Chinese Garter-Love Story (One-Shot)
By: InnocentPen
“Ang
pag-ibig ay parang Chinese Garter, pataas
nang pataas ang mga level of challenges, may magtatagumpay at may naa-out, pero kung may karamay ka may tao
pang makakapag-save saiyo.”
-InnocentPen
--
Characters:
Ina as Kathryn Bernardo
Marco as Daniel Padilla
--
Highschool
life…
Haay.
Nakakamiss.
Nakakamiss
yung mga kalokohan.
Yung
mga naging bahagi ng school year.
Lahat
lahat.
Kahit
naka-ilang taon na kami sa college hindi pa rin namin maiwasang mamiss ang
Highschool life namin dati.
“Uy! Ina!
Wala si prof.” PE namin ngayon, tapos wala? Sayang naman.
“Eh bakit
daw?”
Natanong ko, minsan lang kasi mag-absent yun eh.
“Ewan ko
dun, tara! Laro tayooo!” Medyo nabuhayan ang dugo ko ng marinig ko yung word na ‘laro’ .
Nung highschool kasi kami, talagang hilig namin ang paglalaro, mapa-jackstone,
Truth or Dare, luksung tinik o baka….Pero ang madalas naming laruin non ay Chinese Garter.
Hinila
ako nung classmate ko si Danica.
“Ilan na
tayo? Marami na ba?” Tanong ni Danica na tumatayong organizer sa laro. Haha.
“Kasali ka
Ina? O sure! Ten na tayo.” Pagkatapos nun naggroup group na kami, lima ang lalaki at lima
rin naman ang girls. Boys vs. Girls ito.
BOYS(Members:
Marco, Bhon, Justin, Chrysler, Sho)
GIRLS(Members:
Ina, Alyssa, Danica, Ricca, Kelly)
Nagbato-bato
pik pa kami kung sino ang unang maglalaro, hindi kase sila gentlemen. >_<
Madaya
ang boys kaya sila ang unang naglaro. Hindi ako ang humawak ng goma (Gamit namin sa paglalaro) dahil may mas
matangkad sakin kaya nanunuod na lang ako at nagwiwish na sana ma-out sila.
Dun
sa unang level walang na-out sakanila. Natatawa ako kasi nagme-make a face pa
sila. Hahaha! Kala mo cute! Isa lang naman ang cute sakanila, yun si…..
“Oy! Out ka
na, Marco!” Narinig kong sigaw ni Danica. What the?! 2nd level
palang out na siya? Hahaha! Nasa may knee pa lang yung goma.
“Madaya toh!
Itong si Ina kasi eh!”
“Bah, ako na
naman! Anong ginawa ko sayo?” Sigaw ko rin sakanya.
“Kung
makatingin ka parang gustung-gusto mo
kong halikan!”
“Lagi---
ANO?! Gumagawa ka na naman ng excuse eh! Shoo! Alis! Out ka na!”
Nagtatawanan
lang yung mga classmates ko na nanunuod sa amin. Ang ingay namin grabe.
“Mase-save
pa ko ni Justin! Beeeh!” Natawa ako sa reaction nya, Adik lang tong si Marco.
Nasave
nga siya, nagtuloy tuloy silang naglaro pero nung nasa 7th Level (Nasa ulo na yung goma) Hindi na nila
kinaya, si Justin lang ang nakalampas sa goma. At sinubukan pa ni Justin na
isave yung mga kagroup nya kaso talagang wala.
Kami
namang girls, napasigaw kami! Hahaha! Turn na namin! Yey!
“Oh? Pano
nyan, kami na. Hahaha! Maluluhi kayo! Weak! Humanda kayo sa punishment!
Hahaha!”
Tawa ni Alyssa. Tahimik lang ako, confident kasi ako na kami talaga ang mananalo.
:>
Dun
sa 1st and 2nd level sabay sabay talaga kaming nag-jump,
para maasar yung mga boys lalo na yung humahawak ng goma, sina Marco at Sho. (Nasa left si Marco at Right naman si Sho)
Nagtuloy
tuloy kami sa laro, kapag ako yung tumitira talagang napapaharap ako kay Marco at
binebelatan ko siya. Hahaha. Loko kasi e. XD
Nung
tinaas na yung goma sa may shouler nila, parang nasa eyes level na kami, ang
tatangkad kasi ng mga toh. Ako yung unang tumira, hindi ako katangkaran kaya
dapat akong kumuha ng pwersa. Umurong ako ng umurong bago ako tumakbo at
nag-jump sa may goma. Muntik na akong
ma-out of balance pero buti na lang naalalayan ako ni Marco……WAIT??! MARCO?!
Tiningnan
ko si Marco na ngayon ay nakatingin pa rin sakin, mukhang gulat at may
pag-alala sa mukha nya. Nanatili kaming ganon.
“EHHHHEEEEEM!” Sabay sabay
na sabi ng mga girls.
(__ __)—Reaction nya.
O/////O—Reaction
ko.
Tinuloy
pa rin namin yung laro, hindi ako na-out kasi naka-jump na ko bago ako na-out
of balance sa kinatatayuan ni….Uhm, nevermind.
Nung
nalagay na sa may tapat ng eye ang goma, nakayanan pa namin. Expert kami dito.
Hihi! XD
Nung
ako na ang titira, talagang kumuha ako ulit ng pwersa. Taposs…..
Yaaaaaaaaaaaaaaah!
Sugod
na papunta sa may Goma!
Booom!
Nag-stop
ako bigla, nawala yung power na tinipon ko. Haha. Kaya umurong ulit ako tapos
nagtatakbo at naka-jump ulit ako pero kapag tumitira ako, nagkakalapit naman
kami ni Marco. Tapos itong si Marco naman, nilalapit pa nya ang mukha nya
saken. Sheete naman! Ambango… Errr. Nevermind.
