated until tomorrow, Mr. Leighton. Look what you've done. You burned the materials for this whole room. Get out now Mr. Leighton." Utos ni ma'am.



Umalis na yung lalaki. Tapos sila ma'am lumakad papunta sa gitna ng kwarto. Itinaas ni ma'am yung stick niya at itinutok sa kisame. Pumikit siya saka umikot na parang ballet dancer. Sa isang iglap bigla na lang nawala yung mga apoy at naging maaliwalas na ulit ang kwarto.


"Pagpasensyahan mo na si Mr. Leighton. Kapag nagagalit kasi siya pumupunta siya sa Vacant Room at doon niya ibinubuhos ang kanyang galit. Uhm...Professor Ravier, you may now start the makeover." Saad ni ma'am.


Lumabas kami kasama yung isa pang lalaki na mukhang matanda na.



"Ahm... Ano po ba siyang klase ng wizard?" Tanong ko.


"Fire Wizard siya. Pinakamagaling na Fire Wizard si Mr. Danjel Leighton, ang father ni Mr. Leighton. Si Danzell Leighton ay nagmana sa kanyang dad, ang sinasabi sa history ng  Académie de Magie mousseux, mas magaling na fire wizard si danzell kaysa kay danjel." Pagkukwento ni ma'am.


"Uhm...Ma'am. Ano nga po palang itatawag ko sa inyo?" Tanong ko. Nahihiya talaga ako.


"I'm Xana Collide, but call me Professor Collide or Professor Xana. And this is our principal, but you can call him Professor Zephyr." Pagpapakilala ni Professor Xana.


Lumabas na si Professor Ravier at may ibinulong kay Professor Xana, tapos umalis na siya. Pumasok kami sa kwarto na yun. May malaking kama. Wala na yung malalaking kahon, wala na rin yung mga sapot na nakakapit.


"Uhm... Alyessa, this room will be yours." Saad ni Professor Xana.


Tumango lang ako. Lumabas na silang dalawa kaya ibinagsak ko ang aking sarili sa kama. Mahaba-habang pahinga rin 'to. Ay teka... Maliligo muna ako. Kaso... wala akong damit...



Tumayo ako at binuksan ang wardrobe na malaki. Napaka-laki pala nitong pinto dahil kwarto ito na para sa mga damit. Kinuha ko lang ay ang damit na mahaba na halatang luma na. Okay na siguro ito... Dumiretso ako sa banyo saka naligo at isinuot ang mga dapat isuot. Paglabas ko sa mukhang wardrobe isinara ko na agad. Tumingin ako sa salamin saka nagpatuyo ng buhok at nahiga sa kama.


Makikilala rin kita... Fire Wizard






2 comments:

  1. fire wizard.. hmn,gusto ko yan.. nakakalito ung mga names nila ha.. haha..update lang ng update..

    ReplyDelete
  2. naiimagine ko si brylle kapag wizard eh. pero ud din po dito.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^