Saturday, July 28, 2012

Chinese Garter - Love Story

Chinese Garter-Love Story (One-Shot)
By: InnocentPen




“Ang pag-ibig ay parang Chinese Garter, pataas nang pataas ang mga level of challenges, may magtatagumpay at may naa-out, pero kung may karamay ka may tao pang makakapag-save saiyo.”
                                                                                                                  -InnocentPen
                                                           

--


Characters:

Ina as Kathryn Bernardo

Marco as Daniel Padilla


--



Highschool life…



Haay. Nakakamiss.



Nakakamiss yung mga kalokohan.



Yung mga naging bahagi ng school year.



Lahat lahat.





Kahit naka-ilang taon na kami sa college hindi pa rin namin maiwasang mamiss ang Highschool life namin dati.






“Uy! Ina! Wala si prof.” PE namin ngayon, tapos wala? Sayang naman.




“Eh bakit daw?” Natanong ko, minsan lang kasi mag-absent yun eh.



“Ewan ko dun, tara! Laro tayooo!” Medyo nabuhayan ang dugo ko ng marinig ko yung word na ‘laro’ . Nung highschool kasi kami, talagang hilig namin ang paglalaro, mapa-jackstone, Truth or Dare, luksung tinik o baka….Pero ang madalas naming laruin non ay Chinese Garter.



Hinila ako nung classmate ko si Danica.



“Ilan na tayo? Marami na ba?” Tanong ni Danica na tumatayong organizer sa laro. Haha.




“Kasali ka Ina? O sure! Ten na tayo.” Pagkatapos nun naggroup group na kami, lima ang lalaki at lima rin naman ang girls. Boys vs. Girls ito.






BOYS(Members: Marco, Bhon, Justin, Chrysler, Sho)

GIRLS(Members: Ina, Alyssa, Danica, Ricca, Kelly)





Nagbato-bato pik pa kami kung sino ang unang maglalaro, hindi kase sila gentlemen. >_<


Madaya ang boys kaya sila ang unang naglaro. Hindi ako ang humawak ng goma (Gamit namin sa paglalaro) dahil may mas matangkad sakin kaya nanunuod na lang ako at nagwiwish na sana ma-out sila.



Dun sa unang level walang na-out sakanila. Natatawa ako kasi nagme-make a face pa sila. Hahaha! Kala mo cute! Isa lang naman ang cute sakanila, yun si…..






“Oy! Out ka na, Marco!” Narinig kong sigaw ni Danica. What the?! 2nd level palang out na siya? Hahaha! Nasa may knee pa lang yung goma.




“Madaya toh! Itong si Ina kasi eh!”





“Bah, ako na naman! Anong ginawa ko sayo?” Sigaw ko rin sakanya.




“Kung makatingin  ka parang gustung-gusto mo kong halikan!”




“Lagi--- ANO?! Gumagawa ka na naman ng excuse eh! Shoo! Alis! Out ka na!”




Nagtatawanan lang yung mga classmates ko na nanunuod sa amin. Ang ingay namin grabe.





“Mase-save pa ko ni Justin! Beeeh!” Natawa ako sa reaction nya, Adik lang tong si Marco.




Nasave nga siya, nagtuloy tuloy silang naglaro pero nung nasa 7th Level (Nasa ulo na yung goma) Hindi na nila kinaya, si Justin lang ang nakalampas sa goma. At sinubukan pa ni Justin na isave yung mga kagroup nya kaso talagang wala.



Kami namang girls, napasigaw kami! Hahaha! Turn na namin! Yey!






“Oh? Pano nyan, kami na. Hahaha! Maluluhi kayo! Weak! Humanda kayo sa punishment! Hahaha!” Tawa ni Alyssa. Tahimik lang ako, confident kasi ako na kami talaga ang mananalo. :>





Dun sa 1st and 2nd level sabay sabay talaga kaming nag-jump, para maasar yung mga boys lalo na yung humahawak ng goma, sina Marco at Sho. (Nasa left si Marco at Right naman si Sho)





Nagtuloy tuloy kami sa laro, kapag ako yung tumitira  talagang napapaharap ako kay Marco at binebelatan ko siya. Hahaha. Loko kasi e. XD



Nung tinaas na yung goma sa may shouler nila, parang nasa eyes level na kami, ang tatangkad kasi ng mga toh. Ako yung unang tumira, hindi ako katangkaran kaya dapat akong kumuha ng pwersa. Umurong ako ng umurong bago ako tumakbo at nag-jump sa may goma.  Muntik na akong ma-out of balance pero buti na lang naalalayan ako ni Marco……WAIT??! MARCO?!



Tiningnan ko si Marco na ngayon ay nakatingin pa rin sakin, mukhang gulat at may pag-alala sa mukha nya. Nanatili kaming ganon.






















“EHHHHEEEEEM!” Sabay sabay na sabi ng mga girls.




(__  __)—Reaction nya.

O/////O—Reaction ko.



Tinuloy pa rin namin yung laro, hindi ako na-out kasi naka-jump na ko bago ako na-out of balance sa kinatatayuan ni….Uhm, nevermind.




Nung nalagay na sa may tapat ng eye ang goma, nakayanan pa namin. Expert kami dito. Hihi! XD




Nung ako na ang titira, talagang kumuha ako ulit ng pwersa. Taposs…..




Yaaaaaaaaaaaaaaah!



Sugod na papunta sa may Goma!








Booom!



Nag-stop ako bigla, nawala yung power na tinipon ko. Haha. Kaya umurong ulit ako tapos nagtatakbo at naka-jump ulit ako pero kapag tumitira ako, nagkakalapit naman kami ni Marco. Tapos itong si Marco naman, nilalapit pa nya ang mukha nya saken. Sheete naman! Ambango… Errr. Nevermind.






