So this is it !!
Puerto princesa maeenjoy na din kita !!
“hoy babae san mo ba balak pumunta ??” tanung ni kumag
“hmmm.. kahit san ..” wala naman akong alam na lugar dito e
..
“kahit saan?! May lugar ba na ganun ?” pilosopohan na naman
ba ?
“abnormal , wala naman akong alam na mapupuntahan dito e,
kaw na bahala ..”
“hmmm .. alam ko na.. tara !” tapos bigla nyang hinawakan
yung kmay ko tapos hinila ako sa may sakayan ng tricycle ..
*dugdug*
Tapos parang naramdaman kong biglang uminit ung mukha ko ..
Anu ba tong nangyayari sa akin ..
Pagbaba ng tricyle.. lakad .. lakad .. lakad ..
Hawak nya pa din yung kamay ko ,
kelan nya kaya balak bitawan ?
Hila hila nya pa din ako ..
Sa kanya nga lang ako halos nakatingin e ..
Tapos napansin ko na lang nasa may dagat na kami ..
“oh anung gingawa natin dito ? “ tanung ko ..
“basta “ tapos bigla nya akong pinasakay dun sa isang maliit
na bangka ..
Tapos tinulak nya yung bangka at sumakay na siya ..
“ui, marunong ka ba talagang mamangka ?” tanung ko, wala akong tiwala dito baka
mamaya hindi pala marunong to, kung saan kami mapadpad ..
“hindi, ngayon palang akong namangka e”
“HA ?!!” hindi siya marunong mamangka ? e nasa kalagitnaan
na kmi ng dagat ?!!
“joke lang, nag iisip ka ba ? tanga ba ako para sumakay ng
bangka kung hindi ako marunong ?!”
“siguraduhin mong marunong ka ha .”
“tss..”
Tapos maya maya nakakita na ako ng mga isla, tapos mga
parang kweba ata yun, ang ganda .. super ..
“wow ang ganda,”
“tss . ngayon ka palang ba nakakita nyan ? inosente ..”
“ou, ngayon pa lang..
ngayon pa lang ako nakakita ng dagat e, atska ngayon palang ako
nakaranas sumakay sa bangka ..”
Pagkasabi ko nun, parang natigilan siya .. tapos tiningnan
nya lang ako ..
“sina mama kasi , hindi nila ako dinadala sa dagat .. di rin
naman kasi ako marunong lumangoy, saka may masama kasi silang experience sa
dagat” ayan nagkwento na tuloy ako ..
“masamang experience ? anu ?” tanung nya ..
“may nakababatang kapatid kasi si mama, si tita Jessica, 10
years yung gap nila, 14 years old si tita nun nung nagpunta sila sa beach,
kakakasal palang nina mama at papa nun , tapos bigla nawala si tita Jessica,
nalaman na lang nila na nalunod na pala si Tita .. Kaya mula nun, hindi na rin
nila ako sinsama sa beach.. saka over Protective sila sa akin, parang halos
bahay lang at school ako .. kasi nga ayaw nilang mangyari sa akin yung nangyari
kay tita .. yun din yung dahilan kaya mahina ako sa mga direksyon, sa lugar
atska masyado akong inosente sa ilang bagay .. “
Tapos napansin kong nakatitig lang siya sa akin ,.
“ui natulala ka na jan..”
“ah, wa-wala .., hmm.. gusto mo turuan kitang mamangka ? ”
“ha ? si-sige “
Tapos pinahawak nya sa aking yung sagwan, tapos tinuruan nya
ako kung paanu, sa una hirap na hirap ako, pero medyo madaling lang din naman
pala ..
Tapos nagulat kami ng bigla na lang kumulg at kumidlat ..
tapos pumatak na din yung ulan, kinabahan ako, kasi nasa kalagitnaan na kami
halos ng dagat ..
“Johnny, tara na, bumalik na tayo, natatakot na ako..”
“wag kang matakot, nandito lang ako..” tapos nginitian nya
ako .
Nabawasan yung takot ko sa sinabi nya .. kaso lumalakas na
din yung hangin at tumataas na yung alon ..
Tapos ..
<boogsh>
Hinampas ng alon yung bangkang sinsakyan namin .. tumaob
yung bangka ..
Hindi ako marunong lumangoy …
“jo-Johnny .. hindi ako marunong lumangoy ..”
Dahil sa lakas ng hangin at alon, napalayo ako kay Johnny ..
“Jessie ..”
“Jo-Johnny ..”
Tapos unti unti na akong lumulubog ..
Hanggang sa wala na akong makita ..
Hanggang dito na lang ba ako ??
………….
~angel is luv~
ReplyDeleteyieeeeh! sa wakas meron n ud! okay lng po kahit matagal ang post mo miss ixsha. i'm still going to read this. isa 2 sa mga una kong naabutan nung mapunta aq dito sa blog niyo eh.
ghad! what will happen next? exciting na! sana mapabilis pa ang ud.
ReplyDelete