MY HEART
ONEW
Napangiti si Onew ng makita nya ang iPod ni JongHyun sa ibabaw ng lamesa ng pumasok sya sa loob ng kwarto. Kahit paano kasi ay mababawasan ang pag-ka-boring nya sa pakikinig ng music. Kinuha nya ang iPod saka lumabas ng kwarto. Ilang saglit lang habang nakikinig ng music ay napahikab sya. Naisip nyang tumambay muna sa back yard at naupo sa sementong upuan. Maya maya pa hindi na nya namalayan na nakatulog na pala sya.
Napabalikwas sya ng bangon ng makita nyang pasikat na ang araw, pero nasa kwarto pa sya nalahiga. Dali dali syang tumakbo sa C.R para maligo at mag-ayos. Kailangan nya kasing pumasok ng maaga para sa meeting nila sa performance sa darating na Valentines Day. Pianist kasi si Onew sa isang grupo ng mga musikero sa school nila.
Ilang oras pa ay nasa school na si Onew. Tumatakbo sya papunta sa building ng may biglang tumawag sa likuran nya. "Onew!"tawag ng babae.
"Shim YangMi! Ang aga mo yata?"gulat na sabi ni Onew ngunit bakas sa mukha nito ang masayang ngiti. "May practice kasi si RiYu. Gusto kong manood kaya maaga ako."sagot YangMi. Ang masayang ngiti ni Onew ay biglang nag-bago. Matagal na kasi nyang gusto ang kaibigan pero hindi sya nag-tapat kelan man dahil ayaw nyang masira ang samahan nila.
"Ganun ba?"yun na lang ang sinagot ni Onew.
"Ikaw? Bakit ang aga mo? Nag-mamadali ka pa.'balik tanong ni YangMi.
"Ah. May meeting kami para sa performance namin para sa Valentines."sagot nito.
"Oo nga pala no? Next week na yun! Good Luck! Galingan mo!"saad ni YangMi. Natuwa naman si Onew sa narinig na yun.
"Salamat."wika pa ni Onew.
"Sige, punta na muna ako sa gym."paalam ni YangMi na ikinalungkot naman ni Onew. Sinundan lang nya ng tingin ang papalayong si YangMi.
UWIAN na pero naisip munang dumaan ni Onew sa Theater Room kung saan naan dun ang piano. Gusto nya muna kasing mag-practice tutal ay maaga aga pa naman. Sana hallway na sya ng makita nya muli si YangMi. Agad nya itong tinawag at nilapitan.
"Pauwi ka na ba?"tanong ni Onew ng makalapit kay YangMi. Napakunot ang nuo ni YangMi ng may makita syang kakaiba dito.
"Oo."matipid na sagot ni YangMi. Halatang wala itong gana at mukhang napakalalim ng iniisip nito. "Okay ka lang ba?"nag-aalalang tanong ni Onew.
Ngumiting pilit si YangMi bago sumagot. "Oo naman."
Hindi kuntento si Onew sa sagot ni YangMi. Halatang halata nya talaga na may dinadala itong problema. Kanina lang ay ang ganda ng mood nito pero ngayon bakit biglang nag-bago?
"Nag-away ba kayo ni RiYu?"diretsong tanong ni Onew na ikinataranta naman ni YangMi.
"Hi-hindi. Ano naman ang pag-aawayan naming dalawa? Okay lang talaga ako. Pagod lang talaga siguro ako."dahilan ni YangMi na ikinakumbinsi naman ni Onew sa huli.
"Okay."sagot ni Onew.
"Uuwi ka na ba?"pag-kuway tanong ni YangMi.
Umiling si Onew. "Mag-pa-practice muna ako sa Theater Room."bahagya pa nyang tinuro ang gawi ng Theater Room.
"Talagang pinag-hahandaan mo ang darating nyong performance ah."nakangiting wika si YangMi kay Onew, nagiti rin si Onew.
