Wednesday, July 11, 2012

When Mr. North Pole meets Ms. South Pole - Chapter Five

Chapter Five

Welcome Back Sofie!!!

(Gio POV)



            Anong maganda sa umaga kung ang nakasimangot na pagmumuka ni Gina ang makikita mo, lalo na at nasa harap kami ng pagkain? Nakakawalang gana tuloy kumain ng breakfast eh!



            “Ate Sarah, paki-akyat na lang sa kwarto ko yung breakfast ko, thanks!”


            “At bakit kailangan pa na dalhin sa kwarto mo ang pagkain? Nandito ka na, kaya dito ka na kumain.” Sabi na nga ba eh, tututol na naman si Mommy. “Umupo ka na!”


            “Ma naman, masakit ang ulo ko eh. Saka nagre-review ako para sa isang quiz bee na sasalihan ko next week. Sa taas na lang po ako kakain, ha?” at hinarap ko ulit si Ate Sarah. “Ate, padala na lang yung pagkain ko ha, thanks.”


            Totoo rin naman yung sinabi ko na may sasalihan ako ng quiz bee, pero hindi pa naman next week yon, ayoko lang muna talagang makita si Gina. She said that she likes me, but why is she avoiding me?


            “Sir Gio, eto na po yung breakfast ninyo.” Patay na naman ako nito, hotseat ka na naman Gio. “Anong problema?”


            Hindi naman kasi si Ate Sarah yung nagdala ng pagkain ko eh, si Kuya Nathan. Kaya nagkasundo silang dalawa ni Ate Billy eh, parehong malakas makiramdam eh.


            “Wala naman akong problema Kuya, masakit lang talaga ang ulo ko dahil puyat ako sa kaka-review.” Sinong niloko mo Gio? Kaya ka puyat kaka-practice mo ng larong Temple Run para matalo mo si Monsi. “What’s with that stare?”


            “Umamin ka nga sa akin Gregory, may gusto ka ba kay Gina?”


            What the hell! Bakit ba pareho sila ng tanong ni Ate Billy, muka bang may gusto ako sa sinto-sintong babae na yon? Nabubulagan lang sila!


            “Hoy Gio wag mo akong niloloko dahil alam ko na yang mga ganyang tingin mo na yan, kaya wag mo ng tangkain na magsinungaling.” I don’t have any intention to lie, sasagutin ko naman yung tanong nya eh. “So now what?”


             “Muka ba akong may gusto sa kanya, tell me kuya. Muka ba akong may gusto sa kanya?” weeew…ang intense, hahaha. “Bakit ba kayong mag-asawa kayo eh pinipilit na may gusto ako sa kanya? Adik nyo lang!”


            “Bakit, dahil hinihintay mo pa rin bang bumalik si Sofie? Dahil yung nang-iwan pa rin na yon ang mahal mo? Tanga ka ba Gio, iniwan ka na nga mahal mo pa rin.”


            We are all stupid when it comes to love, pero magkaka-iba lang ng level. Kumbaga sa traffic may light, moderate, heavy, at bumper-to-bumper; ako kasi nasa moderate pa lang, hindi pa masyadong tanga kumbaga.


            “Kuya naman, walang kinalaman si Sofie dito. Nananahimik yung tao sa ibang bansa dinadamay mo sa isang issue na wala naman syang alam. Saka kahit naman iniwan ako nun, friends pa rin naman kami.”


            Magsasalita pa sana si Kuya ng may biglang kumatok sa kwarto ko, si Ate Billy. “Gio, may naghahanap sayo. Patuluyin ko na dito sa kwarto mo ah, sabi naman nya madalas sya before dito.” Tapos sinara na nya ulit yung pinto, kaming dalawa naman ni Kuya eh nagkatinginan.


            “Hoy gago ka Gio, kung sino-sino ang dinadala mo dito sa bahay ha.”


            Nagsalita naman ang hindi nagdadala ng iba’t-ibang babae dito sa bahay noon. “Hoy Kuya, idol lang kita.” Pero takte, sino ba kasi ang bisita ko na yon?