“Gusto mo talaga akong halikan noh?” Pang-aasar pa nya saken. Bwisit na Marco’ng iyan!





“Shemus mu!” Bumelat naman ako ulit sakanya. Yung mga classmate naman namin may kanya-kanyang ginagawa. Yung mga matatalino, nagbabasa parang walang pakialam sa mundo. Yung mga iba naman nanunuod at nakikitawa samen kaya umiingay lalo. Tapos yung mga maloloko naman, etoh, bumalik sa pagkabata…Naglalaro ng Chinese garter. Shete!





Kinakaya pa rin namin yung mga levels, pataas na kasi ng pataas kaya pahirap na ng pahirap.





Tinaas na nina Marco ang goma sa may head nila, grabe ang tangkad nila. Kaya pa ba namin toh? Think positive! Kaya pa.



Yung mga kagroup ko nakatira na at na-out sila lahat. Ako na lang ang pag-asa para masave ko sila. Kaya ko toh.



Umurong na naman ako para makakuha ng pwersa.






Waaaaaaaaaaah! Yaaaaaaaaaaaaaaaaaah!







Takbooo…







Jump!




Pwe! Buti na lang. Galing ko talaga, nakalampas ako.







“Oh? Marco? Bilib ka saken nuh?” Pang-aasar ko sakanya sabay smirked. Haha. XD Nag-roll eyes naman itong si Pogi.






“Ay! Baklush ang peg mo, ‘day?” Pang-aasar ko pa. Haha.





“Bakla pala ah….” Binitawan nya ang goma tapos naglakad palapit saken….”Kung gawin ko na kaya ang kanina pang gusto9 mong gawin saken? Kung halikan kaya kita?” Sabi nya at titig-na titig siya saken. Namutla naman ako. K-kasi…. May G-gusto ako sakanya.



Palapit na palapit na talaga ang mukha nya saken kaya pumikit nako….





At naramdaman ko yung hininga niya. Pumikit ako ng mariin, nagpapanic na kasi ako di ko na alam kung anong gagawin. Titingin ba ako? Oh pipikit? Ay! Pikit na lang.




Ramdam na ramdam ko na yung hininga niya sa may mukha ko.


















“Uy! Inaaaaa! I-save mo na kamii!” Sigaw ni Kelly.



Napadilat naman ako at nakita ko si Marco na nagulat din sa sigaw ni Kelly napa-Uhm na lang kaming pareho.



Namumula kaming dalawa ni Marco, ewan ko ba. Ayhshh! Kahiya.




“Oh? Ano ka ngayon? Pinudpod ng red lipstick ang cheeks? Ampula mo, Ina.” Natatawang puna ni Ricca, tumawa naman ang mga classmates ko. Tapos yung mga mates kong mga matatalino napapa-iling na lang pero halatang kinilig sila. Kahiya. (_ _)




“Game na!”




“Si Alyssa muna ang isesave ko.” Sabi ko. At saka ako nag-sigh. Kaya ko toh.





Kumuha ako ng pwersa yung pinaka-pwersa ko at tumakbo…






At nag-jump na! Nakapikit ako pagkatapos mag-jump napaluhod kasi ako at naramdaman kong sumabit yung goma sa paa ko. Sumablay ako. =(





Tapos narinig ko na lang na may sumigaw….













“SHIT! ANG TANGA KO! I-stop na naten itong game! Lecheng gomang yan!” S-si Marco ba yun?







May tumayo saken, ako naman nakapikit pa rin. Medyo natakot kase ako sa pagkakaupo ko nung tumalon ako. Medyo sumakit yung tuhod ko dahil siguro dun sa impact ng pagkakatalon ko.





Pagkatayo ko, may yumakap saken. o.O Napadilat ako dahil dun.









“Sorry! Sorry, Ina. Hindi na tayo maglalaro ng goma-gomang iyan. Nasaktan ka tuloy. Sorry talaga! Kasalanan ko ito eh.” T-totoo ba toh? Niyayakap ako ni Marco na mahal ko?






O_____O






“Sorrry! Sorrry Ina! May masakit ba sayo? Okay ka lang?” Napatango lang ako.



“Sigurado ka? Baka gusto mong pumunta muna sa may clinic, tara, sasamahan kita.” Hinawakan nya ang mukha ko.









“M-marco, Co..concern ka saken?”




Tanong ko…

























“Oo naman! Mahal kaya kita!” Na-sigaw nya.






A-ako? Mahal ? Niya?








Namula ako. Tapos yung mga classmates namin tinutukso kami.



Dahil sa saya ko, wala na akong pake kung tama ba yung narinig ko o hindi. Niyakap ko siya.







“Mahal din kaya kita!” Sabi ko at ramdam kong natigilan siya. Haha. Tumingin siya saken, mukhang natataranta.




“Totoo? Wala bang halong pang-aasar iyan? Baka sinasabi mo lang yan kasi sinabi ko sayong mahal kita, baka naman napipi---“







Ano ang ginawa ko?













I kissed him.






And our love story started with that game, the Chinese Garter. And this is our Chinese-Garter Love Story.








-Xoxo, InnocentPen!


--


Joycei's Note: Nagustuhan nyo po ba? <3 Feedbacks??


2 comments:

  1. hahaha.. grabe!.. tawa lang ako ng tawa.. hahah.. ang saya!

    ReplyDelete
  2. nakakatuwa naman! continue writing one-shot about kathniel! dito lang ako nakakabasa ng magaganda eh.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^