"Oo. Ito na rin kasi ang last performance ko dito sa school."bumuntong hininga si Onew. Graduating na kasi siya kaya gusto nyang ibigay ang best nya para sa last performance na yun. Nang mapatingin sya kay YangMi ay nahuli nya itong wala sa sarili ay halatang hindi nakikinig sa sinasabi ni nya. Nakatitig ito sa cellphone na para bang may hinihintay na tawag o text. "YangMi, Okay ka lang ba talaga?"
Wala sa sariling sumagot si YangMi. "O-oo okay lang ako."ngumiti pa ito ng pilit. Hindi nag-salita si Onew sa halip ay iniimbistigahan lang nito ang mukha ni YangMi. Agad naman iniba ni YangMi ang usapan. "Alam ko na! Sasamahan na lang kita mag-practice para hindi ka matakot."tila hindi pa sure si YangMi kung gusto ba nyang samahan si Onew. Natawa naman si Onew sa kaniya.
"Bakit naman ako matatakot?"saad nito na mukhang hindi ma-gets ang sinabi ni YangMi.
"Diba ang dilim dun kasi ang pwede lang buksan na ilaw ay yung spot na sana piano."ini-imagine na ni YangMi ang itsura ng Theater. Madilim ang paligid at tanging ang pwesto ng piano ang may ilaw. Ni minsan kasi ay hindi pa sya nakapasok sa Theater ng school nila. Puro kasi sa gym lang ang pungta nya dahil isa syang cheerleader at varsity naman ng basketball ang boyfriend nyang si RiYu.
Natawa muli si Onew saka hinatak ang kamay nya papuntang Theater Room. Kabaliktaran pala ng iniisip ni YangMi ang totoong itsura ng Theater Room. Maliwanag ang paligid at may kalakihan ito. Nasa pinaka-ibaba ang stage kung saan naroon ang piano. Nag-patiuna si Onew papunta sa stage, kasunod si YangMi. Mangha ito sa itsura ng Theater. Ilang saglit pa ay nasa harapan na sila ng piano. Naupo na si Onew habang si YangMi ay nakamasid parin sa kabuohan ng Theater. Napalingon lang sya ng biglang tumugtog nga piano si Onew. Lumapit sya kay Onew at naupo sa tabi nito. Nilingon sya ni Onew saka nginitian.
"Maganda ba?"tanong ni Onew, tumango si YangMi. "Nocturo N.2 op. 26, si Frederic Chopin ang gumawa."aniya ni Onew. Napakunot ang nuo ni YangMi sa narinig. Mukhang hindi nya ito naintindihan.
Manghang tumingin si YangMi kay Onew. "Wala akong alam sa mga classical music. Pero ikaw parang ang dami mong alam."puri pa ni YangMi. Ngumiti si Onew saka huminto sa pag-tugtog.
"Noong bata ako gusto kong maging doctor."dagling natawa si Onew. "Nagbago yun nung unang beses akong makahawak ng piano. Na-in-love agad ako sa piano. Hanggang sa makita ko na lang sarili ko na hindi na kayang mabuhay na walang hinahawakang piano araw-araw."dinama ni Onew ang piano. "Noong una nakakalito. Hindin ko alam kung pag-do-doctor o pag-aaral ng music ang kukuhain ko sa college pero sabi nga nila 'kung saan ka masaya dun ka'. Masaya ako sa pag-pa-piano. Kaya ito ang pipiliin ko."pag-lingon nya kay YangMin ay nakatulala ito habang nakatitig sa piano.
"Matagal na kitang kaibigan pero ngayon ko lang nalaman sayo ang mga ganitong bagay."saad ni YangMi. Napaisip saglit si Onew saka agad na iniba ang usapan nang maramdaman nyang guilty si YangMi.
"Tingin ko kailangan na nating umuwi."pag-iiba ni Onew ng usapan. "Tara, sabay na tayo."yaya nya dito.