            “At dahil idol mo ako, ang hanapin mong asawa yung parang si Billy ha.”


            “Kahit hindi mo naman sabihin yung tipo ni Ate Billy ang aasawahin ko no. Kung hindi nga lang malaki ang age gap naming dalawa at kung hindi mo ako naunahan eh di sana kami na ngayon.”


            Arrrrraaaaaay ko naman! Hindi na nga ako pini-pingot ni Mommy si Kuya namana ng pumalit. “Pasensya ka na lang kapatid at pinanganak ako ng mas maaga at mas mabilis sayo.” Bigla na lang tumayo si Kuya. “Lalabas na ako at baka maka-istorbo pa ako sa inyo ng bisita mo.” At tuluyan na syang lumayas ng kwarto ko, salamat naman.


++++++++++++++++++++++++++++++++

(Regina POV)


            Paakyat na ako ng kwarto ng makita ko na may babaeng pumasok sa kwarto ni Gio, at dahil na-curious ako ay humakbang ako palapit sa kwarto ni Gio. B-ba-babae ang bisita nya, pero sino sya? Hindi ko pa naman nakikita pero yung amoy eh pambabae talaga, hindi naman ako engot para hindi ko malaman yon.


            “Aray ko naman Gio, dahan-dahan naman kasi!”


            Oh my goodness, anong ginagawa ni Gio dun sa babae?


            “Wag ka kasing malikot, malapit na kaya konting tiis na lang ha!”


            Nyutaness, talagang dito pa sila sa bahay gumagawa ng milagro ha, ang baboy nila! Wala man lang ba silang 350 pesos para mag check-in kahit na sa mumurahing motel? Patawatin Mo po sila, kahit na alam nila ang kanilang ginagawa!


            Paalis na ako sa tapat ng kwarto ni Gio ng pag-ikot ko pabalik sa kwarto ko ay may nabunggo ako, and I don’t have any idea kung sino sya.


            “Huy, anong ginagawa no jan sa tapat ng kwarto ni Gio? Nakikiig ka sa usapan nila no?” si Ate Billy pala, buti na lang hindi nya nabitawan yung pitcher of juice na hawak nya. Nanlaki yung mga mata ko nung bigla nya sa akin yung inabot sabay sabing “Ikaw na lang ang magdala nyan sa loob, tutal anjan ka na rin lang, saka kailangan ko pa ring paliguan si Ran, bye!”


            No choice naman ako diba? Kaya naman kumatok na rin agad ako, at kapag naibigay ko na to, aalis na ako.


            “Tuloy!”


            Kailangan ko pa ba talgang pumasok, hindi ba pwedeng abutin na lang nya? “Eto yung juice nyo, pinabibigay ni Ate Billy.” At binaba ko na yung pitcher sa ibabaw ng study table ni Gio. Nung tatalikod at hahakbang na ako palabas pero bigla namang nagsalita yung impaktong si Gio.


            “Sali ka na lang sa amin Gina, kunin mo yung iPad mo laro tayo ng karera.” What the--- akala ko ba masakit ang ulo nya at kailangan nyang mag-review para dun sa so-called quiz bee nya, tapos ngayon inaaya nya ako na mag-karera! “Hey, sige na. Pagbalik mo ipapakilala kita dito sa kasama ko.”


            Ayoko nga, hindi naman ako interesado sa kasama nya, lalake ang hanap ko at hindi babae. Saka pakelam ko naman sa kanilang dalawa, kung gusto nilang magkarera silang dalawa na lang, wag nila akong idamay sa ginagawa nilang laro.


            “H-hindi na, mag-aayos pa kasi ako ng mga gamit ko sa kwarto eh, kayo na lang.”


            “Are you sure? Anyway, this is Sofie, Sofie sya naman si Gina.” Pagpapa-kilala ni Gio dun sa babae na kasama nya. “Sya yung sinasabi ko sayo kanina, Sofie.”


            Anong kabalastugan na naman kaya ang pinagsasabi ni Gio tungkol sa akin sa Sofie na to? Naku, talaga naman oh!


