Saturday, July 28, 2012

Love Tutorial : Chapter 13


So this is it !!
Puerto princesa maeenjoy na din kita !!

“hoy babae san mo ba balak pumunta ??” tanung ni kumag

“hmmm.. kahit san ..” wala naman akong alam na lugar dito e ..

“kahit saan?! May lugar ba na ganun ?” pilosopohan na naman ba ?

“abnormal , wala naman akong alam na mapupuntahan dito e, kaw na bahala ..”

“hmmm .. alam ko na.. tara !” tapos bigla nyang hinawakan yung kmay ko tapos hinila ako sa may sakayan ng tricycle ..

*dugdug*


Tapos parang naramdaman kong biglang uminit ung mukha ko ..
Anu ba tong nangyayari sa akin ..

Pagbaba ng tricyle.. lakad .. lakad .. lakad ..
Hawak nya pa din yung kamay ko ,
kelan nya kaya balak bitawan ? 
kahit wag na, 
Hila hila nya pa din ako ..
Sa kanya nga lang ako halos nakatingin e ..
Tapos napansin ko na lang nasa may dagat na kami ..

“oh anung gingawa natin dito ? “ tanung ko ..

“basta “ tapos bigla nya akong pinasakay dun sa isang maliit na bangka ..

Tapos tinulak nya yung bangka at sumakay na siya ..

“ui, marunong ka ba talagang mamangka ?”   tanung ko, wala akong tiwala dito baka mamaya hindi pala marunong to, kung saan kami mapadpad ..

“hindi, ngayon palang akong namangka e”

“HA ?!!” hindi siya marunong mamangka ? e nasa kalagitnaan na kmi ng dagat ?!!

“joke lang, nag iisip ka ba ? tanga ba ako para sumakay ng bangka kung hindi ako marunong ?!”

“siguraduhin mong marunong ka ha .”

“tss..”

Tapos maya maya nakakita na ako ng mga isla, tapos mga parang kweba ata yun, ang ganda .. super ..

“wow ang ganda,” 

“tss . ngayon ka palang ba nakakita nyan ? inosente ..”

“ou, ngayon pa lang..  ngayon pa lang ako nakakita ng dagat e, atska ngayon palang ako nakaranas sumakay sa bangka ..”

Pagkasabi ko nun, parang natigilan siya .. tapos tiningnan nya lang ako ..

“sina mama kasi , hindi nila ako dinadala sa dagat .. di rin naman kasi ako marunong lumangoy, saka may masama kasi silang experience sa dagat”  ayan nagkwento na tuloy ako ..

“masamang experience ? anu ?” tanung nya ..

“may nakababatang kapatid kasi si mama, si tita Jessica, 10 years yung gap nila, 14 years old si tita nun nung nagpunta sila sa beach, kakakasal palang nina mama at papa nun , tapos bigla nawala si tita Jessica, nalaman na lang nila na nalunod na pala si Tita .. Kaya mula nun, hindi na rin nila ako sinsama sa beach.. saka over Protective sila sa akin, parang halos bahay lang at school ako .. kasi nga ayaw nilang mangyari sa akin yung nangyari kay tita .. yun din yung dahilan kaya mahina ako sa mga direksyon, sa lugar atska masyado akong inosente sa ilang bagay .. “

Tapos napansin kong nakatitig lang siya sa akin ,.

“ui natulala ka na jan..”

“ah, wa-wala .., hmm.. gusto mo turuan kitang mamangka ? ”

“ha ? si-sige “

Tapos pinahawak nya sa aking yung sagwan, tapos tinuruan nya ako kung paanu, sa una hirap na hirap ako, pero medyo madaling lang din naman pala ..

Tapos nagulat kami ng bigla na lang kumulg at kumidlat .. tapos pumatak na din yung ulan, kinabahan ako, kasi nasa kalagitnaan na kami halos ng dagat ..

“Johnny, tara na, bumalik na tayo, natatakot na ako..”

“wag kang matakot, nandito lang ako..” tapos nginitian nya ako .

Nabawasan yung takot ko sa sinabi nya .. kaso lumalakas na din yung hangin at tumataas na yung alon ..
Tapos ..

<boogsh>

Hinampas ng alon yung bangkang sinsakyan namin .. tumaob yung bangka ..
Hindi ako marunong lumangoy …

“jo-Johnny .. hindi ako marunong lumangoy ..”

Dahil sa lakas ng hangin at alon, napalayo ako kay Johnny ..
“Jessie ..”

“Jo-Johnny ..”

Tapos unti unti na akong lumulubog ..

Hanggang sa wala na akong makita ..

Hanggang dito na lang ba ako ??

 ………….



>> sorry ulit ngaun lang 





2 comments:

  1. ~angel is luv~

    yieeeeh! sa wakas meron n ud! okay lng po kahit matagal ang post mo miss ixsha. i'm still going to read this. isa 2 sa mga una kong naabutan nung mapunta aq dito sa blog niyo eh.

    ReplyDelete
  2. ghad! what will happen next? exciting na! sana mapabilis pa ang ud.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^