Thursday, July 26, 2012

The Adventure of EunSeungRi: The Beginning

[The First Three Chapter]
CHAPTER ONE
The Journey Beggins
     Bago ang lahat gusto ko munang mag-pakilala. Ako si EunSeungRi. Tama, EunSeungRi. Eun galing sa first three letter ng pangalang Eunies meaning "Good Victory" at SeungRi, isang korean name na ang meaning din ay "Victory". Ewan ko kung bakit yan ang pinangalan sakin ng nanay ko.


      Pero natatandaan ko, sabi ng tatay ko pangalan daw yan ng grand grand ninuno namin na talaga namang sikat na sikat daw noon sa larangan ng pag-sulat. Sabi pa ng tatay ko dun daw ako nag-mana.


      Tingin ko hindi yun totoo dahil hindi naman ako magaling sa pag-sulat. Hindi ko hilig ang pag-susulat. Ayaw ko nga ng ballpen at papel e. Pag nakakakita ako nun nasusuka ako. Para bang gusto kong sunugin ang lahat ng ballpen at papel sa buong mundo. At higit sa lahat hindi malawak ang isip ko gaya ng pag-kaka-describe ng tatay ko sa utak ng grand grand ninuno ko.


      Ang alam ko lang isipin ay matulog, kumain at matulog. Yun lang! Ayaw ko ng nag-iisip! Nakakatamad na gawain ang pag-iisip sa mga bagay bagay. Lalo na kapag gagawin mo pang problema ang isang solusyon. Solusyon na nga yan e, gagawan mo pa ng problema. Sira talaga ulo ng mga writer. Isa din yun sa dahilan kung bakit hindi ako naniniwala sa sabi ng tatay ko na mana ako sa grand grand ninuno ko.  Dahil paniniwala ko, ang isang writer ay isang baliw na may sariling mundo. Hindi ako baliw!


      Mas gugustuhin ko pang matulog na lang kaysa mag-isip. Sya, tama na yan. Baka kung ano pa maisip ko. Ayaw ko nga mag-isip e. Nga pala, twenty two na ko, mag-tu-twenty three na ko sa November four. Para maniwala ka 1989 ako pinanganak. 2012 ngayon. Bilangin mo pa.


      Kung tinatanong mo ang tungkol sa mga magulang ko. Maaga silang pinag-pahinga ni LORD. Masyado kasi silang masipag kaya maaga nilang natapos ang misyon nila dito sa earth.  Buti na nga lang at hindi ko nama ang kasipagan nila. Kung nag-kataon, baka nauna pa ako sa kanilang makapag-pahinga.  Hindi naman sa ayaw kong makasama si LORD. Sino ba naman ang may ayaw maka-face-to-face SIYA? Kaya lang Am not yet ready.


      Hindi ako nakatapos, wala akong natapos...sa college. Hanggang high school lang natapos ko. Wala na kasing tutustus pa sa pag-aaral ko sa college. Ulila na akong lubos. Buti na nga lang at may nakita akong trabaho kahit wala akong Medical Degree at sa ganitong itsura ko.


      Pero hindi ko naman sinasabing pangit ako, cute lang ako. May pag-kasingkit ako tulad ng koreano kong tatay. Kaya lang hindi ko namana ang kaputian nya! Dahil nga sa kasabihang maraming Melanine ng mga PINOY kaya siguro naging morena ako dahil nasobrahan sa Melanine ang nanay ko. Hindi sya maitim, sumobra lang talaga sya sa Melanine.


     Five two lang height ko. Mahaba buhok ko na may style daw na Octopus sabi ng baklang parlorista na pinag-pagupitan ko. Pero hindi ko naman alam na Octopus style pala yun, kasi nag-drawing lang ako ng hairstyle na gusto ko tapos dinala ko sa parlor at sinabing yun ang trip kong gupit. Hindi matangos ilong ko na gaya ng sa tatay ko. Majority ng itsura ko namana ko sa nanay ko. Pinay na pinay ako. Kauna-unahan sa history na may foreigner na tatay pero mas malakas ang genes ng local.