            “Pleasure to finally meet you Gina, I’m Sofie. You know what, ang daming sinabi ni Gio sa akin tungkol sayo. Anyway, you really don’t want to play with us?”


            Bakla ba tong si Gio at puro babae halos ang best-friends nya? Sayang naman ang magandang lahi na meron sya kung hindi nya maikakalat.


            “Makipag-laro ka na sa amin kahit twenty minutes lang, then I’ll help you to clean your room. Ok ba yon?”


            She’s nice rin naman like Lalaine kaya sige na nga, papayag ako. “Ok, I’ll join but you don’t have to help me to clean my room. Kunin ko lang sandali yung iPad ko ha.” Then lumabas na ako ng room ni Gio at dire-direcho sa kwarto ko para kuhanin yung iPad ko.


            “Waaaaaaaaaahhhhh!!!”


            “Why are you screaming Ate Gina, may mumu ba dito sa room mo?”


            “Anong ginagawa mo dito Ran, nasaan si Ate Billy mo?” langyang bata na to, tamang pakelaman yung gamit ko? “Bakit nag-iisa ka lang dito?”


            “We’re playing hide-and-seek and she’s taya. I’m hiding here at your room so please Ate Gina don’t scream yourself to death, she might catch me that fast.”


            “Ok, ok! But I have to borrow that iPad because I need that.” Eh kasi naman ang bata na to, nakadapa sa gitna ng kama ko habang nilalapastangan nya ang iPad ko. “Eto na lang phone ko ang paglaruan mo ha, may angry birds din dito.”


            “But I don’t like angry birds, I want Temple Run. I want to beat Ate Monsi’s top score.”


            Ahjuskong bata naman to oh, ang daming alam. “Ok, laro ka na lang muna jan. puntahan ko muna si Kuya Gio at yung bisita nya para sabihin na hindi ako makakasali sa kanila. Jan ka lang muna ha, babalik ako.” At lumabas na ako ng kwarto ko para sabihan yung dalawa na hindi na ako makakasali sa kanila.


            “Hey, I’m sorry dahil hindi ako makakasali, ginagamit kasi ni Ran yung iPad ko eh. Gusto daw nya kasing i-beat yung top score ni Monina. Next time na lang ha.” Palabas na din ako ng kwarto ng biglang may pumasok at binalandra yung pinto sa noo ko. “Araaaaaay!!!”


            “Kuya, Ate Gina told me na maglalaro daw kayo using iPad. Anong lalaruin nyo? Sali ako!” at napansin nya na nasa likod ako ng pinto. “Ate Gina, naglalaro ka din ba ng hide-and-seek, sinong kalaro mo? By the way Ate Gina, pahiram ako nito ah, sasali ako sa kanila.”


            Kung hindi lang masamang pumatol sa bata, eh baka nakasabit na sya ngayon sa sampayan at ibinilad ko sa araw, pasalamat sya bata sya at ang cute nya.


            “You can’t join us Ran, pang grown-ups kasi yung lalaruin namin eh. You give that iPad to Ate Gina then go to your Ate Monina’s room.”


            “Ayaw!!!”


            “Ran, wag matigas ang ulo. Sige na, dun ka na kay Ate Monsi mo!”


            “Ang bad mo na Kuya Gio, ayaw ko na sayo. Dati si Ate Gina lang ni-aaway mo, ngayon pati sa akin bad ka na rin. I hate you!” at bigla naman akong hinarap ng drama prince ng bahay na ito. “Ate Gina, dun na lang tayo kay Nanny at kay Ate Monsi, sila na lang ang bati natin. Ayaw ko na kay Kuya Gio, ang bad nya.” at hinila na nya ako palabas ng kwarto ng bad nyang kuya.


            At dahil natuwa naman ako sa ginawa ni Ran eh bati na ulit kami kahit pa nagkaron ako ng mejo maliit na bukol sa noo. Dapat pala kapag si Ran ang kasama ko dagdagan ko ang pag-iingat ko, napaka Accident Prone nitong bata na to.