“Gusto mo
talaga akong halikan noh?” Pang-aasar pa nya saken. Bwisit na Marco’ng iyan!
“Shemus mu!” Bumelat
naman ako ulit sakanya. Yung mga classmate naman namin may kanya-kanyang
ginagawa. Yung mga matatalino, nagbabasa parang walang pakialam sa mundo. Yung
mga iba naman nanunuod at nakikitawa samen kaya umiingay lalo. Tapos yung mga
maloloko naman, etoh, bumalik sa pagkabata…Naglalaro ng Chinese garter. Shete!
Kinakaya
pa rin namin yung mga levels, pataas na kasi ng pataas kaya pahirap na ng
pahirap.
Tinaas
na nina Marco ang goma sa may head nila, grabe ang tangkad nila. Kaya pa ba
namin toh? Think positive! Kaya pa.
Yung
mga kagroup ko nakatira na at na-out sila lahat. Ako na lang ang pag-asa para
masave ko sila. Kaya ko toh.
Umurong
na naman ako para makakuha ng pwersa.
Waaaaaaaaaaah!
Yaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
Takbooo…
Jump!
Pwe!
Buti na lang. Galing ko talaga, nakalampas ako.
“Oh? Marco?
Bilib ka saken nuh?” Pang-aasar ko sakanya sabay smirked. Haha. XD Nag-roll eyes naman
itong si Pogi.
“Ay! Baklush
ang peg mo, ‘day?” Pang-aasar ko pa. Haha.
“Bakla pala
ah….”
Binitawan nya ang goma tapos naglakad palapit saken….”Kung gawin ko na kaya ang
kanina pang gusto9 mong gawin saken? Kung halikan kaya kita?” Sabi nya at titig-na
titig siya saken. Namutla naman ako. K-kasi…. May G-gusto ako sakanya.
Palapit
na palapit na talaga ang mukha nya saken kaya pumikit nako….
At
naramdaman ko yung hininga niya. Pumikit ako ng mariin, nagpapanic na kasi ako
di ko na alam kung anong gagawin. Titingin ba ako? Oh pipikit? Ay! Pikit na
lang.
Ramdam
na ramdam ko na yung hininga niya sa may mukha ko.
“Uy!
Inaaaaa! I-save mo na kamii!” Sigaw ni Kelly.
Napadilat
naman ako at nakita ko si Marco na nagulat din sa sigaw ni Kelly napa-Uhm na
lang kaming pareho.
Namumula
kaming dalawa ni Marco, ewan ko ba. Ayhshh! Kahiya.
“Oh? Ano ka
ngayon? Pinudpod ng red lipstick ang cheeks? Ampula mo, Ina.” Natatawang
puna ni Ricca, tumawa naman ang mga classmates ko. Tapos yung mga mates kong
mga matatalino napapa-iling na lang pero halatang kinilig sila. Kahiya. (_ _)
“Game na!”
“Si Alyssa
muna ang isesave ko.” Sabi ko. At saka ako nag-sigh. Kaya ko toh.
Kumuha
ako ng pwersa yung pinaka-pwersa ko at tumakbo…
At
nag-jump na! Nakapikit ako pagkatapos mag-jump napaluhod kasi ako at naramdaman
kong sumabit yung goma sa paa ko. Sumablay ako. =(
Tapos
narinig ko na lang na may sumigaw….
“SHIT! ANG
TANGA KO! I-stop na naten itong game! Lecheng gomang yan!” S-si Marco
ba yun?
May
tumayo saken, ako naman nakapikit pa rin. Medyo natakot kase ako sa pagkakaupo
ko nung tumalon ako. Medyo sumakit yung tuhod ko dahil siguro dun sa impact ng
pagkakatalon ko.
Pagkatayo ko, may yumakap saken. o.O Napadilat ako dahil dun.
“Sorry!
Sorry, Ina. Hindi na tayo maglalaro ng goma-gomang iyan. Nasaktan ka tuloy.
Sorry talaga! Kasalanan ko ito eh.” T-totoo ba toh? Niyayakap ako ni Marco na
mahal ko?
O_____O
“Sorrry!
Sorrry Ina! May masakit ba sayo? Okay ka lang?” Napatango
lang ako.
“Sigurado
ka? Baka gusto mong pumunta muna sa may clinic, tara, sasamahan kita.” Hinawakan
nya ang mukha ko.
“M-marco,
Co..concern ka saken?”
Tanong
ko…
“Oo naman!
Mahal kaya kita!” Na-sigaw nya.
A-ako?
Mahal ? Niya?
Namula
ako. Tapos yung mga classmates namin tinutukso kami.
Dahil
sa saya ko, wala na akong pake kung tama ba yung narinig ko o hindi. Niyakap ko
siya.
“Mahal din
kaya kita!” Sabi ko at ramdam kong natigilan siya. Haha. Tumingin siya saken,
mukhang natataranta.
“Totoo? Wala
bang halong pang-aasar iyan? Baka sinasabi mo lang yan kasi sinabi ko sayong
mahal kita, baka naman napipi---“
Ano
ang ginawa ko?
I
kissed him.
And our love
story started with that game, the Chinese Garter. And this is our Chinese-Garter Love Story.
-Xoxo, InnocentPen!
--
Joycei's Note: Nagustuhan nyo po ba? <3 Feedbacks??
hahaha.. grabe!.. tawa lang ako ng tawa.. hahah.. ang saya!
ReplyDeletenakakatuwa naman! continue writing one-shot about kathniel! dito lang ako nakakabasa ng magaganda eh.
ReplyDelete