     Gaya nga ng sinabi ko kanina, ulila na akong lubos. Mabuti na nga lang talaga may tumanggap na trabaho sa akin kahit na hindi ako college graduate at walang Medical Degree. Namamasukan kasi akong Care Giver sa isang mayamang angkan.


     Isang doctor ang alaga ko. Miranda Consing ang pangalan nya. Kung paano ako naka-pasok? Iku-kwento ko sa inyo.


     Nung isang araw kasi habang nag-papalaboy laboy ako sa kalsada Forbes Park may isang matanda akong tinulungan. Malakas  kasi yung ulan nun. Halos wala ka ng makita sa daan. Pero nakita ko parin yung matandang nadulas.


     Tinakbo ko yung matanda para tulungan. Pag-tapos ko syang tulungan may isang kotseng lumapit sakin at inalok akong mag-trabaho bilang Care Giver ng amo nila. Natuwa ako at pumayag. Hindi ko na inisip kung paano nila ako nakita sa gitna ng napakalakas na ulan na halos wala ka ngang makita pero nakita parin nila ako. Feeling ko Fairy Godmother yung matanda kasi nung lingunin ko sya hindi ko na sya nakita. Siguro malakas lang talaga ang ulan  na halos wala kang makita kaya hindi ko sya nakitang umalis.


     Dun na nag-simula ang lahat. Sa Cambridge Street Forbes Park nakatira si Dok. Ang laki ng bahay nya, ang daming kwarto sa loob. Marami ring lamesa. Maraming malalaking paso na wala namang laman. Pwedeng pwede kang umupo sa loob nun. At marami ding salamin. Lahat marami. Gawa sa kahoy ang halos ninety percent ng bahay. Bilang mo lang ang lugar na may tiles. Pero syempre semento ang pader. Maraming santo na naka-display, halatang maka-DIYOS si Dok. Mababait naman ang mga kasama ko. At ang sweldo tamang tama lang para sa tulad kong wala namang pinag-kakagastusan.


     Nakilala ko sila Nel, Eilu, ang dalawang dalagang taga-luto at taga-linis ng bahay ni Dok, si Nede, ang matandang dalagang opisyal na Care Giver ni Dok, sya ang umaasikaso ng halos lahat ng kailangan ni Dok. Kain-tulog lang ang trabaho ko. Si Eina, ang secretary ni Dok na nag-recruit sakin, si Yon, ang opisyal na driver ni Dok. si Seph, ang driver ng anak ni Dok na si Loumarie na may alagang ShiTzu na ang pangalan ay Charlie. Si Don na boy at si Tor na pintor ng bahay.


     Lahat sila matatagal na sa bahay ni Dok. Syempre sa tagal nila at dahil may kanya kanya silang trabaho ay may kanya kanya rin silang reklamo sa buhay nila kay Dok.


     Si Nel at Eilu, reklamo nila ang parating pag-tawag sa kanila ni Dok kahit may-ginagawa pa sila. Si Nede, hindi ko alam kung ano ang reklamo nya, basta ang alam ko may reklamo din sya. Si Eina, reklamo nya ang mga trabaho na dapat ay si Dok ang umaasikaso. Pero dahil nga matanda na si Dok sya na lang ang umaasikaso. Si Yon na madalas mag-reklamo sa less than twenty kilometers na takbo ng kotse sa tuwing kasama nya si Dok sa EDSA.  Si Seph na wala namang ibang masabi kundi reklamo sa amo nyang si Loumarie na kahit wala naman syang ginagawang kasalanan ay pinagagalitan sya. Si Don na stress sa kaka-reklamo dahil imbes na ang hardin ng bahay ang alagaan nya ay ang aso ng amo nyang si Loumarie ang pinapaalagaan sa kaniya. At si Tor, walang ibang reklamo kundi ang tira tirang pag-kaing naiiwan sa kanya sa tuwing nahuhuli syang kumain.


     Sila ang mga kasama ko sa adventure ko sa mahiwagang mundo ng Forbes Park na kahit hindi ko sila maintindihan ay na-attached naman agad ako.



... To be continue




1 comment:

  1. ~angel is luv~

    wow! mukhang maganda ito new story mo ate. kaya i enjoy reading your updates kasi mabilis ang ud at mabilis matapos. pero maganda talaga. keep it up author! i'm always here to support you.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^