NASA kundisyon si Onew ng pumasok ito kinabukasan. Si YangMi agad ang una nyang hinanap dahil gusto sana nyang yayain ito sa bagong bukas na Amusement Park malapit sa school nila. Pero nang puntahan nya ito sa classroom nito ay wala ito doon. Binalikan nya ito ng lunch break pero ang sabi ng classmate ni YangMi ay hindi daw sya pumasok.
Naging palasisipan kay Onew ang pag-absent ni YangMi. Naiisip nya ang kakaaibang kinikilos ni YangMi kahapon. Baka dahil sa iniisp nito kahapon kaya ito wala sa klase nito ngayon. Hanggang sa makauwi ay walang ibang nasa isip ni Onew kundi si YangMi. Napapisik sya ng bigla na lang mag-ring ang phone nya. Dali dali nyang sinagot ng makita nyang si YangMi ang natawag.
"YangMi? Bakit wala ka sa sschool kanina?'yun agad ang tinanong ni Onew. Pero sa halip na sumagot ay humihikbi lang ito. "Umiiyak ka ba?"wala paring sagot sa kabilang linya. Naalarma na si Onew. "Nasaan ka ba? Pupuntahan kita."patakbong lumabas ng bahay si Onew papunta sa kinaroroonan ni YangMi.
Naabutan nyang tulala at wala sa sarili si YangMi habang nakaupo ito sa duyan sa park malapit sa school nila. Nilapitan sya ni Onew, nang makarating ito sa harapan nya ay hindi na nya napigilang mapahagulgul.
"YangMi. Ano bang problema?"naiinis si Onew dahil clueless sya sa mga nang-yayari.
"Si RiYu-"humihikbing saad ni YangMi. "Niloko nya ako."pag-amin nya kay Onew. Lalong nagalit si Onew sa narinig. Gusto nyang sugurin si RiYu at paulanan ito ng suntok dahil sa pang -loloko at pag-papaiyak nito kay YangMi. "Bakit nya ginawa yun?"wika ni YangMi sa garalgal na boses. Walang ibang magawa si Onew sa mga oras na iyon kundi ang yakapin si YangMi para i-comfort ito.
Hindi man aminin ni Onew ay may part sa kanya na masaya dahil sa wakas ay mag-kakaroon na sya ng chance para kay YangMi. Sabihin man ng iba na selfish sya pero hindi nya kayang itago sa sarili nya ang pakiramdam na yun. Sa wakas ay mabibigyan sya ng pag-kakataong angkinin ang kauna-unahang babaeng minahal nya.
Ang gabing iyon ang isa sa bagay na hinding hindi nya makakalimutan. Nasa bisig nya si YangMi. Yakap yakap ito ng mahigpit. Pero parang alikabok na bigla na lang naglaho si YangMi ng may narinig syang nag-tatawanan. Dumilim ang paligid ngunti mabilis ding nag-liwanag. unti unti nyang naaninag ang ilaw hanggang sa tuluyan na nga syang nagising mula sa mahabang pag-tulog. Matagal syang nakahiga sa lapag nakatulala habang iniisip nya ang napanaginipan.
Saka lang sya gumalaw ng marinig nya ang salita ni JongHyun. ". . .pag nalaman nya."saad ni JongHyun. Saka lang na-realized ni Onew na nalaglaga pala sya sa lapag. Wala kasing sandalan ang upuan na yun kaya sa kabilang bahagi sya nahulog. Tumayo sya sa kinahihigaan.
Nagulat naman sina TaeMin, JongHyun at MinHo sa kanya. Nakita ni Onew na may hawak silang pink na notebook. Nakisali sya sa mga ito na may masayang mood dahil sa napanaginipan nyang first love nya.
this is fun to read. i'm looking forward to the other members' diary.
ReplyDeletehehe .. salamat po ..
Deleteang cute! nabasa ko na rin yung kay mindo. ano kaya yung kay taemin my loves!
ReplyDeletemedyo nabitin nga lang ako.. pero ang cute pa rin!..
ReplyDelete