            “Nanny!!!” sabay takbo ni Ran ng makita nya si Ate Billy. “Ate Billy si Kuya Gio ang bad nya, niaaway na rin nya ako.” Sumbungerong bata! Pero bilib din ako sa kanya kasi hindi sya umiyak.


            “Don’t worry, kakausapin mamaya ni Nanny at ni Kuya Nathan si Kuya Gio, ha. Oh, saang kwarto mo na naman nadampot yang iPad na yan?”


            Napatingin naman sya sakin sabay kuha nung iPad kay Ran. “Oh, sayo yan for sure, kulay pink eh.” Tapos si Ran naman ang tiningnan nya. “Yung kay Kuya Nathan mo na lang ang---ay hindi, yung sa akin na lang yung gamitin mo ha. Gina, pakisabi kay Gio na kakausapin ko sya mamaya ha.” At pumunta na silang dalawa sa kwarto nung nilalanggam na mag-asawa.


            Ako naman eh dumirecho muna sa kwarto ko para itago yung iPad at saka ulit lumabas para sabihin kay Gio yung pinapasabi ni Ate Billy. Minsan nakaka-inis din kapag walang pasok eh.


            Hindi na ako nag-abala na kumatok dahil alam ko naman na naglalaro lang naman yung dalawa at hindi rin naman sila sasagot kaya binuksan ko agad yung pinto ng kwarto ni Gio.


            “Gio sabi ni At---… sorry, babalik na lang ulit ako mamaya.”


            My goodness!!! Ang sakit ng puso ko, walang sinabi yung mga ginawa nung babae dun sa puso ni Bitoy dun sa kanya na sinaktan mo ang puso ko. Bakeeeeeeeeetttt!!!


            Diba dapat hindi ka na affected Gina, pero bakit kung mapakag-react ka jan sa nakita mo eh apaka-wagas? Saka diba sabi mo kakalimutan mo na sya lalo na yung nararamdaman mo para sa kanya?


            “Tangina naman oh, apaka-bastos mo talaga Regina. Bakit kasi hindi ka muna kumatok bago ka pumasok?! Eto ang mali sa curriculum ng Singapore eh, hindi sila nagtuturo ng GMRC!”


            Sige lang Gina, humanap ka pa ng ibang bagay o tao na pwede mong sisihin dahil jan sa katangahan mo. Lintik naman kasi eh, bakit ba kasi kung sino pa yung ayaw sayo dun ka pa nagkaka-gusto! Antanga-tanga ko lang talaga!!! Tanga na nga ako sa PolSci at Stat pati ba naman sa usaping puso olats ako! Isa kang malaking LOSER Gina!!!




3 comments:

  1. TT^TT

    espren!!! pinatawa mo nga ako sa mga kalokohan ni ran pero pinasakit mo naman ang puso!!! ano ba yung nakita ni gina? nagki-kiss ba yung dalawa???

    ay naku gio!!! kapag ikaw!!! argh!!! naasar ako!!! gusto kog tumalon sa kwento at ako ang pipingot sa kanya para tuluyan nang matanggal tenga niya!!! tapos itatali ko siya dito sa puno ng mangga malapit saamin para papakin na siya ng mga hantik!!! buset!!!

    TT^TT

    pero ano ba talaga yung ginawa kasi nila??? hwahhhh! mababaliw na utak ko sa pag-iisip!!! pwede bang i-update mo na agad ito!!! parang awa mo na!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. at bilang ang dami ko ng utang na update sa iba kong story, ni-post ko na yung next chapter para naman makatulog ka ng mahimbing...hahaha...

      pasensya na at hindi ko ma-update yung mga stories ko, busy lang talaga sa lahat ng aspeto ng buhay ko!!! hehe!!!

      babawi na lang ako sa mga darating na buwan...pasensya na talaga espren... :)

      Delete
  2. grbe k nmn gio! ano n nmng himala ung gingwa nio ni sofie!! hmp! kwawa nmn c gina!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^